Paano malalaman ng mga mananampalataya ang pagkakaiba ng hindi tunay na gospel at ng tunay na gospel? Hango sa personal niyang karanasan, inilatag ng pastor na si Sean DeMars ang apat na pangunahing elemento ng prosperity gospel at sinagot ang mga tanong tulad ng Biblikal ba ang prosperity gospel? at Nangangako ba ang Diyos sa akin ng masaganang buhay? Ang gabay na ito ay makakatulong sa mga mananampalataya na maunawaan ang tunay na gospel sa pamamagitan ng pagtuturo sa Bibliya, na nagpapakita kung paano binabaluktot ng prosperity gospel ang Salita ng Diyos at inililigaw ang mga tao mula sa isang biblikal na pagkaunawa sa ibig sabihin ng pagsunod kay Jesus. COVER/NO. OF PAGES: Paperback/ 61 DIMENSIONS: 4” x 7”