Series: Prayer Rocks the World
Matthew 6:9-13 (ESV)[1]
Pray then like this: “Our Father in heaven, hallowed be your name. Your kingdom come, your will be done, on earth as it is in heaven. Give us this day our daily bread, and forgive us our debts, as we also have forgiven our debtors. And lead us not into temptation, but deliver us from evil.”
Focusing on God’s Provisions, Not on Our Needs
Anong mararamdaman ninyo kapag nanakawan kayo ng 500 pesos nang dalawang beses sa loob ng dalawang buwan? Two months ago, papunta ako sa Malolos para pastors’ meeting ng district. Nasa jeep ako nu’n at itinuro ng katabi ko na nalaglag ang wallet ko. Natuwa ako kasi nakuha ko. Pagpunta ko sa church sa Malolos, saka ko lang nakita na nawala ang 500 ko. ‘Yun lang ang pera ko. Napahanga na lang ako sa kumuha. Nung Monday naman, magkasama pa kami ni Jodi, bago bumaba sa jeep napansin ko ding nawala ang wallet ko. Tiningnan ko sa upuan. Binigay sa ‘kin nung katabi ko, nasa likod niya pala. Pagbaba namin ng jeep saka ko napansin na nawala ang 500 ko. Hindi na ko natuwa. Nangyari na kasi ‘yun. Inis na inis ako.
Ang reaksiyon ko noon na may pagkainis at pagkagalit sa nagnakaw at sa sarili ko ay nagpapakita ng pagtingin ko sa bagay na nawala sa akin, o sa bagay na sa tingin ko ay kailangan ko ngunit wala sa akin, sa halip na pagtingin sa Diyos na nagbibigay ng lahat ng pangangailangan ko. Kapag may nawala sa atin, imbes na magpasalamat sa Diyos na nagkakaloob ng ating mga pangangailangan, nagrereklamo tayo. Kapag mayroon namang isang bagay na sa tingin natin ay kailangan natin, ngunit hindi ibinibigay sa atin, nagrereklamo din tayo, imbes na umasa sa Diyos na nangakong ipagkakaloob lahat ng kailangan natin. Lahat!
Kaya naman napakahalagang matutunan natin ang itinuturo ni Cristo sa ikaapat na hiling sa Lord’s Prayer: “Give us this day our daily bread.” Itinuturo nito ni Cristo sa pamamagitan nito, “Umasa kayo nang lubos sa inyong Ama na masaganang nagkakaloob ng lahat ng inyong pang-araw-araw na mga pisikal na pangangailangan, at ng ibang tao sa pamamagitan ninyo.” When I pray, “Give us this day our daily bread,” I am saying, “Father, I wholly depend on your generous provisions for the day-by-day supply of my physical needs and that of others through me.”
Ano ang relasyon nito sa naunang tatlo? “Hallowed be your name; your kingdom come; your will be done.” Lahat ng ito ay “your, your, your” o mga panalangin para sa Diyos – sa kanyang karangalan, sa kanyang paghahari, at sa kanyang kalooban. Saka pa lamang pagkatapos nito tayo mananalangin para sa ating mga pangangailangan – pisikal man (“Give us this day our daily bread”) o espiritwal (“Forgive us our sins; deliver us from evil”). Even asking for our needs must have a God-centered perspective. It must flow from a desire to see the holiness of God, the kingdom of God, and the will of God being manifested in all the earth. Dalangin ko na ngayon ay unti-unting nagiging naka-sentro sa Diyos ang paghiling natin sa kanya. Ang paghingi ng “pang-araw-araw na tinapay” ay hindi magiging makasarili at ito ay magiging kalugud-lugod sa Diyos kung natututunan na natin ang unang tatlong hiling sa Lord’s Prayer.
Balikan natin ang sinabi ko kaninang kahulugan ng panalangin natin na “Give us this day our daily bread” – “Father, I wholly depend on your generous provisions for the day-by-day supply of my physical needs and that of others through me.” May apat na makikita dito tungkol sa pag-asa o pananangan natin sa Diyos. It shows: (1) Our dependence on God’s generosity; (2) Our dependence on God’s supply for our physical needs; (3) Our dependence on God day-by-day; and (4) Our dependence on God to provide for others through us.
God’s Generosity
Una, it shows our dependence on God’s generosity. “Give us this day our daily bread.” Sinasabi natin, “Father, I wholly depend on your generous provisions.” Ang basic meaning ng salitang ginamit sa kahilingang ito ay “to give as an expression of generosity.” Sa dalanging ito hinihiling natin na ipakita ng Diyos ang kanyang mapagpalang pagbibigay sa atin. Ito ay paghiling hindi lamang upang makamit ang hinihiling. Ito ay paghiling upang maranasan natin ang Diyos na nagbibigay ng ating hinihingi.
