God’s People Cry out For Help
The Story of God in the Bible is powerful and life-transforming. “Ang mga turo ng Panginoon ay mapagkakatiwalaan, at nagbibigay karunungan sa mga walang kaalaman” (Psa. 19:7). Nakita ko na marami sa inyo ang umiiyak habang pinapakinggan n’yo ang kuwento ni Job. Pero hindi dahil nalulungkot kayo sa nangyari sa kanya, tulad halimbawa kapag nanonood kayo ng mga drama sa telenovela. Kundi dahil nakikita n’yo ang sariling kuwento ng buhay n’yo at paanong nangungusap ang Dios sa inyo. God shows himself in our suffering. Dahil dito, umiiyak kayo hindi tulad ng mga taong walang pag-asa, kundi tulad ni Job na umaasa na tutugon ang Dios at may gagawin siya. May nagsabi sa akin, “Hindi ako naiyak sa nangyari kay Job na kahirapan, kundi sa ginawa ng Dios sa dulo ng buhay niya.” Alam nating tutugon ang Dios at kikilos sa buhay natin hindi lang kapag dumadaing tayo sa kanya, kundi lalo na kapag sama-sama tayo bilang isang pamilya na tumatawag sa kanya. Nangyari din ito sa kasaysayan ng mga Israelita na lahat sila dumaing sa Dios sa paghihirap na naranasan nila. Ito ang titingnan natin sa kuwento ng Exodus 1-15.
Story of Exodus 1-2. Nang lumipat ang pamilya ni Jacob (Israel) sa Egipto, pinagpala sila ng Dios at dumami nang dumami ang lahi nila. Nang mamatay na si Jose, nabahala ang bagong hari ng Egipto (tinatawag na Faraon) dahil dumadami na ang Israelita. Kaya pinahirapan niya sila at ginawang mga alipin. Sa kabila noon, lalo pa rin silang dumami. Kaya para mapigilan ang pagdami, iniutos ng hari na patayin ang mga bagong silang na lalaki. Kahit namatay na ang hari patuloy pa rin ang paghihirap ng mga Israelita sa kanilang pagkaalipin. Humingi sila ng tulong sa Dios. Narinig ng Dios ang kanilang hinaing, at inalala niya ang kanyang kasunduan kina Abraham, Isaac at Jacob. Nakita ng Dios ang kalagayan nila at naawa ang Dios sa kanila.
Hindi nakakalimot ang Dios sa pangako niya. Kapag dumaing tayo at sumagot siya, hindi ibig sabihing parang nakatulog siya at ginising natin at sinabi niya, “Oo nga pala, buti pinaalala mo sa akin.” Maging ang 400 taong paghihintay ng mga Israelita para ibalik sila ng Dios sa lupang ipinangako niya sa kanila ay bahagi ng kanyang plano. Walang aberya sa plano ng Dios. Lahat nakaayon sa kanyang timetable. 25 years kay Abraham, 20 years kay Jose, 400 years sa mga Israelita. Kasama ito sa pangako ng Dios kay Abraham, “Ang mga lahi mo ay magiging dayuhan sa ibang bansa. Magiging alipin sila roon at aapihin sa loob ng 400 taon…Paparusahan ko ang bansang aalipin sa lahi mo. Lilipas muna ang apat na salinlahi bago makabalik dito ang mga lahi mo…” (Gen. 15:13-16). Nangyari nga ang sinabi ng Dios. At mangyayari din na paparusahan niya ang Egipto at ibabalik sila ulit sa Lupang Pangako.
God Calls a Leader
Story of Exodus 3-6. Nang iniutos ng hari na ipapatay ang mga ipapanganak na lalaking Israelita, iniligtas ng Dios ang isang lalaking sanggol, pinalaki ng isa sa mga anak babae ng hari, at pinangalanang Moises. Nang 40 taon na si Moises, pinag-initan siya ng Faraon at tinangkang patayin. Tumakas si Moises papuntang Midian at doon nakapag-asawa at nagkapamilya. Habang binabantayan niya ang mga hayop ng biyenan niya, nakarating siya sa Bundok ng Horeb (na tinatawag ding Sinai) at napansin niyang umaapoy ang isang maliit na puno pero di naman nasusunog.
