Download pdf | Download mp3
By Derick Parfan | March 28, 2010
Matthew 9:35-38 (ESV)
And Jesus went throughout all the cities and villages, teaching in their synagogues and proclaiming the gospel of the kingdom and healing every disease and every affliction. When he saw the crowds, he had compassion for them, because they were harassed and helpless, like sheep without a shepherd. Then he said to his disciples, “The harvest is plentiful, but the laborers are few; therefore pray earnestly to the Lord of the harvest to send out laborers into his harvest.”
Palm Sunday and Reaching Out to the Lost
Nang papasok na si Jesus sa Jerusalem sakay ng isang asno, sinalubong siya ng maraming tao na naglatag ng kanilang mga balabal at mga dahon sa daan (see Matt. 21:4-9; Mark 11:7-10; Luke 19:35-38; John 12:12-15). Sila’y sumisigaw, “Purihin ang Diyos. Pinagpala ang dumarating sa pangalan ng Panginoon! Purihin ang Hari ng Israel!” (John 12:12). Inaasahan ng marami sa kanila na si Jesus ang haring magpapalaya sa kanila mula sa mga dayuhang Romano. Ilang araw pagkatapos nito, ipinapako si Jesus sa krus para palayain sa kasalanan ang sinumang mananalig sa kanya.
Karamihan sa mga taong sumalubong kay Jesus ay hindi tunay na mga tagasunod ni Cristo. Mga naghihintay ng mga himalang gagawin ni Jesus ngunit hindi interesadong sumunod sa kanya bilang Panginoon. Ganyan din ang marami sa mga kamag-anak at kaibigan nating gumugunita sa Linggo ng Palaspas. Tila mga relihiyoso ngunit hindi naman tunay ang kanilang pananampalataya. Sinasabing Cristiano sila ngunit hindi alam kung ano talaga ang ibig sabihin ng pagiging isang tagasunod ni Cristo. Maaaring umaawit ng papuri sa Diyos, nakikinig ng Salita ng Diyos, gumagawa ng mabuti sa kapwa ngunit walang tunay na kaligtasan. Parehas na kapahamakan ang naghihintay sa kanila katulad ng mga taong walang kinikilalang Diyos.
Bilang tugon sa ganitong kalagayan ng maraming tao sa paligid natin, pakinggan natin ang sinabi ng Panginoong Jesu-Cristo sa kanyang mga disipulo matapos siyang magpagaling at mangaral sa marami, “The harvest is plentiful, but the laborers are few; therefore pray earnestly to the Lord of the harvest to send out laborers into his harvest” (Matt. 9:37-38). Sa pag-aaral sa talatang ito, titingnan natin: (1) kung ano ang tinutukoy ni Jesus na “harvest” field at ano ang kalagayan nito; (2) kung sinu-sino ang mga tinutukoy niyang “laborers” at ano ang ginagawa ng mga ito sa anihan; (3) kung sino ang “Lord of the harvest” at ano ginagawa niya; (4) kung ano ang nais ng Diyos para sa BBCC upang tayo’y maging kabahagi sa kanyang malaking plano at ano itong “The Harvest” na magiging strategy natin para sa sama-samang pag-abot sa mga hindi pa Cristiano; at (5) kung paanong ang bawat isa sa atin ay magiging kabahagi nito.
The Harvest Field
Jesus said, “The harvest is plentiful…” (v. 37). Ano ang tinutukoy niya ditong aanihin? Kabilang sa kanila ang “napakaraming tao” na nakita ni Jesus na kanyang kinahabagan (v. 36). Sila ang mga taong nakatira sa mga nayon at mga bayang nililibot ni Jesus (v. 35). Sila ang mga taong pumupunta sa mga sinagoga (lugar na pinagtitipunan ng mga Judio at mga Hentil na gustong yumakap sa Judaismo). Sila ang mga tinuturuan ni Jesus tungkol sa “magandang balita ng kaharian ng Diyos.” Sila ang mga taong mangmang na kinakailangang malaman ang katotohanan ng Salita ng Diyos. Sila ang mga taong dumaranas ng iba’t ibang sakit na pinapagaling ni Jesus. Sila ang mga taong dumaranas ng kahirapan dahil sa kasalanan ng tao. Sila ang mga makasalanang nangangailangan ng kaligtasan. They are the harvest field.
Paano isinalarawan ni Jesus ang mga taong ito? They were “harassed and helpless” (v. 36, “nangangamba at nanlulupaypay”). Ang salitang “harassed” ay galing sa salitang ginagamit upang tumukoy sa “binalatan” (skinning, flaying) na talaga namang napakasakit na karanasan. Kasama nito ang ideya ng binugbog, sinugatan, pinunit, pinagod, at nanlulupaypay. Nakita ni Jesus ang mga tao na sira-sira ang panloob na buhay dahil sa kasalanan at kaawa-awang kalagayang dulot nito. Ang “helpless” naman ay galing sa salitang ginagamit sa isang tao na nakabulagta at hindi na kayang tulungan ang kanyang sarili, tulad ng isang lasing na nakahilatay sa kalsada o sa isang sinaksak sa tagiliran na hindi kayang ibangon ang sarili.[1]
Because of this condition, Jesus saw them also as “sheep without a shepherd” (v. 36). Ang mga Judio ay parang mga “nawawalang tupa” (10:6) na kailangang hanapin ng mga disipulong isinugo ni Jesus. Ang mga religious leaders na dapat ay nag-aalaga sa kanila ay sila pang nagiging dahilan ng ikapapahamak nila. Kasama din dito ang mga Hentil (10:18). Ang mga taong ito ay nangangailangan ng isang pastol na mag-aalaga at magbibigay sa kanila ng proteksiyon. Ito’y wala iba kundi si Cristo: “Ako ang mabuting pastol. Ibinibigay ng mabuting pastol ang kanyang buhay para sa mga tupa” (John 10:11).
Kung ganito ang tingin ni Jesus sa mga tao, ganoon din dapat tayo. Tingnan natin sila hindi sa kalagayan nila sa pinansiyal o edukasyon kundi sa kalagayan ng kanilang relasyon sa Diyos – mga taong walang magagawa sa kanilang sarili, mga taong hirap na hirap dahil sa kasalanan, at mga taong parang tupang nawawala na dapat dalhin sa Mabuting Pastol.
Ang tinutukoy ni Cristo na “napakarami” ay hindi lamang ang mga tao, kundi ang mga aanihin. Ang tingin niya sa mga tao ay mga taong kailangang dalhin sa kawan ng Diyos. “Mayroon akong ibang mga tupa na wala sa kulungang ito. Kailangan ko rin silang dalhin dito” (John 10:16). Kung ang isang taniman ng palay ay mauubusan ng aanihin pagkatapos ng anihan at panahon na ng tagtuyot, ang ating iglesia ay hindi mauubusan. Hanggang hindi pa bumabalik sa Cristo, palaging may aanihin.
Hanggang ngayon ay marami pa ang aanihin. Mula sa inyong pamilya, mga kamag-anak, mga kaibigan, mga kapitbahay, mga kaklase o katrabaho, mga dati nang aktibo sa church ngunit ngayon ay nawawala na. Pumili ka ng tatlong tao na ipapanalangin araw-araw sa hanggang katapusan ng April. Marami pang aanihin, magsimula tayo sa kakaunti.
