Series: Prayer Rocks the World
July 26, 2009
Matthew 6:9-13 (ESV)[1]
Pray then like this: “Our Father in heaven, hallowed be your name. Your kingdom come, your will be done, on earth as it is in heaven. Give us this day our daily bread, and forgive us our debts, as we also have forgiven our debtors. And lead us not into temptation, but deliver us from evil.”
Bihira sa mga tao ang masisiyahan pagkatapos makapakinig ng balita sa TV. Patayan. Kahirapan. Kabulukan sa pulitika. Incompetent and corrupt leaders. Global warming. Influenza A(H1N1) na 700 na ang pinapatay sa buong mundo. Giyera. Terorism. Bombings. Kidnappings. Tanggap na sa marami ang homosexuality at mga transsexuals. Prostitution. Divorce. Pagkasira ng pamilya. Addiction to material things. Vanity. The world is not getting better, is it? Tatanungin natin, Nasa’n ang Diyos? Ano’ng ginagawa niya upang maayos ito?
Well, it will really get worse. Pero may gagawin ang Diyos. May ipinangako siya na dapat nating panghawakan. May pag-asa. Sabi ng Panginoon:
Bibigyan kita uli ng mga tagapamahalang tulad noong una, at ng mga tagapayo gaya noong simula, pagkatapos ay tatawagin kang Lunsod ng Katuwiran, ang Lunsod na Matapat. (Isa. 1:26 MBB)
Ako ay lilikha ng isang bagong lupa at bagong langit; ang mga bakas ng nakaraan ay ganap ng malilimutan…19Doo’y wala nang pagtangis o panaghoy man. 20Ang mga sanggol ay hindi na mamamatay, lahat ng titira roon ay mabubuhay nang matagal…21Magtatayo sila ng mga tahanang kanilang titirhan, magtatanim sila ng ubas at sila rin ang aani…22Tulad ng punongkahoy hahaba ang buhay ng aking mga hirang, lubos nilang papakinabangan ang kanilang pinagpaguran. 23Anumang gawaing paghirapan nila’y tiyak na magbubunga, at hindi magdaranas ng mga sakuna ang mga anak nila; pagpapalain ko ang lahi nila, at maging ang mga susunod pa. 24Ang dalangin nila kahit hindi pa tapos ay aking diringgin, at ibibigay ko ang kanilang hinihiling. (Isa. 65:17-24 MBB)
Sa araw na iyon ay kagalakan, kapayapaan, at katuwiran ang maghahari. Wala nang kalungkutan, kaguluhan at kasamaan. Ngunit mula ngayon patungo sa araw na iyon, malaki ang role ng prayer upang dumating ang araw na iyon.
Nang buksan ng Kordero ang ikapitong tatak ay nagkaroon ng katahimikan sa langit ng may kalahating oras. At nakita ko ang pitong anghel na nakatayo sa harapan ng Diyos at sila’y binigyan ng pitong trumpeta. Dumating ang isa pang anghel at tumayo sa harap ng dambana, na may hawak na isang gintong lalagyan ng insenso; at binigyan siya ng maraming insenso, upang idagdag ito sa mga panalangin ng lahat ng mga banal sa ibabaw ng dambanang ginto, na nasa harapan ng trono. At umakyat ang usok ng insenso, kalakip ng mga panalangin ng mga banal, mula sa kamay ng anghel patungo sa harapan ng Diyos. At kinuha ng anghel ang lalagyan ng insenso at pinuno niya ng apoy ng dambana, itinapon niya sa lupa at nagkaroon ng mga kulog, mga tunog, mga kidlat, at ng lindol. (Rev. 8:1-5)
Prayer rocks the world. Prayer has a big role in what will happen in the future. God appointed prayer to change things, to change the present. Kaya nga kailangan natin matutunan, isapuso at isagawa ang Lord’s Prayer. Kung ipanalangin natin, “Dumating nawa ang kaharian mo,” sasagot ang Diyos at mayayanig ang mundo.