Nang lapitan niya ito, nagsalita ang Dios, “Moises, Moises!” “Narito po ako,” sagot naman ni Moises. Sabi ng Dios, “Nakita ko ang pang-aalipin na ginagawa ng mga Egipcio sa mga Israelita. Narinig ko din ang paghingi nila ng tulong sa akin. Kaya ipapadala kita sa Faraon para palayain sila.”
Takot na nagtanong ni Moises, “Sino po ba ako para gawin iyon?” Sagot ng Dios, “Sasamahan kita, at ito ang magiging tanda na ako ang nagpadala sa iyo: Kapag nakalaya na kayo, sasambahin n’yo ako dito mismo sa bundok na ‘to.”
Tanong ulit ni Moises, “Kung magtanong po sila kung ano ang pangalan n’yo, ano pong isasagot ko.” Sagot ng Dios, “Ako ay si Ako Nga. Sabihin mo sa kanila: ‘Si Yahweh, si Ako Nga, ang Dios ng inyong mga ninuno na sina Abraham, Isaac, at Jacob, ang nagpadala sa akin sa inyo.’ Kikilalanin ako sa pangalang Yahweh magpakailanman.”
Tanong ulit ni Moises, “Paano po kung hindi sila maniwala sa akin?” Sagot ng Dios, “Dalhin mo ang baston mo at sa pamamagitan niyan ay gagawa ka ng mga himalang ipapagawa ko sa iyo para maniwala sila na akong si Yahweh ang nagpadala sa iyo para palayain sila at sumamba sa akin.”
Tugon ulit ni Moises, “Hindi po ako magaling magsalita. Puwede po bang iba na lang ang ipadala n’yo, ‘wag na lang ako.” Nagalit na ang Dios at sinabi, “Sino ba ang maygawa ng bibig ng tao? Hindi ba akong si Yahweh? Tutulungan kita at ituturo ko sa iyo ang mga dapat mong sabihin. Makakasama mo ang kapatid mong si Aaron para siyang maging tagapagsalita mo.”
Ayon sa sinabi ng Dios, bumalik si Moises kasama ang kanyang pamilya sa Egipto. Kasama si Aaron, tinipon nila ang mga pinuno ng Israel at sinabi ni Aaron sa kanila ang lahat ng sinabi ng Dios kay Moises. Ginawa ni Moises ang mga himala sa harap ng mga tao, at naniwala sila. Nang malaman nilang nagmamalasakit ang Dios sa kanila at nakita niya ang paghihirap nila, lumuhod sila at sumamba sa Dios.
Nang pumunta na sina Moises at Aaron sa Faraon, sabi nila, “Pinapasabi ni Yahweh, ang Dios ng Israel, ‘Payagan mong umalis ang bayan ko para sumamba sa akin.’” Sinabi ng Faraon, “Sino bang Yahweh na iyan? Hindi ko siya kilala at hindi ko paaalisin ang mga Israelita!”
Dahil sa galit ng Faraon, lalo niyang pinabigat ang trabaho ng mga Israelita. Kaya nagalit sila kay Moises at Aaron, “Ano ba ‘tong ginawa n’yo? Dahil sa inyo lalo kaming pinapahirapan, kulang na lang patayin kami!”
Dumulog si Moises sa Dios, “O Dios, bakit n’yo pa ‘ko isinugo sa kanila kung lalala lang naman pala ang kalagayan nila?” Sagot ng Dios, “Makikita mo ngayon kung ano ang gagawin ko. Makikita ng Faraon ang kapangyarihan ko. Patitigasin ko ang puso niya, at sa pagmamatigas niya, lalo pa niyang makikita ang kapangyarihan ko. Narinig ko ang daing ng aking bayan. Palalayain ko sila mula sa pagkaalipin. Makikilala n’yo na ako si Yahweh ang nagligtas sa inyo. Dadalhin ko kayo sa lupang ipinangako ko. Ako si Yahweh!” Sinabi ito ni Moises sa mga Israelita pero hindi sila naniwala sa kanya dahil nawalan na sila ng pag-asa sa sobrang pagpapahirap na ginagawa sa kanila.
