Listen on YouTube | Download mp3
2 Timothy 3:14-17 (ESV)[1]
But as for you, continue in what you have learned and have firmly believed, knowing from whom you learned it and how from childhood you have been acquainted with the sacred writings, which are able to make you wise for salvation through faith in Christ Jesus. All Scripture is breathed out by God and profitable for teaching, for reproof, for correction, and for training in righteousness, that the man of God may be competent, equipped for every good work.
Submission to the Word’s Transforming Power
Ang Bibliya ay Salita ng Diyos. “All Scripture is breathed out by God.” “Lahat ng kasulatan ay kinasihan ng Diyos (o ihininga ng Diyos).” Kung ang Bibliya ay Salita ng Diyos, na kanyang ipinahahatid sa pamamagitan ng mga tao gaya ng mga apostol at mga propeta, ito ay may awtoridad na tulad ng awtoridad ng Diyos. Ang paniniwala natin sa Bibliya ay pagpapakita ng paniniwala natin sa Diyos. Ang pagsunod natin sa Bibliya ay nagpapakita ng pagsunod natin sa Diyos. At kung hindi tayo naniniwala o hindi tayo sumusunod sa sinasabi ng Bibliya, ito ay hindi rin paniniwala at pagsuway sa Diyos mismo. Kaya nga hindi natin ito dapat balewalain sa buhay natin, kasi kung binabalewala natin ito, binabalewala din natin ang Diyos.
Nakita natin ang last week ang apat na tugon na dapat nating gawin kung ang Bibliya ay Salita ng Diyos at mayroong absolute authority sa buhay natin. Una, we must know the Word. Dapat alam natin ang sinasabi ng Diyos sa atin. Kaya babasahin natin ito, pag-aaralan, bubulayin, papakinggan. Ikalawa, we must tremble and rejoice at the Word. Kung alam nating ito’y Salita ng Diyos, dapat hindi parang manhid ang reaksiyon natin dito. Dapat may panginginig at pagkatuwa (trembling joy) dahil ang Diyos ang nagsasalita. The all-powerful and loving God is speaking. We must approach it accordingly. Pangatlo, we must submit to the Word, na siyang pagtutuunan natin ngayon. At pang-apat, we must preach the Word, na siyang bibigyan natin ng diin sa susunod.
We must submit to the Word. Hindi naman sapat na alamin lang natin ang sinasabi ng Bibliya. Hindi naman sapat na mayroon tayong trembling joy bilang reaksiyon natin dito. It is not just about knowledge and emotions. There must be an act of the will, the act of submission to it. We must be people under the Word. Nagpapasakop at hinahayaang ang Salita ng Diyos ang manguna sa lahat ng ginagawa natin dito. Hindi ‘yung umiiyak-iyak pa habang nakikinig at pagkatapos makarinig nang Salita ng Diyos lalapit sa akin at sasabihin kung paano siya nabless sa mensahe, tapos wala namang pagbabagong nangyari sa buhay niya. “But be doers of the word, and not hearers only, deceiving yourselves” (Jas. 1:22). “Blessed rather are those who hear the word of God and keep it” (Luke 11:28)!
Ganyan ang tagubilin ni Paul kay Timothy, “But as for you, continue in what you have learned and have firmly believed” (v. 14). Hindi lang kaalaman ang tinutukoy dito na sinasabing, “Patuloy mong panghawakan ang mga pinaniniwalaan mo na tinuro ng ina at lola mo, at itinuro ko din, na galing sa Salita ng Diyos.” Hindi lang ‘yun kundi, “Patuloy kang magpasakop sa katuruan nito – magtiwala sa mga pangako, pakinggan ang mga babala, at sundin ang mga utos ng Diyos.” Learning God’s Word is not about head knowledge, but acting on that knowledge. Malinaw na sumusunod si Timothy kay Paul, “You, however, have followed my teaching, my conduct, my aim in life, my faith, my patience, my love, my steadfastness” (2 Tim. 3:10). Sumunod siya hindi lamang nakinig.