There’s a necessary or logical connection sa prayer na itinuro ni Cristo sa atin. Una, hallowed be your name. Ang layunin ng Diyos sa kanyang paglikha ay upang mabigyan ng karangalan ang kanyang pangalan. Lahat ng gagawin niya ay patungo dito. That’s God’s grand purpose, the glory of his name. Ngunit hindi pa ito nangyayari sa mundo natin. Simula nang pumasok ang kasalanan, napuno ang mundo ng mga taong nagrerebelde sa Diyos. “Kahit na alam nilang may Diyos, siya’y hindi nila pinarangalan bilang Diyos” (Roma 1:21). But God has a global program to vindicate his honor, his glory. Kaya nga ang pangalawang panalangin ay, Your kingdom come, Dumating nawa ang kaharian mo. God’s global program will accomplish God’s grand purpose. God’s name is hallowed when his kingdom comes. Sa araw na iyon, sabi ng Diyos, “lahat ng bansa ay sasamba sa akin” (Isa. 66:23 MBB).
The Kingdom of God
Si Jesus ang nagturo na ipanalangin natin ang para sa kaharian ng Diyos dahil ito mismo ang tema ng kanyang pangangaral, “The time is fulfilled, and the kingdom of God is at hand; repent and believe in the gospel” (Mark 1:15; cf. Matt. 4:23; 9:35). Kailanma’y hindi ipinaliwanag ni Jesus ang kahulugan ng “kingdom of God” dahil marahil ay alam na ng mga Judio ang ibig sabihin nito.[2] Ngunit para sa atin, baka iba ang konsepto natin ng “kaharian” kaya dapat nating tanungin, Kung idalangin natin ang pagdating ng kaharian ng Diyos, ano ang idinadalangin nating dumating? Ano ba ang “kaharian” ng Diyos?
Kung titingnan mo ang dictionary, ang “kingdom” ay tumutukoy sa isang teritoryo kung saan ay pinamumunuan ng isang hari. Halimbawa ay Kingdom of Saudi Arabia. Maari din itong tumukoy sa mga taong nasasakupan ng hari. Ngunit sa Biblia, hindi ito ang pangunahing kahulugan kung ang tinutukoy ay “kaharian ng Diyos.” Upang maunawaan natin ang salitang ito, dapat alamin natin kung paano ito ginamit sa panahon nila.
Sa Bagong Tipan, ito ay mula sa salitang Griyego na basileia. Sa 162 na beses na gamit nito, pangunahing kahulugan nito ay ang pamamahala o ang gawain ng paghahari. Minsan lang itong tumukoy sa teritoryong pinangungunahan ng hari. Mas tumutukoy ito sa gawain ng isang hari na pamamahala kaysa sa lugar o mga taong kanyang pinamamahalaan. Ganun din sa katumbas nito sa Lumang Tipan, ang salitang Hebreo na malkuth. Kung ginagamit ito tungkol sa Diyos, halos palagiang tumutukoy ito sa kanyang kapangyarihan o kapamahalaan bilang isang “heavenly king” (Psa. 145:11, 13; 103:19).[3]
Kaya kung makikita natin ang katagang “kingdom of God” o “kingdom of heaven” o “kingdom of Christ,” ito ay tumutukoy sa pamamahala ng Diyos o sa kanyang mga gawang nagpapakita ng kapangyarihan bilang tagapamahala ng buong sanlibutan magpakailanman. Hindi lamang ito malilimitahan sa lugar o teritoryo. The kingdom of God is universal. Hindi rin ito malilimitahan ng panahon. The kingdom of God is eternal. Dahil dito hindi dapat nating sabihin na katumbas ng kaharian ng Diyos ay ang iglesia. The kingdom of God is not the church. Kasama yun, but it is greater than the church. It is greater than what our eyes can see. Kaya kailangan nating ibukas ang paningin natin sa ginagawa ng Diyos. Araw-araw, mula pa sa pasimula ng kasaysayan hanggang sa katapusan nito, God is at work. We need to see that. We need to see the story of the kingdom of God unfolding in history. We need spiritual eyes to see that. Pray that God will give you eyes to see his majestic and marvelous work of reclaiming his rightful rule among all the nations.
