Sending Help

March 24, 2013  |  By Derick Parfan  |  Scripture: Acts 11:19 – 12:24

Listen now…

Download  sermon audio

Breaking Selfish Hearts

The greatest threat to our church’s mission is not persecution or any outside problem. But a selfish heart. The problem is not outside, but inside of us. Malinaw na gusto ng Diyos na lahat tayo ay may bahagi sa misyon niya. Pero kung nagrerespond tayo doon sa paraang ang dami-dami nating mga excuses, it reveals selfishness sa heart natin. Bakit? Nakikita ang selfishness sa heart natin kapag sinasabi natin, “Wala akong oras para diyan. Wala akong oras para sa kanila.” “Pagod na ko. Magpapahinga na lang ako.” “Wala na akong matitirang pera. Dami ko pang kailangang bilhin at bayaran. Next time na lang. Magpray na lang ako.” Kahit sa prayer life natin, “Tulungan mo ako, Lord. Bigyan mo ako nito…”

Obviously, there’s a problem sa puso ng bawat isa sa atin. Kasama ako doon. At ang nakikita kong ginagawa ng Diyos sa church natin ay inihahanda ang bawat isa sa atin sa kanyang “global mission” – iyon bang makita ng maraming tao sa iba’t ibang bansa kung sino ang Diyos na Lumikha, Nagbibigay, Nagliligtas, at Naghahari. And for us to be effective witnesses of his kingdom, we must get rid away of selfishness from our hearts.

Throughout the story dito sa book of Acts, ito ang nakikita nating ginagawa ng Diyos. Kaya nga ipinadala niya ang Holy Spirit sa atin para unti-unti tayong baguhin at maging tulad ni Jesus – the most selfless man the world has ever known. He came not to be served but to serve and give his life as a ransom for many (Mark 10:45). Walang selfishness sa kanya. Ang sa kanya ay ibigay kung ano ang kailangan natin, sariling buhay man niya ang maging kapalit. At gusto niya lahat ng mga tagasunod niya ganoon din.

Kaya nga ganoon ang makikita nating ginagawa ng Diyos sa church sa Acts. Hindi ba’t simula pa lang nakita na nating they were sharing life together? Sama-sama silang kumakain sa bahay-bahay. Hindi nila itinuturing ang mga possessions nila na sa kanila lang, kundi kung kailangan ng mga kapatid nila, ibinabahagi nila. Meron pa ngang ilan sa kanila na ibinebenta ang lupa’t bahay para ipamigay sa mga mahihirap. Hindi ba’t ganoon ang ginawa ni Barnabas? Pati sariling buhay nila ibibigay nila para ang mga kababayan nilang Judio ay makakilala din kay Jesus. Hindi ba’t ganoon ang ginawa ni Stephen? Si Saulo naman, na dating umuusig at nagpapakulong at nagpapapatay sa mga Christians noon, ay tinawag ng Diyos, para siya naman ang magbigay ng buhay para sa mga hindi Judio. Ang paghahatid ng blessing ng Panginoon sa mga hindi Judio ay hindi madali para sa mga Judio kasi naging selfish na sila at akala nilang ang blessing na ipinangako kay Abraham noon ay para sa kanila lang. Kaya nagbigay ng vision ang Diyos kay Peter para magsimula na silang abutin ang mga hindi Judio at ikalat ang mabuting balita ni Cristo sa iba’t ibang lahi sa buong mundo. God is obviously at work breaking the selfishness of the hearts of his children to be his effective witnesses to the world.

The Church in Antioch

Pakinggan n’yo kung ano ang nangyari sa Acts 11:19-30:

Samantala, ang mga tagasunod ni Jesus na nangalat noong panahong inuusig sila pagkatapos mamatay si Esteban ay kung saan-saan pumunta. Ibinalita ng karamihan sa kanila ang tungkol kay Jesus sa ibang mga kapwa nila Judio. Pero may ilan din na pumunta sa Antioch at ibinalita ang tungkol kay Jesus pati sa mga hindi Judio. Dahil sa kapangyarihan ng Diyos, maraming mga tao roon ang tumanggap sa mensaheng narinig nila at nagbalik loob sa Panginoon.

