Sermon: “Killing Sin” (Rom. 8:12-13)

Itong coronavirus ay malaking problema at kailangan ng solusyon, kailangang maging maingat tayo. Pero, wag nating kalimutan na meron tayong mas malaking problema. Hindi yung sakit na nitong taon lang kumalat, kundi yung sakit na sa simula't simula pa ay nasa atin na. Hindi yung sakit na may posibilidad tayong mahawa, kundi yung sakit na nasa atin na. Ang tinutukoy ko ay walang iba kundi ang kasalanan. As Christians, paano natin lalabanan at papatayin ang mga natitira pang kasalanan sa buhay natin?

Patayan ang Labang Ito! (Col. 3:5-11)

Meron tayong totoong laban sa buhay, at ito ang dapat nating pagtutuunan ng panahon. Lahat tayo may nilalabanan pang kasalanan. Sa iyo, ano? At paano ka lalaban? Oo, patayan ang labang ito. Pero ano ang sandata mo sa labang ito? Wala akong steps na sasabihin sa inyo. Ang ipapaalala ko lang, tandaan mong nasa iyo na ang sandatang ito dahil nasa iyo si Cristo. Mapapatay mo lang ang kasalanang iyan - kahalayan, kasakiman, galit, hinanakit, kasinungalingan - kung paniniwalaan mong ang kayamanang hinahanap mo, pati kasiyahan at kabuluhan sa buhay, di mo makukuha sa ibang tao o sa sex o sa pera o sa popularity o sa approval ng ibang tao. Kay Cristo lang matatagpuan. Hangga't di mo pinaniniwalaan nang lubos na kay Cristo lang ang buhay mo ay walang kulang, kumpleto na, mahihirapan ka sa laban sa kasalanan.

A WordPress.com Website.

Up ↑

%d bloggers like this: