Preach the Word!

 

Listen on YouTube  |  Download mp3

2 Timothy 4:1-5 (ESV)[1]

I charge you in the presence of God and of Christ Jesus, who is to judge the living and the dead, and by his appearing and his kingdom: preach the word; be ready in season and out of season; reprove, rebuke, and exhort, with complete patience and teaching. For the time is coming when people will not endure sound teaching, but having itching ears they will accumulate for themselves teachers to suit their own passions, and will turn away from listening to the truth and wander off into myths. As for you, always be sober-minded, endure suffering, do the work of an evangelist, fulfill your ministry.

Maraming tao ang napapahamak dahil hindi nakikinig na mabuti sa sinasabi ng mga taong dapat pakinggan. O kung nakinig man ay hindi isinasagawa ang napakinggan. Ganito ang nangyari sa marami, ngunit hindi naman lahat, sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy at Pepeng. Matagal nang sinasabi sa kanila ng gobyerno na huwag titira sa mga tabing ilog ngunit hindi nakikinig. Ito ang gustong mangyari ni Pablo kay Timothy, na kapag dumating ang bagyo sa kanyang buhay at ministeryo ay magtatagumpay siya. Gusto niyang makinig sa kanya si Timothy, lalo na ngayong malapit na siyang mamatay.

Kung ang tatay mo ay malapit nang mamatay, hindi mo ba pakikinggang mabuti ang sinasabi niya sa iyo? So I appeal to you today to listen carefully to what Paul is saying to Timothy because I believe strongly that God will speak to you now to tell you something very important about what he wants to do with your life and through your life. Hindi lang siya nagbibigay ng warning sa atin (tulad ng gobyerno o PAGASA) kundi lalo na kung ano ang dapat nating gawin upang makapamuhay nang naaayon sa katotohanan ng kanyang mga salita.

Isinulat ni Paul ang 2 Timothy nang siya ay nakakulong sa Roma at naghihintay na ng kanyang kamatayan. Nakulong siya dahil sa kanyang pangangaral ng Salita ng Diyos, ng Mabuting Balita ng kaligtasan na nakay Cristo, at dahil sa kanyang panawagan sa mga tao na magsisi sa kanilang kasalanan. Ang mensaheng ipinagsisigawan niya ay hindi tanggap ng maraming tao. Ngunit nanatili siyang tapat hanggang kamatayan. Dahil dito, gaya ng sinabi niya sa 4:6-8, may nakalaan sa kanyang gatimpala sa pagbabalik ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Ang gantimpalang ito ay hindi lamang para sa kanya, kundi para din kay Timoteo, at sa lahat ng mananampalatayang magiging tapat dahil sa kanilang kasabikan na makita ang kanilang Panginoon at Tagapagligtas.

Bakit naging tapat si Pablo sa pangangaral ng Salita ng Diyos? Dahil alam niya, katulad ng nakita natin sa 3:14-17, na sa pamamagitan ng mensahe nito ay nagsasalita ang Diyos (God speaks) at bumabago sa buhay ng mga tao (God shapes). Kung ang kabuuan ng Bibliya ay Salita ng Diyos, sa pamamagitan nito ay nagsasalita ang Diyos. At kung ito ay Salita ng Diyos, ito ay may kapangyarihang bumago sa kalagayan ng relasyon ng tao sa Diyos, sa kanyang sarili at sa ibang tao. Kung gayon, dapat alamin natin ang sinasabi nito (know the Word), magalak tayo at manginig sa pag-aaral at pakikinig natin dito (rejoice and tremble at the Word), at dapat tayong magpasakop sa lahat ng sinasabi nito (submit to the Word).

A Mandate for Pastors and for All Christians

Bukod sa mga ito, we must also preach the Word. Ipapangaral natin ito sa ibang tao kasi alam nating ito lang ang may kapangyarihang bumago sa iba, dahil alam nating sa pamamagitan nito ay makikilala nila kung sino ang nag-iisang Diyos na nais kumausap sa atin tulad ng isang mapagmapahal na Ama sa kanyang mga anak. Ganito ang kahuli-hulihang tagubilin ni Pablo kay Timoteo bago siya mamatay. Kung baga, ito ang kanyang last will and testament. “Ipangaral mo ang salita” (v. 2).