This prayer presumes a relationship of dependence on God. Katulad ito ng relasyon ng ama sa kanyang anak. Humihiling tayo sa ating “Ama na nasa langit.” “Kung kayo nga na masasama ay marunong magbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama na nasa langit ang magbigay ng mabubuting bagay sa mga humihingi sa kanya” (Matt. 7:11)? “Oh, taste and see that the Lord is good! Blessed is the man who takes refuge in him! Oh, fear the Lord, you his saints, for those who fear him have no lack! The young lions suffer want and hunger; but those who seek the Lord lack no good thing” (Psa. 34:8-10). Ito ay paglapit at pagdepende sa ating Amang nagkakaloob ng lahat ng ating kailangan, Amang hindi nagkakait ng anumang mabuting bagay sa kanyang mga anak.
Your knowledge of who God is will affect the kind of relationship you have with him, and therefore, your dependence on him in prayer. Naniniwala ka ba na siya ang may-ari ng lahat ng bagay, at dahil sa kanya ang lahat, kung naisin niyang ibigay sa iyo ay magagawa niya? “Ang lupa ay sa Panginoon at ang lahat ng narito; ang sanlibutan, at silang naninirahan dito” (Psa. 24:1). Lumalapit ka ba sa Diyos na naniniwalang lahat ng hihilingin natin, ayon sa kanyang kalooban, ay kaya niyang ibigay sa atin?
Maaaring ang iba sa inyo ay sa tingin ay hindi na kailangang humingi sa Diyos dahil maganda na ang trabaho ay wala nang dapat ipag-alala. “Aalalahanin mo ang Panginoon mong Diyos, sapagkat siya ang nagbigay sa iyo ng kapangyarihan upang magkaroon ka ng kayamanan” (Deut. 8:18). Kayo na may kaya sa buhay, may magandang trabaho, may malaking naipon sa bangko, may insurance – kanino o sa ano kayo nakadepende? Sa sarili ninyo? O sa mga bagay na mayroon kayo? Ito’y panawagan sa atin na umasa lamang sa Diyos na pinagmumulan ng lahat ng mayroon kayo ngayon.
Para tayong mga dating pulubi na namamalimos lang. May isang lalaking bilyonaryo na lumapit sa atin at inampon tayo. Ngayon lahat ng bagay ay kaya niyang ibigay sa atin. Hindi tayo sa sarili natin umaasa. Doon sa tao na tumatayong Ama natin, na siyang magkakaloob ng lahat ng naisin niya sa atin. Wala siyang ipagkakait. ‘Yun ngang ampunin ka at gawing kanyang anak at tagapagmana nagawa niya, paano pa kaya ‘yung mas maliit na mga bagay na hinihiling natin.
Siyasatin po natin ang ating sarili kung mayroon tayong ganitong relasyon sa Diyos. Nakadepende sa kanya. Hindi independent, at nabubuhay sa sarili lang.
Supply of Physical Needs
Ikalawa, it shows our dependence on God’s supply for our physical needs. “Bigyan mo kami ngayon ng aming pagkain sa araw-araw.” Sa literal na salin, “Bigyan mo kami ngayon ng aming tinapay sa araw-araw.” “Give us this day our daily bread.” Sa panalanging ito, sinasabi natin, “Father, I wholly depend on your provisions for the supply of my physical needs.” Ang tinapay, dahil ito ang pangunahing pagkain ng mga Judio (sa atin ay kanin), ay kumakatawan sa pagkain. Ngunit, ayon nga kay Martin Luther, hindi lang pagkain ang hinihiling natin kundi lahat ng kailangan natin para magpatuloy ang ating buhay – kalusugan, good weather, bahay, tahanan, asawa, anak, maayos na gobyerno, at kapayapaan.
Makikita natin dito ang concern ng Diyos sa ating mga pisikal na pangangailangan. We are physical beings with physical needs. Hindi po masamang humiling sa mga pisikal na pangangailangan. Ang masama ay ang maling motibo, makasariling hangarin, sa paghingi. Hindi natin kailangang i-spiritualize ang “daily bread” para sabihing ito ay paghiling sa “Salita ng Diyos” o anumang spiritual needs. Naiintindihan ito ng mga Judio na ang dalangin ay para sa pisikal na kailangan. Hindi lamang tayo kaluluwa, may katawan din tayo. Siyempre, may panahon din naman na hihilingin natin ang tungkol sa spiritual needs. Titingnan natin ‘yan sa susunod na dalawang linggo. God has concern for your physical needs, tandaan niyo ‘yan.
