The Shepherd and the Flock (1 Peter 5:1-7)

Sa ministry nating mga pastors-elders, ang pinakamahalaga ay hindi yung sakripisyong ginagawa natin para sa church. This is not about us, our story, and our glory. This is about Jesus, his story and his glory. Kaya nga ang tawag sa kanya “Chief Shepherd.” Siya ang ating “Good Shepherd” and “Great Shepherd” na nag-alay ng kanyang buhay para sa atin at patuloy na nagmamahal sa atin. He will never fail us. He will never disappoint us.

Part 5 – Ang Tunay na Kagandahan

Wala namang masamang maghangad ng kagandahan, and I believe it is part of God-given desire sa mga babae na nilikha ng Diyos ayon sa kanyang larawan. To desire beauty is to reflect the image of God our Creator, na ang nilikha niya ay talaga namang napakaganda. Anumang good desire kapag ginagawa nating pinakamahalaga, na-iidolize natin. Sa halip na ang Diyos ang mabigyan ng karangalan, in desiring beauty you desire to draw attention to yourself. Kaya ang sabi ni Peter sa mga babae, magkaroon sila ng tamang priority when it comes to beauty. “Do not let your adorning be external—the braiding of hair and the putting on of gold jewelry, or the clothing you wear” (1 Peter 3:3).