February 10, 2013 | By Derick Parfan | Scripture: Acts 4:5-31; 5:12-42
Listen now…
Download sermon audio
Comfortable Church
Minsan akala ng mga Christians ang church parang sofa. Parang ang sarap maupo, mahiga, magpahinga. We have a natural desire for comfort and convenience. Kesa nga naman pagod at nahihirapan. Pero ang church ay hindi parang comfortable na sofa.
Kung iisipin natin ang mga nakaraang pinag-usapan natin. Kung ang church ay Jesus-centered, Spirit-empowered, united as one Family doing God’s mission, maraming mga kamangha-manghang bagay ang mangyayari. Kasi there is power in Jesus’ name. So we show mercy in his name, pray in his name, preach in his name. May pang-apat pa na hindi ko nabanggit last week.
“Be comfortable in Jesus’ name!” Amen? No, of course. What’s ironic about this? Pag sinabi kasi nating in Jesus’ name, ibig sabihin in whatever we do, we represent Jesus. Now, can you represent Jesus in mere comfort and convenience? If you say yes, are you sure we are following the same Jesus? Si Jesus, walang sariling bahay, sariling pamilya di naniwala sa kanya, pinaratangan siya ng masama, ipinaaresto, nilitis nang wala man lang sapat na ebidensiya, pinatay. Christ-centered does not mean comfort-oriented, but cross-centered. If you want comfort in life now, don’t follow Jesus.
Sabi ni Dietrich Bonhoeffer, “When Christ calls a man, he bids him come and (sit in chair every Sunday? No!) die” (Cost of Discipleship). The church in the Book of Acts knows that. And they are prepared to face that – to suffer in Jesus’ name!
The Story of the Persecution of Peter and John
Ganito ang nangyari sa Acts 4:5-31:
Kinabukasan, matapos na ipakulong sina Pedro at Juan ng mga pinuno ng kanilang relihiyon, inembistigahan sila at tinanong, “Sa anong kapangyarihan o sa kaninong pangalan ninyo pinagaling ang lalaking ito?”
Sumagot si Pedro, na puspos ng Espiritu, “Ang lalaking ito ay gumaling sa pangalan at sa kapangyarihan ni Jesus. Wala nang ibang ibinigay ang Dios na paraan sa buong mundo para maligtas tayo malibang sa pamamagitan ni Jesus.”
Namangha sila sa lakas ng loob nina Pedro at Juan, lalo na nang malaman nilang mga ordinaryong tao lang ang mga ito at walang mataas na pinag-aralan. Napansin din nilang sila’y kasa-kasama ni Jesus noon. Magsasalita pa sana sila pero dahil nakatayong katabi nila ang lalaking pinagaling, wala na silang masabi.
Pagkatapos nilang mag-uusap-usap kung anong gagawin kina Pedro at Juan, pinatawag ulit sila at sinabihang huwag na ulit magsalita o magturo tungkol kay Jesus.
Pero sumagot sila, “Isipin nga ninyong mabuti kung alin ang tama sa paningin ng Dios: ang sumunod sa inyo o ang sumunod sa Dios? Hindi puwedeng hindi namin ipagsabi ang mga kamangha-manghang bagay na nakita namin at narinig.”
Pagkatapos silang pagbawalan ulit, pinaalis na sila baka kasi magkagulo ang mga tao dahil nagpupuri ang mga ito sa Dios dahil sa pagpapagaling sa lumpong 40 taong gulang na.
Pagkatapos, dali-daling pumunta sina Pedro at Juan sa iba pang mga tagasunod ni Jesus at ikinuwento sa kanila kung anong nangyari. Pagkatapos, sama-sama silang nanalangin, “Panginoong makapangyarihan sa lahat, kung paanong natupad ang noon pang binalak ninyo tungkol sa pagsasabwatan ng mga pinuno laban kay Jesus, ganoon din ang ginagawa nilang pagbabanta sa amin ngayon. Pero alam din naming ito ay ayon sa inyong kalooban. Kaya dalangin namin na bigyan mo pa kami ng dagdag na lakas ng loob para magpatuloy sa pangangaral. Gumawa ka pa ng maraming mga himala sa pangalan ni Jesus.”
