Part 12 – “A House of Prayer for All the Nations”

Series: Prayer Rocks the World

August 30, 2009

Mark 11:15-17 (ESV)[1]

And they came to Jerusalem. And he entered the temple and began to drive out those who sold and those who bought in the temple, and he overturned the tables of the money-changers and the seats of those who sold pigeons. And he would not allow anyone to carry anything through the temple. And he was teaching them and saying to them, “Is it not written, ‘My house shall be called a house of prayer for all the nations’? But you have made it a den of robbers.”

Desecrating God’s House

Ano’ng mararamdaman mo kapag ang isang bagay na ibinigay o ipinahiram ay ginamit sa paraang hindi nararapat? Kung may nanghiram sa iyo ng cellphone at nakita mong ipinangpupukpok, ano’ng mararamdaman mo? Kung nagpahiram ka ng kotse tapos nalaman mong ibinenta sa iba, ano’ng mararamdaman mo? Kung isang weekend nagbakasyon kayo ng pamilya mo sa Boracay at iniwan ang bahay sa isang kaibigan, tapos pagbalik mo ibang iba na ang ayos ng bahay mo, ano’ng mararamdaman mo?

Hindi ba’t parang ganyan ang ginagawa ng mga tao sa templo, ang sentro ng pagsamba, noong panahon ni Jesus. Ginagamit nila ang templo para sa kanilang mga sariling interes at negosyo, na taliwas na taliwas sa disenyo ng Diyos para dito. Ito ay paglapastangan sa Diyos.

Pagkatapos ay dumating sila sa Jerusalem. Pumasok siya sa templo at sinimulan niyang itaboy ang mga nagbibili at ang mga bumibili sa loob ng templo. Ipinagtataob niya ang mga mesa ng mga nagpapalit ng salapi at ang mga upuan ng mga nagbibili ng mga kalapati. Hindi niya pinahintulutan ang sinuman na magdala ng anuman na padadaanin sa templo. Nagturo siya at sinabi, “Hindi ba nasusulat, ‘Ang aking bahay ay tatawaging bahay-panalanginan para sa lahat ng mga bansa?’ Ngunit ginawa ninyo itong yungib ng mga magnanakaw” (Mark 11:15-17).

Napakahalaga ng templo sa kasaysayan at buhay ng mga Israelita. Si Haring David ang nagsimulang magpakita ng hangarin na maitayo ang templo (“bahay ng Panginoon”), ngunit ang kanyang anak na si Solomon ang nakapagtayo nito, ayon na rin sa nais ng Diyos, noong 969 B.C. Dahil sa pagsuway ng mga tao sa Diyos, inatake ang Jerusalem ng mga Babylonians at sinira ang lungsod kasama ang templo noong 586 B.C. Naging bihag ang mga Judio (Israelita) sa dahuyang lupa. Pagkatapos ng 50 taon, sa pangunguna ni Zerubabbel, bumalik ang mga Judio sa Jerusalem at sinimulang magtayo ng panibagong templo. Natapos ito pagkatapos ng 20 taon. Umiyak ang mga matatanda dahil nakita nilang malayong-malayo ang kagandahan nito sa naunang templo ni Solomon. Nanatili itong nakatayo bagamat maraming mga pinagdaanan ito. Sa panahon ng mga Romano, sa pangunguna ni Herodes sa Judea, pinalaki niya ang templong ito na parang isang bagong templo ulit. Sinimulan itong gawin 19 B.C. at hanggang sa panahon ni Jesus hindi pa rin natatapos. 70 B.C. nang ito ay wasakin ng mga Romano.[2]

Ang templong tinutukoy sa talatang ito ay ang templong ipinatayo ni Herodes para sa mga Judio. Sa templong ito ay may maluwang na bahagi na tinatawag na Court of the Gentiles, kung saan hanggang dito lamang maaaring pumasok ang mga hindi Judio. Dito sa lugar na ito pumasok si Jesus at kanyang mga alagad. Ang templo na lugar sa pagsamba ay ginawang palengke. Dahil bawal magdala ng mga hayop na ihahandog na galing sa malayo, bumibili sila sa mga nagbebenta rito. Lalo na kung panahon ng pista, talagang parang palengke dito sa dami ng tao. May moneychanger din kasi ang iba ay galing pa sa ibang lugar at kailangang palitin ang pera para may pambili ng handog. Ang iba namang mga negosyante ay ginagamit lang itong daanan para shortcut sa ibang marketplace.