The Story of the Kingdom
Kung naiintindihan mo na ang “kaharian” ng Diyos ay ang kanyang makapangyarihang pamamahala sa lahat ng kanyang nilalang, mas mauunawaan mo ang kahulugan ng istorya ng buong Biblia. Sakop nito ang mula sa kanyang paglikha hanggang sa pagpapanibagong-muli (renewal or restoration) ng lahat ng kanyang nilikha, na nasira dahil sa pagrerebelde ng kanyang nilikha (one-third of the angels and all of humankind) sa kanyang paghahari.
Nang likhain ng Diyos ang lahat ng bagay, ipinakita niyang siya ang dakilang hari. Pinangunahan ni Satanas ang paghihimagsik sa trono ng Diyos at ninais na magtayo ng kanyang sariling kaharian, kasama ang ikatlong bahagi ng mga anghel. Ang unang babae at lalaking nilalang ng Diyos ay tinukso niya upang maging rebelde din sa kalooban ng Diyos. Simula noon ay pumasok ang kasalanan at ang kamatayan bilang kabayaran ng kasalanan. Itong tatlong ito – si Satanas, ang kamatayan, at ang kasalanan – ang gagapiin ng Diyos upang maibalik ang kanyang kaharian.
Natikman ng mga tao ang bigat ng parusa ng Diyos dahil sa kanilang kasalanan. Ngunit sa kabila nito, tinawag niya si Abraham at nangakong magsisimula sa kanya ang bayang pinili ng Diyos na kanyang paghaharian. Sa pamamagitan niya’y muling pagpapalain ang lahat ng mga bansa. Nang maalipin ang lahi ni Abraham, Isaac at Jacob sa Ehipto nang ilang daang taon, siya ang nagpakita sa hari nito na siya ang makapangyarihang Hari na magliligtas sa kanyang bayan. Nahati ang dagat bilang patunay ng kanyang kapangyarihang maghari at magligtas. Ibinigay niya ang kanyang Tipan kay Moises na magiging tanda ng kanyang pangakong itayo ang kanyang kaharian sa kanilang kalagitnaan.
Ibinigay ng Diyos ang lupang ipinangako sa kanila. Ngunit nakalimutan nila ang kanilang pangakong magtatapat sa Diyos at paglilingkuran ang nag-iisang Hari. Ginawa nila kung ano ang tama sa kanilang paningin. Pinarusahan sila ng Diyos. Tumawag pa sila sa Diyos upang padalhan sila ng hari gaya ng sa ibang bansa, muling pagrerebelde sa paghahari ng Diyos. Binigyan sila ng hari ng Diyos ngunit dahil karamihan sa mga ito ay hindi sumunod sa Diyos, nahati ang kanilang bayan at sinakop sila ng mga dayuhan. Ipinatapon sila sa lupang hindi kanila. Upang maibalik sila hindi lamang sa lupain nila kundi patungo sa Diyos, nagsugo ang siya ng mga propeta para balaan sila sa darating na katarungang igagawad ng Diyos. Ngunit sa kabila ng mga parusang ito ay naroon ang pangako ng pagbabalik ng kaharian ng Diyos.
Ibinalik sila ng Diyos sa kanilang lupa at 400 taong naghintay ng salita mula sa Diyos. Dumating si Cristo, ang Salita ng Diyos, na nangangaral na dumating na ang kaharian ng Diyos sa pamamagitan niya. Pinalayas ang mga demonyo, nagpagaling ng mga sakit, bumuhay sa mga patay, nagpatawad ng kasalanan. Hindi tinanggap ng marami ang kanyang salita. Inalipusta, pinahirapan at pinatay ang Cristong dumating upang ibalik ang paghahari ng Diyos. Ngunit ipinakita niyang nagapi na niya si Satanas, ang kamatayan at ang kasalanan nang siya’y mamatay sa krus para akuin ang parusang sa atin ay nakalaan. Nabuhay na muli upang mapagtagumpayan ang kamatayan.
Siya ngayo’y naghahari sa puso ng bawat taong tumalikod sa kanilang kasalanan at lumalapit sa kanya. Dumating ang Espiritu Santo upang siguraduhing patuloy ang paghahari ng Diyos sa kanyang mga anak, na inilipat na mula sa kaharian ng kadiliman patungo sa liwanag. Tinipon niya ang mga taong ito sa isang iglesia, kung saan si Jesus ang Hari. Sa pamamagitan ng iglesia ay ipapangaral ang paghahari ng Diyos sa lahat ng dako. At kung naipangaral na ito sa lahat ng lahi sa mundo, magbabalik si Cristo upang maghari magpakailanman. Wala nang kamatayan. Wala nang kasalanan. Wala nang mga demonyo. Wala nang ibang hari maliban sa Diyos. Ito ang kaharian ng Diyos. Ito ang istorya ng Biblia. Ito ang takbo ng buong kasaysayan ng mundo.