Who God is, not Who We are
The plan of God. This is not about Moses. This is about God. This is not about Moses’ plan. This is about the plan of God. Simula nang magrebelde sina Adan at Eba, at lahat ng taong nanggaling sa kanila, God plans to rescue rebels. Ang planong ito na iligtas ang mga makasalanan sa buong mundo ay sinimula niya sa Israel. Sa kanilang ninunong si Abraham binigay ng Dios ang pangakong pagpapalain sila, bibigyan sila ng sariling lupa, at magiging pagpapala din sila sa ibang mga bansa. Pero paano nga mangyayari iyon samantalang 400-taon na silang alipin sa ibang bansa? Ang plano ng Dios? Palayain sila mula sa pagkaalipin! Paano sila mapapalaya? Paparusahan ng Dios ang Egiptong umaaalipin sa kanila.
Kaya bang gawin ng Dios iyon kahit walang tutulong sa kanya? Oo, siyempre! Pero kasama sa plano niya na may gagamitin siyang tao, ang pangalan ay Moises. Plano siguro ni Moises na manatili na lang sa Midian, kasama pamilya niya, magtrabaho para guminhawa ang buhay. Pero iba ang plano ng Dios. Tinawag niya si Moises at ipinaalam sa kanya ang plano niya. Ang reaksiyon ni Moises? Tuwang-tuwa, excited ba? Hindi, alam niya kasing mahirap iyon. Haharap siya sa hari ng Egipto, pangungunahan niya ang halos 2 milyong tao – na mga alipin at di naman mga sundalo. May training ba si Moises dun? Di nga siya sanay magsalita, baka ang leadership training niya lang ay sa pag-akay sa mga tupa! Kaya sabi niya sa Dios, “Lord, puwede bang iba na lang ipadala n’yo?” Anong response ng Dios? Sinabi ba niyang, “Sige, pag-iisipan ko muna, maghintay muna ko ng ilang taon kapag handa ka na, o iba na lang ipapadala ko, o ‘wag kang mag-alala kaya mo ‘yan, magaling ka naman, magtiwala ka lang sa sarili mo”? Hindi! Sinabi niya kung sino siya…
The personal name of God. “Kung kilala mo talaga kung sino ako, hindi ganyan ang magiging reaksiyon mo.” Ipinakilala niyang siya ay si “Ako Nga” o “I am who I am” (Exo. 3:14-16). Ang salitang ginamit dito ay hawig ng pangalang pinakilala ng Dios sa sarili niya, Yahweh (Heb. YHWH). Sa ibang translation, Yahweh. Sa iba naman PANGINOON o LORD (all caps, para maiba dun sa Lord na galing sa Heb. Adonai). Sabi ng mga scholars, ang pangalang Yahweh ay maaaring magpahiwatig: (1) ng kanyang self-existence – wala pa ang mundo at lahat ng bagay, nariyan na ang Dios, di niya kailangan ang tao para mabuhay o maging masaya; (2) ng kanyang pagiging creator and sustainer of the universe – sa kanya galing ang lahat at siya ang humahawak at nagpapanatili sa lahat; (3) na siya ay unchanging – kung ano siya dati, ganoon pa rin; at (4) eternal – walang-hangganan, walang simula, walang wakas. At kapag makikita natin na tinatawag na “Lord” ang Panginoong Jesus sa Bagong Tipan, ganito rin ang pagkakaintindi nila, na siya ay walang iba kundi si Yahweh na nagkatawang-tao. Kaya ng sabihin niya sa John 8:58, “Before Abraham was, I am,” gusto siyang batuhin ng mga Pariseo dahil sa blasphemy. Ganoon din ang implications ng pitong “I am’s” sa John (“I am the bread of life, I am the resurrection and the life…”). He is none other than Yahweh incarnate.