Ito ang scenario na nakita ni Jesus. Kaya naman sinabi niya sa kanila na ang templo ay ginawa nilang “den of robbers” o “yungib ng mga magnanakaw” (v. 17). Ito ay hango sa Jeremiah:

Kayo ba’y magnanakaw, papatay, mangangalunya at susumpa ng kasinungalingan, at magsusunog ng insenso kay Baal, at magsisisunod sa ibang mga diyos na hindi ninyo nakikilala, at pagkatapos ay magsisiparito at magsisitayo sa harapan ko sa bahay na ito, na tinatawag sa aking pangalan, na magsasabi, ‘Kami ay ligtas!’ upang magpatuloy lamang sa paggawa ng lahat ng karumaldumal na ito? Ang bahay bang ito na tinawag sa aking pangalan, ay naging yungib ng mga tulisan sa inyong mga mata? Narito, ako mismo ang nakakita nito, sabi ng Panginoon (7:9-11).

Ang mga taong nasa templo ay hindi naroon para sumamba kundi magnegosyo. Hindi dahil may takot sa Diyos, kundi mga sumasamba sa mga diyus-diyosan. Hindi dahil matuwid ang gawa kundi karumaldumal ang ginagawa. Hindi para sa Diyos kundi para sa kanilang sarili. Sa ganitong paraan, ninanakawan nila ang Diyos ng karangalang nararapat sa kanya. Makikita natin dito na likas sa taong makasalanan na baluktutin ang magandang disenyo o layunin ng Diyos para sa isang bagay na itinalaga ng Diyos para sa kanyang pangalan. Nilapastangan nila ang isang lugar na itinalaga ng Diyos para sa kanyang banal na pangalan. We must be aware that many people today regard the church as a way of doing what they want to do and getting what they want to get. Hindi masamang magnegosyo ngunit kung iyan ang dahilan mo bakit ka nandito, mag-isip-isip ka. Maaaring ilan sa inyo ay naririto dahil sa pansariling interes, at hindi para sa layunin ng Diyos para dito.

Jesus – Zealous for God’s House

Hindi palalagpasin ng Diyos ang mga maling ginagawa ng tao. Ano ang naging reaksiyon ni Jesus sa mga nakita niya? “Sinimulan niyang itaboy ang mga nagbibili at ang mga bumibili sa loob ng templo. Ipinagtataob niya ang mga mesa ng mga nagpapalit ng salapi at ang mga upuan ng mga nagbibili ng mga kalapati. Hindi niya pinahintulutan ang sinuman na magdala ng anuman na padadaanin sa templo”(vv. 15-16). Hindi lamang niya sinabihan ang mga tao, itinaboy niya. Ang salitang ginamit dito na “itinaboy” ay nagpapakita na puwersahan ang ginawa niya at hindi basta-basta madadaan sa pakiusapan, na nagpapakita ng katigasan ng tao at ng authority ni Cristo. Itinaboy, pinagtataob ang mesa, at lahat ng daraan para magnegosyo hindi na niya pinapapasok.

Hindi pangkaraniwan ang ginawa ni Jesus. Talagang makikita ng mga tao ang ginawa niya. Sa naunang paglilinis sa templo na ginawa niya sa pasimula ng kanyang ministeryo, nakita ng mga alagad ang kanyang zeal o sigasig o determinasyon para sa “bahay ng Panginoon.” Dahil bahay ito ng Panginoon, hindi niya hahayaan na gamitin ito sa paraang hindi naaayon sa kanyang layunin. This was his Father’s house! Why would he not be deeply concerned about it? Nakasalalay dito ang pangalan ng kanyang Ama. Men has no right to change the Father’s business of bringing glory to himself. Kung ipinagkatiwala sa iyo ng daddy mo ‘yung negosyo na ang layunin ay makatulong sa kabuhayan ng ibang tao, tapos ‘yung ibang kapartner sa business ginawa itong sugalan at kinukurakot ang kita nito, ano’ng gagawin mo?

