God Creates His Kingdom

Preached by Derick Parfan on Jan. 1, 2012 at Baliwag Bible Christian Church

Then God said, “Let us make man in our image, after our likeness. And let them have dominion over the fish of the sea and over the birds of the heavens and over the livestock and over all the earth and over every creeping thing that creeps on the earth.” 27 So God created man in his own image, in the image of God he created him; male and female he created them. 28 And God blessed them. And God said to them, “Be fruitful and multiply and fill the earth and subdue it and have dominion over the fish of the sea and over the birds of the heavens and over every living thing that moves on the earth.” 29 And God said, “Behold, I have given you every plant yielding seed that is on the face of all the earth, and every tree with seed in its fruit. You shall have them for food.[1] (ESV)

Not Another New Year’s Resolution

Di ko alam kung may New Year’s Resolution na kayo, pero ito ang proposal ko na gawin nating lahat sa church. Babasahin natin ang buong Bibliya – mula Genesis hanggang Revelation – mula January hanggang December. Susundan natin ang istorya ng buong Bibliya, mula sa paglikha ng Dios hanggang sa pagdating ng Panginoong Jesus. Babasahin natin sa personal na quiet time natin araw-araw (siguraduhing meron nang Bible reading plan). Pag-uusapan din natin sa family worship time, kasama mga bata dito (siguraduhing may Family Worship Guide, invite parents sa orientation). Papakinggan natin sa mga sermon kada-Linggo. Pag-uusapan din at pagtutulungang isabuhay sa mga K-Groups (kung wala pa kayo, hanap ng dalawa o tatlong makakasama).

Maaaring ang ilan sa inyo di pa nagagawang basahin ang buong Bibliya, ‘wag kayong mag-alala, pagtutulungan natin. Ang iba naman ay taun-taon nang ginagawa, pero ngayon lang natin ito gagawin na buong church. Let’s do it together. Help each other. Be accountable. Expect life-change. Expect God to work in amazing ways as we do it as a church.

A Wedding, a Funeral, and a Birthday

Isang kainaman ng ministeryo naming mga pastor ay mas marami kaming pagkakataong pag-isipan ang tungkol sa buhay. Mula pagsilang ng sanggol, hanggang kasalan, hanggang kamatayan ang sakop ng ministeryo ng pastor. Wednesday, dumalo kami sa kasal ng kaibigan ng asawa ko, at sa January ang una kong ikakasal. Katapusan ng buhay binata at dalaga at simula ng bagong pamilya. Nitong Thursday funeral ng tatay ng kapatid natin dito. Katapusan ng isang buhay, pasimula ng bagong yugto sa buhay ng pamilya. Kahapon ay birthday ng anak ko, pagdiriwang ng pasimula ng buhay na bigay ng Dios. Kahapon din ay pagtatapos ng taon, at ngayon ang simula ng panibagong taon. Kapag may natapos at nagsimula, magtatanong tayo, Ano nang gagawin ko ngayon? Paano ko naman gagawin iyon? At kung gagawin ko iyon, bakit ko naman kelangang gawin? Meron bang bago? Meron pang mangyayaring iba? Giginhawa kaya ang buhay ko o mas magiging mahirap? Kung magiging maganda, paano? Ang dami nating tanong sa buhay.

Ganun din mga Israelitang papasok sa lupang ipinangako ng Dios. Sino ba tayo? Anong gagawin natin sa lupang ito? Paano natin magagawa ito? Bakit ba tayo dinala dito ng Dios? Sino ba siya? Ano ba ang gusto niyang mangyari sa atin? Kaya isinulat ni Moises ang unang limang aklat sa Bibliya para sagutin ang mga tanong na ito sa pamamagitan ng isang kuwento, isang totoong kuwento, totoong nangyari. At ito ang simula ng kuwento…

God Created Everything

Ang Kuwentong ito ay tungkol sa Diyos – kung sino siya, ano ang ginawa niya, at ano ang plano niyang mangyari. “Nang pasimula, nilikha ng Dios ang langit ang ang mundo” (Gen. 1:1). Wala pa ang lahat ng bagay narito na ang Dios – Ama, Anak, at Espiritu – isang Dios, tatlong persona. Lahat ng bagay sa mundo at sa langit ay ginawa ng Dios mula sa wala. Lahat ng nakikita natin, pati di natin natatanaw galing sa Dios, at para sa Dios. Mula sa mga anghel sa langit hanggang sa mga insekto sa lupa, lahat para sa Dios.

