A New Father’s Resolutions

June 20, 2010 | By Derick Parfan | Scripture: Ephesians 5:1-6:4

Downloads: sermon notes | audio

Children, obey your parents in the Lord, for this is right. “Honor your father and mother” (this is the first commandment with a promise), “that it may go well with you and that you may live long in the land.” Fathers, do not provoke your children to anger, but bring them up in the discipline and instruction of the Lord (Eph. 6:1-4 ESV).

Fatherhood: a Gift and a Responsibility

“Grandchildren are the crown of the aged, and the glory of children is their fathers” (Pro. 17:6). Being a father is a gift from God.  Limang buwan na ang nakakaraan nang akala ko ay magiging tatay na ko. Ilang linggo na na “delayed” si Jodi kaya umaasa ako na buntis na. Bumili na ako noon ng pregnancy test kit. Bago pa man magamit ang test ay “nagkaroon” na siya. Nawala ang excitement ko at napalitan ng lungkot. Patuloy kaming nanalangin at noon ngang nakaraang dalawang linggo ay nagamit na ang test kit na binili ko noon pa. Positive! Praise the Lord! I am now a father (not just a father-to-be)! At ngayon ay unti-unti kong nakikita kung paanong noong mga panahong naghihintay kami ay inihahanda kami, lalo na ako, ng Diyos. Nakita namin ang ganda ng regalo ng Diyos. Nakikita ko naman ngayon na sa kabila ng regalo na ito ng Diyos ay isang tungkulin na dapat gampanan ng isang ama na tulad ko.

Being a father is not just a God-given gift, it is also a great responsibility. Hindi ito tulad ng ibang regalo na puwede mong gawin ang gusto mong gawin dito kasi sa iyo na. Ibinigay ito sa atin ng Diyos hindi upang tayo ang magmay-ari kundi upang maging katiwala. Dapat natin itong gamitin sa paraang ayon sa disenyo ng Diyos. Maraming pamilya ngayon ang nasisira at hindi nararanasan ang plano ng Diyos dahil sa mga tatay na hindi ginampanan ang tungkuling iniatang sa kanila ng Diyos. Kung ang mga ama, na tinatawag nating mga haligi ng tahanan, ay mamumuhay nang ayon sa disenyo ng Diyos, makikita natin ang isang matibay na pamilya.

Nagpapasalamat ako sa Diyos sa regalong ito kaya naman ngayon, sa harapan ninyo, ay sasabihin ko ang aking “Seven Resolutions” – mga pangakong bibitawan ko at gagawin sa tulong ng biyayang nanggagaling sa Diyos. Ang Resolution Nos. 1-3 ay may kinalaman sa aking relasyon sa Diyos. Bago ako maging tatay, ako muna ay isang Cristiano, anak ng Diyos at tagasunod ni Cristo. May epekto sa aking relasyon sa aming anak ang aking relasyon sa Diyos. Ang Resolution Nos. 4-5 ay may kinalaman sa relasyon ko sa aking asawa. May epekto din ito sa aking relasyon sa aming anak. Ang Resolution Nos. 6-7 ay may kinalaman na sa aking pangunahing responsibilidad bilang isang tatay. Mahalaga ang pagkakasunud-sunod na ito dahil makikita dito ang tamang priorities ng isang ama – una, bilang anak ng Diyos; ikawala, bilang asawa; at ikatlo, bilang tatay. Hindi puwedeng pagbali-baligtarin.

Pero bago ko sabihin ang aking mga “resolutions,” gusto ko lang kayong paalalahanan tungkol sa iba’t ibang feelings o reactions ninyo kapag narinig ninyo ang mga sasabihin ko. Iba-iba dahil sa iba-ibang sitwasyon o kalagayan natin sa pamilya at iba-ibang karanasan sa mga tatay. May positibo at mayroon din namang negatibo.