Jesus came with a mission to restore the purposes of God that men had distorted. Naparito si Cristo para ibalik ang diwa ng pagsamba sa mga taong walang ibang sinasamba kundi ang kanilang sarili.

Ano’ng significance nito sa atin? Marami tayong nakikita sa mga churches ngayon na alam nating hindi naaayon sa layunin ng Diyos. Noong nakaraang linggo, naaprubahan ng isa sa pinakamalaking denominasyon ng mga Lutheran sa America na payagan ang mga professed gays at lesbians in relationship na maging pastor. I was shocked! I can’t believe this is happening. At naisip ko, Anong mararamdaman ni Jesus sa mga nangyayaring ito sa iglesia? Is this the kind of change he wants to happen in the church today?

Sa church na lang natin halimbawa, ano’ng mga bagay dito ang sa tingin ninyo ay hindi nakalulugod kay Cristo? Ano sa tingin natin ang isang gawain natin na gusto niyang linisin, na kung kailangang itaob ang mesa gagawin niya? Itinuturo sa atin nito na anumang gawain natin sa loob ng iglesia ay dapat naaayon sa disenyo ng Diyos para dito, hindi kung ano lang ang gusto natin o gusto ng pastor o gusto ng nakararami. Ang pagsamba, pag-awit, sermon, pagbibigay, Bible studies, at evangelism ay hindi dapat kung ano ang gusto natin at komportable sa atin, kundi kung ano ang naaayon sa disenyo ng Diyos.

“A House of Prayer…”

Ano ba ang disenyo ng Diyos para sa isang iglesia? Ang layunin ng Diyos para sa iglesia ay katulad din ng layunin niya para sa templo. Ano ang layunin ng templo? Ito ay upang maging bahay panalanginan, isang lugar kung saan makikipagtagpo ang tao sa presensiya ng Diyos upang sumamba.

The temple is a house of prayer. Ito ang sabi ni Jesus sa kanila, “Is it not written, ‘My house shall be called a house of prayer…’” (v. 17; cf. Matt. 21:13; Luke 19:46). Ginamit niyang basehan ang Isaiah 56:7 at nagtanong ng isang tanong na inaasahan ang positibong sagot. “Hindi ba’t nasusulat? Alam ninyo ang sinasabi ng Kasulatan ngunit hindi ninyo sinusunod.” Ang templo ay lugar upang manalangin at upang sumamba. Ang templo ay lugar kung saan magsasama-sama ang mga tao upang makipagkita sa Diyos, upang bigyang karangalan ang Diyos. Prayer is all about worship. It is all about our relationship with God. It is not about business. It is not about personal interest. It is all about God!

Malinaw itong makikita sa panalangin ng paghahandog ni Solomon para sa unang templo na itinayo. Sa panalangin niya sa 1 Kings 8:12-61 binalikan niya ang pangako ng Diyos na itatayo ang templo “upang ang aking pangalan ay dumoon” (8:16) na ang ibig sabihin ay gaya ng sinasabi sa salin sa MBB “kung saa’y sasambahin ang aking pangalan.” Gayundin ang tinutukoy sa vv. 18 at 19, “isang bahay para sa aking pangalan” (o “sa ikararangal ng aking pangalan”) at sa vv. 17 at 20, “isang bahay para sa pangalan ng PANGINOON, ang Diyos ng Israel” (o “para sa ikararangal ng Panginoon”). Ito ay para sa karangalan ng Diyos, hindi para sa katanyagan ng tao, kahit mga businessman, politician, o religious leaders. Para sa Diyos lang!

Ano ang katumbas ng templo sa panahon natin ngayon? Hindi itong building natin na karaniwang tawag natin ay church (hope we will begin calling this building not church but a worship and training center). Ang katumbas ngayon ng templo ay ang church, not the building but the community of followers of Christ. The church – God’s temple today – is created by God so that people will worship him and pray to him. A worshipping community is a praying community. A praying community is a worshipping community. “Hallowed be your name” is at the heart of our prayers. “You yourselves like living stones are being built up as a spiritual house (referring to the temple), to be a holy priesthood, to offer spiritual sacrifices acceptable to God through Jesus Christ” (1 Pet 2:5).

