God Turns Mourning into Dancing

Preached by Derick Parfan on Apr. 22, 2012 at Baliwag Bible Christian Church

It is my prayer that we can also say these words in our hearts: “I will teach you hidden lessons from our past – stories we have heard and known, stories our ancestors handed down to us. We will not hide these truths from our children; we will tell the next generation about the glorious deeds of the Lord, about his power and his mighty wonders” (Psalm 78:2-4 NLT). Ito ang gusto nating mangyari sa church natin. Alam natin ang Kuwento ng Dios, inaalala natin, minamahal at sinusunod natin ang Dios sa Kuwentong ito, at hinahayaan nating bumago ito sa kuwento ng buhay natin. At ikukuwento din natin ito sa iba. Sasanayin bawat isa sa atin na matutong ikuwento ito sa iba na siya namang ikukuwento sa iba, hangga’t makabuo tayo ng ilang pamilyang magsasama-sama para maging isang “church” na siya namang magsisimula ng iba pang mga “churches” sa iba’t ibang lugar. I hope that this is also the desire of your hearts.

 

Ngayon, nasa 2 Samuel na tayo. Maglalaan tayo ng ilang linggo para pag-usapan ang kuwento ng Dios sa buhay ni Haring David. Kung ngayon lang kayo nakapakinig ng sermon dito at hindi n’yo nasimulan, puwede kayong humingi ng Chronological Bible Reading Plan. Kung gusto n’yo ng summary, magandang basahin ang Psalm 78. Isa itong awit tungkol sa kuwento mula nang iligtas ng Dios ang mga Israelita mula sa 400-taong pagkaalipin sa Egipto, pinagtiisan niya ang katigasan ng ulo nila sa loob ng 40 taon sa disyerto bago makapasok sa lupang ipinangako ng Dios. Pero noong nandoon na sila sa lupang bigay ng Dios, muli silang tumalikod sa kanya at naging matigas ang ulo. Halos 400 taon na namang nagpaulit-ulit ang kasalanan nila dahil hindi nila kinikilalang hari ang Dios. Hanggang humiling na sila ng haring mamamahala sa kanila tulad ng ibang mga bansa. Nagalit ang Dios sa kanila dahil itinakwil nila ang Dios at hindi sumang-ayon sa layunin niya sa kanila. Pero ibinigay pa rin niya sa kanila si Saul.

At kapansin-pansin na hindi binanggit sa awit na ito ang tungkol kay Saul, diretso agad kay David na ipinalit ng Dios sa kanya bilang hari. “He chose David His servant and took him from the sheepfolds…to be shepherd…over Israel, His inheritance. He shepherded them with a pure heart and guided them with his skillful hands” (Psalm 78:70-72 HCSB). Last week nakita natin na bagamat “anointed” na si David, hindi pa siya ang official na hari, dahil buhay pa si Saul. At gusto ditong ipakita ng Dios ang katuparan ng pangako niya na bibigyan sila ng hari na galing sa lahi ni Judah (Gen. 49:10), na magliligtas sa kanila at mamumuno.

Pero hindi lang family line at military/leadership skills ang ipinagkaiba nina Saul at David. The issue is the heart. David had pure heart. Saul’s heart was impure. Hindi siya sumunod sa Dios, hindi naging tapat, hindi kumonsulta sa Dios. Pinagharian siya ng inggit, galit, at gusto niyang ipapatay si David. Si David naman ay naging tapat na lingkod, nagtiwala sa Dios, sumunod sa kanya, at kahit may pagkakataong patayin si Saul, hindi niya ginawa. Ipinaubaya niya sa Dios ang paghihiganti. Pinatutunayan ng Dios na si David ang karapat-dapat na hari ng Israel. He was “a man after [God’s] own heart” (1 Sam. 13:14 ESV). It reminds us that “the Lord looks on the heart” (1 Sam. 16:7 ESV).

The heart of a man is seen in the songs that he sings. Ito ang mga awit niya nang hinahabol siya ni Saul at parang wala siyang kakampi. “I love you, O Lord, my strength. The Lord is my rock and my fortress and my deliverer, my God, my rock, in whom I take refuge, my shield, and the horn of my salvation, my stronghold” (Psa. 18:1-2 ESV). “O God, save me by your name, and vindicate me by your might” (Psa. 54:1 ESV). “O God, you are my God; earnestly I seek you; my soul thirsts for you; my flesh faints for you, as in a dry and weary land where there is no water” (Psa. 63:1 ESV). David really has “a pure heart” – he loves the Lord his King and Savior. How about you? What are the songs you are singing? How’s your heart?

