Kahit ang pinakatapat at focused na Kristiyano ay maaaring dumaan sa panahon ng depresyon at espirituwal na kadiliman kapag ang kagalakan ay tila napakailap. Maaari itong mangyari dahil sa kasalanan, pag-atake ni Satanas, mabibigat na mga pangyayari, o kaya ay namamana at iba pang pisikal na kadahilanan. Sa kanyang libro na may pamagat na Sa Gitna ng Dilim, nilalayon ni John Piper na magbigay ng kaunting kaaliwan at gabay sa mga dumaranas ng espirituwal na kadiliman.