Para sa mga tatay at magiging tatay, kapag narinig ninyo ang mga resolutions, maaaring reaksiyon ninyo, “Ganyan din nga ang commitment ko!” Praise God kung ganoon. Patuloy tayong magtiwala sa Diyos na siyang magbibigay sa atin ng lakas na magawa ang mga ito. Maaari din namang ang iba sa inyo, “Hindi ko nakita iyan dati ngunit ngayon ay nakita ko na ang kahalagahan para sa aking pamilya.” Nawa’y magsilbi itong paalala sa atin na kailangan din nating humingi ng tawad sa pagkukulang natin, at muling lumapit sa kanya, “Lord, make me the kind of father that you want me to be.”

Para sa mga asawa o anak, maaari sigurong ganito ang maging reaksiyon ninyo, “Kabaligtaran naman niyan ang tatay ko! Naku, napakaimposibleng mangyari iyan sa asawa ko!” Huwag naman sana ninyong sabihing, “Sana hindi na lang siya naging tatay ko. Sana iba na lang ang pinakasalan ko noon.” Hindi pa tapos ang Diyos sa kanya. Patuloy ninyo siyang idalangin, at habang iniintay ninyo ang pagkilos ng Diyos, continue loving your father or respecting your husband. Ang iba naman puwedeng sabihin, “Ganyan ang asawa ko! Ganyan ang tatay ko!” Purihin mo at pasalamatan ang Diyos. Alalahanin mo din ang ibang pamilya na parang laging “absent” ang tatay sa pamilya, o kaya’y abusado, o kaya’y tamad. Pray for them.

Now, here are my resolutions as a new father…

My Relationship with God

Ang unang resolution ay galing sa verse 1 ng chapter 5. Pagkatapos sabihing ang pagpapatawad natin sa isa’t isa ay dapat kagaya ng pagpapatawad ng Diyos, nagbigay siya ng isang general principle, “Therefore be imitators of God, as beloved children” (5:1). Kung tayo ay Cristiano, tayo ay mga anak ng Diyos, mga minamahal na anak ng Diyos. Bilang Ama, siya ang unang umibig sa atin. Bilang ama sa aming anak, nais ng Diyos na maging “gaya-gaya” ako sa Diyos. He exemplifies true fatherhood. Kung paano siya na Ama sa kanyang mga anak, gayundin naman ako dapat sa aming mga anak. Karaniwan, natututunan natin ang ating gagawin bilang tatay sa atin ding mga tatay. Ngunit hindi lahat ng sa tatay natin ay dapat nating kopyahin. I learned a lot from my father, but he is not perfect (although his real name is Jesus). I see patterns in my life which are not healthy. So I need to make this commitment…

Resolution No. 1: Resolved, that I as a child of God will be an imitator of our heavenly Father as he exemplifies true fatherhood. Sa aking pagiging tatay, gagayahin ko unang-una ang ating Ama sa langit. God is my Provider; I will provide for my son. God disciplines me as a son; I will discipline my son. God is a God of love, mercy and grace; I will be a father of love, mercy and grace to my daughter.

Aside from my relationship with the Father, my relationship with Jesus also affects my relationship with our child. “And walk in love as Christ loved us and gave himself up for us…” (5:2). “The husband is the head of the wife as Christ is the head of the church…Husbands, love your wives, as Christ loved the church…In the same way husbands should love their wives…just as Christ does the church” (5:23, 25, 28-29). Ang punto ng mga talatang ito ay upang ipakita na ang mga gagawin natin ay bilang pagsunod sa halimbawa ni Cristo. I will love my family with the love of Christ. Posible lang ito sa isang tunay na tagasunod ni Cristo. Kaya naman laking pasasalamat ko dahil ang daddy ko ay hindi naging katulad ng lolo ko. Iisa lang si mommy sa buhay niya, tulad ng katapatan ni Cristo sa kanyang iglesia. Gusto natin ng mga tatay na handang magsakripisyo para sa kanyang pamilya, hindi sa barkada. Handang itaya ang sariling buhay para sa buhay ng kanyang mga anak. Paano na kung hindi siya tagasunod ni Cristo?