Sa kapangyarihan ng kanyang salita, nalikha ang lahat. Sinabi niyang, “Magkaroon ng liwanag,” nagkaroon nga ng liwanag. Dito nagsimulang buuin ng Dios ang mundong titirhan ng tao, ang mundong magsisilbing lugar na paghaharian ng Dios. Sa unang araw, pinaghiwalay niya ang liwanag sa kadiliman, ang araw sa gabi. Sa ikalawang araw, pinaghiwalay niya ang tubig at kalawakan. Sa ikatlong araw, pinagbukod niya ang tubig at lupa sa mundo.  Sa araw ding ito sinimulan niyang ihanda ang mundo para maging maganda at kapaki-pakinabang. Pinatubo niya ang iba’t ibang uri ng puno at halaman. Sa ika-apat na araw naman, nilikha niya ang araw, buwan at mga bituin. Sa ikalimang araw ay ang iba’t ibang uri ng isda at mga ibon. Sa ika-anim naman ay ang mga hayop sa lupa – may maliit, may malaki, may maamo, may mailap.

Nakita ng Dios ang lahat ng kanyang ginawa at nasiyahan siya sa ganda ng nakita niya.

God Created Us

Pero may kulang pa, hindi pa tapos ang kanyang obra maestra. Pagkatapos niyang ihanda ang mundo, sinabi ng Dios, “Likhain natin ang tao ayon sa ating larawan (Gen. 1:26). Sila ang mamamahala sa mundo, sa mga halaman at mga hayop na naririto.” Kaya dumampot ang Dios ng lupa, hiningahan niya ito, nagkaroon ng buhay, at naging tao. Siya ang unang lalaki na ang pangalan ay Adan.

Pagkatapos nito, nilikha ng Dios ang unang babae, si Eba. Hindi lang lalaki ang ginawa ng Dios dahil sabi niya, “Hindi mabuting mabuhay ang tao nang nag-iisa lang, kaya igagawa ko siya ng kasama na tutulong sa kanya at nararapat sa kanya” (2:18). Kaya mula sa isa sa mga tadyang ni Adan, ginawa itong babae ng Dios, at iniharap kay Adan. “Kaya nilikha ng Dios ang tao na lalaki at babae ayon sa wangis niya” (1:27).

Pinagpala ng Dios ang unang mag-asawa at binigyan ng kakayahang magpakarami sa pamamagitan ng mga anak na galing sa kanila. Sinabihan niya sila, “Magpakarami kayo para mangalat ang lahi ninyo at mamahala sa buong mundo” (1:28).

Inilagay niya sila sa isang magandang hardin, isang lugar kung saan nasa kanila na ang lahat ng kailangan nila para masiyahan sa buhay (2:8). Sabi sa kanila ng Dios, “Ibinibigay ko sa inyo ang mga pananim na nagbubunga ng butil at ang mga punongkahoy na namumunga para kainin ninyo” (1:29). Sa gitna ng hardin, merong dalawang espesyal na puno. Ang isa ay ang Punong Nagbibigay-Buhay. Ang isa naman ay ang Punong Nagbibigay-Kaalaman ng Mabuti at Masama (2:9). Sinabi ng Dios kay Adan at Eba na puwede silang kumain ng galing sa anumang puno maliban lang sa isa – ang Punong Nagbibigay-Kaalaman ng Mabuti at Masama. Nagbigay siya ng babala na kung kakain sila ng bunga nito, tiyak na mamamatay sila (2:16).

