Sino si Jesus? (Study Guide)

Contents

Preface

  1. Ano sa Palagay Mo?                                                              
  2. Isang Pambihirang Tao, at Higit Pa
  3. Hari ng Israel, Hari ng mga Hari
  4. The Great “I Am” . . .                                                     
  5. . . . Ay Katulad Natin                                               
  6. Ang Tagumpay ng Huling Adan
  7. Kordero ng Diyos, Handog Para sa Tao
  8. Buháy at Naghaharing Panginoon

Panghuling Salita: Sino Siya Para sa Iyo?


Preface

Ang kabuuan ng Gospel of Matthew ay nakabatay sa iisang tanong. Tinuruan ni Jesus ang kanyang mga disciples tungkol sa maling katuruan ng mga Pariseo at Saduceo. Sinabi niya, “Mag-ingat kayo sa kanila.” At pagkatapos ay tinanong niya ang kanyang mga disciples: “Sino raw ang Anak ng Tao, ayon sa mga tao?” (Mat. 16:13)

Sinabi nila na may nagsasabing siya si Juan na Tagapagbautismo o si Elias o Jeremias o isa sa mga propeta. Pagkatapos ay tinanong ni Jesus ang tanong na bumabago sa lahat: “Ngunit para sa inyo, sino ako?” (Mat. 16:15). Siyempre, sumagot si Pedro. At sa pagkakataong ito ay tama na ang sagot niya: “Kayo po ang Cristo, ang Anak ng Diyos na buháy.” (Mat. 16:16).

Sa puntong ito, sinabi ni Mateo, na sa wakas ay nagsimula si Jesus na ipaliwanag sa kanyang mga disciples na siya ay mamamatay at muling mabubuhay. Mula sa  puntong ito, lahat ng bagay ay magbabago. Bakit? Dahil wala nang mas mahalagang katanungan kaysa sa tanong na “Sino si Jesus?”

Isinulat ni Greg Gilbert ang librong Sino si Jesus?  upang matulungan ang mga babasa nito na sagutin ang napakahalagang tanong na ito. Sinulat namin ang study guide na ito para gabayan ka sa pagbabasa ng kanyang libro. Simple lang ang structure; at hindi ganoon kataas ang goals. Isa lamang itong simpleng pagtingin sa bawat chapter ng libro, para mapilitan kang magdahan-dahan at pag-isipang mabuti ang iyong binasa.

Para kanino ito? Ang sinumang Kristiyano ay makikinabang mula sa libro ni Greg Gilbert at sa study guide na ito. Nangangako kami na pag-aalabin nito ang iyong pag-ibig kay Jesus, kahit alam mo na ang sagot sa mahalagang katanungang ito. Pero higit pa riyan, ang librong Sino si Jesus? ay para sa mga tao na hindi alam ang sagot sa tanong na ‘yan. Ibig sabihin, ang librong ito—at, kung loloobin ng Panginoon, ang study guide na ito—ay nakadisenyo na maging evangelistic tool. Hindi exclusively pero yun ang pangunahing layunin.

So paano mo gagamitin ang study guide? Para sa ‘yo lang ba? Puwede. One-on-one ba? Puwede rin. Sa small groups? Oo naman! Sa madaling salita, hindi naman na mahalaga kung paano. Umaasa kami na ang mga nakatatandang miyembro ng church ay gamitin ito para i-disciple ang mga bagong Kristiyano, at ang mga Kristiyano na ay gamitin ito para ibahagi ang gospel sa kanilang mga kaibigan at pamilya. At baka higit pa riyan, hindi natin alam. Gamitin mo ito sa kung paano mo ito nais gamitin. Ang Panginoon ay napararangalan kapag nakatuon ang isip at puso ng kanyang mga anak sa kanyang Anak na si Jesus.

Nawa ay magkaloob ang Diyos ng maraming mata na makakita, mga tainga na makarinig, at mga pinalambot na puso upang pagmasdan ang kaluwalhatian ng Diyos sa mukha ni Jesus.

Alex Duke
September 2020


1 Ano sa Palagay Mo?

Summary

Ang tanong na “Sino si Jesus?” ay maaari nang maituring na pinakamahalagang tanong sa lahat. At ang pinakamagandang lugar na puntahan para mapag-isipan mong mabuti ang tanong na ito ay ang mga pahina ng Banal na Kasulatan.