Pagkatapos nilang manalangin, nayanig ang bahay na kinaroroonan nila. Lahat sila’y napuspos ng Espiritu at buong tapang na nangaral ng salita ng Dios.
The Persecuted Church
Nabubuwisit ang mga religious leaders kina Pedro at Juan (“greatly annoyed,” 4:2). Pinaaresto nila. Ikinulong ng isang araw. Pinagbawalan pa silang magsalita o magturo tungkol kay Jesus. This was a case of persecution – kapag may mga taong pumipigil sa iyo, pinagsasalitaan ka ng mga di magandang salita o sinasaktan ka dahil sa paniniwala mo.
Bakit sila ginaganito? Hindi dahil nakapagpagaling sila ng lumpo o dahil lang basta naiinggit sila sa popularity nila. Puwedeng kasama iyon. Pero ang kinaiinis nila ay ang mensahe ni Pedro. Hindi maganda sa pandinig nila. Mas OK sa kanila kung tatahimik na lang sila. Mas OK pa sana kung tulad ng ilang mga preachers ngayon na puro mabubulaklak ang lumalabas sa bibig – “Yayaman ka! Gagaling ka! Magiging maayos ang takbo ng buhay mo!” Sino nga naman ang ayaw noon.
Oo nga’t ginagamit din ng ibang tao ang pangalan ni Jesus. Pero ang offensive sa mga tao ay kung sabihin mong tulad ni Pedro, “And there is salvation in no one else, for there is no other name under heaven given among men by which we must be saved” (Acts 4:12). Ok lang sa iba kung sabihin mong “Jesus saves.” Iyon din ba pinaniniwalaan natin? Hindi! Jesus alone saves! Wala nang iba. “Ang ating Panginoong si Cristo Jesus ay Diyos at tao sa iisang Persona. Siya lamang ang tanging Tagapamagitan sa Diyos at tao…Kailangan niyang (ng tao) magsisi at sumampalataya sa Panginoong Hesu-Kristo lamang upang maligtas at magtamo ng buhay na walang hanggan” (Statement of Faith).
OK sa mga tao kung sabihin mong, Jesus and religion/tradition, Jesus and you, Jesus and prosperity/health, Jesus and business, Jesus and entertainment, Jesus and Mary. Pero ibang usapan na kapag “Jesus alone”! Pero hindi ba’t iyon naman ang ibig sabihin ni Paul kay Timothy, “For there is one God, and there is one mediator between God and men, the man Christ Jesus (1 Tim. 2:5)?
Kung maririnig sa salita natin sa iba, “Jesus alone saves,” kung makikita nila sa buhay natin na, “Jesus alone is Lord,” siguradong uusigin tayo ng ibang tao. Sigurado iyan. Normal na bahagi ng buhay Cristiano ang persecution. Kaya ko nasabi iyon ay dahil hindi lang naman isang beses ito naranasan nila Pedro at Juan, at hindi lang sila ang nakaexperience nito.
The Story of the Persecution of the Twelve (5:12-42)
Ganito ang ilan pa sa nangyari sa Acts 5:12-42:
Samantala, ang Labindalawa ay gumagawa ng maraming mga himalang kinamamangha ng maraming mga tao. Regular na nagtitipun-tipon ang mga tagasunod ni Jesus. At parami nang parami ang mga nadadagdag sa kanila. Dahil doon, inggit na inggit ang mga pinuno ng kanilang relihiyon. Inaresto nila ang Labindalawa at ikinulong.
Pero, isang gabi, may isang anghel na galing sa Dios ang dumating, binuksan ang pintuan ng kulungan, at inilabas sila. Sabi ng anghel, “Pumunta kayo sa templo at ipahayag ang mensahe ng bagong buhay na galing sa Dios.” Ganoon nga ang ginawa nila, kaya maagang-maaga pa, pumunta na sila sa templo at nagsimulang magturo.