The Harvest Laborers
“The harvest is plentiful (so we need more laborers, right?) but the laborers are few.” Mula sa panahon ni Cristo hanggang ngayon marami ang aanihin, ngunit kaunti pa rin ang mga manggagawa. Dalangin ko sa pamamagitan nito ay madagdagan at dumami ang mga manggagawa. Sinu-sino ang mga manggagawang binabanggit dito ni Jesus? Sa talatang ito ang kausap niya ay ang kanyang mga disciples. Kasama dito ang 12 apostol (Matt. 10:1) at ang 72 disipulong isinugo niya na mangaral nang dala-dalawa (Luke 10:1). Ngunit ang tagubilin ni Cristo, “make disciples of all nations” (Matt. 28:19), ay hindi lang para sa iilan kundi sa lahat din ng tagasunod na ni Cristo. Ang pangunahing kahulugan ng isang alagad ay isang tagasunod. Kung ikaw ay disciple susundin mo ang itinuro ni Cristo.
Sa talatang ito ay nag-iwan siya ng isang magandang halimbawa kung paano magiging manggagawa sa anihan. Ano ba ang isang manggagawa na katulad ni Jesus? (1) Pinupuntahan at inaabot ang mga tao: “Nilibot ni Jesus ang lahat ng mga lunsod at mga nayon” (v. 35). Hindi lang natin sila hihintaying dumating dito, bagamat gumagawa ang Diyos upang ilapit sila sa atin. Tayo ang aabot sa kanila kung saan man sila naroroon. Ang iba ay kasama lang din natin sa bahay, sa eskuwelahan at sa opisina.
(2) Ipinapangaral ang katotohanan ng mabuting balita (gospel) ni Cristo. Si Jesus ay “nagtuturo sa mga sinagoga nila at ipinapangaral ang magandang balita ng kaharian” (v. 35). Mahalagang makipagkaibigan tayo sa kanila ngunit hindi sapat iyon. Kailangan nilang marinig sa atin ang mga salita ni Cristo, ang ebanghelyo na nagpapahayag ng paghahari ng Diyos sa buhay ng sinumang magsisisi sa kasalanan at susunod kay Cristo. “Faith comes from hearing, and hearing through the words of Christ” (Rom. 10:17).
(3) Ipinapakita ang habag at pag-ibig sa pamamagitan ng pagtugon sa mga pangangailangan ng tao. Si Jesus ay “pinapagaling ang bawat sakit at bawat karamdaman. Nang makita niya ang napakaraming tao, nahabag siya sa kanila…” (vv. 35-36). Nakikita ang paghahari ng Diyos hindi lamang sa pangangaral ng ebanghelyo kundi sa pamamagitan ng mga Cristianong ipinamumuhay ang pag-ibig na natanggap nila mula sa Diyos. Ito ang magiging dahilan din upang ang mga binabahaginan natin ng ebanghelyo ay maaakit sa mensaheng kanilang naririnig.
They need to see that we really care for them. Si Jesus ay “nahabag” sa kanila. Ang salitang ginamit dito ay nagpapahayag ng isang malalim na pagkahabag (“a strong word describing deep compassion”[2]) Titingnan natin kung ano talaga ang kailangan nila – tulad ng edukasyon at kalusugan – at ayon sa biyayang ipinagkaloob ng Diyos tutulungan natin sila. Ngunit huwag nating kalilimutan ang pinakamalaking kailangan nila ay ang mailapit sila sa Diyos. Naparito si Jesus hindi upang magpagaling ng maysakit kundi upang mamatay sa krus para sa katubusan ng kasalanan ng marami (Mark 10:45).
Upang matipon ang mga aanihin kailangan ng mga mang-aani – mga disipulong aabot kung nasaan ang mga tao, ipapangaral ang ebanghelyo ni Cristo, at ipapakita sa kanila ang pag-ibig ni Cristo sa mga praktikal na bagay. Dahil kakaunti ang ganitong mga manggagawa, magtulung-tulong tayo upang sanayin ang bawat isa dito sa iglesia na magkaroon ng puso na katulad ni Cristo.
