“Ang church ay nangangailangan ng isang matibay na ecclesiology (doktrina tungkol sa church) para tapat niyang magampanan ang misyong ibinigay sa kanya ng Diyos, at ang aklat na ito ay isang mahalagang babasahin para sa mga pastor na kabilang sa iba’t ibang mga denominasyon at mayroong iba’t ibang pilosopiya ng ministeryo.” // MATT CHANDLER, Senior Pastor, The Village Church
“Pagkatapos ngayon ng isang dekada ng cross-cultural ministry sa Middle East, ang pagkaunawa ko sa isang healthy church ay patuloy na hinuhubog at pinatatalim ng mga prinsipyo ng librong ito.” // JENNY MANLEY, Asawa ng pastor, United Arab Emirates; author, The Good Portion: Christ
“Iilan lamang ngayon ang nag-iisip nang higit o mas mahusay tungkol sa kung paanong ang isang church ay magiging biblical at healthy. Nagpapasalamat ako sa Diyos sa librong ito at sa ministries ng 9Marks.” // JOHN PIPER, Founder and Teacher, desiringGod.org; Chancellor, Bethlehem College & Seminary; author, Desiring God
“ Ang Siyam na Marka ng Healthy Church ang nagbalik sa akin sa Bibliya, isinentro ang puso ko sa kung ano dapat ang isang biblical church at ano ang dapat gawin nito. Natutuwa ako sa mga pagbabagong ginawa ni Dever sa nilalaman nito upang isaalang-alang ang dalawang iba pang mga marka na napabayaan din sa church ngayon: ang panalangin at ang pagmimisyon.” // MAURO MEISTER, President, Andrew Jumper Graduate Center, Brazil; Senior Pastor, Presbyterian Church Barra Funda; author, Law and Grace and The Origin of Idolatry
Si MARK DEVER (PhD, Cambridge University) ang senior pastor ng Capitol Hill Baptist Church sa Washington, DC, at president-emeritus ng 9Marks. Marami nang naisulat na libro si Dever at isa ring speaker sa mga conferences sa buong mundo. Naninirahan siya sa Washington, DC, kasama ang kanyang asawang si Connie, at mayroon silang dalawang anak.
Dimensions: 6 x 9 in.
Number of Pages: 366