Araw-araw, dumarating ang Dios, naglalakad na kasama ng mga tao, at nakikipagkuwentuhan sa kanila. Ipinakita niya sa kanila kung paano mamuhay nang kasiya-siya – isang buhay na malapit sa Dios at nasa ilalim ng kanyang pangangalaga at pamamahala. Nasisiyahan naman sina Adan at Eba na kasama ang Dios.

Nang matapos ang paglikha ng Dios, tiningnan niya lahat ng ginawa niya at “lubos siyang nasiyahan” (1:31). Nagpahinga siya at naglaan ng isang araw sa loob ng isang linggo bilang araw ng pamamahinga para sa kanyang mga nilikha.

Who is this Creator?

Sa unang dalawang pahina pa lang ng ating Bibliya, napakagandang kuwento ang masisilayan natin. At ang maganda dito, totoong lahat ito. At dito pinapakilala ng Dios ang kanyang sarili. Mahalaga ang kuwento ng isang kaibigan para makilala natin siya. Sa pamamagitan din ng kuwento ng Bibliya pinakikilala ng Dios kung sino siya. Who is this Creator? Ano ang kaibahan niya sa maraming mga diyus-diyosan na sinasamba ng ibang tao? Ano ang kaibahan niya sa lahat ng kanyang nilikha? Bakit siya lang ang dapat sambahin at wala nang iba? 4Gs – God is good, gracious, great and glorious. Alam natin ang apat na itong katangian ng Dios. Pero sa tuwing nakakalimutan natin, o di natin pinaniniwalaan, pumapasok ang kasalanan. Ito ang babalik-balikan natin sa kabuuan ng Kuwento.

God is good. Mabuti ang Dios. Lahat ng ginawa niya ay mabuti. “God saw everything that he had made, and behold, it was very good” (1:31). Wala siyang ginawang masama. Anumang di maganda o masamang nangyayari ngayon di sa Dios nagmula. Ang nais ng Dios sa ating kanyang mga nilikha ay para sa ikabubuti natin. Mula sa kanyang paglikha hanggang ngayon, pinatutunayan niyang mabuti siya. Never for once instance should we doubt his goodness.

God is gracious. Mapagpala ang Dios. Hindi lang basta mabuti ang kanyang ginagawa, sagana siya sa kabutihan. Hindi naman niya tayo kailangang likhain, pero ginawa niya. Binigyan niya tayo ng buhay. Binasbasan tayo ng Dios bilang tanda ng pagpapalang nakalaan para sa atin. Binigyan tayo ng pagkain na makakain. Food not just to meet hunger but to enjoy. Lahat ng pagkain sa hardin puwede nilang kanin, maliban lang sa isa. Kaya sila pinagbawalan kasi para din naman sa kanila iyon. Kung nakinig sila sa warning ng Dios, di sana’y di papasok ang kasalanan at kamatayan. Tapos sa lahat ng nilikha ng Dios tayo ang pinakamahalaga, tayo lang ang maydala ng kanyang larawan. Ni ang mga anghel ay di nilikha sa larawan ng Dios. Napakalaking pribilehiyo ang binigay niya sa atin. Ginawa pa niya tayong hari sa lahat ng kanyang nilikha. Kailangan ba niyang gawin iyon? Di naman di ba?

God is great. Dakila ang Dios. “Panginoon kong Dios, kayo ay dakila sa lahat. Nadadamitan kayo ng kadakilaan at karangalan” (Psa. 104:1). Kung ang kalawakan ay di masukat ang lawak at luwang, di rin natin masusukat kung gaano kadakila ang Dios natin (Psa. 145:3). From the largest galaxies and stars, to the tiniest insects and microorganisms, his greatness is unfathomable. Pambihira ang kanyang kapangyarihan, isang salita lang, nalikha ang lahat ng bagay. Mula sa wala, nagkaroon. Dakila ang karunungan niya. Hiwalay siya sa kanyang mga nilikha. Siya ang Hari. Walang dapat umagaw ng tronong iyon mula sa kanya.