Sapat nang dahilan na malaman na may awtoridad ang Bibliya bilang Salita ng Diyos kaya tayo dapat magpasakop dito. Kung ikaw empleyado alam mong dapat kang sumunod sa boss kahit masama ang ugali at kahit alam mong walang iniisip mabuti para sa iyo kundi puro sa kanyang sarili. But that is not the way we submit to God’s authority. It is true that God is the one in authority, supreme authority. But he is exercising his authority in a loving way, not harsh and unjust. In his Word, he is not just authoritatively speaking to us, he is also lovingly shaping us. We must submit to the Word, not just because God is speaking through the Word, but also because God is shaping us through the Word.
How does God use the Bible to shape us, or to transform us to be the kind of person that he wants us to be?
The Beginning of Transformation
The Word of God begins the transformation when it leads us to salvation through faith in Christ. “But as for you, continue in what you have learned and have firmly believed, knowing from whom you learned it and how from childhood you have been acquainted with the sacred writings, which are able to make you wise for salvation through faith in Christ Jesus” (vv. 14-15). Ang pagtuturo kay Timothy ng Banal na Kasulatan ang naghanda sa kanya upang magkaroon ng kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo. Even the Old Testament bears witness about Christ (John 5:39; Luke 24:27, 44). Ngunit siyempre, dapat niyang marinig ang tungkol kay Cristo, ang Mabuting Balita. “The gospel is the power of God for salvation to everyone who believes” (Rom. 1:16).
So, the Word reveals Christ to us. The Holy Spirit works through the Word to create in our hearts faith and love for Christ, and we believe and are saved. Ganyan din ang sabi ni Peter, “You have been born again, not of perishable seed but of imperishable, through the living and abiding word of God” (1 Pet. 1:23). Nagkaroon tayo ng bagong buhay dahil buhay ang Salita ng Diyos. ‘Yung naitanim noon sa puso natin ay diniligan ng Diyos at tumubo upang maging isang buhay na pananampalataya kay Cristo. At ang mga salitang ito ay nananatili sa puso natin, at dapat tayong manatili dito. Ang nasimulan sa atin ay dapat na magpatuloy.
Transformation will not begin unless we are born again, unless we experience the new birth. Hindi mangyayari ito hanggat hindi pa maayos ang relasyon natin sa Diyos, kung hanggang ngayon ay hindi mo pa pinagsisisihan at tinatalikuran ang iyong mga kasalanan, at hindi mo pa pinanghahawakan ang kaligtasang nasa Panginoong Jesu-Cristo. Submit to the Word, and let the Holy Spirit raise the dead, and turn the heart of stone to a heart of flesh. Transformation will not happen if there is no life yet. Make sure you have life! “Receive with meekness the implanted word, which is able to save your souls” (Jas. 1:21). God is not waiting for you to change first before you come to him. But God wants to draw you to himself so that you will come and so that he can begin changing you. That’s what the Word does in our souls. The Word has the power to give life. Will you now receive the Word and hear God’s call for you to repent and trust in Christ?
Mga magulang, gusto niyo bang magkaroon ng pagbabago sa inyong mga anak? ‘Yung pagbabago na hindi panlabas lang kundi ‘yung sa puso mismo – na mas iibigin nila ang Diyos nang higit sa lahat, na sa buhay nila ay makikita na si Cristo ang pinakamahalaga sa lahat at lahat ng bagay ay walang kuwenta kung ikukumpara sa kanya? ‘Yung pagbabago na nais ng Diyos mismo para sa kanila? Then make sure your child is saved! He will not change if he is not saved. Iparinig mo sa kanila ang Salita ng Diyos. Sabihin mo sa kanila kung ano ang ginawa ni Cristo para sa kanila. Do whatever you can! Ano ang gagawin mo kapag alam mong bumagsak sa exam sa Math ang anak mo? Di ba sa susunod tuturuan mo o kaya ay kukuha ka ng tutor para pumasa sa susunod? Ngunit ano ang gagawin mo kung alam mo na kung ngayon ay haharap ang anak mo sa hatol ng Diyos ay hindi siya papasa? Hindi ba’t gagawin mo ang lahat para tiyakin na nasa kanya na si Cristo, na tinanggap na niya ang mabuting balita ng ginawa ni Cristo sa krus para sa ating kaligtasan?