Ngunit dapat natin marealize na “pangangailangan” ang binabanggit dito hindi “kagustuhan.” Needs not wants. Kaya nga tinapay ang ginamit niya. Basic food represents basic needs, not luxuries. ‘Yung kailangan, hindi ‘yung luho. Ipinangako ng Diyos na ipagkakaloob ang ating mga pangangailangan, hindi ang pansariling kagustuhan. “And my God will supply every need of yours” (Phil. 4:19). Ibibigay niya lamang ang kagustuhan natin kung ito ay kailangan natin at naaayon sa kagustuhan ng Diyos.
God is not a Father of spoiled brats. Hindi siya katulad ng ibang magulang na sinasanay sa luho ang mga anak – dapat branded ang damit, dapat sa exclusive school mag-aral, dapat kapag kakain sa labas sa mamahaling restaurant, dapat engrande ang celebration ng birthday, dapat ang mga gamit sa school mamahalin. Ang daddy ko hindi ganyan. May panahon na hihiling ako sa kanya ng isang bagay na alam niya ay hindi ko naman kailangan, kaya hindi niya ibibigay. Pero kung may kailangan kami ibibigay niya. Kaya nga nagtiis ‘yan na magpunta sa ibang bansa para maibigay kung ano ang kailangan namin. Ganyan ang Diyos, higit pa diyan. He made the greatest sacrifice when he sent his Son to die in our place. At sa pamamagitan ng kamatayan niya, hindi lang espirituwal na buhay ang natamo natin. Lahat ng mayroon tayo ngayon – buhay na walang hanggan man, pamilya, pera, pagkain, bahay, edukasyon, magandang pangalan – lahat napasaatin ‘yan dahil sa dugo ni Cristo. Binili ng Ama para sa atin. Kasi alam niya kailangan natin para mabuhay.
Ano ang mga bagay na hinihiling mo sa Diyos nitong mga nakaraang araw? Ito ba ay pangangailangan o dahil kagustuhan mo lang? Anu-ano ang mga bagay na binili mo gamit ang perang ibinigay sa iyo ng Diyos? Ito ba ay pangangailangan o luho lang? Para ipakita ang simpleng pamumuhay o para ipagyabang ang estado sa buhay? Iniisip mo ba na may karapatan kang gamitin ang kayamanan mo sa paraang gusto mo, dahil ito ay pinaghirapan mo? O iniisip mong ito ay galing lahat sa Diyos at dapat ibalik sa kanya at gamitin sa paraang makapagbibigay luwalhati sa kanya?
“Seek first the kingdom of God and his righteousness, and all these things will be added unto you” (Matt. 6:33). Kaya nararapat lamang na ganito ang ugali natin sa panalangin: “Huwag mo akong payamanin o paghirapin. Sapat na pagkain lamang ang ibigay mo sa akin. Baka kung managana ako ay masabi kong hindi na kita kailangan. Baka naman kung maghirap ako’y matutong magnakaw, at pangalan mo’y malapastangan” (Prov. 20:8-9 MBB).
Day-by-Day
Ikatlo, it shows our dependence on God day-by-day. “Give us this day our daily bread.” Sinasabi natin, “Father, I wholly depend on your generous provisions for the day-by-day supply of my physical needs.” “Ibigay mo sa amin ngayon…” Ang focus ay sa pagbibigay ng Diyos ngayon din. Kung kailangan ngayon, siyempre ibibigay niya. Sa Lukas 11:3 naman, “Ibigay mo sa amin sa bawat araw…” Ang focus ay sa pagbibigay ng Diyos sa mga susunod na araw. Ang pagbibigay niya tuluy-tuloy. Hindi nahihinto. “The steadfast love of the LORD never ceases; his mercies never come to an end; they are new every morning; great is your faithfulness” (Lam. 3:22-23). God will provide for today’s need. God will provide for what we need tomorrow. We need to rely on him day-by-day.