This is God’s global program. God wants you to join him in what he is doing to restore a fallen world (2 Cor. 5:17-20). Kung ito ang story ng kingdom ng Diyos, dapat tanungin mo sa sarili mo, “Where do I fit in in this story?” Gusto ka niyang gamitin para manawagan sa mga nagrerebelde sa kanya na sumuko na at tanggapin ang amnestiyang ibibigay niya sa pamamagitan ni Cristo. Kasama sa ating bahagi ang manalangin, “Your kingdom come.”
Rule Now!
Your kingdom come. Let your kingdom come now. Rule now! Ito ang dalangin natin. Mahalaga sa atin ang may malaking concern o passion sa kaharian ng Diyos, higit sa anumang bagay. “Seek ye first the kingdom of God” (Matt. 6:33). Nalulugod ang Diyos sa puso na nagnanais na makita ang paghahari niya sa buong mundo. Nalulugod ang Diyos kung ang puso natin ay dumudulog sa kanya at nagsasabing Dumating nawa ang kaharian mo. Bakit? Dahil kapag ito ang panalangin natin, sinasabi nating:
1. Kinikilala kong ikaw ang Hari ng buong sanlibutan. “Ang kaharian mo’y walang hanggang kaharian, at nananatili sa lahat ng mga salinlahi ang iyong kapangyarihan” (Psa. 145:13). Kahit hindi man kilalanin ng iba ang katotohanang ito, mananatiling Hari ang Diyos ng sanlibutan. Walang iba.
2. Kinikilala kong ikaw ang Hari ng buhay ko at gawin mo ang nararapat para ang buhay ko’y lubos na mapasailalim ng iyong kapangyarihan. Tayo ang mga taong nakapasok sa kanyang kaharian dahil sa ating muling kapanganakan (John 3:3; 1:12-13). Ang Diyos din ang may gawa nito. Dahil alam mong walang lugar sa kaharian ng Diyos ang kasamaan at anumang gawa ng kadiliman (1 Cor. 6:9-10; Gal. 5:19-21), sinasabi mo sa Diyos na pamahalaan niya ang lahat ng aspeto ng buhay upang maghari ang liwanag at kabanalan sa buhay mo, na siyang ginagawa ng Banal na Espiritu (Gal. 5:22-25). Si Jesus ang Hari ng buhay mo – ng oras mo, ng relasyon mo sa asawa, sa ibang tao, sa pakikipagkaibigan, sa pag-iinternet, sa panonood ng TV, sa paggamit ng pera, sa pananamit, sa lahat-lahat. Gaya ng sabi ni Abraham Kuyper, “There is no square inch in this world where Christ is not Lord.” Una mong ipanalangin ang “your kingdom come” sa buhay mo.
3. Kinikilala kong ikaw ang naghahari sa buhay ng marami. Gawin mo ang lahat upang magpatuloy sa paghahari sa buhay nila. “Iniligtas niya tayo sa kapangyarihan ng kadiliman at inilipat tayo sa kaharian ng kanyang minamahal na Anak, na sa kanya ay mayroon tayong katubusan, na siyang kapatawaran ng mga kasalanan” (Col. 1:13-14). Wala na tayo sa kaharian ni Satanas, bakit ang iba sa atin kung mamuhay ay parang demonyo pa rin ang naghahari? God is King! Live like he is really King in our lives! Dapat nating paalalahanan ang bawat isa kung kinakikitaan natin ng pagrerebelde sa Diyos. Sa lahat ng ginagawa natin bilang isang iglesia, we must be passionate for the supremacy of King Jesus. ‘Yan ang gusto nating ipanalangin para sa ating mga kapatid kay Cristo.