The Process of Transformation
Ngunit huwag nating isipin na ang salvation ay minsanan lang. It is also a process. We are saved and we are being saved. So hanggang ngayon kailangan natin ang salita ng Diyos. The Word of God puts us in the process of transformation. Kumikilos ang Espiritu sa puso natin upang maging kawangis tayo ni Cristo at ginagawa niya ito sa pamamagitan ng Salita ng Diyos. Isinalarawan ni Pablo ang Kasulatan sa dalawang paraan. Una ay sinabi niyang ito ay ihininga ng Diyos, galing sa Diyos. Ang pangalawa ay sinabi niya na ito ay kapaki-pakinabang. “All Scripture is breathed out by God and profitable for teaching, for reproof, for correction, and for training in righteousness, that the man of God may be competent, equipped for every good work” (vv. 16-17).
The Bible, being the Word of God, is “profitable,” “mapapakinabangan” (Ang Biblia), “nagagamit” (MBB). Ang salitang hopelimos ay apat na beses lang ginamit sa Bagong Tipan. Bukod sa talatang ito, ginamit din ito, dalawang beses, sa 1 Timoteo 4:8 kung paanong ikinumpara ni Pablo ang “pakinabang” o “value” ng physical training sa pagsasanay sa kabanalan. Ipinapakita dito na tulad ng pagsasanay sa isang fitness gym na may pakinabang sa kalusugan, ang pagsasanay sa kabanalan, sa pamamagitan ng Salita ng Diyos, ay may mas malaking pakinabang. Ang Bibliya ay may malaking pakinabang, hindi walang silbi. Ang isang bagay na walang gamit ay itinatapon, o itininatago lang at hinahayaang maalikabukan. Kung may gamit ang Bibliya, dapat ginagamit, hindi hinahayaang alikabukan. Binubuksan dapat. At kung kailangan mo ang isang bagay bibili ka para magkaroon. Dapat mayroon kang personal na Bible. Kung wala, bumili o magpabili o manghingi.
Anu-ano ang binanggit ni Pablo na “pakinabang” ng Salita ng Diyos? It is “profitable for teaching, for reproof, for correction, for training in righteousness” (v. 16). Una, ito ay magagamit sa “pagtuturo” o “teaching.” Ang Bibliya ang nagtuturo sa atin ng mga bagay na dapat nating malaman tungkol sa Diyos, sa tao, at sa relasyon natin sa kanya. Ito ang nagtuturo sa atin ng mga katotohanang dapat nating paniwalaan. Ito ang nagtuturo sa atin ng daang dapat nating lakaran. Kung may nakita tayong sign na “This way to Baguio” susundan natin ‘yun kasi itinuturo nito kung saan tayo dapat dumaan.
Ikalawa, kung lumihis tayo ng landas, naroon ang “pagsaway” o “reproof” (rebuke). Rebuking is “to state that someone has done wrong, with the implication that there is adequate proof of such wrongdoing.”[2] Sinasabi nito ang pagkakamali natin. Para itong salamin na ipinapakita sa atin ang dumi sa mukha natin. Kung papunta ka ng Baguio tapos hindi lumalamig kahit 6 na oras ka nang bumibiyahe, alam mo “wrong way” ka. The Holy Spirit convicts us through the heat of God’s Word if we are not walking right, if something in our life is not right with God, if our love for God is growing cold. The Word tells us “wrong way” if we are not walking in a manner pleasing to God.
Ikatlo, pagkatapos ipakita sa atin ang pagkakamali natin naroon ang “pagtutuwid” o “correction.” Ito ay tumutukoy sa pagpapanumbalik. Kung naligaw, ibabalik sa tamang daan. Itinuturo ng Bibliya kung paano mag- U-turn. Kung ipinakita ang kasalanan, ipinapakita din ang daan upang magsisi at ituwid ito. Kung nalinlang ng diyablo, ipinapakita ng Diyos ang mga pangakong dapat panghawakan upang hindi na yakapin pa ang kasalanan. Kung may dumi sa mukha at nakita sa salamin, ang Bibliya din ang nagbibigay ng pamunas at sabon na gagamiting panlinis.
Ikaapat, ang Bibliya ay may pakinabang sa “pagsasanay sa katuwiran” o “training in righteousness.” Ang pagsasanay ay may kinalaman sa pagpapalaki o pagdidisiplina ng isang ama sa kanyang anak (Eph. 6:4; Heb. 12:5). Kung paanong ang ating Ama ay matuwid, sinasanay din niya tayo upang maging katulad niya. Training is not easy, but we know that it is necessary. God uses the Bible to instruct us to go “straight ahead” even when the going gets tough, when the road gets rough. So, the Bible is “profitable for teaching, for reproof, for correction, and for training in righteousness.”
