Fill out the form below to access the study guide. It includes reflection questions and discussion prompts to help you process the resource, apply it personally, or use it with your small group.
Fill out the form below to access the eBook version of this resource. You can read it at your own pace, revisit key sections, and use it for personal study or discipleship.
Ang Gentle and Lowly Study Guide ay dinisenyo upang mapahusay ang iyong pagbasa at pag-unawa sa libro ni Dane Ortlund na Gentle and Lowly: Ang Puso ni Cristo para sa mga Makasalanan at Nagdurusa. Sa pamamagitan ng ilang mga katanungan, gagabayan ka nito sa maliliit na bahagi ng libro, na tutulong sa iyo na dahan-dahang pagnilayan ang mga pananaw ni Ortlund tungkol sa puso ni Cristo na hango sa Bibliya at ilan sa mga pinakadakilang church theologians. Nawa ay gabayan ka ng booklet na ito sa librong Gentle and Lowly at, higit sa lahat, sa mas malalim na pag-unawa sa ating Panginoon na maamo at may mababang loob, at sa kanyang puso para sa iyo: “Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at lubhang nabibigatan sa inyong pasanin, at kayo’y bibigyan ko ng kapahingahan. Pasanin ninyo ang aking pamatok at matuto kayo sa akin sapagkat ako’y maamo at may mababang loob. Makakatagpo kayo sa akin ng kapahingahan” (Mat. 11:28–29).
Ang study guide na ito ay dinisenyo para gamitin sa small-group discussion o kaya ay sa personal na pag-aaral. Makikita ng mga small-group leaders na ang mga katanungan ay dinisenyo para sa maraming linggo ng pagninilay at paglago ng isa’t isa. Kahit ang mga gumagamit ng study guide na ito para sa personal na pag-aaral ay hinihikayat na makahanap ng makakasama sa pag-aaral upang magkatulungan sa paggamit ng materyal na ito. Sa gayon, lalong titindi ang pagpapahalaga sa puso ni Cristo habang nagpapalakasan ang kapwa mananampalataya.
Nawa’y biyayaan ka ng Diyos ng mismong presensya niya habang isinasagawa mo ang pag-aaral na ito.
Bilang karagdagang kagamitan sa pag-aaral, maaari mo ring gamitin ang Gentle and Lowly Video Study ni Dane Ortlund mula sa Crossway para sa personal na pag-aaral, discipleship, o small-group discussion.
Available on paperback: Gentle and Lowly: Ang Puso ni Cristo para sa mga Makasalanan at Nagdurusa