Key Texts

  • Juan 10:30
  • Juan 14:6

Discussion Questions

  1. Sa iyong sariling mga salita, sino si Jesus?
  2. Ang Bibliya ay isang historical document at ito rin ay Salita ng Diyos (pp. 21–23). Pinaniniwalaan mo ba ang dalawang statements na ‘to? O isa lang dito? Bakit o bakit hindi?
  3. Binabasa natin ang Bibliya para matuto tungkol kay Jesus. Paano tayo nakakatiyak na ang Bibliya ay isang maaasahang pahayag ng isang saksi (Tingnan ang pp. 22–24)
  4. Sinabi ng author na ang tanong na “Sino si Jesus?” ang pinakamahalagang tanong na dapat mong pag-isipan (p. 26). Bakit?

2 Isang Pambihirang Tao, at Higit Pa

Summary

May ilan na nagsasabing si Jesus ay isa lamang ordinaryong tao, o isa lamang religious teacher. Ngunit ang ganito bang pahayag ay mapapatunayan kapag sinuring mabuti? Hindi. Kapag ikaw ay nag-focus sa ministry ni Jesus­—sa kanyang pagtuturo at paggawa ng mga himala—at sa response na nakuha ng kanyang ministry, imposibleng sabihin na si Jesus ay isa lamang religious teacher.

Key Texts

  • Genesis 1:26–28
  • Mateo 5–7
  • Mateo 22:15–46
  • Juan 11:1–44

Discussion Questions

  1. Noong panahon ni Cristo, paano nag-respond ang mga tao sa kanyang katuruan? Ano ang maaaring ituro sa atin ng kanilang mga naging tugon tungkol sa kung sino si Jesus?
  2. Basahin ang Mateo 22:15–46. Ano ang nalaman mo tungkol sa naging pagtrato ng mga religious leaders noon kay Jesus? Ano ang nakapukaw ng iyong pansin tungkol sa katuruan ni Jesus?
  3. Mayroong koneksyon sa pagitan ng itinuro ni Jesus sa Mateo 22:15-22 at ng unang chapter sa Bible, partikular na ang Genesis 1:26–28 (tingnan ang p. 36.) Ano ito? Paano nakatulong ang mga talatang ito sa Genesis 1 para maunawaan mo na hindi tungkol sa buwis ang tinutukoy ni Jesus sa Mateo 22?
  4. Ano ang kinalaman ng mga ginawang himala ni Jesus sa kanyang pagpapahayag na siya ay Diyos? (Tingnan ang pp. 37–38.)
  5. Malinaw na sinasabi sa Kasulatan na si Jesus ay nagturo nang may awtoridad at nagpakita ng mga himala. Pero hindi ito natapos doon. Sinabi rin sa Kasulatan kung bakit ito ginawa ni Jesus. Gamitin natin na dalawang halimbawa ang Sermon on the Mount (ang pinaka-kilalang pagtuturo ni Jesus) at ang muling pagkabuhay ni Lazaro (marahil ang pinakakilalang himala na ginawa ni Jesus). Bakit ginawa ni Jesus ang dalawang bagay na ito sa Mateo 5–7 at Juan 11:1–44? (Tingnan ang pp. 39–41.)

3 Hari ng Israel, Hari ng mga Hari

Summary

Ang Lumang Tipan ay punô ng mga hari: David, Solomon, Ahaz at iba pa. Ito ay punô rin ng mga propesiya tungkol sa isang hari na inaasahang darating isang araw at maghahari magpakailanman nang may perperktong katuwiran. Noong panahon na nagpakita na si Juan na Tagapagbautismo, ang paghihintay sa parating na hari ay nagiging malinaw na, at nagsimula nang magtanong ang mga tao: Siya ba ay darating na sa wakas?

Key Texts

  • Exodo 4:22–23
  • 2 Samuel 7:14
  • Mateo 3
  • Mateo 16:13–20
  • Lucas 19:37–40
  • Isaias 9
  • Isaias 11
  • Mikas 5

Discussion Questions

  1. Iniisip mo ba na si Jesus ay isang hari? Kung oo, anong uri siya ng hari sa palagay mo?
  2. Ano ang mensahe ni Juan na Tagapagbautismo tungkol kay Jesus? At ano ang nararapat na tugon dito? (Tingnan ang pp. 45–46.)
  3. Matapos mabautismuhan si Jesus, bumukas ang langit at sinabi ng Diyos Ama, “Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan!” (Mateo 3:17). Bakit mahalaga ito? Ano ang kinalaman nito sa pagiging hari ni Jesus? (Tingnan ang pp. 47–51.)
  4. Kung talagang si Jesus ay isang hari, bakit may mga pagkakataon na tumatanggi siya na tawaging hari? Bakit minsan naman ay kanya itong kinikilala? (Tingan ang pp. 48–49.)
  5. Ang author ay naglaan ng maraming panahon sa chapter na ito sa pagkukuwento ng kasaysayan ng Israel at ng mga hari nito (pp. 52–57.) Bakit mahalaga na maunawaan ito? Ano ang natutunan mo?
  6. Ang Lumang Tipan ay punô ng mga nakagugulat na salita tungkol sa parating na hari. Anong uri ng hari ang makikitang inaasahan mula sa mga talata katulad ng Isaias 9, Isaias 11 at Mikas 5? (Tingnan ang mga pahina 55–57.)

