Kung ang mga churches ang lugar na pinananahanan ng Espiritu ng Diyos, bakit napakarami ang itinayo base sa mga strategies ng tao? Dahil sa kagustuhan para sa paglago ng church, maaaring maakit ang mga leaders ng mga entertaining at bagong schemes, na nakakalimutan na nilang panatilihin ang tamang doktrina bilang driving force. Dapat na makalaya ang mga churches sa mga programa at mga pamamaraang tila walang patutunguhan at mapagpakumbabang manangan sa kasapatan ng Salita ng Diyos.
Ang librong ito, Paano Magtayo ng Healthy Church, ay humahamon sa mga leaders na suriin ang kanilang motivations para sa ministeryo at nagpo-provide ng mga praktikal na halimbawa ng healthy at deliberate leadership. Isinulat bilang katambal na libro ng Siyam na Marka ng Healthy Church, tinatalakay nito ang mga mahahalagang paksa tulad ng membership, worship, responsible evangelism, at church roles. Higit pa ito sa isang step-by-step plan na maaaring gayahin; ito ay isang biblical blueprint para sa mga pastor, elders, at sinumang committed para sa kasiglahan at katatagan ng church.
*********************
“Ang Paano Magtayo ng Healthy Church ay simple at biblical. Walang binigay sina Dever at Alexander na mabilisang solusyon, walang bagong revelations; isa itong simpleng pagtawag sa atin sa ordinaryo at consistent na biblical Christianity.” // Chopo Mwanza, Pastor, Faith Baptist Church Riverside, Kitwe, Zambia
“Ang librong ito ay ang perperktong halimbawa ng kung ano dapat ang isang tunay na praktikal na libro patungkol sa kalusugan at paglago ng iglesya: nagbibigay ito ng konkretong gabay at halimbawa ng mga biblikal na panuntunan na inilalapat sa buhay at ministeryo ng lokal na kongregasyon.” // Ligon Duncan, Chancellor at CEO, Reformed Theological Seminary
**********************
Si MARK DEVER (PhD, Cambridge University) ang senior pastor ng Capitol Hill Baptist Church sa Washington, DC, at president-emeritus ng 9Marks (9Marks.org). Marami nang naisulat na libro si Dever at isa ring speaker sa mga conferences sa buong mundo. Naninirahan siya sa Washington, DC, kasama ang kanyang asawa na si Connie, at mayroon silang dalawang anak.
Si PAUL ALEXANDER (MDiv, Trinity Evangelical Divinity School) ay pastor ng Grace Covenant Baptist Church sa Elgin, Illinois, kung saan siya naninirahan kasama ang kanyang asawa na si Laurie, at ang kanilang anim na anak.
Dimensions: 5.5 x 8.5 in.
Pages: 336