Ang The Pilgrim’s Progress ay isang makapangyarihang pagsasalarawan ng buhay Kristiyano. Mula nang sinulat ni John Bunyan noong ika-17 siglo, naging isa na ito sa pinakakilalang Christian literature. Sa aklat na ito, susubaybayan natin ang paglalakbay ni Christian mula sa City of Destruction patungo sa Celestial City—isang larawan ng ating sariling paglalakbay sa pananampalataya.