Pero ang mas mahalaga sa pangalang “Yahweh” ay yung context ng pag-uusap nila ni Moises. Na parang sinasabi ng Dios, “Ako ang Yahweh para sa inyo at hindi para sa mga Egipto.” Gusto ng Dios na ipakita na siya ay sa kanila at sila ay sa kanya. Personal name niya. He is the God of the covenant. Personal, relational, covental. Kaya ito ang pinakamadalas gamiting pangalan sa Dios sa OT (more than 6,000 times) kumpara sa mas generic, universal na Elohim o “God” (more than 2,000 times). Sabi niya kay Moises, “Ang pangalan ko ang ihaharap mo sa kanila, hindi ang pangalan mo.”
The promise of God. “Ako ang gagawa nito. Maniwala ka sa sasabihin ko.” Sinasabi niyang hindi ito nakadepende sa mga salita ni Moises, sa mga pangako niyang gagawin para sa Israel, kundi sa pangako ng Dios na nakaugat pa sa ninuno nilang si Abraham. “Kahit ba hindi ka magaling magsalita, Moises. Ang kailangan naman nila ay ang salitang nanggagaling sa akin.”
The presence of God. “Sasamahan kita. Ituturo ko sa iyo mga sasabihin mo. Sino ka nga ba para humarap sa hari ng Egipto? Pero ako ang haharap. Ipapakita ko sa kanyang kasama mo ako.” Sabi ni David Platt sa sermon niya sa Exodus, “The call to God’s service is always accompanied by the promise of God’s presence.” Malaking encouragement sa atin ‘to.
Tulad ni Moises tinatawag din tayong lahat ng Dios na manguna at maglingkod sa kanya, na humarap sa ibang tao ay akayin sila para makakilala at lalo pang makakilala kay Cristo. Pero natatakot ang iba sa atin. Tinatawag ka ng Dios para pangunahan ang youth ministry sa church, pero sabi mo hindi mo kaya. Tinatawag ka ng Dios para makatulong sa ibang mag-asawa na maayos ang relasyon nila, pero sinasabi mo hindi ka karapat-dapat kasi kayo ngang mag-asawa di naman perpekto relasyon n’yo. Tandaan natin, it’s not about us. It’s about God.
This is also an encouragement to persevere. Kung sumunod na tayo sa Dios, tulad ni Moises na humarap na sa mga tao, humarap na kay Faraon, pero hindi naniwala. Magpapatuloy tayo kasi alam natin yung purpose and power niya…
The purpose of God. Sabi niya kay Moises, “Ito ang tanda na ako ang nagsugo sa iyo: Kapag nakalabas na kayo sa Egipto, sasambahin n’yo ko sa bundok na ito.” Mangyayari ba iyon? Oo, kasi yun ang purpose niya. Gusto niyang ang mga tao sa halip na sumamba sa ibang dios, sa kanya lang sumamba. Kaya sabi niya kay Pharaoh, “Let my people go that they may worship me.” Ang problema kaya di sila makasamba ay dahil alipin sila ng mga Egipto at ang impluwensiya nitong pagsamba sa mga diyus-diyosan.
The power of God. Kapag may sinabi siyang gusto niyang mangyari, magagawa niya. Pinakita ito ng Dios sa himalang ginawa niya kay Moises. Pero hindi pa talaga nakikita ni Moises ang lakas ng Dios, na sa isang salita niya ay nalikha ang lahat ng bagay at nagkaroon tayo ng buhay. Sa salita din niya makikilala ng lahat ang kapangyarihan niya. Nagmamatigas ang Faraon at ayaw maniwala ng mga Israelita, kaya magpapakilala ang Dios at ipapakita sa kanila – sa Egipto at sa mga Israelita – kung sino itong si Yahweh.
God Rescues His People
Story of Exodus 7-15. Sinabi ng Dios kay Moises, “Matigas ang puso ng Faraon. Bukas pumunta ka sa kanya sa may Ilog Nilo. Sabihin mo sa kanya, ‘Pinapasabi ni Yahweh na paalisin mo na’t palayain ang mga Israelita para makasamba sila sa akin.’ Pagkatapos, iunat mo ang bastong hawak mo sa may ilog at magiging dugo ang tubig nito.” Sinunod nga ni Moises ang salita ng Dios at naging dugo nga ang mga tubig sa Egipto.