Ang burden ng susunod na bahagi ng kuwento (2 Samuel 1-6; parallel with 1 Chronicles 10-16) ay kung paano patuloy na pinatunayan ng Dios na tama ang pagpili niya kay David na pumalit kay Saul. Bago pa man siya ang umupo sa trono, pinakita niyang karapat-dapat siya dahil nasa kanya ang presensiya ng Dios.

The Mourning of David

Hango sa 1 Cronica 10; 2 Samuel 1-4. Nakipaglaban ang mga Filisteo sa mga Israelita. Dito namatay si Saul, ang kanyang mga anak at mga tauhan. Namatay si Saul dahil hindi siya naging tapat sa Dios, dahil hindi niya tinupad ang utos ng Dios. Sa halip na sa Dios siya humingi ng payo, dumulog pa siya sa isang espiritista. Pinatay siya ng Dios at inilipat ang kaharian kay David.

Pagkaraan ng ilang araw, may isang binatang Amalekita ang pumunta sa kampo ni David para ibalita ang nangyari. Nagpunit pa siya ng damit at naglagay ng abo sa ulo para ipakitang nagluluksa siya. Ibinalita niya kay David na patay na si Saul at ipinagmalaki pang siya ang pumatay. Ibinigay rin niya kay David ang koronang kinuha niya kay Saul. Pagkatapos, tinanong siya ni David, “Bakit hindi ka man lang natakot na patayin ang haring pinili ng Dios? Dahil sa ginawa mo, ikaw lang ang dapat sisihin sa kamatayan mo.” Pagkatapos, tinawag ni David ang isa sa mga tauhan niya at inutusan ito, “Patayin ang taong ito!” Kaya pinatay ng tauhan niya ang lalaki.

Dahil sa balitang narinig ni David at ng mga tauhan niya, pinunit nila ang mga damit nila, umiyak, nagluksa at hindi kumain dahil sa nangyari sa bayan ng Dios – kay Saul, sa mga anak niya at sa mga Israelitang nakipagdigma’t namatay. Gumawa si David ng isang awit ng kalungkutan: “O Israel, dakilang karangalan mo’y namatay sa bundok ng Israel. Nangamatay din ang magigiting mong sundalo. Magdalamhati kayo para kay Saul. Ang magigiting na sundalo ng Israel ay nabuwal at namatay sa labanan. Ang kanilang mga sandata’y nawala.”

Pagkatapos nito, nagsimula ang mahabang labanan sa pagitan ng mga kampi kay Saul at ng mga tapat kay David. Lumalakas nang lumalakas ang grupo ni David. Pero ang kay Saul naman ay humina nang humina.

Nang makahanap ng magandang pagkakataon si Joab, kumander ng kampo ni David, sinaksak niya sa tiyan si Abner, dating kumander ng kampo ni Saul na lumipat na sa panig ni David. Nabalitaan ito ni David at iniutos niya kay Joab at sa mga kasama niya, “Magluksa kayo at makipaglibing kay Abner.” Nakipaglibing din si David at umiyak nang malakas. Noong araw na iyon, hindi kumain si David kahit pilitin pa siya ng mga tao. Natuwa ang mga tao sa ipinakita ni David. Nalaman ng lahat na wala siyang kinalaman sa pagkamatay ni Abner.

May natirang pang isang anak si Saul na ang pangalan ay Ishboshet. Isang araw, habang nakahiga siya sa kama niya, may dalawang magkapatid ang pumatay sa kanya at pinutol ang ulo niya. Pumunta sila kay David at sinabi, “Narito po ang ulo ni Ishboshet, anak ng kalaban n’yong si Saul.” Sumagot si David, “Anong gantimpala ang ibibigay ko sa masasamang taong gaya n’yo na pumatay ng isang inosenteng tao!?” Kaya iniutos ni David sa mga tauhan niya na patayin ang dalawa, at sinunod naman nila ito.

A Story of Sorrow, a Song of Sorrow

A human king must represent the divine king. That’s what it means to be created in the image of God. Yun ang problema kaya itinakwil ng Dios si Saul at ipinalit si David. Dito sa kuwentong ito ipinakita kung paanong ang puso ni David ay nagiging salamin ng puso ng Dios. Malungkot ang Dios sa kamatayan, ang gusto niya sa tao ay mabuhay. Nalungkot siya nang kinain nina Adan at Eba ang bunga ng punong ipinagbabawal ng Dios, na naging sanhi ng kamatayan ng tao. “I have no pleasure in the death of the wicked…for why will you die, O house of Israel” (Eze. 33:11 ESV; cf. 18:23). God is “patient toward you, not wishing that any should perish” (2 Pet. 3:9 ESV). “For God so loved the world that he gave his only Son, that whoever believe in him should not perish…” (John 3:16).