Nang marinig ng iglesia sa Jerusalem ang nangyari, ipinadala nila si Bernabe sa Antioch. Pagdating niya doon at nang makita niya ang mabuting pagkilos ng Diyos doon, tuwang-tuwa siya at hinikayat niya ang mga kapatid doon na manatiling tapat kay Jesus. Mabuting tao si Bernabe, pinapatnubayan ng Espiritu at malakas ang pananampalataya. Dahil doon, lalo pang dumami ang mga tagasunod ni Jesus sa lugar na iyon.

Pagkatapos, hinanap ni Bernabe si Saulo at isinama sa Antioch. Sa loob ng isang taong pamamalagi nila doon, tinuruan nila ang maraming tao. Dito sa Antioch unang tinawag na Cristiano ang mga tagasunod ni Jesus.

Sa panahong ito, may ilang mga propeta (mga mensahero ng Diyos) mula sa Jerusalem ang nagpunta sa Antioch. May isa sa kanilang nagsabi, ayon sa sinabi ng Espiritu, na may darating na matinding taggutom sa maraming mga lugar. Kaya nagpasya ang mga Cristiano sa Antioch na magpadala ng tulong sa mga kapatid nila sa Jerusalem at sa paligid nito, at bawat isa sa kanila ay nagbigay ayon sa kaya nila.

Kaya dinala nina Barnabas at Saulo ang mga kaloob na ito sa iglesia sa Jerusalem at ipinaubay sa mga namumuno sa iglesia.

Sending Needed Help

Maisusulong natin ang misyong ibinigay sa atin ng Diyos at hindi natin mahahadlangan kung hindi tayo magiging selfish. At dito sa kuwentong ito, makikita natin kung paano nagrespond ang mga Christians noon sa mga nakita nilang pangangailangan.

The need: Meron sa kanilang nakakita na kailangan ding marinig ng mga Gentiles ang mabuting balita ni Cristo. Ang problema kasi, kahit na ipinakalat na sila ng Diyos gawa ng persecution na nararanasan nila, karamihan sa kanila ay mga kapwa-Judio pa rin ang mga kinakausap tungkol kay Cristo. Siguro ang iba sa kanila hindi pa alam ang tungkol sa vision ni Peter. Siguro din naman ang iba sa kanila kahit alam na nila, reluctant pa rin. Ang hirap nga namang baguhin ng nakasanayan na nila.

The response: Pero merong ilan sa kanila ang kahit na mahirap sa kanila (culturally speaking) ay hindi naging selfish at sinabi sa sarili nila, “Kailangan din nitong mga Hentil na marinig na si Jesus ang Panginoon.” So ganoon nga ang ginawa nila, sinabi sa mga di-Judio, “Si Jesus ang Panginoon at Tagapagligtas.” Iyon ang application ng vision na pinakita ng Diyos kay Pedro. Iyon din ang atas na bigay ng Diyos kay Pablo, na siya ang magiging mensahero niya sa mga di-Judio.

The result: “A great (polus) number who believed turned to the Lord” (11:21). Hindi lang isa, hindi lang dalawa, kundi sangkatutak ang kumilala kay Jesus bilang Panginoon. Ganyan ang mangyayari kapag hindi tayo magiging selfish.

Application: Sa atin din kasi ngayon, merong ilan na maaaring magsabi, “Bakit ba pupunta tayo sa Cambodia, gagastos ng malaki, magpapadala ng misyonero? Dito nga sa atin, maraming kailangang pagkagastusan, maraming kailangang manggagawa.” I hope wala sa inyo na ganyan ang mindset. Dahil ang blessing na tinanggap ng mga Filipino galing sa Diyos hindi natin dapat sarilinin. Malaki ang pangangailangan sa Cambodia. Kailangan nila ang tulong natin. Excited din ang church doon na pumunta tayo at malaking encouragement sa kanila.

