Habang pinapakinggan natin ngayon ang kuwento ng paglikha kay Adan, pakinggan natin ito na iniisip na lahat tayo ay nanggaling kay Adan hindi lang biologically, kundi siya bilang representative of all humanity. Kaya nga ang kuwentong ito ay kuwento nating lahat. At ito ang kuwentong hindi si Adan, hindi ang sinumang tao, ang bida. Ito ang kuwentong Diyos ang Bida.
Genesis 2:1-3 • Ang Pahinga
Sa Diyos lang natin matatagpuan ang tunay na kapahingahan—sa pamamagitan ni Cristo na ating Tagapagligtas, ang ating tunay na kapahingahan. Kaya, alalahanin mong sa gawa ng Diyos hindi sa gawa mo nakasalalay ang lahat sa buhay natin, at tatapusin ng Diyos ang gawang sinimulan niya dahil sa natapos nang gawa ni Cristo sa krus para sa ‘yo.
Genesis 1:26-31 • Ang Tao
Ang paglikha ng Diyos sa Genesis 1 ay nagkaroon ng greater fulfillment sa new creation na isinilang sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Jesus. Anumang kaguluhan o disorder o chaos o hindi pa ayos sa buhay natin ngayon, we look forward to that day na tayo rin ay muling bubuhayin na tulad ni Cristo.
Genesis 1:3-25 • Ang Nilikha
Ayon sa sagot ng New City Catechism sa ikalimang tanong tungkol sa nilikha ng Diyos: “Nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay sa pamamagitan ng makapangyarihan niyang Salita, at ang lahat ng nilikha niya ay napakabuti; at ito ay nagbunga (flourished) sa ilalim ng kanyang mapagmahal na pamamahala.”