Sa pagbabasa ng Bibliya, hayaang mangusap ang Diyos sa iyo upang makita mo ang mga bahagi ng buhay mo na kailangan ang pagbabago. Halimbawa, dahil sa mensaheng ito ay nachallenge ka na basahin ang Psalm 119 (I hope you will!), tapos nabasa mo ang v. 11, “I have stored up your word in my heart that I might not sin against you.” Maaring mong gamiting gabay ang mga sumusunod:
- Kung ito’y mapapakinabangan sa pagtuturo, sagutin mo, “Ano ang itinuturo nito sa akin na mga katotohanan tungkol sa Diyos, sa kanyang Salita, sa tao, kay Cristo, at sa kaligtasan?” [3]
- Kung ito’y mapapakinabangan sa pagsaway, sagutin mo, “Ano’ng kasalanan o pagkakamali sa pagkaunawa o gawain ko ang kailangang itama o ituwid?”
- Kung ito’y mapapakinabangan sa pagtutuwid, sagutin mo, “Ano’ng sinasabi nito sa akin na dapat kong gawin upang maituwid ang aking isipan o mga ginagawang hindi nakalulugod sa Diyos?”
- Kung ito’y mapapakinabangan sa pagsasanay sa katuwiran, sagutin mo, “Ano’ng sinasabi nito upang maihanda ako sa mga darating na pagsubok o upang mapanghawakan ko tungo sa banal na pamumuhay?”
God shapes us through the Word. This shaping process begins when we were born again through the hearing of the Word. This shaping process continues as we submit ourselves to its teaching and correction. Kaya nga, mapapakinabangan ang Salita ng Diyos. At sa lahat ng ito, may layunin ang Diyos para sa atin. At ginagamit niya ang kanyang Salita para dito.
The Goal of Transformation
The Word of God brings us to the goal of the transformation process, making us mature and equipped for every good work. “All Scripture is breathed out by God and profitable for teaching, for reproof, for correction, and for training in righteousness, that the man of God may be competent, equipped for every good work” (vv. 16-17). Verse 16 tells us of the means God is using the Bible to shape us. Verse 17 tells us of the end. Verse 16 is the road we take. Verse 17 is the destination. Verse 16 tells us the tools in God’s spiritual fitness gym. Verse 17 paints us a picture of the result of that discipline.
Tinawag ni Pablo si Timoteo na “man of God,” isang katagang sa kanya lamang ginamit sa New Testament ngunit madalas banggitin sa Old Testament upang tukuyin ang isang mensahero ng salita ng Diyos.[4] Bagamat ang direktang tinutukoy dito ay ang mga mangangaral ng Salita ng Diyos, makikita din natin dito ang disenyo ng Salita ng Diyos para sa lahat ng mga mananampalataya bilang mga lingkod ng Diyos. God expects us to be “competent, equipped for every good work.” Hindi ibig sabihin ng “every good work” na dapat nating gawin ang lahat. Ang sinasabi dito ay dapat maging sanay at handa tayo na isagawa lahat ng bagay na nais ng Diyos para sa atin.
God does not expect us to do everything. But God expects us to do what he wants us to do. Each of us has a specific assignment from God. God expects the Timothy, as a pastor and preacher, to do something. The Scripture will equip him to do it. At sa lahat din sa atin, sabi ni John Piper, “Everything good that God expects us to do, the Scriptures equip us to do.”[5] Bilang mga lingkod ng Diyos, mayroong nais ang Diyos na gawin niya sa buhay natin, na gawin natin, at gawin sa pamamagitan natin. Hindi mangyayari iyon kung wala ang Salita ng Diyos. God uses the Word to shape us for his ways and purposes. God uses the Word to shape us to be ready for the assignment he has given to each of us.
Ang isang taong “competent” at “equipped” ay isang taong handa (“ganap, nasasangkapang lubos” sa Ang Biblia; “karapat-dapat at handa” sa MBB) sa isang gawaing nakatalaga sa kanya. Ang isang boksingero ay nagsasanay upang maging handa sa araw ng laban. Ang isang sundalo ay nagsasanay upang maging handa sa panahon ng digmaan. Ang isang lingkod ng Diyos ay nagsasanay sa pamamagitan ng Salita ng Diyos upang maging handa sa tungkuling iniatas sa kanya ng Panginoon.