Nang ipapatawag na ng mga opisyal ang Labindalawa, nagulat ang mga guwardiya nang makitang wala na sila sa kulungan samantalang nakakandado naman ito. Hindi maintindihan ng mga opisyal kung paano nangyari iyon.
Nang makarating sa kanila ang balitang nagtuturo ulit ang Labindalawa, ipinaaresto ulit sila at tinanong, “Hindi ba’t pinagbawalan na namin kayong mangaral tungkol kay Jesus? Tingnan ninyo’t kumalat na ang inyong aral sa buong Jerusalem at pinagbibintangan mo pang kami ang pumatay sa kanya!”
Pero sumagot si Pedro, “Ang Dios ang dapat naming sundin, hindi ang tao. Oo nga’t pinatay ninyo siya pero muli siyang binuhay ng Dios. Itinaas siya ngayon ng Dios bilang Panginoon at Tagapagligtas, para tayong mga Judio ay magsisi at maibalik sa magandang relasyon sa Dios. Kami at ang Espiritu ang saksi sa lahat ng ito.”
Galit na galit ang mga opisyal at gusto na silang patayin. Pero isa sa kanila ang nagpayo, “Pabayaan na lang natin sila at huwag pansinin. Kung galing lang iyan sa tao, mawawala din iyan. pero kung sa Dios galing iyan, hindi natin sila mapipigilan. At baka lumabas pa na ang Dios ang kalaban natin.”
Nakinig naman sila sa payong ito. Kaya’t pagkatapos nilang ipabugbog sila, muli silang pinagbawalang magturo sa pangalan ni Jesus, at pinaalis na.
Umalis ang Labindalawa na masayang-masaya, dahil binigyan sila ng Dios ng pribilehiyong magtiis ng hirap alang-alang sa pangalan ni Jesus. Araw-araw pa rin silang pumupunta sa templo at sa mga bahay-bahay, at patuloy na nagtuturo ng ganito, “Ang ipinangakong Tagapagligtas na hinahanap at inaabangan ninyo ay walang iba kundi si Jesus.”
Persecution is a Normal Part of Obedient Christian Life
Sa unang kuwento natin, pinakawalan sila at akala siguro nila matatakot nila ang mga disciples. Kaya ngayon, labindalawa naman ang ipinakulong nila. Pinalaya sila ng anghel, tapos pinahuli na naman sila. Nang tinanong sila, lalo pang nagalit itong mga opisyal sa mga sagot nila dahil puro tungkol kay Jesus ang sinasabi nila. “When they heard this, they were enraged and wanted to kill them” (5:33). Hindi naman sila mapatay, kaya ginawa nila bago man lang sila paalisin, “they beat them and charged them not to speak in the name of Jesus, and let them go” (5:40).
Ang persecution ay normal sa buhay ng Cristiano. Hindi ko sinasabing ikukulong din tayo at bubugbugin. Iba’t iba ang klase ng persecution. Pangkaraniwan ‘to. Hanggang sa dulo ng Acts ganoon makikita natin. Kasi ganito din naman ang sinabi ni Jesus sa kanyang mga tagasunod: If the world hates you, know that it has hated me before it hated you. If you were of the world, the world would love you as its own; but because you are not of the world, but I chose you out of the world, therefore the world hates you. Remember the word that I said to you: ‘A servant is not greater than his master.’ If they persecuted me, they will also persecute you. If they kept my word, they will also keep yours. But all these things they will do to you on account of my name, because they do not know him who sent me” (John 15:18-21).