Ang salitang “ipangaral” ay galing sa salitang Griyego na kērussō, na nangangahulugang “ipamalita o ipahayag sa publiko.” Sa panahon ng Bagong Tipan, ang isang tagapagbalita o tagapahayag, bilang kinatawan o mensahero ng emperador, ay dadaan sa mga kalye ng isang lungsod upang ipahayag ang isang mahalagang bagay na mangyayari tulad ng pagdating ng emperador. Kasama sa kanyang gawain ang pagpapahayag sa publiko ng mga bagong batas o polisiya ng gobyerno.[2] Kung gayon, ang isang mangangaral ay isang tagapagpahayag o mensahero ng Diyos. Ang mga sinasabi ng Diyos na nakasulat sa Bibliya ang ipapangaral natin. Ang Mabuting Balita ng kaligtasan ay ipagsisigawan natin. Si Cristo ay ipapahayag sa iglesiang ito, sa bahay, sa opisina, at sa buong mundo. ‘Yan ang panawagan ng Diyos sa ating lahat.

“Preach the Word!” This is a God-given mandate for all Christians – pastor ka man o hindi. Totoo ngang ito ay diretsahang sinabi kay Timothy dahil sa kanyang role bilang pastor sa Ephesus, at mas diretso ang application nito sa mga pastor na katulad ko na tumatayo sa harapan ng maraming tao para ipangaral ang Salita ng Diyos. Ngunit ito ay applicable din sa lahat ng mga Cristiano na pinagkatiwalaang ipangaral ang Mabuting Balita. “The word is near you, in your mouth and in your heart (that is, the word of faith that we proclaim (kērussō)… everyone who calls on the name of the Lord will be saved. But how are they to call on him in whom they have not believed? And how are they to believe in him of whom they have never heard? And how are they to hear without someone preaching (kērussō)? (Rom. 10:8, 13-14). Sabi ni Bryan Chapell, “The riches of God’s Word are no one’s private treasure, and when we share its wealth, we participate in its highest purposes.”[3] To “share its wealth” we must preach it to others.

Kung ito ay isang atas hindi lamang kay Timoteo at sa lahat ng mga pastor kundi sa lahat ng mga Cristiano, ano ang dapat na saloobin ng isang mensahero ng Diyos sa kanyang pangangaral? Sa pagsagot sa tanong na ito, titingnan ko ang nais ng Diyos para sa akin bilang inyong punong pastor at para sa inyong lahat na may tungkulin na ipahayag din ang salita ng Diyos sa iba ayon sa pagkakatawag sa inyo ng Diyos. Ano ang dapat na saloobin natin sa pangangaral ng Salita ng Diyos?

A Serious Calling

Dapat na seryoso tayo sa pangangaral ng Salita ng Diyos. Preaching the Word is a serious calling. I must take it seriously and not lightly. ‘Yan ang punto ni Paul sa sinabi niya kay Timothy sa verses 1 and 2:

Sa harapan ng Diyos at ni Cristo Jesus, na siyang hahatol sa mga buhay at sa mga patay, at sa pamamagitan ng kanyang pagpapakita at sa kanyang kaharian, ay inaatasan kita: ipangaral mo ang salita, magsikap ka sa kapanahunan at sa di-kapanahunan, magtuwid ka, manaway ka, mangaral ka na may buong pagtitiyaga at pagtuturo.

Sinasabi dito ni Pablo ang napakaseryosong bagay tungkol sa pangangaral. Hindi ito pwedeng basta-basta balewalain o isantabi ni Timothy. Sa kanyang buhay at ministeryo, ito ang pinakamahalagang gawaing iniatas sa kanya. At bakit naman dapat seryosohin ni Timothy ang pangangaral ng Salita ng Diyos? Unang-una, dahil ito’y tungkuling iniatang sa kanya ng Diyos at samakatuwid ay mananagot siya sa Diyos sa kanyang tugon dito. “Sa harapan ng Diyos at ni Cristo Jesus, na siyang hahatol sa mga buhay at sa mga patay, at sa pamamagitan ng kanyang pagpapakita at sa kanyang kaharian, ay inaatasan kita…”