The need: Dahil marami ang bagong mga believers doon sa Antioch. Marami ding kailangang turuan at sanayin para maging matibay sa pananampalataya. Hindi lang mga unbelievers ang kailangang tulungan. Pati mga bagong believers.

The response: Nabalitaan ito ng church sa Jerusalem kaya nagpadala sila ng tulong. They sent Barnabas (11:22). Ang salitang “sent” doon ay galing sa Griyegong exapostello kung saan galing ang salitang “apostle.” Hindi man siya tulad ng 12 Apostles, pero ang ibig sabihin nito ay may ipinadala (si Barnabas iyon), may nagpadala (ang church sa Jerusalem), at merong misyong dapat tapusin (iyon ay para maencourage ang mga believers doon). Tamang-tama naman ang pagkakapili sa kanya. He’s a “son of encouragement” (4:36). Naging encouragement na siya sa maraming believers sa Jerusalem, pati kay Pablo noong bago pa lang siyang naging follower of Christ (9:27). Here in Antioch, Barnabas exhorted them to remain faithful to the Lord (11:23). Ang ginawa niya ay ayon sa kanyang character, “good man, full of the Holy Spirit and of faith” (11:24).

The result: Maganda ang response ng church, maganda ang ginawa ni Barnabas, anong naging resulta? “Great many people were added to the Lord” (11:24). Lalo pa silang dumami.

Application: At ganito din ang gagawin ng Diyos kung ang mga nadadagdag sa bilang natin ay hindi natin papabayaan, kundi tutulungan, aakayin, gagabayan, palalakasin. Hindi po tayo dapat makuntento na nabaptize lang sila tapos tapos na. Turuan din natin sila. Sanayin din natin sila. Isama din natin sila sa ministeryo. Lahat po tayo ay pwedeng maging Barnabas sa mga kapatid natin kay Cristo. Meron tayong ilang mga dating kasama na bihira na natin makita. Ano po ang dapat nating gawin? Ireport kay pastor, “Pastor, di ko na nakikita si kapatid na ganito, dalawin n’yo naman po”? O, “Hindi ko na siya nakikita, madalaw nga at makumusta”?

The need: Dahil parami nang parami ang mga bagong Christians, marami rin ang kailangang magtulung-tulong sa ministry. Hindi na kaya ni Barnabas na mag-isa. Nang maramdaman niya iyong need na ito, hinanap niya si Pablo.

The response: Tinulungan naman siya ni Pablo. Hindi niya sinabi kay Barnabas, “Kayang-kaya mo na iyan. Dito na lang ako. Mukhang mahirap ang ministry mo diyan.” Sa halip naglaan sila bilang magkapartner ng isang taon na nakikipag-meet sa church at tinuturuan ang marami sa kanila (11:26).

The result: In Antioch the disciples were first called Christians (11:26). Kung sila-sila ang magtatawagan, hindi Christian ang ginagamit nila kundi “brothers and sisters” or “disciples”. Malamang na ito ang sinimulang itawag sa kanila ng mga nasa labas ng church. Ibig sabihin, “mga kabilang kay Cristo, those who belong to Christ’s party.” This is the church’s identification with Christ. Nakikita na ng mga tao na hindi ito Jewish church, kundi universal, the church of Jesus. Para mangyari ito, kailangang makita ng mga tao na tulung-tulong tayo, anumang lahi, anumang social status, anumang kalagayan sa buhay.

Application: Para mangyari ito, kailangang makita ng mga tao na tulung-tulong tayo, anumang lahi, anumang social status, anumang kalagayan sa buhay. Meron po sa ating nagsisimula ng mga bagong group ng The Story of God. Kailangan nila ng tulong, ng mga kapartners. Meron po tayong mga ministry teams na kulang ng tao, tulung-tulong po tayo doon.

