Bukas na ang eleksiyon. Karamihan sa atin ay boboto at magdedesisyon kung sino ang iboboto. Pero tulad ng napag-usapan natin … More
Tag: Philippine National Election
Ang Puso sa Pagboto
Sa tingin ko, bukod sa pag-usapan natin kung sino ang iboboto, may mas mahalagang tanong na akma sa atin. Paano ako boboto? O, ano ang kalagayan ng puso ko sa pagboto o pagpili ng iboboto? Kung tutuusin kasi, di naman natin hawak ang puso at buhay ng mga kandidatong iyan. And we are not responsible for their actions. Pero ang may pananagutan tayo ay sa sarili nating puso, sarili nating karakter. Sa panahon bang ito ng eleksiyon, nakikita sa atin ang tunay na katangian ng isang tagasunod ni Cristo? O katulad din tayo ng karaniwang mga Filipino?
Sa pagboto, anu-anong katangian o kalagayan ng puso ang dapat na makita sa atin?