We must evaluate ourselves if we really see the church according to God’s design that we bring glory to his name. Or are we still concerned more for our own reputation, our own benefit rather than God’s name, honor, and glory? Ikaw na narito ngayon sa ating “Worship Celebration” naririto ka ba upang ipagdiwang ang kabutihan ng Diyos at sumamba sa kanyang kadakilaan? Siyasatin natin ang puso natin baka dahil sa tagal na nating ginagawa ito, nagiging ritwal na lang at pumupunta na lang para samahan ang mga bata o alagaan sila. We are here to worship and pray, not just to babysit or to be entertained, or to feel good.

It is our vision that every follower of Christ will be true worshippers. The third point of our vision says, “We envision growing and multiplying communities of people who are…joyfully savoring the wonders of God’s grace in a life of worship…” But not just true worshippers but mission-minded worshippers. “…passionately spreading the gospel of God’s grace to all peoples for the glory of God.” Ang isang tunay na sumasamba ay nagnanais na makitang sumamba ang napakaraming tao sa iba’t ibang dako ng mundo na hindi pa nakakakilala sa tunay na Diyos. Makikita natin ito sa sinabi din ni Jesus sa mga tao sa templo.

“…for All the Nations”

Sabi ni Jesus, “Hindi ba nasusulat, ‘Ang aking bahay ay tatawaging bahay-panalanginan para sa lahat ng mga bansa?’” (v. 17). “My house shall be called a house of prayer for all nations.” The temple was a place of worship not just for the Jews but also for all the Gentiles. Maling-mali ang ugali ng mga Judio na iniisip nilang ang pagpapala ng Diyos at ang karapatang maghandog sa kanya ay para lamang sa kanila. Ang mga Hentil ay salimpusa lang. Kaya nga sa templo ay hiwa-hiwalay ang mga tao. May Priests’ Court. May Men’s Court. May Women’s Court. At may Court of the Gentiles. Sa lugar na para lamang sa mga Judio ay nakasulat sa may pintuan sa Greek at Latin: “Let no man of another nation enter inside the barrier and the fence around the temple. Whoever is caught will have himself to blame that his death follows.”[3]

Ito ay pagbaluktot sa magandang disenyo ng Diyos na ito’y para sa lahat ng mga bansa. Ang sinabi ni Jesus ay base sa Isaiah 56:

At ang mga dayuhan na sumanib sa Panginoon, upang maglingkod sa kanya at ibigin ang pangalan ng Panginoon…sila ay dadalhin ko sa aking banal na bundok, at pasasayahin ko sila sa aking bahay dalanginan. Ang kanilang mga handog na sinusunog at ang kanilang mga alay ay tatanggapin sa aking dambana; sapagkat ang aking bahay ay tatawaging bahay panalanginan para sa lahat ng mga bayan (Isa. 56:6-7).

Ito naman ay sang-ayon din sa disenyo ng Diyos para sa templo na makikita sa panalangin ni Haring Solomon sa paghahandog nito:

Kung ang isang dayuhan…ay nanirahan sa bayang ito at nagsadya sa Templong ito upang manalangin, pakinggan ninyo siya buhat sa langit na inyong tahanan, at ipagkaloob ang kanyang hinihiling. Sa gayon, makikilala ng lahat ng tao sa buong mundo ang inyong pangalan at sila’y sasamba sa inyo, tulad ng Israel. Malalaman nilang dito sa Templong ito na aking itinayo, ang inyong pangalan ay dapat sambahin (1 Kings 8:41-43).

God designed the church to be a universal church – of all peoples, tribes and languages. “Go and make disciples of all nations…” (Matt. 28:19). Ang mga bansa na tinutukoy dito ay hindi mga political nations kundi mga people groups (ethne). Ayon sa Joshua Project mayroong 16,300 people groups sa buong mundo, 6,700 ang unreached. 1/3 of the world’s population or 2 billion. Karamihan nasa Asia. 27% pa ang unevangelized pero 2.5% lang ng mga missionaries ang naroroon. Ang iba ay nasa mga lugar na Christian na (80%) o evangelized na (17.5%).