4 The Great “I Am” . . .

Summary

Sa mga panahon ngayon, karaniwan na para sa mga matatalinong tao na sabihing si Jesus ay hindi Diyos, ngunit isa lamang matalinong guro o makapangyarihan na tagapahayag o basta iba pang katulad na pagkilala. Ang ganito bang mga pahayag ay mapapatunayan kapag sinuri nang mabuti? Kung titingnan ang mga datos, mayroon bang sense ang ganitong mga paniniwala?

Key Texts

  • Exodo 3:14
  • Awit 93:4
  • Mateo 8:23–27
  • Mateo 14:22–33
  • Marcos 4:35–41
  • Juan 8:48–59

Discussion Questions

  1. Basahin ang Marcos 4:35–41. Ano ang ikinagulat ng mga disciples tungkol sa tugon ni Jesus? Ano ang sinasabi nito sa atin tungkol sa kanilang iniisip tungkol sa pagiging Diyos ni Jesus? (Tingnan ang pp. 61–62.)
  2. Sa Mateo 14:22–33, si Jesus ay lumakad sa tubig. Kahit iyon ang pinakahindi malilimutang bahagi ng tekstong ito, ang sinabi ni Jesus ay mahalaga rin upang maunawaan ang kalagahan ng mga pangyayari. Ano ang sinabi ni Jesus? At bakit napakahalaga nito? (Tingnan ang pp. 64–66.)
  3. Mayroon ka na bang narinig na nagsabing “Kahit kailan ay hindi sinabi ni Jesus na siya ay Diyos”? Bakit ang pahayag na iyan ay talaga namang katawa-tawa? (Tingnan ang pp. 68–70.)
  4. Paano natin nalaman na ipinahahayag ni Jesus ang kanyang pagkakakilanlan sa Juan 8:58? Anong clue ang nagpakita nito? (Tingnan ang p. 70.)
  5. Noong si Jesus ay tinatawag ang kanyang sarili o kinikilala bilang “Anak ng Diyos,” iyon ba ay pagkuha o pag-angkin lamang ng isang titulo? Ano pa ang ibang tinutukoy niya? (Tingnan ang pp. 71–72.)
  6. Sa itaas na bahagi ng page 73, ang author ay naglista ng tatlong bagay na itinuro ni Jesus tungkol sa relasyon niya sa kanyang Ama. Tingnan mo ang bawat footnoted references (Marcos 12:29; Lucas 12:10; Juan 5:18; 8:58; 14:16–17) at pagkatapos ay maglaan ka ng sandali para mag-reflect sa doctrine of the Trinity. Isulat mo ang iyong reflections sa ibaba.
  7. Sinulat ng author na, “Sa simulang maunawaan mo na si Jesus nga ay Diyos, na ang relasyon niya sa Diyos Ama ay bukod-tangi at walang katulad, mauunawaan mo rin na kailangan mo talagang makilala si Jesus kung gusto mong makilala ang Diyos na lumikha sa iyo. Walang ibang paraan para mangyari ito” (p. 74). Pinaniniwalaan mo ba ito? Nakikilala mo ba ang Diyos sa pamamagitan ni Jesus o sa ibang paraan? Anong “ibang paraan” ang pinaka-attractive para sa ‘yo?

5 . . . Ay Katulad Natin

Summary

Napakahalagang maunawaan natin na si Jesus ay totoong tao, dahil ibig sabihin nito ay hindi lang siya isang bisita sa ating mundo. Para tayong mga tao ay maligtas, kailangan natin si Jesus na mamuhay hindi lamang sa ating mundo, kundi sa ating laman.