Hanggang ngayon din ganito ang nararanasan ng mga kapatid natin sa buong mundo. “Between 200 million and 230 million believers face daily threats of murder, beating, imprisonment and torture, and a further 350 million to 400 million encounter discrimination in areas such as jobs and housing. A conservative estimate of the number of Christians killed for their faith each year is around 150,000…Christians were ‘harassed’ by government factors in 102 countries and by social factors, such as mob rule, in 101 countries…Christians faced some form of harassment in two-thirds of all countries, or 133 nations” (http://www.charismamag.com/site-archives/570-news/featured-news/12292-christian-persecution-tops-world-list-who-knew-).
Why are we not persecuted as much as other Christians in other countries? Probably because of the freedom we have in our country to practice our religion and preach the gospel. Or also probably because we are disobedient. We are becoming like the world, the world likes us so much because they don’t see anything different. Di ba sabi ni Jesus, “If you are of the world, the world would love you as its own.” Baka hindi nakikita ng mga tao na iba tayo. Sabi ni Pablo kay Timothy, “Indeed, all (not some, not many, but all) who desire to live a godly life in Christ Jesus will be persecuted” (2 Tim. 3:12). One possible explanation why we are not being persecuted is because we don’t live a godly life, but a worldly one. This calls for personal evaluation. Huwag mong sabihing walang kinalaman ang mensaheng ito tungkol sa persecution sa buhay mo na kumportable. Baka iyon nga ang problema. Sobrang kumportable ng buhay Cristiano mo. Kung normal ang persecution sa mga Cristiano, ibig sabihin marami palang Cristiano ngayon ang abnormal ang nararanasan.
How to Respond
God is calling us to more commitment to Christ. The more committed we are, the more persecution we will experience. As your pastor, I want to prepare you to face that. Maaaring ang iba sa inyo ngayon may nararanasan nang pagtuligsa ng pamilya n’yo o mga dating kabarkada n’yo, makinig kayong mabuti. Sa inyo na kumportableng-kumportable pa, tandaan n’yo, abangan n’yo, darating ang persecution. Dapat handa tayong lahat. Paano nagrespond ang mga disciples sa persecution na dapat din nating maging response ngayon?
Persevere. Kapag pinagbawalan, tapos binugbog pa’t tinakot, natural na hihinto mo na ang kinagagalit nila. Pero hindi iyon ang ginawa nila. “And every day, in the temple and from house to house, they did not cease teaching and preaching Jesus as the Christ (5:42). Hindi nila sinabing, “Monthly na lang tayong mag-preach,” kundi “every day.” Hindi rin, “Ay, sa loob ng bahay na lang para hindi marinig ng iba,” kundi maging sa templo, sa maraming tao. Parang si Daniel na pinagbawalan nang tumawag sa Dios niya pero bukas pa ang bintanang nagpray, kahit makita ng iba. That’s perseverance. Walang hihinto. No turning back, no turning back. Kalalabas lang sa kulungan, sige ulit. Iyon ang ibig sabihin ng “matiyaga” sa pinirmahan nating covenant: “Paglilingkuran ko ang Panginoon nang bukal sa loob, matiyaga, at matapat ayon sa ibinibigay na kalakasan at kakayahan sa akin ng Panginoon.” Hindi sumusuko.
Persevering Obedience. Pinagbawalan sina Pedro, pero sagot nila, “Whether it is right in the sight of God to listen to you rather than to God, you must judge, for we cannot but speak of what we have seen and heard” (4:19-20). Kaya noong nakulong ang labindalawa tapos pinalaya sila ng anghel, nang utusan sila na ipangaral ulit si Jesus oras na lumiwanag, ganoon nga ang ginawa nila (5:19-21), hindi nagkamot ng ulo at sinabing, “Teka, uwi muna ko sa pamilya ko, kawawa naman sila baka makulong na naman ako.” Pagharap nila sa mga opisyal at pinagbawalan ulit sabi nila, “We must obey God rather than men” (5:29). Hindi ba’t ganyan din ang covenant natin, “Susundin ko ang Salita ng Diyos sa lahat ng bahagi ng aking buhay.” Sa lahat ng panahon, kahit may pressures. Tama ngang may tungkuling tayong “ipanalangin ang mga nasa kapangyarihan sa pamahalaan at maging masunurin sa kanila,” pero “maliban sa mga bagay na taliwas at di-naaayon sa kalooban ng Diyos” (Statement of Faith). Hindi sarili, hindi pamilya, hindi boss sa trabaho, hindi teacher ang masusunod unang-una, kundi ang Dios. Mainam nang sumuway sa gusto ng tao, wag lang sa gusto ng Dios.
