Kapag ibang gospel na ang pinaniwalaan mo, yun ay paglayo rin sa Diyos at kay Cristo. Hindi mo pwedeng sabihin na ang mahalaga “close” naman kayo ni Jesus, kahit na mali naman yung gospel na pinaniniwalaan mo. You cannot separate the person of Christ from the message and work of Christ. Kaya nga mahalaga na we get the gospel right. Meron pa bang ibang gospel? Sabi ni Paul, wala namang ibang gospel, isa lang (1:7). So, if you get the gospel wrong, everything else in your life will go wrong.