Key Texts

  • Lucas 4:1–13
  • Lucas 7:1–17
  • Juan 11

Discussion Questions

  1. Ano ang itinatanggi ng mga Docetists? Bakit mahalaga ito? (Tingnan ang p. 75.)
  2. Sa bandang itaas ng page 77, sinabi ng author, “Mahalagang maintindihan natin na si Jesus ay naging tao talaga, dahil ang ibig sabihin noon ay hindi lang siya isang bisita sa mundo natin.” Pero bakit tila pinahihiwatig na hindi maganda o hindi tama na tayo ay bisitahin ni Jesus? Bakit ang isang “pagbisita” mula kay Jesus ay hindi naman kung ano ang talagang kailangan natin?
  3. Ano ang tawag ng mga Kristiyano sa pagiging ganap na tao ni Jesus? Bakit napakahalaga ng adverb (pang-abay) na ganap kapag inilalarawan ang pagiging tao ni Jesus? (Tingnan ang p. 77.)
  4. Sandali kang huminto at pag-isipang mabuti hindi lamang ang pagiging tao ni Jesus sa kasaysayan. Pag-isipan mo ring mabuti ang kanyang pagiging tao nang magpasawalang-hanggan. (Tingnan ang pp. 78–79.) Napag-isipan mo na ba ang katotohanan na si Jesus ay hindi lamang “naging” tao, kundi siya ay tao ngayon sa mismong oras na ito—ngayon at magpakailanman? Paano nito maaaring mabago kung ano ang iniisip mo tungkol kay Jesus?
  5. Anong uri ng tao si Jesus? Saan sa Kasulatan ka pupunta para masagot ang tanong na ito? (Tingnan ang pp. 79-81.)
  6. Okay, so si Jesus ay naging tao. Pero bakit? (Tingnan ang pp. 81–83.)

6 Ang Tagumpay ng Huling Adan

Summary

Noong si Jesus ay naparito sa mundo, siya ay naghayag ng giyera laban sa pinakamatagal na niyang kalaban: si Satanas. Ang kanilang labanan ay hindi lamang maliit o simpleng hidwaan, kundi ang panghuling labanan sa isang giyera na nagaganap na sa simula pa lamang ng kasaysayan. Para makita ito, kailangan nating bumalik sa panimula ng kasaysayan, at tingnang mabuti kung paanong ang mga pangyayari sa Genesis 1–3 ay nakakonekta sa misyon at ministeryo ni Jesus.

Key Texts

  • Genesis 3
  • Ezekiel 28
  • Isaias 14:12–14
  • Roma 5:18–19

Discussion Questions

  1. Mukha namang kilala ni Satanas kung sino talaga si Jesus. Kung ganoon, bakit tinukso niya pa rin ito?
  2. Malinaw ang Bible na si Satanas ay hindi “anti-God” (p. 91). Ngunit paano ba siya inilalarawan sa Bible? Ano ang mga katangian niya? Saan siya nagmula?
  3. Paano mo ihahalintulad ang sagot sa naunang tanong sa iyong mga sariling kaisipan tungkol sa kung sino si Satanas, at ang kanyang mga katangian? Paanong ang mga kaisipang ito ay maaaring higit na mabigyang-hugis ng kultura kaysa ng Kasulatan?
  4. Ang chapter na ito ay naglaan ng medyo mahabang panahon sa pagkukuwento ng mga pangyayari sa Genesis 1–3. Bakit mahalaga ang mga chapters na ito? Ano ang natutunan mo sa mga ito?
  5. Paanong ang panunukso ni Satanas sa Genesis 3 ay hindi lamang isang imbitasyon na kumain ng isang bunga, ngunit isang “pag-atake…plinano para wasakin ang lahat ng ginawa ng Diyos sa hardin” (p. 98)?
  6. Ilarawan ang nakapipinsalang epekto ng pagkakasala sa mundo. (Tingnan ang mga pages 102–104.) Ganito mo rin ba nakikita ang mundo?
  7. Ano ang kinalaman ng pagkakasala ni Adan sa buhay mo? Sa tingin mo ba ay unfair ito?
  8. Paanong si Jesus ang kasagutan sa mga problema na pumasok sa mundo na nakasulat sa Genesis 1–3?
  9. Bakit hindi naging sapat ang perpektong buhay ni Jesus? Bakit hindi natapos doon ang kuwento ng Bibliya?

7 Kordero ng Diyos, Handog Para sa Tao

Summary

Ang simpleng historical fact na may isang taong nagngangalang Jesus ang nabuhay at namatay ay hindi naman ganoon ka-kontrobersyal. Ang higit na mahalagang katanungan ay kung bakit namatay si Jesus. Ang Bible—mula sa umpisa hanggang katapusan, mula sa Genesis hanggang Pahayag, mula sa hardin ng Eden hanggang sa Hardin ng Gethsemane—ay ipinaliliwanag ang sagot sa tanong na ito.