Resolution No. 2: Resolved, that I will be a follower of Jesus in the way he lived his life, suffered and died for his church. Ako ay tagasunod ni Cristo. Hindi ang impluwensiya ng mundo ang susundin ko sa pagtataguyod ng aming pamilya, kundi ang halimbawa ng buhay ni Cristo. Tulad ni Cristo, gagawin ko ang lahat ng dapat kong gawin upang maranasan ng aking pamilya ang tunay na buhay. Ipapakilala ko rin sa aming mga anak kung sino si Cristo na dapat nilang sundin bilang Panginoon. Sa aking buhay, sa aming tahanan, makikita ng aming mga anak na si Cristo lamang ang Panginoon.

Bilang tatay, mahalaga ang relasyon sa Diyos Ama at Diyos Anak. Kailangan din ang sa Diyos Espiritu Santo. “And do not get drunk with wine, for that is debauchery, but be filled with the Spirit” (5:18). Kung ang ama ay isang manginginom at lasenggero, nakakaawa ang pamilya. Ibang espiritu ang kumokontrol sa kanya kaya naman nauuwi sa kaguluhan, kawalan ng pagpipigil sa sarili, away sa halip na pag-ibig. But what will happen to a family if the father is “filled with the Spirit?” Puno ng Espiritu, hindi ng alak. Ang Espiritu Santo ang gabay at nagbibigay direksiyon sa kanyang relasyon sa mga anak at asawa. Hindi lang kapag Linggo, kundi araw-araw. Nakikita ang bunga ng Espiritu sa kanya (Gal. 5:22-23). Kahit pagod at galing sa trabaho, may katiyagaan. Kahit may problema sa pinansiyal, may kapayapaan. Kahit inaaway ng asawa, may pag-ibig. Kahit inaakit ng barkada o masamang pagnanasa, may pagpipigil.

Resolution No. 3: Resolved, that I will be filled with the Holy Spirit moment-by-moment, letting my life be under his direction and control. Pupunuin ko ang aking isip ng mga bagay na makalangit. Palagian akong magbubulay at mag-aaral ng Salita ng Diyos at hahayaang ang Espiritu na kumikilos sa kanyang salita ang maging gabay ko sa araw-araw. Anumang kasalanang sisira sa aking relasyon sa Diyos at sa pamilya ay itatakwil ko. Anumang tukso na umaakit sa akin na magkasala ay lalabanan ko sa tulong ng Banal na Espiritu. Anumang bisyo na sisira sa aking katawan at espiritu ay itatapon ko. Mahalaga ang relasyon ko sa Diyos na siya namang tutularan ng aking anak. This is my prayer:

Lord, I want to be just like You
‘Cause he wants to be just like me
I want to be a holy example
For his innocent eyes to see
Help me be a living Bible, Lord
That my little boy can read
I want to be just like You
‘Cause he wants to be like me (by Philips, Craig and Dean)

My Relationship with My Wife

“Wives, submit to your own husbands, as to the Lord. For the husband is the head of the wife even as Christ is the head of the church, his body, and is himself its Savior. Now as the church submits to Christ, so also wives should submit in everything to their husbands” (5:22-24). Nagpapasakop ang babae sa lalaki dahil ang lalaki ang itinalagang tagapanguna ng asawa at ng pamilya. Hindi tulad ng ibang tatay na hinahayaan na lang ang pamilya na gawin ang gusto nilang gawin, ang tatay na nais ng Diyos ay siyang nangunguna sa pagtiyak na ang pamilya ay well-provided and well-protected. Pisikal at espirituwal. May gampanin din ang babae ngunit pangunahing mananagot ang lalaki. Tinitiyak na ang pamilya ay may nakakain araw-araw, hindi lang kanin at ulam kundi pati ang Salita ng Diyos. Tinitiyak na ang pamilya ay protektado at secure, hindi lang bahay at kalusugan kundi pati sa pagbabad sa panalangin laban sa Kaaway.