Ang salitang “inaatasan” (diamarturomai; ginamit din sa 1 Tim. 5:21; 2 Tim. 2:14) ay isang mabigat at seryosong pananalita. Ito ay ginagamit kapag magbibigay ng isang utos o tagubilin na gamit ang awtoridad sa mga bagay na may “extraordinary importance”[4] lalo na kung buhay at kamatayan ang nakasalalay dito. At kadalasan kapag ginagamit ang salitang ito, kasama ang pagtawag sa isang bagay o tao na may awtoridad upang maging saksi sa pagbibigay ng atas. Sa kasong ito, Paul appealed to the highest authority possible, “in the presence of God and of Christ Jesus,” and to the most important event in future history, “by his appearing and his kingdom.”

Sinasabi ni Pablo kay Timoteo, “Ipangaral mo ang salita dahil ang Diyos mismo ang nagbibigay sa iyo ng dakilang tungkuling ito at balang araw ay magsusulit ka kay Cristo bilang hukom ng lahat. Hindi mo maaaring balewalain ang sinasabi ko dahil ang pangangaral ng Salita ng Diyos ay isang napakahalagang gawain na magdudulot ng muling pagbabalik ng Panginoong Jesu-Cristo upang itayo ang kanyang kaharian dito sa lupa. Ikaw ay naatasan na ipahayag sa mga tao na siya ang Hari na muling magbabalik upang parusahan nang walang-hanggan ang mga taong patuloy na nagrerebelde at igawad ang walang-hanggang kagalakan sa lahat ng nagpapasakop at umiibig sa kanya.” Wala nang iba pang gawain ng pastor ang mas seseryoso sa gawaing ito dahil buhay at kamatayan ang nakasalalay dito. Ayon kay Bryan Chapell, “The goal of preaching is not merely to impart information but to provide the means for transformation ordained by a sovereign God that will affect the lives and destinies of eternal souls committed to a preacher’s spiritual care.”[5]

Sinabi din ni Paul sa kanyang unang sulat, “Until I come, devote yourself to the public reading of Scripture, to exhortation, to teaching…Keep a close watch on yourself and on the teaching. Persist in this, for by so doing you will save both yourself and your hearers” (1 Tim. 4:13, 16). Kaya nga ang ikalawang dahilan kung bakit niya ito dapat seryosohin ay dahil pananagutan niya sa Diyos ang mga taong ipinagkatiwala sa kanyang ministeryo na makinabang sa pagtuturo at pagtutuwid ng kanyang Salita. “…ipangaral mo ang salita, magsikap ka sa kapanahunan at sa di-kapanahunan, magtuwid ka, manaway ka, mangaral ka na may buong pagtitiyaga at pagtuturo.”

Pagkatapos sabihing “ipangaral mo ang salita” isinunod niya ang apat pang tagubilin na nakapailalim dito. Ito ay paalala na ang ministeryo niya ay ministeryo sa mga taong ipinagkatiwala ng Diyos sa kanya na alagaan tulad ng isang pastol sa kanyang mga tupa. Dapat siyang magsikap o maging handa “sa kapanahunan at di-kapanahunan” na nangangahulugang ang pangangaral ay dapat gawin sa lahat ng pagkakataon, “making the most of every opportunity, because the days are evil” (Eph. 5:16 NIV). Dahil kailangan ito ng tao araw-araw, hindi lamang tuwing Linggo ito dapat gawin. It must be the life of the preacher. Hindi nakadepende sa panahon, dahil ang salita ng Diyos ay hindi maluluma o malalanta tulad ng mga dahon kundi mananatili magpakailanman (Isa. 40:8).

At kung naniniwala si Timoteo na “ang lahat ng mga kasulatan ay kinasihan ng Diyos at mapapakinabangan sa pagtuturo, sa pagsaway, pagtutuwid, at sa pagsasanay sa katuwiran” (3:16), dapat niya itong gamitin upang turuan ang mga mananampalataya na lumakad ayon sa nais ng Diyos. “Magtuwid ka, manaway ka, mangaral ka na may buong pagtitiyaga at pagtuturo.” May pananagutan siya sa Diyos kung gagawin niyang sentro ng kanyang ministeryo sa mga tao ang Salita ng Diyos. People need to hear the Word of God from a pastor preached seriously more than any other task like counseling, visitation, or administration.