Key Texts

  • Exodo 11:1–7
  • Exodo 17
  • Isaias 53
  • Mateo 26:17–29, 36–46
  • Juan 1:29
  • Roma 6:23

Discussion Questions

  1. Paanong ang sistema ng paghahandog ng mga Judio ay naihanda tayo para maunawaan si Jesus bilang Kordero ng Diyos? (Tingnan ang pages 112–118.)
  2. Sa page 112, isinulat ng author, “Ang dahilan kung bakit kamatayan ang ipinataw ng Diyos sa kasalanan ay dahil iyon ang pinakaakmang parusa rito at iyon ang pinakatamang gawin niya.” Sang-ayon ka ba sa pahayag na ito? Bakit o bakit hindi?
  3. Paanong ang kamatayan ni Cristo ay “napakagandang larawan ng matuwid na hustisya ng Diyos at ng kanyang habag” (p. 114)?
  4. Ang ikasampu at panghuling salot sa Egipto ay kakaiba dahil maaaring manganib din dito ang mga Israelita. Ano kaya ang maaaring itinuturo ng Diyos sa kanyang mga mamamayan sa pamamagitan nito? (Tingnan ang pp. 117–118.)
  5. Basahin ang Exodo 17 at Isaias 53. Sa paanong paraan ang mga talatang ito ay ina-anticipate o hinihintay ang gagawin ni Jesus?
  6. Pagkatapos mong basahin ang chapter na ito, paano mo sasagutin ang isang tao kung magtanong’ sa ‘yo ng “Bakit nagpabautismo si Jesus?” (Tingnan ang pp. 123–124.)
  7. Si Jesus ay “nagpatirapa at nanalangin, ‘Ama ko, kung maaari po, ilayo ninyo sa akin ang kopang ito ng paghihirap. Ngunit hindi po ang kalooban ko, kundi ang kalooban ninyo ang mangyari’” (Mateo 26:39). Ano ang sagot ng Ama sa sinabing ito ng kanyang Anak? (Tingnan ang p. 127.)
  8. Sa anong mga paraan ang pagkapako kay Jesus ay “hindi pangkaraniwan”? (Tingnan ang pp. 130–133.)

8 Buháy at Naghaharing Panginoon

Summary

Ang muling pagkabuhay ni Jesus ang turning point ng history. Sa chapter na ito, ikinuwento ng author ang mga pangyayari sa pagitan ng huling sandali ni Jesus at ng unang pagkakataon na na-realize ng mga disciples na buháy si Jesus. Lahat ay kailangang kilalanin ang biblikal na kapahayagang ito dahil kung ito ay totoo, hindi maaari na ang tugon mo kay Jesus ay pagsasawalang bahala.

Key Texts

  • Marcos 16:1–7
  • Juan 20
  • Gawa 1:9–11
  • 1 Corinto 15:14–19

Discussion Questions

  1. Paano kaya ang naging itsura ng Sabadong iyon para sa mga disciples—ang araw matapos ang kamatayan ni Jesus ngunit bago ang kanyang muling pagkabuhay?
  2. Ang tanong na “Talaga bang si Jesus ay muling nabuhay mula sa mga patay?” (p.143) ang pinakamhalagang tanong sa buong kasaysayan. Bakit?
  3. Bakit napakahalaga ng pag-akyat ni Jesus sa langit? (Ting-nan ang pp. 148–149.)
  4. Kung talagang si Jesus ay nabuhay mula sa mga patay, kung siya talaga ay ang sinasabi niya na kung sino siya, ano ngayon ang gagawin natin?
  5. Sa iyong mga sariling salita, ano ang ibig sabihin ng “maniwala” o “manampalataya” kay Jesus?
  6. Kung ikaw ay maniniwala kay Jesus, anong mabubuting bagay ang kasunod na mangyayari? (Tingnan ang pp. 151–152.)
  7. Ano pang ibang aksyon o paggawa ang kaakibat ng tunay na paniniwala? (Tingnan ang  pp. 153–154.)

Panghuling Salita: Sino Siya Para Sa Iyo?

Summary

Si Jesus ay buháy. Handa ka na bang tumugon? Kaunti na lamang ang iyong panahon na tanggapin ang imbitasyon ni Jesus na tanggapin ang kanyang habag bago pa ito lumipas.

Key Text

  • Hebreo 9:27

Discussion Questions

  1. Tayo ay magtatapos sa tanong na siyang nag-umpisa ng pag-aaral na ito: Sa iyong mga sariling salita, sino si Jesus?
  2. Kung nagbago ang sagot mo sa naunang tanong, bakit ito nagbago?
  3. Kung ang sagot mo sa unang tanong ay iba pa kaysa “aking Tagapagligtas at Hari,” ano ang pumipigil sa iyo? Ano pang mga tanong ang meron ka? Anong partikular at praktikal na hakbang ang maaari mong gawin para i-address ang mga tanong na ito?