Resolution No. 4: Resolved, that I will take the God-given responsibility as the leader of our family, taking primary responsibility in providing for and protecting them – both physically and spiritually. Ako ang lider ng pamilya, hindi ang aking asawa. Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa aking pamilya dahil ako ang mananagot sa Diyos hindi ang aking asawa. Hindi ko ipapaubaya sa kanya ang mga desisyong dapat ay ako ang gumagawa. Sa pamamagitan ng aking pangunguna na nagpapasakop ang aking asawa, ipapakita ko sa aming anak kung paano dapat din ang relasyon niya sa kanyang magiging asawa. I will be the spiritual leader of our family.

Sa maling pangungunang ito ng ibang asawang lalaki kaya nagkakaroon ng pang-aabuso. Ngunit hindi ito mangyayari kung susundin ng mga lalaki ang sinasabi ng Salita ng Diyos, “Husbands, love your wives, as Christ loved the church” (5:25). “Let each one of you love his wife as himself” (5:33). Ang asawa minamahal tulad ng pag-ibig ni Cristo. Paano? Ibinigay ni Jesus ang kanyang sariling buhay. Gayundin ang dapat gawin ng mga asawang lalaki. Sa halip na saktan ang babae, isasakripisyo niya ang kanyang sariling katawan alang-alang sa asawa. Uunahin ang kapakanan ng asawa higit sa kanyang pansariling kagustuhan.

Resolution No. 5: Resolved, that I will be my wife’s lover, loving her with all my being and reflecting the sacrificial love of Christ. Makikita ng aming anak na ang kanyang mommy ang nag-iisang babae sa buhay ni daddy. Mas uunahin ko ang aking responsibilidad sa aking asawa kaysa sa responsibilidad sa ministeryo sa iglesia. Ipapakita ko sa aking mga anak na: “God is my No. 1; your mom is my No. 2; you are my No. 3.” Hindi ko hahayaang hindi nila igalang ang kanilang mommy. Kahit marami na kaming mga anak ay maglalaan ako ng sapat na oras para sa aming mag-asawa. Kahit medyo masikip na ang budget, magiging regular pa rin ang aming “date.” I will be my wife’s lover.

My Relationship with Our Children

“Children, obey your parents in the Lord, for this is right. ‘Honor your father and mother’ (this is the first commandment with a promise), ‘that it may go well with you and that you may live long in the land’” (6:1-3). Ang pagsunod ay hindi lamang sa tatay, kundi pati sa nanay. Sa Lumang Tipan, kamatayan ang parusa ng sinumang anak na mananakit o magsasalita ng laban sa kanilang mga magulang (Exo. 21:15, 17; Lev. 20:9). Seryoso ito sa Diyos dahil ang paglapastangan sa awtoridad ng mga magulang ay paglapastangan sa Diyos na nagbigay ng ganitong awtoridad sa kanila. Mahabang buhay ang pangako ng Diyos sa mga anak na masunurin. Kaya naman bilang mga magulang, mahalagang maturuan ang mga anak na sumunod dahil para ito sa kanilang kabutihan. Tingnan ninyo ang nangyari sa mga anak na hindi natutong sumunod sa magulang. Ano nang buhay o pamilya ang mayroon sila ngayon?

Resolution No. 6: Resolved, that I will be our children’s primary authority, in order that they may experience the blessings of obedience to God as they obey us. Hindi puwedeng ako ang susunod sa utos nila. Sila ang susunod sa aming mag-asawa. Hindi namin basta-basta ibibigay ang makahiligan nila, kundi kung ano ang kailangan nila. Kung magkamali, didisiplinahin. They will learn obedience, not negotiation. They will learn how to respect God’s authority through their parents. Sa bahay namin, hindi puwedeng kapag inutusan ang bata ay sasabihing, “Mamaya na po. May ginagawa pa po ako. Tinatamad pa po ako.” Makikita nila na ang tunay na pag-ibig ay hindi iyong nagsasabi, “Sige, anak. Kung ano ang gusto mo iyon ang gawin mo, o iyon ang ibibigay namin,” kundi, “Anak, kung ano ang makakabuti sa iyo iyon ang gawin mo, iyon ang ibibigay namin.”