Kaya nga hinihiling natin na ibigay ang ating “daily bread.” Ang salitang “daily” ay galing sa Griyego na epiousios na dito lang sa Lord’s Prayer (Matthew and Luke) ginamit. Maaaring kahulugan nito ay “pang-araw-araw” o “pang-kinabukasan” o “kailangan para mabuhay.” Mas matimbang sa mga translators ang “daily” o “pang-araw-araw” ngunit ipinapakita rin nito ang pagtitiwala natin sa Diyos sa ipagkakaloob niya na kailangan natin sa araw-araw. Kung kailangan natin ngayon, ibibigay niya. Kung bukas kailangan, bukas ibibigay. Ito ang paliwanag ni John MacArthur:
The schedule of God’s provision for His children is daily. The meaning here is simply that of regular, day-by-day supply of our needs. We are to rely on the Lord one day at a time. He may give us vision for work He calls us to do in the future, but His provision for our needs is daily, not weekly, monthly, or yearly. To accept the Lord’s provision for the present day, without concern for our needs or welfare tomorrow, is a testimony of our contentment in His goodness and faithfulness.[2]
Nananawagan ito ng araw-araw na pagtitiwala sa Diyos; kaya’t walang dapat ipag-alala sa susunod na araw. Itinuturo nito sa atin na huwag nating alalahanin ang bukas, pagkat may nakalaan na ang Diyos bukas. Minsan kasi ay gusto nating ibigay na ng Diyos ngayon din ang kailangan natin bukas o sa susunod na linggo, o buwan, o taon. Nakanino ba ang seguridad natin? Nasa Diyos! Sabi ni Jesus:
“Kaya huwag kayong mabalisa, na magsasabing, ‘Ano ang aming kakainin?’ o, ‘Ano ang aming iinumin?’ o, ‘Ano ang aming isusuot?’ Sapagkat hinahanap ng mga Hentil ang lahat ng mga bagay na ito; at batid ng inyong Ama sa langit na kailangan ninyo ang lahat ng mga bagay na ito. Ngunit hanapin muna ninyo ang kanyang kaharian at ang kanyang katuwiran, at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo. Kaya’t huwag ninyong alalahanin ang bukas, sapagkat ang bukas ang mag-aalala sa kanyang sarili. Sapat na para ngayon ang kabalisahan sa araw na ito” (Matt. 6:31-34).
Ngunit ang iba sa atin na maaaring walang ipag-aalala bukas kasi sapat-sapat na sa buhay, nananawagan din ito ng araw-araw na pagtitiwala sa Diyos; kaya’t walang dapat ipagyabang sa susunod na araw. “Huwag mong ipagyabang ang kinabukasan; sapagkat hindi mo alam kung ano ang dadalhin ng isang araw” (Prov. 27:1). Hindi mo alam ang mangyayari bukas. Makatitiyak ka ba na ang daang libo mo sa bangko ay naroon pa rin kinabukasan? Nakatitiyak ka bang ang insurance company mo ay hindi magsasara? Kailangan mo ring manalangin, “Give us this day our daily bread.”
Kung gayon makakaasa tayo na ang Diyos ang tutugon sa pangangailangan natin sa tamang panahon: “Ang mga mata ng lahat sa iyo ay nakatingin, at ibinibigay mo sa kanila sa tamang panahon ang kanilang pagkain. Binubuksan mo ang iyong kamay, binibigyang-kasiyahan mo ang nasa ng bawat bagay na may buhay” (Psa. 145:15-16).
God’s Provisions for Others
Ang ikaapat ay, it shows our dependence on God to provide for others through us. “Give us this day our daily bread.” Hindi, “Give me this day my daily need.” Totoo ngang may mga hinihiling tayo para sa sarili lang natin, ngunit huwag nating kalilimutan na hindi lamang tayo ang may kailangan sa biyaya ng Diyos. Siya ang Ama, hindi lang ikaw ang nag-iisang anak. Siya ang Ama ng maraming mga anak. Marami tayong kapatid na dapat ding damayan sa panalangin at anumang tulong na kaya nating ibigay ayon sa pagpapala ng Diyos sa atin. Kaya ang panalangin natin ay, “Father, I wholly depend on your generous provisions for the day-by-day supply of my physical needs and that of others through me.”
It takes away selfishness. And it builds concern for others’ needs. Likas sa atin ang makasarili. Likas sa atin ang intindihin lang ang problema natin at hindi na ang iba. Ang panalanging itinuturo ni Cristo ang gamot sa ating sakit na pagkamakasarili. Paano? Kung sumasagot ang Diyos sa prayers natin, hindi ibig sabihin ay sapat-sapat lang ang ibinibigay niya at walang sumosobra. Sa iba ay maaaring sapat lang, ngunit sa iba naman ay umaapaw ang biyaya. It does not mean, though, that they are all for your consumption.