We are called to reach them, not to relax and enjoy an easy brand of Christianity. A worshipping church is a mission-minded church, passionate for God’s global purposes. Lack of concern for the remaining third of the world’s population that are not yet reached by the gospel shows a lack of concern for the glory of God. Zeal for worship overflows in zeal for missions.

Ang panalangin natin ay para sa mga grupo ng taong ito na hindi pa naaabot ng mensahe ng kaligtasan. Kaya nga ang mission natin ay: “We exist to build local and global grace-communities…” Hindi lang ihatid ang mabuting balita sa kaibigan o kapitbahay kundi pati sa mga tribo sa Africa, mga Muslim sa Indonesia, mga Hindu sa India, at mga komunista sa China. “Ha? Paano ako makakapunta doon? Dito nga lang hirap na akong magshare ng gospel.” Maraming paraan para magtulong-tulong tayong abutin sila. Ang ilan sa atin ay maaaring tawagin ng Diyos para pumunta sa kanila (goers). Ang iba naman ay tagasuporta sa mga missionaries, sa pinansyal, encouragement at panalangin (senders).

Ngunit ngayon ay gusto kong bigyang-diin ang kahalagahan ng panalangin.Ito ang isa sa implikasyon ng sinabi ng Diyos, “My house shall be called a house of prayer for all nations (or peoples).” Sa bahay-sambahan lahat ng klase ng tao ay maaaring sumamba. At ang mga sumasamba dito ay nananalangin para sa lahat ng tao sa mundo. Make it a part of your prayer life to pray for unreached people groups. Believe that prayer rocks the world. Ang mga nangyayari ngayon sa iba’t ibang bansa, mga grupo ng taong nakakakilala kay Jesus ay bunga ng panalangin ng mga Cristiano. Don’t you want to be a part of the greatest enterprise in the world – reaching the world through prayer? Sabi ni Jesus, “The harvest is plentiful, but the laborers are few; therefore pray earnestly to the Lord of the harvest to send out laborers into his harvest” (Matt. 9:37-38).

God designed the church to be a community of worshippers, extending the grace of God to all nations around the world through united and passionate prayer. Ang iglesia ay komunidad ng mga taong sumasamba sa Diyos. Ang pagsambang ito ay nag-uumapaw sa pagnanais na ang lahat ng mga grupo ng tao sa buong mundo ay makakilala at sumamba din sa tunay na Diyos. Dahil sa pagnanais na ito, ang iglesia ay sama-sama at walang hintong nananalangin para sa mga Muslim, mga Budista, mga Hindu, at mga taga-tribo sa iba’t ibang dako ng mundo.

Mula August 22 hanggang September 20 ay 30-day fasting ng mga Muslim na tinatawag na Ramadan. Dahil dito, ang mga Cristiano sa buong mundo ay nakikiisa sa 30 Days of Prayer for the Muslim World para ipanalangin na makakilala sila sa tunay na Diyos. Ngayong araw (Day 9) ay nakatakdang ipanalangin ang siyudad ng Mashdad sa northeastern Iran. Ito ang second largest city sa Iran na may 2.5 million na populasyon. Walang nakakaalam kung ilan ang Cristiano dito. Kung Cristiano ka dito, asahan mo ang matinding pag-uusig. Noong 1990 nahatulang bitayin ang isang pastor. Ipanalangin nating makakilala ang mga tao dito sa tunay na Diyos sa pamamagitan ni Cristo. At pagkalipas ng ilang taon at mabalitaan nating may church na nakatayo roon at sumasamba ang mga Cristiano at ipinapangaral na si Cristo sa mga Muslim, maaalala natin na ang BBCC ay nanalangin para sa kanila kasi naniniwala tayo na prayer rocks the world.


[1] All English Scripture quotations are from the English Standard Version, unless otherwise indicated. All Filipino Scripture quotations are from Ang Biblia (2001), unless otherwise indicated. Scripture quotations marked by MBB are from Magandang Balita Biblia (2005).

[2] William Hendriksen and Simon J. Kistemaker, Exposition of the Gospel According to Mark, vol. 10, New Testament Commentary Series (Grand Rapids: Baker, 1953), 446.

[3] Ibid., 449.

3 Comments

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.