“Fathers, do not provoke your children to anger, but bring them up in the discipline and instruction of the Lord” (6:4). Ang utos na ito ay para sa mga ama, hindi sa “mga magulang” (tulad ng sa MBB). Nais ng Diyos na hindi tayo maging dahilan ng ikakagalit o pagrerebelde ng mga anak, maaaring dahil sa ginawa natin (tulad ng pagbubuhat ng kamay) o dahil sa hindi natin ginawa (tulad ng hindi paglalaan ng oras upang kausapin siya o 10 taong pagkawala dahil sa pagtatrabaho sa ibang bansa). Sa halip, paglalaanan ng tatay (sa tulong din ng nanay) ng oras ang pagtuturo at pagtutuwid sa anak. Tuturuan sila ng Salita ng Diyos upang makilala nila si Cristo at upang sumunod din sila kay Cristo. Ang tatay ang dapat pinakamalaking impluwensiya sa buhay ng anak, hindi ang TV, hindi ang barkada, hindi ang eskuwelahan, hindi rin ang pastor.

Resolution No. 7: Resolved, that I will be our children’s primary teacher, raising them “in the discipline and instruction of the Lord.” Ituturo ko sa kanila ang Salita ng Diyos. Wala dapat TV sa bahay namin kung gusto ko na kaming daddy at mommy ang maging pinakamalaking impluwensiya sa buhay nila. Tuturuan silang hindi magsayang ng oras sa Facebook o computer games. Kundi mag-aral ng mga kasanayang mapapakinabangan nila sa paglaki nila. Hindi ko hahayaan lang na ang mga Sunday School teachers ang maging teachers nila. Araw-araw sa bahay namin ay magiging mga teaching moments kung saan makikita nila ang halimbawa naming mga magulang na iiwanan sa kanila upang dalhin hanggang sa kanilang paglaki.

Again, here are my resolutions:

  1. Resolved, that I as a child of God will be an imitator of our heavenly Father as he exemplifies true fatherhood.
  2. Resolved, that I will be a follower of Jesus in the way he lived his life, suffered and died for his church.
  3. Resolved, that I will be filled with the Holy Spirit moment-by-moment, letting my life be under his direction and control.
  4. Resolved, that I will take the God-given responsibility as the leader of our family, taking primary responsibility in providing for and protecting them – both physically and spiritually.
  5. Resolved, that I will be my wife’s lover, loving her with all my being and reflecting the sacrificial love of Christ.
  6. Resolved, that I will be our children’s primary authority, in order that they may experience the blessings of obedience to God as they obey us.
  7. Resolved, that I will be our children’s primary teacher, raising them “in the discipline and instruction of the Lord.”

These are my resolutions. Hindi ko ito ipipilit sa inyo. Ngunit dalangin ko na ito rin ang maging mga resolutions ng lahat ng mga tatay. We need your prayers. Malamang na excited ang asawa kong makita na tutuparin ko ang mga resolutions na ito. Isipin ninyo, imagine, kung anong laking pagbabago ang mangyayari sa inyong mga asawa o tatay kung ganito ang buhay nila. Isipin ninyo kung anong laking pagbabago sa inyong pamilya, sa ating iglesia, sa ating komunidad, sa ating bansa, at sa buong mundo, kung lahat ng mga tatay ay ganito! It is truly exciting to see God’s mighty work in our world through the fathers. Sa tao imposible, ngunit sa Diyos walang imposible. All things are possible with God!

1 Comment

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.