The need: Merong isa sa kanila na binigyan ng mensahe ng Diyos at sinabi sa church na magkakaroon ng “great famine” (11:28) na makakaapekto sa maraming bansa. Ito ay future need pa, pero nalaman na nila. Sinabi kaya nila, “Hmmm…ala pa naman, hindi pa siguro kailangan ang tulong natin ng iba”? Hindi!

The response: Sa halip ang naging response ng church sa Antioch ay magpadala ng tulong sa mga kapatid nila na nasa Jerusalem at sa paligid nito (11:29). Nakita nilang may pangangailangan, kahit na sila rin naman ay may pangangailangan at maaaring datnan din sila ng taggutom, pero hindi iyon ang inisip nila. Inisip nila ang mga kapatid nila sa Panginoon. Ang selfishness ay iyong sabihin nilang, “Tayo nga ang dami nating pangangailangan dito, bakit pa tayo tutulong sa kanila?”

The results: Ano ang naging resulta nito? Hindi man binanggit sa kuwento, pero obvious. Kung tayo man iyon, hindi ba’t matutugunan ang pangangailangan natin ng tulong na ibinigay nila at saka magpapasalamat tayo sa Diyos? Na iyong tulong nila, ayon kay Paul sa 2 Corinthians, “supplying the needs of the saints” and “overflowing in many thanksgivings to God” (9:12). Bakit nga, kung maisip mong, “Grabe naman sila kung tumulong sa atin. Sila rin naman dumaranas ng mga iba’t ibang kahirapan at pagsubok sa buhay. Pero kitang-kita na mahal nila tayo. Purihin ang Diyos.”

Application: One of the best ways to break selfishness in our hearts is by giving. Paano ngayon tayo magbibigay? “So the disciples determined, everyone according to his ability, to send relief to the brothers living in Judea. And they did so, sending it to the elders by the hand of Barnabas and Saul” (Acts 11:29-30).

Recognize the needs. Marami pong pangangailangan sa ministry. Hindi tayo mauubusan ng opportunity na magbigay. Meron tayong mga missions trip, isang local (Candelaria, Quezon) at global (Cambodia). Nagpapasalamat tayo sa Panginoon kasi marami na ang nagrerespond doon. Pero as your pastor, I want to remind you na priority pa rin natin ang sustentuhan ang church funds natin. Meron tayong approved budget at para din ito sa mission ng church. Hindi natin ‘to pwedeng kaligtaan.

Determine how much to give. Wala namang strict guidelines sa NT kung paano tayo magbigay. Meron tayong freedom. Pero para magkaroon tayo ng maayos na sistema sa church at para matuto tayong maging lifestyle ang giving, here’s my pastoral advice. Give at least 10% sa regular fund the church natin. Kung may magsabi sa inyo na hindi naman tithing ang sa church sa Acts, heto ang sagot ko: “Tama ka, ibinebenta nila ang properties nila at iyon ang iniaabot sa mga apostol para ibigay sa mga nangangailangan.” So, start with the tithe. Tapos kung tumataas ang blessing ng Diyos, dagdagan mo. At para mastretch pa ang faith mo, give beyond the tithe. Give to missions and other church projects. Pero wag po nating kukunin sa tithes natin ang ibibigay sa ibang projects. Masasakripisyo naman ang regular budget natin. It’s not wise, I believe.

According to ability. “According to their means…beyond their means” (2 Cor. 8:3). Ibig sabihin, ayon sa blessings na bigay sa iyo ng Diyos. Pero wag mo naman sabihing 2% lang ang kaya mo. Baka ibig mong sabihin, 2% lang gusto mong ibigay. Kaya mo ang 10% at higit pa, pero ayaw mo.