God is glorious. Marangal ang Dios. “Ang inyong karilagan ay nakikita sa buong sanlibutan” (Psa. 8:1, 9). He is not just the Master Engineer, he is also the Master Architect. There is not just structure but beauty, variety, and harmony in his creation. Pinakamaganda sa lahat, ang masterpiece, ay ang tao. We are beautiful because God is “beautiful beyond description.” We are created in the image of God. A proof that our God is a glorious God.

What are We Here for? Our Identity and Mission in Life

Nilikha ng Dios ang lalaki at babae sa kanyang larawan. Dala-dala natin kung sino ang Dios. We are God’s image-bearers. Ito ang identity natin. Ito ang pinakamahalaga sa resume o bio-data natin. Hindi yung natapos natin sa kolehiyo, hindi yung income statement natin, hindi yung propesyon natin, hindi kung sinong tanyag na tao ang kilala natin, hindi yung posisyon natin sa ministeryo. Kung ang tayo’y larawan ng Dios. From that identity flows our mission. 4Rs naman. Reflect-reproduce-reign-receive. Mahalaga ‘to kasi tatanungin natin, bakit ba tayo nabubuhay? Ano ang silbi ng buhay? Bakit mo ginagawa ang mga ginagawa mo? Kung may New Year’s Resolution ka, bakit yun? So, anong misyong ibinigay sa atin ng Dios, di lang kay Adan at Eba?

Reflect God’s image. May kinalaman ito sa relasyon ng tao sa Dios. Kaya tayo nilikha ng Dios sa kanyang larawan, para magkaroon ng magandang relasyon sa kanya. Sina Adan at Eba kasama ng Dios na lumalakad sa hardin, nakakausap siya, sinasamba, minamahal. Nais niya sa lahat ng ginagawa natin siya ang nabibigyan ng karangalan (1 Cor. 10:31). Our mission in life is to make God look as glorious and great and good and gracious as he really is. Na sa buhay natin, makita na talagang tulad tayo ng Dios. Ngayong isang taon na si Daniel, natutuwa kaming mag-asawa kapag ginagaya niya ang mga ginagawa namin (clap, dance, march, eat-bulaga, etc.). We put a smile in God’s face when he sees us just like him.

Reproduce God’s image. May kinalaman ito sa relasyon ng tao sa kapwa-tao. Gusto ng Dios na magpakarami sina Adan at Eba, upang kumalat ang larawan at karangalan ng Dios sa pamamagitan ng pag-aanak. “Nang 130 taon na si Adan, isinilang ang kanyang anak na kawangis niya. Pinangalanan niya itong Set” (Gen. 5:3). Hindi lang ito sa pag-aanak, kundi sa tamang pangangalaga sa mga anak, sa relasyon ng mag-asawa na sumasalamin sa relasyon ng Ama, Anak at Espiritu, sa relasyon ng asawa sa kanyang asawa na nakapagpapalapit sa Dios, sa pag-aampon din ng anak, sa pagtuturo at paggabay sa isang kapatid kay Cristo sa discipleship journey para maging kawangis ni Cristo, sa pagkalinga sa mga mahihirap, sa magandang relasyon sa kapwa tao. Kapag nakikita ng mga tao na tayo ay namumuhay ayon sa larawan ng Dios at sila rin ay tumutulad naman sa atin, we are reproducing the image of God.

