Bakit mahirap maging kuntento kapag ang dami‐dami mong pag‐aari?
Sa unang tingin, parang hindi naman kailangang turuan ang isang tao na maging kuntento kapag masagana ang buhay. Pero sa totoo lang, ang panahon ng kasaganaan at kayamanan ang madalas nagdadala ng pinakamalalakas na tukso na humihila sa puso natin palayo sa Diyos. Malinaw kay Jeremiah Burroughs na ang mga kayamanan ng mundong ito ay nakikipag-agawan sa ating pagmamahal kay Cristo at sinusubok nito ang ating pagkakuntento kay Cristo. Orihinal na inihanda bilang appendix ng The Rare Jewel of Christian Contentment, ang librong ito ay nagbibigay ng mahalagang konklusyon sa sermon series ni Burroughs sa Filipos 4:11–12: “Natutunan ko nang masiyahan, maging anuman ang aking kalagayan. Alam ko kung paano maghikahos; alam ko rin kung paano managana; natutunan ko na ang sikreto kung paano masiyahan sa anumang kalagayan sa buhay, ang mabusog o ang magutom, ang managana o ang maghirap.”
“Sa pagsusulat na may malalim na pastoral conviction at matalas na theological precision, si Jeremiah Burroughs ay maaasahang gabay sa napakahalagang paksa ng pagkakuntento—kung ano ang ibig sabihin ng magalak sa pamamahala ng Diyos bilang ama sa anumang kalagayan. Sa mahusay na pag-edit ni Phillip Simpson, ang Kasaganaan para sa Kaluwalhatian ng Diyos ay magiging pagpapala sa lahat ng naghahangad na matagpuan ang kanilang kasiyahan sa di-masukat na kayamanan ng Diyos.” — J. Stephen Yuille
Si JEREMIAH BURROUGHS (1599–1646) ay miyembro ng Westminster Assembly at isang kilalang preacher sa hanay ng mga Congregationalists. Ang ilan sa kanyang mga aklat ay muling inilimbag ng Soli Deo Gloria Publications.