The Lord of the Harvest
Jesus said, “The harvest is plentiful, but the laborers are few; therefore pray earnestly to the Lord of the harvest to send out laborers into his harvest.” Bago natin tingnan kung ano itong nais ni Jesus na gawin natin bilang tugon sa kalagayan ng mga aanihin at ng mga mang-aani, tingnan natin kung sino itong “Lord of the harvest” at ano ang kinalaman nito sa gawain ng evangelism.
Being Lord of the harvest implies ownership. God is the Lord who owns the harvest. Sa kanya ito. Hindi ito pagmamay-ari ng sinuman sa atin. Wala ding karapatan ang Kaaway na agawin ang kahariang dapat lamang ay sa Diyos. Siya ang nagmamay-ari at dapat na mamahala sa buhay ng bawat tao sa buong mundo. It is his harvest.
Being Lord of the harvest also implies authority. God is the Lord who has authority over the harvest. Siya ang masusunod sa gawaing ito. Kung ano ang sinabi niya iyon ang gagawin natin. Kung anong panahon, anong lugar, at sinu-sino ang nais niyang gamitin sa gawaing ito, siya ang masusunod. Bago sabihin ni Cristo ang Great Commission (“Go and make disciples of all nations…”) sabi niya, “All authority in heaven and on earth has been given to me” (Matt. 28:19). Kung sabihin niya sa iyong “Go” ano sa tingin mo ang nais niyang sabihin mo? “Yes, Lord!”
Being Lord of the harvest implies sovereignty. God is the Lord whose plan will be accomplished in his harvest. Walang makakapigil sa anumang nais ng Diyos. Si Jesus ay nagsimula sa pagsugo ng 12 (Matt. 10:5) hanggang 72 (Luke 10:3) hanggang 400 na sinabihan niyang, “You shall be my witnesses in Jerusalem and in Judea and Samaria and to the ends of the earth” (Acts 1:8). Hanggang ngayon na bilyung-bilyong tao na ang nakarinig ng mabuting balita ni Cristo sa iba’t ibang sulok ng mundo dahil tapat siya sa pangako niya, “And this gospel of the kingdom shall be proclaimed as a testimony to all nations (people groups not political nations) and then the end will come” (Matt. 24:14). Sa katapusan nakita ni apostol Juan ang mangyayari:
Pagkatapos nito’y nakita ko ang napakaraming tao na di kayang bilangin ninuman! Sila’y mula sa bawat bansa, lahi, bayan, at wika. Nakatayo sila sa harap ng trono at ng Kordero, nakadamit ng puti at may hawak na mga palaspas. Sinasabi nila nang malakas, “Ang kaligtasan ay nagmumula sa Kordero, at sa ating Diyos na nakaluklok sa trono” (Rev. 7:9-10 MBB; cf. 5:9)!
Don’t you want to be a part of that? Ang ilan sa inyo ay nag-uubos ng oras sa Farmville sa Facebook at natutuwa kapag may harvest, ngunit ang harvest na pinag-uusapan natin ay ang totoong harvest dahil dito nakasalalay ang buhay ng lahat ng tao.
BBCC’s The Harvest
Si Imran ay isang Pakistani pastor na worker din para sa Campus Crusade for Christ. Noong kausap ko siya nitong nakaraang linggo, ipinakita niya sa akin na sa 5 milyong university students sa Pakistan, 18 lang ang campus workers. Katulad din sa atin, maraming aanihin, kakaunti ang manggagawa. Kahit ganoon alam nating magtatagumpay pa rin ang plano ng Diyos. Kaya’t ano’ng gagawin natin bilang isang iglesia? The Lord of the harvest is calling us, the whole church, to be part of the greatest harvest as we see the close of world history and as we await the coming of our Lord Jesus Christ.