Sa kabila nito nagmatigas pa rin ang Faraon. Dahil doon, sunud-sunod na nakapangingilabot na salot ang ipinadala ng Dios sa Egipto para patunayang siya lang ang makapangyarihang Dios at wala nang iba. Pinuno niya ng mga palaka ang buong lupain. Pagkatapos nito ay nagpadala din siya ng maraming lamok at langaw. Matigas pa rin ang Faraon at ayaw kilalanin ang Dios, kaya nagpadala pa ang Dios ng salot na pumatay sa mga alagang hayop ng mga Egipcio. Pinuno niya ng bukol ang katawan ng mga tao doon. Sinira ng Dios ang kanilang mga tanim nang magpaulan siya ng mga yelo at magpadala ng balang. Hinatulan ng Dios ang buong bansa nang padilimin niya ang buong lupain. Sa lahat ng ito ay hindi naapektuhan ang mga Israelita dahil iniingatan sila ng Dios.
Pinatigas pa rin ng Dios ang puso ng Faraon at di pa niya pinapayagang umalis ang mga Israelita. Kaya nagpadala ang Dios ng huling salot na papatay sa lahat ng panganay sa Egipto – tao man o hayop. Pero gumawa ang Dios ng paraan para maligtas sa salot na ito ang mga Israelita. Sinabi niya sa kanila, “Bawat pamilya ay kumuha ng isang lalaking tupa na walang kapintasan. Ihahandog n’yo ito sa akin nang hindi binabali ang anumang buto nito. Pagkatapos, kukunin n’yo ang dugo nito at ipapahid sa hamba ng pinto ng bahay n’yo. Pagdating ng hatinggabi, dadaan ang anghel ko para parusahan ang buong Egipto. Kapag nakita ko na may nakapahid na dugo sa may pinto n’yo, lalampasan ng anghel ang bahay n’yo at maliligtas kayo sa parusa kung hindi kayo lalabas ng bahay. At paglabas n’yo sa Egipto, itong Pista ng Paglampas ng Anghel ang ipagdiriwang n’yo taun-taon para alalahanin ang pagliligtas na ginawa ko. Kapag nagtanong ang mga anak n’yo, sabihin n’yo sa kanila kung ano ang ibig sabihin nito.”
Dumating ang hatinggabi, dumating ang anghel ng Dios at pinatay ang lahat ng panganay sa Egipto, pati ang panganay ng Faraon na siyang magmamana sa trono. Malakas na iyakan ang narinig sa bahay ng mga Egipcio. Pero naligtas ang mga nasa loob ng bahay ng mga Israelita na may nakapahid na dugo ng tupa sa pintuan. Dahil sa nangyari, nagmamakaawa nang pinakiusapan ng mga Egipcio na umalis na ang mga Israelita. Ang mga Israelita, na lagpas dalawang milyon na ang bilang, malaya na sa pagkaalipin, ay lumabas sa Egipto at nagsimulang maglakbay tungo sa lupang ipinangako ng Dios kay Abraham.
Sinamahan sila ng presensiya ng Dios sa kanilang paglalakbay. Nang magbago ang isip ng Faraon, gusto niyang maghiganti kaya pinasunod niya ang mga tauhan niya para salakayin ang mga Israelita. Nang malapit na ang mga Israelita sa dagat, natakot sila nang makita nilang aabutan sila ng mga Egipcio. Hinati ng Dios ang dagat at nakatawid ang mga Israelita sa tuyong lupa. Nang subukang tumawid ng mga Egipcio sa dagat, pinaihip ng Dios ang malakas na hangin at ibinalik ang tubig. Nalunod lahat ng mga Egipcio. Naligtas ang mga Israelita. At nakita nila ang kapangyarihan ng Dios kung paano siya lumaban para sa kanila. Dahil doon, nagtiwala sila sa Dios, sumamba sa kanya at masayang-masayang umawit ng papuri sa Dios.
