Sa librong ito, tutuklasin natin ang hiwaga at yaman ng Apostles’ Creed. Simple lang ito, maikli lang, at madaling kabisaduhin ng bata at matanda. Pero kahit simple ay may taglay itong hiwaga o mystery. Maikli lang ito pero napakayaman sa mga aral na gustong ituro sa atin. Narito ang kabuuan ng doktrina ng drama ng Bibliya, the Story of God from creation to life everlasting. Sabi ni Albert Mohler:
“Ang sinaunang confession of faith na ito ay ang Kristiyanismo. Ito ang pinaniniwalaan ng mga Kristiyano—ang pinaniniwalaan ng lahat ng Kristiyano…Ang kredong ito ay buod ng itinuturo ng Bibliya, isang salaysay ng pag-ibig ng Diyos na nagliligtas, at isang maikling pahayag ng basic Christianity.”
* * * * *
“Ang librong ito ay theologically sound, biblically grounded, historically informed, devotionally warm, practically relevant, at confessionally Protestant. Kung ikaw man ay bagong Kristiyano o seasoned-saint, ito ay para sa iyo.” — DR. JARED GARCIA
“Derick approaches the Creed with the experience and heart of a pastor and the mind of a scholar, ready to speak the faith afresh by studying the Scriptures and the best of Christian tradition. Take up and read!” — DR. STEPHEN PARDUE
“Isang aklat na talaga namang kailangan basahin ng bawat mananampalataya na nagnanais patatagin ang kanilang pananampalataya sa mga hindi nagbabagong katotohanan ng Bibliya.” — NICKY JOYA
* * * * *
Si DERICK PARFAN (ThM, Theological Studies, Asia Graduate School of Theology) ang leading pastor ng Baliwag Bible Christian Church sa Baliwag City, Bulacan, ang founder at executive director ng Treasuring Christ PH, at sumulat ng Five Solas, One Gospel. Siya ang asawa ni Jodi at daddy nina Daniel, Stephen, at Kyrie.
Dimensions: 5.5×8.5″
Number of pages: 235