Itinuturing si Martyn Lloyd-Jones (1891-1981) na greatest British preacher of the 20th century dahil isa siya sa pinakseryosong mangangaral. Siya ay pastor ng Westminster Chapel sa London sa loob ng halos 30 taon (1939-1968). Noong July 1959, habang nagbabakasyon siya at ang kanyang asawang si Bethan sa Wales, dumalo sila sa isang prayer meeting ng isang maliit na simbahan doon. Tinanong ni Lloyd-Jones ang mga tao doon, “Would you like me to give a word this morning?” Medyo nag-aalangan ang mga tao doon dahil nga bakasyon niya at ayaw nilang mapagod siya. Ngunit sinabi ng asawa niya, “Let him, preaching is his life.”[6] He took preaching seriously. Isinulat niya sa Preaching and Preachers:

“[Preaching] has been my life’s work. I have been forty-two years in the ministry, and the main part of my work has been preaching; not exclusively, but the main part of it has been preaching…to me the work of preaching is the highest and the greatest and the most glorious calling to which anyone can ever be called…the most urgent need in the Christian Church today is true preaching.[7]the primary task of the Church and of the Christian minister is the preaching of the Word of God.”[8]

Ang aking pananagutan ay hindi sa tao, hindi sa Council of Elders, hindi sa mga leaders ng church, hindi sa ABCCOP. Ang aking pananagutan ay sa Diyos. Bakit ko hindi seseryosohin ang pangangaral? Commitment ko ito sa Diyos, na seseryosohin ang paghahanda ng sermon. Seseryosohin ko ang pangangaral ko sa inyo. Ngunit may responsibilidad din kayo. Tiyakin ninyong seseryosohin din ninyo ang paghahanda sa pakikinig. Seseryosohin ninyo ang pakikinig. At pag-uwi ninyo sa bahay, seryosohin ninyong ibahagi ito sa mga kasama ninyo sa bahay. Take it seriously. This is not a joke. Mananagot tayo sa Diyos kung hindi natin ito seseryosohin.

A Challenge to be Faithful

Seryosong gawain ang pangangaral ng Salita ng Diyos kaya dapat nating seryosohin. Bukod doon, dahil hindi ito basta-basta at hindi madaling gawain, dapat tayong maging tapat hanggang wakas sa pangangaral ng Salita ng Diyos. Preaching the Word is a challenge to be faithful. Katulad ni Pablo na nagtapat hanggang wakas at nagpatuloy sa pangangaral kahit pa nasa bilangguan na siya, ganoon din ang nais niya para kay Timoteo kahit pa hindi maging popular o katanggap-tanggap sa tao ang kanyang ginagawang pangangaral.

Sapagkat darating ang panahon na hindi nila matitiis ang wastong aral; kundi, sa pagkakaroon nila ng makakating tainga, ay mag-iipon sila para sa kanilang sarili ng mga gurong ayon sa kanilang sariling pagnanasa, at tatalikod sa pakikinig sa katotohanan ang kanilang mga tainga, at babaling sa mga kathang-isip. Ngunit ikaw ay maging matino sa lahat ng mga bagay, magtiis ka ng mga kahirapan, gampanan mo ang gawain ng isang ebanghelista, ganapin mong lubos ang iyong ministeryo (vv. 3-5).

Dapat tayong maging tapat kahit pa hindi nagugustuhan o tinatanggap ng mga tao ang ipinapangaral natin. Sinabihan ni Pablo si Timoteo na maging matiyaga dahil darating ang panahong ang mga tao’y aayaw sa mga katotohanan at babaling sa mga katuruang gawa-gawa ng tao. Kung sino lang ang gustong pakinggan, ‘yun ang pakikinggan. Hindi ba’t ganyan ang nangyayari sa panahon natin ngayon? Mga taong mas gustong makinig sa mga maling aral patungkol kay Cristo o tungkol sa kaligtasan. Mga taong mas gustong naririnig ang mensahe tungkol sa kung paano maging successful, maging mayaman, kaysa sa mensahe tungkol sa panawagan ng Diyos na magtiis tayo ng hirap alang-alang kay Cristo at pasanin ang kanyang krus sa pagsunod sa kanya. Mga taong mas gugustuhin pang magbayad 150 pesos para makapanood ng 3 oras na pelikula sa sinehan kaysa maupo at makinig (walang bayad!) sa sermon sa loob lang ng isang oras. “Timoteo, kung ganyan ang klase ng mga tao sa panahon ngayon at mas malala pa sa darating, mahirap maging pastor at mangangaral. Ngunit huwag mong hintayin na maging madali ang sitwasyon, ngayon ay maging tapat ka na sa pangangaral.”