Reign over God’s creation. May kinalaman ito sa relasyon natin sa iba pang nilikha ng Dios, sa mundong ibinigay sa atin ng Dios para tirhan at pangalagaan.  Sa pagtatrabaho gusto ng Dios na paghusayan natin at gamitin ang lakas at dunong na bigay ng Dios. Ang mundong tinitirhan natin gusto niyang pamahalaan natin at alagaan, hindi abusuhin at sirain. Tulad niya sa kanyang pagiging malikhain, gusto rin niyang ipagpatuloy natin ang pagiging malikhain. Dahil binigyan niya tayo ng tungkulin sa kanyang nilikha, may pananagutan tayo sa kanya. Oo, tayo ang hari dito sa mundo, pero mananagot tayo sa Hari ng lahat. “Pinarangalan n’yo kami na parang mga hari. Pinamahala n’yo kami sa inyong mga nilalang, at ipinasailalim sa amin ang lahat ng bagay” (Psa. 8:5-6).

Receive God’s grace. May kinalaman ito sa relasyon ng Dios sa tao. Sabi niya puwedeng kainin ang mga bungang nasa mga puno maliban lang sa isa. Ibinigay ng Dios sa tao ang lahat ng kailangan nila. Ang Dios ang nagbibigay, tayo ang tumatanggap. Wala tayong maibibigay na di galing sa Dios. Wala tayong magagawa para Dios na para bang may kailangan siya sa atin. Mula simula hanggang ngayon gusto niya tayong maging mga receivers. At kapag tumanggap ng biyaya ay magpasalamat at magpuri sa kanya.

The Beginning, Middle and End of the Story

Sa simula ng Kuwento, nagpakilala na ang Dios – he is great, glorious, good and gracious. Wala nang hihigit pa sa kanya. Anumang makita natin sa mundong ito na dakila, maganda, mabuti, at mapagpala, wala pa sa kalingkingan ng mga katangiang ito ng Dios.  Ayaw niyang ipagpalit natin siya. Ayaw niyang may ibang Dios, dahil isa lang siya. Pinakita rin niya kung ano ang misyon ng tao sa buhay – bilang mga nilikha ayon sa kanyang larawan.

Napakagandang simula ng Kuwento. Pero anong nangyari? Alam nating ngayon di na tulad ng dati. Bakit ganon? Bakit di ganito ang ginagawa ng mga tao? Bakit di na nakikita kung sino ang Dios? Alam natin may problema. Kahit magbatian pa tayo ng Happy New Year, alam natin hindi lahat masaya. May sakit. May hirap ng buhay. May kabigatan. Di naman ganito sa hardin na tirahan nila Adan at Eba. Anong nangyari? Malalaman natin sa susunod na bahagi ng Kuwento.

Nakita natin ang simula, alam nating di na ganito ngayon. Pero kung alam din natin ang katapusan ng Kuwento, makikita nating ang nais niya ay ibalik tayo sa Garden of Eden. Ganito ang mangyayari, pinakita ni Jesus kay apostol Juan, “Pagkatapos nito, nakita ko ang bagong langit at ang bagong lupa. Naglaho na ang dating langit at lupa, pati na rin ang dagat” (Rev. 21:1).

Paano mangyayari ito? Sa pamamagitan din ng gawa ng Dios sa pamamagitan ng kanyang Anak na si Cristo – na sa pasimula pa ay Dios na at kasama na ng Dios (John 1:1-3). Bago tuluyang mabalik sa dati ang lahat, tayo muna ang ibinabalik niya sa kanya, at muling binubuo ang larawang nasira, “Ang sinumang nakay Cristo ay isa nang bagong nilalang. Wala na ang dati niyang pagkatao; binago na siya. Ang lahat ng ito’y gawa ng Dios na nagpanumbalik sa atin sa kanya sa pamamagitan ni Cristo” (2 Cor. 5:17-18). Kung tayo’y nakay Cristo, meron na tayong “bagong pagkatao. Ang pagkataong ito’y patuloy na binabago ng Dios na lumikha nito, para maging katulad niya tayo at para makilala natin siya nang lubusan” (Col. 3:10).


[1] Unless otherwise indicated, Scripture quotations are from the English Standard Version (ESV) and Ang Salita ng Dios Biblia (ASD).

2 Comments

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.