Do you know what is your assignment from God? What is it that God wants to do through you? Dapat alamin natin ito. Sabi ni Henry Blackaby, “God speaks by the Holy Spirit through the Bible, prayer, circumstances, and the church to reveal himself, his purposes and his ways.”[6] Pangunahing paraan na ipinapakita ng Diyos sa atin ang mga bagay na nais niyang gawin natin at sa pamamagitan natin ay sa pamamagitan ng Bibliya. Dapat pakinggan natin.
Knowing and Experiencing the Speaking and Shaping God
Kung makikinig tayong mabuti sa Diyos hindi tayo magkakamali. Tulad ng isang religious fanatic na taga-Bolivia na si Jose Flores, na nang-hijack ng Aeromexico Flight 576 sa Mexico City last Wednesday. ‘Yun daw kasi ang sinabi sa kanya ng Diyos. Sabi pa niya, “Christ is coming soon.” Tapos ang kasama daw niya noon ay ang “the Father, the Son, and the Holy Spirit.” Gusto daw niyang makausap ang Mexican President na si Felipe Calderon para balaan sa darating na lindol.[7] Hindi nga tayo gagawa nang ganoon kalala, ngunit dapat na ang mga desisyong gagawin natin ay biblically informed.
Dapat maging katulad tayo ni George Mueller (1805-1898). Alam niya kung ano ang ipinapagawa sa kanya ng Panginoon – maging isang pastor sa England habang namamahala ng apat na bahay-ampunan, na mahigit 10,000 bata ang naalagaan. Nalaman niya ito dahil sa kanyang paglalaan ng panahon sa Salita ng Diyos. Naging handa din siya dito dahil sa kanyang araw-araw na pagsasanay sa pamamagitan ng pakikinig sa Diyos. Ayon sa kanya:
I saw more clearly than ever, that the first great and primary business to which I ought to attend every day was, to have my soul happy in the Lord. The first thing to be concerned about was not, how much I might serve the Lord, how I might glorify the Lord; but how I might get my soul into a happy state, and how my inner man might be nourished. For I might seek to set the truth before the unconverted, I might seek to benefit believers, I might seek to relieve the distressed, I might in other ways seek to behave myself as it becomes a child of God in this world; and yet, not being happy in the Lord, and not being nourished and strengthened in my inner man day by day, all this might not be attended to in a right spirit.
Before this time my practice had been, at least for ten years previously, as an habitual thing, to give myself to prayer, after having dressed in the morning. Now I saw, that the most important thing I had to do was to give myself to the reading of the Word of God and to meditation on it, that thus my heart might be comforted, encouraged, warned, reproved, instructed; and that thus, whilst meditating, my heart might be brought into experimental, communion with the Lord.[8]
Mueller knew and experienced that God speaks through the Bible. He also knew and experienced that God shapes through the Bible. God wants us to know and experience the same.
Brothers and sisters, please read your Bible! It is good for your soul.
[1] All English Scripture quotations are from the English Standard Version, unless otherwise indicated. All Filipino Scripture quotations are from Ang Biblia (2001), unless otherwise indicated. Scripture quotations marked by MBB are from Magandang Balita Biblia (2005).
[2] Johannes P. Louw and Eugene Albert Nida, Greek-English Lexicon of the New Testament : Based on Semantic Domains, (New York: United Bible Societies, 1996), 1:435.
[3] These four questions are adapted from Bruce B. Barton, David Veerman and Neil S. Wilson, 1 Timothy, 2 Timothy, Titus, Life Application Bible Commentary (Wheaton, IL: Tyndale, 1993), 218.
[4]John MacArthur, 2 Timothy (Chicago, IL: Moody, 1996), 161.
[5] http://www.desiringgod.org/ResourceLibrary/Sermons/ByScripture/9/157_All_Scripture_Is_Breathed_Out _ by_ God _and_Profitable/
[6] Henry Blackaby and Claude King, Experiencing God: Knowing and Doing the Will of God.
[7] http://www.gmanews.tv/story/171917/fanatic-hijacked-mexican-plane-after-revelation
[8] Fred Bergen, comp., Autobiography of George Mueller (London: J. Nisbet, 1906), 152. Cited in John Piper, Desiring God (Sisters, OR: Multnomah, 2003), 155. Italics mine.