Our God is Mighty to Save
Matigas ang ulo nitong Faraon, mayabang, akala mo kung sinong pagsalitaan ang Dios at kanyang mga lingkod. Oo nga’t siyang ang hari ng pinakamakapangyarihang bansa sa panahon nila, pero sino siya sa harapan ng Dios na umasta ng ganoon? We are quick to judge him, right? And we judge ourselves by judging him! Bakit? Kasi tayo rin naman, we are hard-hearted. Kung di dahil kay Cristo at sa biyaya ng Dios, matigas pa rin ang puso natin. Gusto natin tayo nasusunod, ayaw nating may nagsasabi sa atin kung anong dapat nating gawin. Kung tulad ng Faraon at ng mga Egipcio na magmamatigas tayo sa harapan niya, ipapakita niyang he is mighty to judge. Oo nga’t pinapatigas ng Dios ang puso ng Faraon para mas makita ang kadakilaan niya, pero hindi puwedeng excuse yun sa stubborness niya kasi siya mismo ang nagmamatigas. Lahat tayo ay responsible for our hardness of hearts. Dapat lang na parusahan ng Dios. Ang mga salot pinadala niya para sabihing, “Walang kuwenta ang mga dios-diosang kinakapitan n’yo, di kayo kayong iligtas sa parusa ko.” Ang kadiliman ay senyales ng hatol ng Dios. Ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan (Rom. 6:23), kitang-kita sa pagkamatay ng mga panganay. At ito rin ang sasapitin ng lahat ng nagmamatigas sa Dios.
Pero may habag ang Dios. Tulad ng mga Israelita, tayo rin ay mga alipin. We are slaves of sin. At gusto ng Dios na iligtas tayo sa kasalanan natin at ipakitang he is mighty to save. Paglabas nila mula sa Egipto, di na sila mga alipin, pinalaya na ng Dios. At tayo rin pinalaya ng Dios sa pamamagitan ni Cristo. Kitang-kita ng Israel ang power ni God sa nahating dagat! Kitang-kita din natin ang kapangyarihan ni Cristo nang mapalaya tayo. The gospel is the power of God for salvation to everyone who believes (Rom. 1:16). Jesus is the power of God to those who are called (1 Cor. 1:24).
Mula noon, hanggang ngayon, GOD RESCUES SLAVES. At paano tayo naligtas? Ang Dios ang tumawag, tayo’y nagtiwala. Naligtas ang Israel di dahil sa kung sino sila o ano ang ginawa nila, kundi dahil sa ginawa ng Dios. Salvation (or freedom from sin) is by grace through faith alone. Ano ba ang ginawa ng mga Israelita para maligtas sila sa anghel na pinadala ng Dios upang pumatay sa lahat ng panganay? Wala! Naniwala lang sila sa provision ng Panginoon, na magpahid ng dugo sa hamba ng pintuan at manatili sa loob ng bahay. Yun lang. Ganoon din sa atin, kung hindi tayo naniniwala o hindi natin tinatanggap ang dugo ni Cristo na inialay para sa atin, di rin tayo maliligtas. Anong gusto ng Dios?
Recognize that you are a slave and you need God’s rescue. Lahat ng tao alipin. Di naman sasama ang mga Israelita kung kuntento sila sa buhay nila doon. Di ka rin mananalig kay Cristo kung di mo kinikilalang kailangan ka niyang iligtas. Kung kuntento ka na sa buhay mo ngayon, alipin ng kasalanan, at diretso sa kapahamakan pagdating ng Panginoong magpaparusa sa lahat ng alipin ng kasalanan, ikaw ang bahala. Pero kung hindi…
Receive God’s gift of rescue. Walang iba kundi ang Panginoong Jesus. Nang ipako ang Panginoong Jesus, kasabay yun ng libu-libong kinakatay na tupa para ihandog sa Feast of Passover. Kaya sabi ni Juan na nagbabautismo, “Narito na ang Tupa ng Dios na ihahandog upang mag-alis ng kasalanan ng mga tao sa mundo” (John 1:29)! Si Pablo naman, “Nilinis na kayo dahil inialay si Cristo para sa atin. Tulad siya ng tupang iniaalay tuwing Pista ng Paglampas ng Anghel (Passover)” (1 Cor. 5:7). Hindi rin binali ang buto ng Panginoong Jesus tulad ng tagubilin sa mga tupang ihahandog during the Passover na di rin babaliin ang buto. Once you trusted in Christ, that moment you are freed. Trust in him continues everyday. Recognize your need of him everyday. Receive his gift everyday. Sabihin mo, “I am a slave. I need Jesus to rescue me. Lord, rescue me.”