Persevering Boldness. Ordinarily, kapag mga matataas na tao na ang nanggigipit sa iyo, baka mabawasan ang tapang mo. Pero kitang-kita ng mga opisyal ang tapang nina Pedro (4:13). Hindi lang sila Pedro, kundi lahat ng members ng church nila, hindi natinag, “They continued to speak the word of God with boldness” (4:31). Kapag sinabi kong boldness, hindi ito iyong tulad ng ginagawa kong pagtayo sa harap ninyo, kahit pa magbitaw ako ng mga salitang matatapang. Kundi tulad ng pangangaral sa harap ng mga taong may hawak na mga bato para ipukol sa iyo o mga warrant of arrest para ipakulong ka. That’s boldness.
Persevering Joy. Normally, kapag humihirap ang buhay at nagigipit tayo, nababawasan ang joy natin. Lalo na kung maexperience mo ang mga verbal at physical torture. Pero itong mga apostol? Aba, mga nakangiti pa. “Then they left the presence of the council, rejoicing that they were counted worthy to suffer dishonor for the name” (Acts 5:41). Kaya din nasabi ni James, kapatid ni Jesus na naging leader ng Jerusalem church, sa kanyang sulat, “Count it all joy, my brothers, when you meet trials of various kinds” (James 1:2).
Paano nangyari ‘to? Sa kabila ng pressures sa kanila, tuluy-tuloy pa rin sila sa pagsunod, lalo pa silang tumapang, at mas naging masaya pa. Kung titingnan nung ibang tao iyan, para atang mga baliw ‘to. Paano nangyari iyon?
Pray. Nanalangin sila. Dapat ganoon din ang response natin kapag persecuted tayo. Pray! Anumang hardships naeexperience natin, we must always depend on God through prayer.
Bakit sila nanalangin? Kasi naniniwala sila na kung sa sarili nila, hindi sila magiging ganoon katapang, alam nila na sa sarili nila, baka sumuway sila sa utos ng Dios, at hindi ganoon kadaling manatili ang joy nila sa oras ng kagipitan. At naniniwala sila kung sino ang Dios na kinakausap nila. Pagka-report ni Peter at John, “they lifted their voices together to God and said, ‘Sovereign Lord, who made the heaven and the earth and the sea and everything in them…’ (4:24). Siya ang Panginoon ng lahat, hindi ang mga government officials. Ang kasangga nila ay ang lumikha ng lahat ng bagay, kaya walang kahit sinuman ang puwedeng kumalaban sa kanila. He is sovereign, everything is under God’s control. Kung ang nangyari nga kay Jesus ay ayon sa balak ng Dios, ganoon din sa nangyayari sa church. That is why they prayed. Kaya nang makulong ulit si Pedro, “So Peter was kept in prison, but earnest prayer for him was made to God by the church” (12:5)
Anong pinagpray nila? Una, they prayed for boldness. And now, Lord, look upon their threats and grant to your servants to continue to speak your word with all boldness…” (4:29). Ikalawa, they prayed for a demonstration of God’s might. “…while you stretch out your hand to heal, and signs and wonders are performed through the name of your holy servant Jesus” (4:30). They prayed for power. Mahina tayo, sa sarili natin wala tayong magagawa. Kaya tayo nananalangin, lalo pa kapag dumaraan tayo sa matinding persecution. Kung hindi ka nananalangin, ibig sabihin, naniniwala ka na malakas ka at di ka naniniwala na makapangyarihan ang Dios.