Nakita ang ganitong puso ng Dios sa puso ni David. Malinis ang kamay niya at ayaw niyang patayin ang isang tao maliban na lang kung iyon ang gustong mangyari ng Dios. Natuwa ang mga tao sa kanya dahil doon. “Nalaman ng lahat ng mamamayan ng Israel na walang kinalaman si David sa pagkamatay ni Abner” (2 Sam. 3:37 ASD). Bilang kumander ni Saul na kaaway ni David, puwedeng maghiganti si David sa kanya. Pero nakipaglibing pa siya at umiyak nang malakas. Ganoon din sa anak ni Saul na si Ishboshet. Kahit isang threat sa kanya dahil sa panahong ito hindi pa siya naghahari sa buong Israel dahil ang iba ay loyal pa sa pamilya ni Saul. Pero hindi siya ang naghiganti. Pinarusahan pa niya ang gumawa noon bilang hari na nagpapatupad ng hustisya. Ganoon din kay Saul, wala siyang kinalaman sa kamatayan niya. Kaya ipinapatay niya ang Amalekitang nagsinungaling at ipinagmalaking siya ang pumatay. At sumulat siya ng awit ng kalungkutan sa pagkamatay ni Saul at ng mga sundalo ng Israel.

Ganoon din naman ang Panginoong Jesus, ang hari nating galing sa lahi ni David. Iniiyakan niya ang mga namamatay. Kahit mga kaaway niya, iniiyak niya sa Dios. Sa halip na tayong mga kaaway niya ang mamatay, siya na ang namatay para sa atin para lang tayo mabuhay. That’s our King! At tayo na mga tagasunod niya, ganoon din ang nais niya. Kailan ang huling beses na umiyak tayo para sa isang taong namatay dahil alam nating kapahamakan ang sinapit niya? Si David, oo nga’t umiyak siya sa Dios (makikita sa mga psalms of laments) kapag hinahabol siya ng mga kaaway niya. Pero dito sa kuwento ngayon, iniiyak niya mismo sa Dios ang kamatayan ng mga taong kaaway niya. Siyempre iiyakan din natin kapag namatay ang taong may utang sa atin! E ang iniiyak naman natin para sa sarili din nating kapakanan. Pero paano yung mga taong may atraso sa atin, natutuwa ba tayo kapag may masamang nangyari sa kanila?

O kaya naman, ang mga taong araw-araw na nakakasalamuha natin na patungo na sa kanilang kamatayan (hindi natin alam kung kailan!). Nahahabag ba tayo sa kanila? Iniiyak ba natin sila sa Dios? Si David walang pananagutan sa kamatayan ni Saul, ni Abner at Ishboshet. Tayo kaya, baka pananagutan natin ang dugo ng mga taong mapapahamak na hindi man lang natin nabanggit sa kanila ang tungkol sa Kuwento ng Dios. Real men don’t cry? Really? King David cried. King Jesus cried. Hindi mo ba dapat iiyak sa Dios ang nangyayari sa mga anak mo? Sa kapitbahay mo? Sa bansa natin? Sa mga taga-Cambodia? Umiyak si David dahil concern siya sa Israel at higit sa lahat sa karangalan ng Dios. Iyon din ang dapat nating iiyak sa Dios.

The Dance of David

Hango sa 1 Samuel 4; 7; 2 Samuel 5-6; 1 Cronica 16 Nang mamatay na si Saul na unang hari ng Israel, nagkaisa ang buong Israel na sabihin kay David, “Mula pa noong una, kahit si Saul pa ang hari, kayo na po ang namumuno sa mga Israelita sa labanan. Sinabi din sa inyo ng Dios, ‘Ikaw ang gagabay sa mga mamamayan ko gaya ng paggabay ng isang pastol sa mga tupa niya. Ikaw ang magiging pinuno nila.’” Noon din ay pinahiran nila ng langis si David bilang tanda ng pagkilala sa kanya bilang hari nila. Siya ay 30 taong gulang nang maging hari, at naghari siya sa loob ng 40 taon.

