Mahalagang maunawaan ang gospel. Kung ang pagliligtas ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo ang pinakamahalagang pangyayari sa kasaysayan—at sa buhay natin—mahalagang palaging marinig, mahalagang palaging alalahanin, mahalagang balik-balikan, mahalagang tiyakin natin na hindi natin ‘to makakalimutan. Meron kasi tayong sakit na tinatawag na “gospel amnesia.”