Practice God’s Presence. Anong nangyari pagkatapos nilang manalangin? “And when they had prayed, the place in which they were gathered together was shaken…” (4:31). God answered with a demonstration of his unmistakeable presence. Nakapagsalita nang may katapangan si Pedro kasi ano? He was “filled with the Holy Spirit” (4:8). Pagkatapos magpray, “they were all filled with the Holy Spirit and continued to speak the word of God with boldness” (4:31). Alam nilang nasa kanila ang Espiritu, at ito rin ang pangako ni Jesus noon, “And when they bring you before the synagogues and the rulers and the authorities, do not be anxious about how you should defend yourself or what you should say, for the Holy Spirit will teach you in that very hour what you ought to say” (Luke 12:11-12). Ang Banal na Espiritu, ayon naman sa Statement of Faith natin, “ay nananahan sa lahat ng tunay na sumasampalataya simula sa oras na sila ay maligtas, tinutulungan sila upang mamuhay nang may kabanalan at pinalalakas sila para sa ministeryo o paglilingkod.” Ito ang sikreto bakit sila ganoon katapang at hindi natatakot. Wag mong sabihing ordinaryong tao ka lang at wala namang masyadong training sa ministry o sa evangelism. Sina Pedro at Juan ganoon din. Ang kaibahan lang? “They recognized that they had been with Jesus” (4:13). The presence of Jesus sa kanila, through the Holy Spirit, ang susi para magpatuloy sila sa paglilingkod gaano man kahirap.
Why God Allows Persecution
Bakit nga naman hinahayaan ng Dios ang persecution? Bakit hindi pwedeng wala na lang ganito? Dapat alam natin ilan sa mga dahilan o motivations niya para maging ganito din ang motivations natin at sa gayo’y maging handa tayo sa pagharap ng mga persecutions.
It is for God’s world. Tingnan n’yo ang obvious na pattern sa Acts after episodes of persecution: “But many of those who had heard the word believed, and the number of the men came to about five thousand” (Acts 4:4); “The disciples were increasing in number” (6:1). Kumakalat lalo ang mabuting balita. Mas maraming nakakakilala sa Panginoon at naliligtas. That’s good news for the world.
It is for God’s church. Ang intensiyon ng Dios ay hindi lang dumami ang makakilala sa Panginoon, kundi para sa atin din, para mas tumibay at mas maging puro ang ating pananampalataya. Ito iyong “tested genuineness of our faith” (1 Pet. 1:6-7). Hindi ba’t sa pamamagitan nito, mas naging masaya sila, mas nakilala nila ang kapangyarihan ng Panginoon, mas naging buo ang loob nilang sumunod hanggang kamatayan, mas naging katulad nila ang Panginoong Jesus. Tulad ng hangad ni Pablo, “That I may know him and the power of his resurrection, and may share his sufferings, becoming like him in his death. (Phil. 3:10).
It is for God’s glory. Ito ang pinakamahalaga sa lahat. Na sa pamamagitan ng persecution mas nakikilala ang Dios. Mas naitataas ang pangalan ni Jesus. No other name but Jesus! Sabi pa ng isang opisyal, “If this plan or this undertaking is of man, it will fail; but if it is of God, you will not be able to overthrow them. You might even be found opposing God” (5:38-39)! Our mission is “to build local and global grace-communities of committed (not convenient, not comfortable) followers of Christ for the glory of God.” The world is not impressed with our affluence, but with our joy in the midst of sufferings and persecutions.
Dati parang naiinggit ako sa mga churches na ang lalaki, libu-libong umaattend. Parang ang sarap magpastor doon! Pero ngayon, di na ko naiinggit. Binago ng Dios ang perspective ko tungkol sa kung ano ba ang nais niya sa church at sa ministeryo. Ano nga naman ang inam nang isang libo ang nasa church mo kung karamihan ay gustong parang nakaupo lang sa sofa? Hindi ba’t mas mainam na isandaan lang ang miyembro pero lahat naman ay handang makipaglaban sa giyera, kahit pa tamaan ng bala.
1 Comment