Dapat tayong maging tapat dahil ang panawagan sa atin ay mangaral hanggang sa dulo ng ating buhay kahit pa paghihirap ang kapalit nito. “Ngunit ikaw ay maging matino sa lahat ng mga bagay, magtiis ka ng mga kahirapan, gampanan mo ang gawain ng isang ebanghelista, ganapin mong lubos ang iyong ministeryo” (v. 5). Ang “maging matino” o “maging mahinahon” (MBB) ay galing sa salitang ginagamit sa taong iba sa taong parang lasing na wala sa katinuan ang pag-iisip. Hindi matatapos ni Timoteo ang kanyang tungkulin kung hindi magiging matino ang kanyang pag-iisip. Dapat isaalang-alang niya ang mga kahirapang daranasin niya at pagtiisan ang mga ito. Huwag bibigay sa panahon ng pagsubok at pag-uusig. Dapat manatili siyang tapat sa Mabuting Balita (gospel) bilang evangelist kahit pa ireject ito ng mga tao. “Ganapin mong lubos ang iyong ministeryo.” Ibig sabihin, sikapin mong matapos ang gampanin ibinigay sa iyo hanggang katapusan. Katulad ni Pablo sa Acts 20:24, “But I do not account my life of any value nor as precious to myself, if only I may finish my course and the ministry that I received from the Lord Jesus, to testify to the gospel of the grace of God.”

Isa si John Calvin (1509-1564) sa naging tapat sa pangangaral ng Salita ng Diyos hanggang sa kanyang kamatayan. Ngayong taon ay ika-500 taon ng kanyang kapanganakan. Isa siyang regalo ng Diyos sa Iglesia, na ang kanyang impluwensiya sa pagtuturo ng Salita ng Diyos ay hindi lamang noong nagsisimula pa lamang ang Reformation noong 16th century kundi hanggang ngayon. Sa panahong tinutuligsa ang mga Protestante ng Simbahang Katoliko, sa panahong talamak ang imoralidad sa bayan ng Geneva sa Switzerland na pinagpastoran ni Calvin, nanatili siyang tapat sa pangangaral, “[preaching] steadily through book after book of the Bible.” Hindi niya binago ang kanyang approach sa loob ng 25 taong ministeryo sa St. Peter’s Church.[9] Limang taon siyang nagsermon sa Acts. Ang Thessalonians ay inabot ng 46 sermons, Corinthians 186 sermons, Galatians 43 at Ephesians 48! Noong pinaalis siya sa Geneva noong 1538, pagbalik niya noong 1541 itinuloy niya ang pangangaral sa sumunod na verse sa naiwan niya noong 1538.[10]

Naniniwala siya na nagsasalita ang Diyos sa pamamagitan ng Bibliya. Naniniwala siyang ipinapahayag ng Diyos ang kanyang kadakilaan sa pamamagitan nito kaya nanatili siyang tapat sa pangangaral nito sa mga tao. Sabi niya sa kanyang last will and testament: “I have endeavored, both in my sermons and also in my writings and commentaries, to preach the Word purely and chastely, and faithfully to interpret His sacred Scriptures.”[11]

My commitment as your pastor is to be a faithful preacher of God’s Word until the end. Hindi ko gagamitin ang pulpitong ito upang sabihin lang ang mga opinyon ko, o ientertain kayo, o isulong ang aking sariling interes. I will say what God wants me to say and be faithful to the Word. Sino ba ako para magsalita sa inyo liban na lamang kung ang ipapangaral ko ay ang salita ng Diyos? At kayo rin, please, be faithful in obeying the Word of God. ‘Wag maging tagapakinig lang. Huwag naisin na kilitiin lang ang inyong mga pandinig kundi naising sumunod at buong katapatang ipagkalat sa iba ang buhay at makapangyarihang salita ng Diyos.

