Mga Tulong para sa Banal na Pamumuhay (Richard Rogers)

Richard Rogers

₱300.00

Mga praktikal na gabay at biblikal na pamamaraan upang lumago ang bawat Kristiyano sa kabanalan at pamumuhay na kalugod-lugod sa Diyos.

Book Description

Ang buhay‐Kristiyano ay hindi nagsimula nang walang mga paraan, kaya hindi rin ito maaaring lumago nang wala ang mga ito.

Nakakatakot minsan ang buhay‐Kristiyano, lalo na sa mundong salungat sa mga pamamaraan ng Diyos. Pero ang magandang balita: ang Diyos na tumatawag sa atin na maging banal ay siya ring nagtakda ng mga kapaki‐pakinabang

na paraan upang lumago tayo sa kabanalan. Sa Mga Tulong para sa Banal na Pamumuhay, ipinapakita ni Richard Rogers kung anu-ano ang mga paraan para sa kabanalan, inilalarawan ang likas na katangian ng mga ito, at ipinapaliwanag kung paano dapat gamitin ang mga ito. Nangako ang Diyos na magbibigay ng biyaya sa mga gumagamit sa mga paraang ito nang tama at may paggalang, at matutuklasan ng mga gumagamit nito nang may pananampalataya ang tunay na halaga ng mga ito.

“Ang payo sa librong ito ay kapaki‐pakinabang para sa mga Kristiyano—bata man sa pananampalataya o matagal nang lumalakad kay Cristo. Ipinapakita nito hindi lamang ang kakayahan ni Rogers na malinaw na ituro ang Bibliya, kundi pati ang pastoral concern niya na magbigay ng praktikal na gabay para sa araw‐araw na pamumuhay‐Kristiyano. Ang Mga Tulong para sa Banal na Pamumuhay ay kasinghalaga pa rin ngayon tulad noong unang lumabas ito noong 1603. Ngayon, salamat sa RHB at kay Brian Hedges, ang maka‐Diyos na si Richard Rogers, ‘bagaman patay na, ay nagsasalita pa rin’ (Heb. 11:4).” — Donald S. Whitney, professor of biblical spirituality and associate dean sa Southern Baptist Theological Seminary, Louisville, at may‐akda ng Spiritual Disciplines for the Christian Life

Si RICHARD ROGERS (1551–1618) ay isang English Puritan minister sa Wethersfield na nagtaguyod ng presbyterian church government at nag-encourage ng praktikal na kabanalan.

Share this resource