Entrust to your leaders. Hayaan n’yo pong mga leaders n’yo ang magpasya kung saan dapat gastusin ang mga ipinapadala n’yong offerings. Kaya tayo may budget. Ganoon din sa church sa Acts. Noong una sa mga apostol. Pero sa part ng story natin ngayon, may mga elders na sa church. Let us trust our leaders pagdating sa finances.

Let us send all the help we can give. Alam ko na maraming mga matatanda sa church natin at baka kulang na ang lakas na maibigay sa kailangan sa ministry. At meron ding ilan na wala naman talagang trabaho at walang maibibigay na pera. Sasabihin n’yo, “Ang hirap. Ang laki ng kailangan. Mukhang wala naman akong masyadong maitutulong.” Pero tandaan natin, hindi lang human resources o financial resources ang pinag-uusapan natin dito..

The Church in Jerusalem

Pakinggan n’yo kung ano ang nangyari sa Acts 12:1-24:

Nang panahon ding iyon, nagsimulang usigin ni Haring Herodes (Herodes Agrippa I na apo ni Haring Herodes nang ipanganak si Jesus) ang mga Cristiano. Ipinapatay niya si James (Santiago), isa sa labindalawang apostol. Ipinaaresto din niya si Pedro at ipinakulong. Habang nakakulong si Pedro, masigasig namang nananalangin ang iglesia para sa kanya.

Isang gabi, habang natutulog si Pedro, nakagapos at mahigpit na binabantayan ng mga sundalo, biglang may lumitaw na isang nakakasilaw na liwanag sa loob ng kanyang selda. At may isang anghel ang humarap kay Pedro. Ginising siya nito at sinabi, “Dalian mo! Tumayo ka!” At biglang nalagot ang pagkakatali ng kanyang mga kamay. Sinabi ng anghel sa kanya, “Magbihis ka na at sumunod ka sa akin.”

Kaya lumabas na si Pedro ng kanyang selda at sinundan ang anghel. Akala ni Pedro noong una ay nananaginip lang siya. Nilagpasan nila lahat ng mga guwardiya at dumaan sa mga pintuang kusang bumukas. Nang nasa kalye na sila, biglang nawala ang anghel.

Pagkatapos, sigurado na si Pedrong hindi panaginip ang nangyari. Sabi niya sa sarili, “Totoo nga! Ipinadala ng Diyos ang anghel niya at iniligtas ako.

Pagkatapos ay pumunta si Pedro sa isang bahay kung saan maraming mga kapatid niya ang magkakasamang nananalangin. Kumatok siya at isang babae at nagtungo sa may pintuan para pagbuksan siya. Nang marinig niyang boses ni Pedro iyon, masayang-masaya siya kaya imbes na buksan ang pinto, pumasok siya ulit at sinabi sa lahat, “Nandoon si Pedro sa may pintuan!”

Pero sabi nila, “Nahihibang ka ba? Baka anghel iyon ni Pedro.”

Samantala, patuloy sa pagkatok si Pedro. Nang sa wakas ay pagbuksan na nila si Pedro, namangha sila. Ikinuwento sa kanila ni Pedro kung ano ang nangyari at kung paano siyang pinalabas ng Diyos sa kulungan. Sabi niya sa kanila, “Ikuwento n’yo rin sa iba kung anong nangyari.” At pagkatapos ay pumunta na si Pedro sa ibang lugar.

Ito namang si Herodes ay pinarusahan ng anghel ng Panginoon dahil sa kanyang pagmamataas. Inuod siya at namatay. Patuloy namang kumalat ang salita ng Diyos at lalo pang dumami ang mga tagasunod ni Jesus.

God Sends Needed Help

Sabi ni Pedro sa sarili niya, “Now I am sure that the Lord has sent (exapostello) his angel and rescued me…” (Acts 12:11). Hindi na human help o financial help ang issue dito. Kahit ba naman kasi gaano kadami ang magigiting na lalaki sa church o kahit gaano karaming pera, walang magagawa sa sitwasyon ni Pedro. Inilalagay ng Diyos ang church sa ganitong sitwasyon para marealize natin na God sends all the help we need.