Isang araw, nilusob ni David ang mga Jebuseo na nakatira sa Jerusalem. Buong pagmamalaking sinabi ng mga Jebuseo kay David, “Hindi kayo makakapasok dito, kahit mga bulag at pilay dito ay kaya kayong pigilan!” Sa galit ni David, sinabi niya sa mga tauhan niya, “Lusubin n’yo ang mga ‘bulag at pilay’ na Jebuseo!” Nasakop ni David ang matatag na kampo ng Zion, doon na siya tumira sa Jerusalem at tinawag niya itong Lungsod ni David. Nagpagawa siya ng pader sa palibot ng Jerusalem. At habang tumatagal lalong nagiging makapangyarihan si David dahil tinutulungan siya ng Dios na Makapangyarihan.

Nang panahong wala pang hari sa Israel, naagaw ng mga Filisteo ang Kahon ng Kasunduan na kinaroroonan ng presensiya ng Dios. Matagal din itong namalagi sa kampo ng mga Filisteo, pero nabawi din ito at nanatili nang 20 taon sa bahay ni Abinadab. Nang si David na ang hari ng Israel, ipinakuha niya ito. Isinakay ito sa kariton na inalalayan ni Uza at Ahio. Pero nang matisod ang baka at hawakan ni Uza ang kahon, nagalit ang Dios at pinatay niya si Uza. Nagalit din si David sa Dios dahil sa nangyari. Noong una, dahil sa takot niya, nagdesisyon siyang huwag munang dalhin sa Jerusalem ang Kahon. Pero hindi nagtagal ay dinala rin niya ito sa Jerusalem.

Habang dala-dala nila ito, sa pangunguna ni David, naghandog sila sa Dios, nagdiwang, nagsayawan, tumugtog ng mga alpa, lira, tamburin at pompyang. Nagsisigawan sa tuwa ang mga tao. Si Haring David naman ay tuwang-tuwa, nagtatatalon at nagsasasayaw. Nakita siya sa bintana ng asawa niyang si Mical na anak ni Saul. Sinabi sa kanya ni Mical, “Hindi ka na nahiya! Kung magsayaw ka para kang hindi hari!” Sumagot si David, “Ginawa ko iyon sa presensiya ng Dios. Siya ang pumili sa aking maging hari at pumalit sa tatay mo. Ipagpapatuloy ko ang pagsasaya sa presensiya ng Dios, kahit maging kahiya-hiya pa sa paningin ng mga tao.”

Nang araw na iyon, ipinasok ang Kahon sa loob ng Tolda, gaya ng iniutos ng Dios kay Moises sa Bundok ng Sinai. At ibinigay ni David sa mga Levita ang awit na ito para ituro sa mga Israelita ang pagpupuri sa Dios: “Pasalamatan n’yo ang Dios. Sambahin n’yo siya! Awitan n’yo siya ng mga papuri; ihayag lahat ng kamangha-mangha niyang mga gawa. Purihin n’yo ang kanyang banal na pangalan. Magalak kayo, kayong mga lumalapit sa Dios. Alalahanin n’yo ang kamangha-mangha niyang mga gawa. Hindi niya kinakalimutan ang kanyang mga pangako magpakailanman. Purihin si Yahweh, ang Dios ng Israel, magpakailanman.”

A Story of Joy, A Song of Joy

“Lumalakas nang lumalakas ang grupo ni David. Pero ang kay Saul naman ay humina nang humina” (2 Sam. 3:1 ASD). Sa kuwentong ito, nakita nating may dahilan talaga si David para magsaya at magpuri sa Dios. Sa wakas pagkatapos ng ilang taon, kinilala na siya ng buong Israel, hindi lang ng Judah, na hari nila. Nasakop na niya ang Jerusalem, na pinangalanang city of David, itinayo ang palasyo niya dito, ginawang political and religious capital ng Israel. At mula noon, magiging prominente na ang siyudad na ito sa Kuwento ng Dios. Pero pinakamahalaga para sa kanya ay ang presensiya ng Dios. “Habang tumatagal, lalong nagiging makapangyarihan si David dahil tinutulungan siya ng Panginoong Dios na makapangyarihan sa lahat” (2 Sam. 5:10 ASD).

