Sapagkat sino sa langit ang maihahambing sa Panginoon?
Sino sa mga nilalang sa langit ang gaya ng Panginoon?
Awit 89:6
Mula sa pahayag ng mang-aawit na walang sinuman sa langit o sa lupa ang katulad ng Diyos, hinango ni George Swinnock ang kanyang pangunahing doktrina—na ang Diyos ay walang kapantay. Sa Ang Diyos na Walang Kapantay, pinatunayan niya ang doktrinang ito sa pamamagitan ng pagpapakita ng pagiging walang kapantay ng Diyos sa kanyang pagka-Diyos, mga katangian, mga gawa, at mga salita. Si Swinnock ay isang pastor-theologian na nakikita ang theology bilang paraan upang mas makilala natin ang Diyos at, bilang bunga, mas lumago tayo sa kabanalan. Kaya’t maingat niyang inilalapat ang kanyang doktrina sa pamamagitan ng pagpapakita kung paanong ang pagiging walang kapantay ng Diyos ay nagbibigay ng gabay, payo, at kaaliwan sa atin. Habang binabasa mo ang librong ito, mag-pray ka, mag-isip na mabuti, at mag-expect, na isinasaalang-alang ang simpleng conviction ni Swinnock: “kapag ang Diyos na pinanghahawakan natin ay ang walang kapantay na Diyos, taglay natin ang walang kapantay na pagpapala.”
“Sumulat ang Puritan na si Stephen Charnock ng isang napakalaking aklat tungkol sa existence at mga katangian ng Diyos, ngunit dahil sa laki nito, maraming Kristiyanong may mabuting hangarin ang natatakot basahin ito. Ngunit ang aklat na ito, mula sa Puritan na si George Swinnock, ang mismong kailangan upang ipakilala sa mga anak ng Diyos ang Diyos na walang kapantay. Sabik na akong ibahagi ang librong ito sa church namin.” — Mark Jones, pastor ng Faith Presbyterian Church, Vancouver, British Columbia, at coauthor ng A Puritan Theology
Si GEORGE SWINNOCK (1627–1673) ay isang English Puritan na kilala sa kanyang maliwanag na mga paglalarawan ng katotohanan ng Bibliya. Ang kanyang kumpletong mga isinulat ay muling inilimbag sa limang volumes ng Banner of Truth Trust.