At hindi lang ito sa mga sitwasyong wala na tayong magagawa. This is not about “do your best and God will do the rest.” Kahit sa mga nauna nating kuwento makikita nating ganoon din ang ginagawa ng Diyos. Hindi ba’t dahil sa sovereignty ng Diyos kaya hinayaan niyang ang persecution ang magkalat sa mga disciples (11:19)? Bakit ba maraming tumatanggap ng mensahe? “The hand of the Lord was with them” (11:21). Anong nakita ni Barnabas sa Antioch? He saw the grace of God (11:23). Bakit naging malaking encouragement si Barnabas? He was full of the Holy Spirit and of faith (11:24). Bakit sila nakapagbigay ng tulong? Tulad din ng believers sa Macedonia, “the grace of God that has been given among the churches of Macedonia” (2 Cor. 8:1).

Need: Anong nangyari sa church sa Jerusalem? Problema nila si Haring Herodes (apo ng Herodes nang ipanganak si Jesus). Si apostle James pinatay na. Si Pedro ipinakulong na at ilang araw ay maaaring ipapatay din. Ang problema ng church, nakakulong ang isa sa key leaders nila. Ang kailangan, sa tingin ng church, ay mailabas itong si Pedro.

Response: Hindi sila umupo at nagplano kung paano ipupuslit si Pedro. O kaya gumawa ng letters of appeal kay Herodes. Hindi naman nila kayang ipuslit itong si Pedro. Wala namang magagawa ang mga appeals nila sa hari. So they sent their appeals to God: “Earnest prayer for him was made to God by the church” (12:5).

Result: Dahil doon, nagpadala ang Diyos ng anghel para iligtas si Pedro. Nagpadala din ang Diyos ng anghel para patayin si Herodes. Kapag ang church ay humihiling sa Panginoon, tatanggalin niya ang anumang balakid sa pagtupad ng misyong ibinigay niya sa atin.

Application: Mga kapatid, manalangin tayo. How do we pray for others’ need? Trust his good will. Siyempre ang desisyon nakasalalay sa Diyos. Maaaring ang church nagpepray din para kay James, pero hinayaan ng Diyos na mapatay. Nagpray sila para kay Pedro, iniligtas ng Diyos.

Believe that God sends help where needed. Alam ng Diyos kung ano ang kailangan natin. Humihiling tayo, pero siya ang nasusunod.

Don’t be surprised at answered prayers. Alam ni Pedro na nananalangin ang church para sa kanya. Pero tingin niya noong una, panaginip lang ang nangyayari. Ang church may prayer meeting, pero hindi sila makapaniwalang si Pedro ang kumakatok. Naniniwala din sila na pinapatnubayan ng mga anghel ng Diyos ang kanyang mga anak, pero nagtaka sila na ganoon kabilis sumagot ang Diyos sa panalangin. Let us pray expecting answers.

Tell others how prayers are answered. Ibinalita ni Pedro. Sinabi niya sa kanilang ibalita din nila sa iba. Huwag nating sarilinin ang gawa ng Diyos. Ibalita natin sa iba.

We send all the help we can give because God sends all the help we need. Kung ang nag-iisang Anak niya naipadala na niya at naibigay para sa atin (Gal. 4:4). Kung ang presensiya niya at kapangyarihan ay naipadala na at naibigay sa pamamagitan ng Espiritu (Gal. 4:6), paano pa kaya ang anumang tulong na kailangan natin (Rom. 8:32)? The task is great. But we have human resources. We have financial resources. At kung hindi man sapat ang mga maibibigay natin, we have all the resources of heaven at our disposal to finish the mission. No one can stop us. Nothing can stop us. Only a selfish heart.

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.