Ikinalungkot niya ang nangyari sa bansa nila at kay Haring Saul dahil nagpakita ito na hindi nila kasama ang presensiya ng Dios. Pero ikinasaya niya nang bumalik ang presensiyang ito ng Dios sa kanila. Nakita ito sa istorya ng “Ark of the Covenant.” The story of the ark of the covenant is the story of God’s presence in Israel – his presence to bless or to judge. Ipinagawa ng Dios kay Moises na dito nakalagay sa loob ang 10 Commandments at nagpapakita ito ng presensiya ng Dios. Inilalagay ito sa “Holy of Holies” sa Tabernacle. Nagpapakita ito ng kabanalan ng Dios. Kapag ang isang tao o isang bansa ay hindi gumagalang sa Dios, kapahamakan ang dulot nito. Nakita ito ni David nang hawakan ni Uza ang Kahon. Magandang intensiyon, pero hindi ayon sa utos ng Dios. Dapat mga Levita ang bibitbit nito sa pamamagitan ng tukod na ilalagay sa gilid nito. Hindi rin ito dapat hawakan o hipuin (Exo. 25:14; Num. 4:15). Hindi ganoon ang ginawa nila, kaya nagalit ang Dios. Noong una nagalit si David, pero natutunan din niya ang kahalagahan ng kabanalan ng Dios at ng presensiya niya.

Ang presensiya ng Dios ay nagdudulot ng pagpapala at kagalakan sa bansa o pamilyang nagpapasakop sa paghahari ng Dios. Nakita ito ni David kaya nga nagtatalon siya sa tuwa, umawit nang malakas, nagpa-tumbling-tumbling sa pagsasayaw. Kahit ano sabihin ng ibang tao, kahit asawa niya, wala siyang pakialam. Kahit mawala ang poise ng pagiging hari niya, OK lang. He was performing for one Audience! Hindi tulad ng iba sa atin, napapasayaw na, pinipigilan pa kasi nahihiya sa katabi. Pag itataas ang kamay o papalakpak, hirap na hirap pa.

Bakit ganoon si David kung sumamba sa Dios? Kasi alam niyang totoo ‘to: “Sorrow may last for a night, but joy comes in the morning.” Oo nga’t narinig na natin ang mga awit niya na puno ng kalungkutan. Pero para sa kanya pansamantala lang iyon. Kasi kilala niya ang Dios. God turns our mourning into dancing, our sorrow into joy! “Pinawi n’yo ang aking kalungkutan, at pinalitan ng sayaw ng kagalakan. Hinubad n’yo sa akin ang damit ng kalungkutan, at binihisan n’yo ako ng damit ng kagalakan. Para ako ay umawit ng papuri sa inyo, at huwag tumahimik. Panginoon kong Dios, kayo ay aking pasasalamatan magpakailanman” (Psa. 30:11-12 ASD).

David was not just a dancer, a musician and a song-writer. He was primarily a worshipper! Ipinakita niya sa mga tao kung paano sumamba sa Dios. Hindi lang niya sila inanyayahang sumamba, siya mismo ay sumasamba at nahawa ang lahat sa ginawa niya. He was not just a worship leader but a lead worshipper! David invites others to sing for joy. “David assigned the following men to lead the music at the house of the Lord after the Ark was placed there” (1 Chr. 6:31 NLT). Kabilang dito si Asaph na siyang sumulat ng ilan sa mga awit sa Book of Psalms. David was passionate to worship God and to see to it that others too are worshipping God.

Paalala ito sa ating Music Team. You are not just musicians but worshippers! Sing and make music with all your heart. At para sa inyo na tinatawag ng Dios na mainvolve sa ministry na ito, hindi basta talent ang qualification dito, but a heart of worship. Kung tutugtug ka gawin mo para sa Dios, kung sasayaw ka sumayaw ka sa kagalakan sa ginawa ng Dios. Kung marunong kang sumulat ng kanta, isulat mo ang kuwento ng ginawa ng Dios sa Bibliya. One of the best ways to remember the Story, tell the Story and fall in love with the God of the Story is to sing the Story!

What are you singing? (not just on Sundays!) What are you dancing for? What makes you shout, thrilled or excited? Overtime in basketball games or conversion of your friend to Christ after two years of patiently sharing the love of Christ to him? Pagtatayo ng SM sa Baliwag o pagsulpot ng maraming houses of worship and fellowships sa iba’t ibang lugar? Maraming tao sa concert o maraming mga people groups ang dumadagsa sa trono ng Dios at sumasamba sa Panginoong Jesus? First honor sa graduation ng anak mo o ang araw ng kanyang baptism at pagpapahayag na susunod na siya kay Jesus? Ang mga sagot mo sa mga tanong na ito ay nagpapakita kung ano ang nasa puso mo, mahalaga sa iyo, kung ano ang sinasamba mo.

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.