Halimbawa, nanalangin kang bigyan ka ng Diyos ng trabaho para mabuhay mo ang iyong pamilya. Tapos sinagot niya, binigyan ka ng trabaho na ang suweldo ay 60,000 pesos. Tapos sasabihin mong sa iyo lang lahat ‘yan at sa iyong pamilya? Hindi ba’t sobra iyan sa pang-araw-araw na pangangailangan? Ibig sabihin, nagbigay ng biyaya ang Diyos upang maging pagpapala ka naman sa iba. Gusto niyang ikaw ang maging sagot sa ibang kapatid na nananalangin din ng “Give us this day our daily bread.” Pakinggan ninyo ang bilin sa inyo ni Pablo, “[You] are to do good, to be rich in good works, to be generous and ready to share” (1 Tim. 6:18).
Mayaman ka man o mahirap, we pray that God will use us to meet others’ needs. Hindi tayo binibigyan ng biyaya ng Diyos upang maging tagatanggap lang, kundi upang maging pagpapala din naman sa iba. Hindi lamang naman sa pera tayo makakatulong para sa nangangailangan. Maraming paraan.“Kaya’t habang may pagkakataon, gumawa tayo ng mabuti sa lahat, lalung-lalo na sa mga kabilang sa sambahayan ng pananampalataya” (Gal. 6:10).
Ito ang halimbawa ng mga taga-Filipos, mayaman man o mahirap, sa pagtulong kay Pablo:
10Ako’y totoong nagagalak sa Panginoon, na ngayon sa wakas ay inyong muling binuhay ang inyong pagmamalasakit sa akin…14Gayunman ay mabuti ang inyong ginawa na kayo’y nakiramay sa aking kapighatian. 15At kayong mga taga-Filipos, nalalaman naman ninyo, na nang pasimula ng ebanghelyo, nang ako’y umalis sa Macedonia, wala ni isang iglesya na nakipagkaisa sa akin sa pagbibigay at pagtanggap kundi kayo lamang; 16sapagkat kahit ako’y nasa Tesalonica ay nagpapadala kayong minsan at muli para sa aking kailangan… 18…ako’y busog, palibhasa’y tumanggap kay Epafrodito ng mga bagay na galing sa inyo na mabangong samyo, isang handog na kaaya-aya at kalugud-lugod sa Diyos (Filipos 4:10, 14-16, 18).
Kaya naman dapat maging sensitibo tayo sa pangangailangan ng iba. Ipanalangin din natin sila. Kung may kakilala tayo na walang trabaho, o talagang hirap sa buhay, tulungan natin. ‘Wag tayong mag-alala kung kakaunti lang ang mayroon tayo. Tiyak namang ibibigay ng Diyos ang kailangan natin. Pangako niya ‘yan. Lalo pa kung ang pagpapala ng Diyos ay hindi natin sinasarili lang kundi ibinabahagi sa iba. Napakasarap hindi lamang pagpalain, kundi ang maging pagpapala din naman sa iba.
Ito ang diwa ng panalanging “Give us this day our daily bread.” Umaasa tayo sa masaganang pagbibigay ng Diyos. Wala sa bokabularyo ng Diyos ang salitang “kuripot.” Umaasa tayo na ipagkakaloob niya ang lahat ng ating mga pangangailangan, hindi ang ating luho. Hindi tayo “spoiled brats” kundi “beloved children.” Umaasa tayo na nasa tamang panahon ang pagbibigay ng Diyos sa mga kailangan natin. Wala sa bokabularyo ng Diyos ang “delayed” kundi laging “on time.” Umaasa tayo na pagpapalain tayo ng Diyos upang sa pamamagitan natin ay pagpalain din ang ibang tao. Hindi lamang siya nagbibigay sa atin, siya ay nagbibigay din sa pamamagitan natin. I hope and pray that we will learn, really learn, to pray, “Give us this day our daily bread.”
[1] All English Scripture quotations are from the English Standard Version, unless otherwise indicated. All Filipino Scripture quotations are from Ang Biblia (2001), unless otherwise indicated. Scripture quotations marked by MBB are from Magandang Balita Biblia (2005).
[2] John MacArthur, Matthew, The MacArthur New Testament Commentary Series (Chicago: Moody, 1989), 391.
Hi Pastor. As I read your topic on Generosity of the Lord, I feel relieved of my struggles. I was hurt because it seems that God’s is not favoring me.Although I am trying my best to follow Him.I just felt that I don’t measure up to be deserving of His blessings. I am refreshed and feel that I understand what He wants from me.It is to wait and hope that in time He will favor me in His time. And He truly wants to bless me.
Thank you. You encourage me.
God bless you abundantly!
LikeLike
Glory to God! His Word is truly comforting and encouraging. May you live each day with strong faith in our generous God.
LikeLike