Not a Career, but a Calling

Ang pangangaral ng Salita ng Diyos ay isang panawagan ng Diyos. It is a calling not a career. It is a ministry, not a job. Dahil tawag ng Diyos, dapat seryosohin, dapat maging matapat sa pagtupad nito.

Ang preaching ay ibang-iba sa Civil Engineering, na iniwan ko upang maging pastor. Ang engineering ay isang career; ang preaching ay calling. Seryoso nga ang trabaho ng isang civil engineer dahil kapag nagkamali sa design ng isang building, tulay, o dam, maaaring maraming tao ang mapahamak. Ngunit mas seryoso ang trabaho ng isang preacher, hindi lang buhay at kamatayan ang pinag-uusapan kundi ang hahantungan ng ating kaluluwa, sa langit o sa impiyerno! Ang lisensiya ng engineer ay maaaring mag-expire; ang license ng isang preacher ay hanggang kamatayan.

Anuman ang propesyon ng bawat isa sa inyo, lahat tayo ay may tawag na ipangaral ang Salita ng Diyos ayon sa kakayahan ibinigay sa atin ng Diyos at sa sitwasyong kinalalagyan natin. Ito ay panawagan sa atin ng Diyos na seryosohin ang kanyang Salita at ibahagi ito sa iba. Ito ay panawagan ng Diyos na maging tapat tayo sa kanyang mga Salita at ibahagi ito kahit ayaw tanggapin ng ibang tao. Kung sa pag-aaral tayo ang namimili ng kursong kukuhanin natin, kung sa trabaho tayo ang namimili ng kumpanyang papasukan natin, sa ministeryo ang Diyos ang nagtatalaga kung ano ang tungkulin natin. At alam natin kung ano ito – ipangaral ang salita! Preach the Word!


[1] All English Scripture quotations are from the English Standard Version, unless otherwise indicated. All Filipino Scripture quotations are from Ang Biblia (2001), unless otherwise indicated. Scripture quotations marked by MBB are from Magandang Balita Biblia (2005).

[2] John MacArthur, 2 Timothy, The MacArthur New Testament Commentary (Chicago, IL: Moody, 1996), 170.

[3] Bryan Chapell, Christ-Centered Preaching: Redeeming the Expository Sermon, 2nd ed. (Grand Rapids; Baker Academic, 2005), 25.

[4] William Arndt, Frederick W. Danker and Walter Bauer, A Greek-English Lexicon of the New Testament and Other Early Christian Literature (BDAG), 3rd ed. (Chicago: University of Chicago, 2000), 233.

[5] Chapell, 25.

[6] Iain H. Murray, David Martyn Lloyd-Jones: The Fight of Faith 1939-1981 (Edinburgh: Banner of Truth Trust, 1990), 373. Cited in John Piper, “A Passion for Christ-Exalting Power: Martyn Lloyd-Jones on the Need for Revival and Baptism with the Holy Spirit,” available from http://www.desiringgod.org/ResourceLibrary/Biographies/1462_A_ Passion_for_ChristExalting_Power/; accessed 25 September, 2009.

[7] D. Martyn Lloyd-Jones, Preaching and Preachers (Grand Rapids; Zondervan, 1997), 9.

[8] Ibid., 19. Emphases added.

[9] John Piper, The Legacy of Sovereign Joy: God’s Triumphant Grace in the Lives of Augustine, Luther and Calvin (Leicester, England: Inter-Varsity, 2000), 138-139.

[10] T. H. L. Parker, Calvin’s Preaching (Louisville: Westminster/John Knox, 1992), 60. Cited in Piper, The Legacy of Sovereign Joy, 139.

[11] John Dillenberger, John Calvin: Selections from His Writings (Atlanta; Scholars Press, 1975), 35. Cited in Piper, The Legacy of Sovereign Joy, 139 (emphasis added).

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.