4. Hindi pa nakikita ang iyong paghahari sa buhay ng marami. Gusto kong makita na ikaw ang naghahari sa lahat. Lahat ng tao ay kabilang sa isang kaharian. Ang iba, katulad natin, ay kabilang sa kaharian ng Diyos. Ang mga hindi kabilang dito ay nasa kaharian ni Satanas, mga kriminal man ‘yan o mga relihiyosong taong hindi naman tunay na sumusunod kay Cristo. Panalangin natin na maghari ang Diyos sa mga taong ito, sa kanilang tahanan, sa ating lipunan, at sa ating bansa na bagamat maraming nagsasabing Cristiano sila ay ‘di naman nakikita ang paghahari ng Diyos. Ipapanalangin natin na ang mga taong binulag ni Satanas upang di makita ang paghahari ng Diyos, na sa puso nila’y magliwanag ang mensahe ng Mabuting Balita upang si Cristo na ang maghari sa kanila (2 Cor. 4:3-6).
5. Gusto kong gamitin mo ako upang makita ng mga tao ang paghahari mo. Sa pamamagitan ng aking buhay, ng aking salita, ng aking gawa, at ng mga himalang gagawin mo sa buhay ko. Ang paghahari ng Diyos ay hinihintay natin, ngunit hindi hinihintay nang walang ginagawa. Ang panalanging ito’y panggising din sa atin upang gawin ang dapat gawin upang makita sa lipunan natin ang paghahari ng Diyos. “[We] shall speak of the glory of your kingdom and tell of your power, to make known to the children of man your mighty deeds, and the glorious splendor of your kingdom” (Psa. 145:11-12). Dahil siya ang Haring may awtoridad sa buhay natin, susundin natin ang tagubilin niya, “All authority in heaven and on earth has been given to me. Go therefore and make disciples of all nations” (Matt. 28:18-19). Malaki ang kinalaman ng pangangaral ng kaharian ng Diyos sa muling pagbabalik ni Cristo. Sabi niya mismo, “And this gospel of the kingdom will be proclaimed throughout the whole world as a testimony to all nations, and then the end will come” (Matt. 24:14).
6. Gusto ko nang makita ang muling pagbabalik ni Jesu-Cristo upang siya’y maghari magpakailanman. The King of kings and the Lord of lords will come. Lahat ng tuhod ay luluhod sa kanya. Lahat ng labi ay magsasabing siya ang Panginoon at Hari. “The kingdom of the world has become the kingdom of our Lord and of his Christ, and he shall reign forever and ever” (Rev. 11:15). Sa kanyang muling pagbabalik, nawa’y masumpungan kang nasa loob ng kanyang kaharian. Kung hindi, pagsisisihan mo’t wala nang pagkakataon. Ikaw, kasama ng mga demonyo, ay itatapon sa lawa ng apoy upang parusahan magpakailanman. At tayo namang lahat na kumikilala kay Cristo bilang Hari ay makakasama niya magpasawalanghanggan sa isang bagong lupa at langit kung saan ang naroon ang lubos na kagalakan dahil naroon ang Hari ng mga hari (Matt. 25:31-34, 46). The greatest gift of the kingdom of God is not its blessings of peace and joy but God himself.
Dahil alam nating muling magbabalik si Cristo upang dalhin nang lubusan ang paghahari ng Diyos, “greater things have yet to come” (from Chris Tomlin’s God of this City). God is orchestrating history toward something that is far better than it is now. Ngunit habang hindi pa dumarating ang araw ng ganap na paghahari ng Diyos, mayroon tayong dapat gawin, “greater things are still to be done in this city.” One greater thing to do is to pray, “Your kingdom come, your will be done, on earth as it is in heaven.”
[1] All English Scripture quotations are from the English Standard Version, unless otherwise indicated. All Filipino Scripture quotations are from Ang Biblia (2001), unless otherwise indicated. Scripture quotations marked by MBB are from Magandang Balita Biblia (2005).
[2] George Eldon Ladd, The Presence of the Future: The Eschatology of Biblical Realism, rev. ed. (Grand Rapids: Eerdmans, 1974), 122.
[3] George Eldon Ladd, “Kingdom of God,” Baker Encyclopedia of the Bible, Walter A. Elwell and Barry J. Beitzel, eds (Grand Rapids: Baker, 1988), 1269.
1 Comment