Remember God’s rescue story. Taun-taon ang Passover para maalala nila ang ginawang pagliligtas ng Dios. Buwan-buwan natin ginagawa ang Lord’s Supper, na siyang huling hapunan ng Panginoong Jesus na kasabay din ng Passover. Para din maalala natin ang ginawa ni Cristo para sa atin. Ang makikibahagi lang sa Passover ay ang mga bahagi ng covenant ng Dios sa Israel (mga tuli kasama ang pamilya nila). Ang maaaring makibahagi lang sa Lord’s Supper ay ang mga malaya na dahil kay Cristo. [Ipamigay ang tinapay at inumin…] Kung hindi pa, nananawagan ang Dios sa iyo ngayon na tanggapin ang kanyang regalo at sumunod sa tubig ng bautismo para ipahayag na si Jesus ang Tagapagligtas mo. Ang Panginoon, nang gabing siya’y ipagkanulo ay dumampot ng tinapay, nagpasalamat at sinabi, “Ito ang aking katawan na ibinibigay para sa inyo. Kainin n’yo ito bilang pag-aalaala sa akin.” [Kainin ang tinapay…] Pagkatapos kumain, kinuha niya ang inumin at sinabi, “Ito ang aking dugo na ibinibuhos para sa inyo, inumin n’yo ito bilang pag-aalaala sa akin. Sa tuwing kakain kayo at iinom nito, ipinapahayag n’yo ang aking ginawang pagliligtas hanggang sa pagbabalik ko.” [Inumin natin…]
Re-tell God’s rescue story. Ang mga tatay sa bahay ang hahanap ng tupa na ihahandog at pagsasalu-saluhan nila during the Passover. At sinabi ng Dios na kapag tanungin sila ng kanilang anak ano ibig sabihin noon, ang gagawin lang nila ay ikuwento kung ano ang nangyari sa mga Israelita nang iligtas sila ng Dios mula sa Egipto. Mga bata, tanungin n’yo ang tatay o nanay n’yo bakit ginagawa ang Lord’s Supper. Mga tatay, ikuwento n’yo sa kanila ang kuwento ng pagliligtas ni Cristo sa atin. God is concerned for the salvation of the whole family – tatay, nanay, mga anak, mga kasambahay. Hindi maliligtas ang anak mo dahil lang Cristiano ka. Ang mga bata dapat pumasok din sa loob ng bahay at takpan ng dugo ni Cristo. Are your children covered by the blood of Jesus? Paano kung hindi pa? Anong gagawin mo?
Rejoice about God’s rescue story. Ano ang ginawa ng mga Israelita pagkatawid nila sa dagat, pagkatapos nilang makitang talunin ng Dios ang mga kaaway nila at makita ang kapangyarihan niyang iligtas sila? Kumanta sila! Pinuri at sinamba ang Dios at sinabing, “Our God is mighty to save!” Ganoon din ang aawitin natin simula nang iligtas tayo ng Dios hanggang sa pagbabalik ng Panginoong Jesus kung kailan lahat ay masayang aawit sa kanya at sasabihing, “Ang Tupang pinatay ay karapat-dapat tumanggap ng kapangyarihan, kayamanan, karunungan, kalakasan, karangalan, kaluwalhatian, at kapurihan” (Rev. 5:12)!
I believe so .
LikeLike
You believe what?
LikeLike