Upang tumugon sa pagtawag ng Diyos sa atin, sama-sama tayo na gagawa para sa The Harvest. Ano ba ang The Harvest? Ito ang estratehiya na gagawin natin upang ang mga taong ipinagkatiwala sa atin ng Diyos ay maabot natin at madala natin sa paanan ng Panginoong Jesus upang sumamba sa kanya. Gagawin natin ito nang sama-sama. Upang masanay tayo na gawin ito hahatiin natin ang isang taon sa dalawang season. Ang season 1 ay simula April, at ang season 2 ay simula October. Kaya’t ang The Harvest ay siguradong buong taon tayong kumikilos upang ipamalita si Cristo.
Every season will be divided into Plow-Sow-Grow-Reap. Ang Plow ay isang buwan (April) na paghahanda natin sa pamamagitan ng pananalangin sa mga aanihin at sa mga manggagawang ipapadala ng Diyos. Susundan ito ng Sow (May-June) kung saan ay ibabahagi natin ang ebanghelyo sa pamamagitan ng anim na linggong pag-aaral ng Following Jesus. Susundan naman ito ng Grow (July-August) kung saan ang mga bagong mananampalataya ay tuturuang lumago sa kanilang pagsunod kay Cristo sa pamamagitan ng pitong linggong pag-aaral ng First Steps. Ang panghuli ay ang Reap (September) kung saan sila ay inaasahan nang magpapabautismo at magiging miyembro ng ating iglesia.
Isasagawa natin ang The Harvest sa paraang lahat tayo ay magkakaroon ng bahagi. Sa pagtuturo, sa pagsasanay upang magturo, sa pag-akay sa mga bata, sa pananalangin, sa pagbibigay, sa pag-organize ng mga events, sa pagbisita, sa pagpapagamit ng bahay sa pag-aaral, at sa marami pang paraan. Sama-sama tayo kaya nga sa mga Kaagapay Groups natin ito gagawin. When The Harvest is taking place, no one will just be a watcher; everyone will have his share of the work.
Where Do We Need to Start? Pray!
Saan tayo magsisimula? Bahagi ng ating Plow ay ang panalangin. Sundin natin ang sinabi ng Panginoong Jesus, “Pray earnestly to the Lord of the harvest to send out laborers into his harvest.” Masidhing panalangin ang nais niya. Panalanging hindi lamang humihingi kundi hindi tumitigil sa paghingi hanggat hindi nakukuha ang hinihingi. Tulad ng isang batang namamalimos na hindi tumitigil hanggat wala kang barya na binibigay. Hindi tayo titigil hanggat marami pa ang aanihin at kakaunti pa rin ang manggagawa.
Ano ang hihilingin natin? Na magpadala ang Diyos ng maraming manggagawa. Gawain ito ng Diyos. Hindi niya ito pababayaan. Sino bang may-ari ng sakahan ang kapag nakikitang maraming aanihin at malapit na ang tagtuyot ay hindi magpapadala ng maraming manggagawa? Ang “send out” ay galing sa salitang ginagamit din sa pagpapalayas ng demonyo (Matt. 9:33; 10:1). Hindi dahil nais ni Jesus na puwersahin ang mga Cristiano ngunit para ipakita ang kanyang awtoridad sa buhay natin, na marami sa atin ay kumportableng-kumportable sa kinatatayuan natin. Kailangan tayong matinag upang ipadala sa gawain ng Diyos.
Hindi lang sinasabi dito ni Jesus na tayo’y manalangin para sa kaligtasan ng mga mahal natin sa buhay. Karaniwan ganoon nga lang ang ginagawa natin. Nais niyang ipanalangin nating magpadala siya ng taong aabot sa kanila at magtuturo ng mabuting balita. At kapag ginawa natin iyon nagiging bukas tayo na tayo rin ang maging sagot ng Diyos sa dalangin natin.[3] Ipanalangin natin, “Lord, ipadala po ninyo ang inyong manggagawa upang makakilala ang aking kaibigan.” Huwag tayong magulat kung maging sagot ng Diyos ay, “Oo, nais kong ikaw at ang iyong Kaagapay Group ang umabot sa kanya.”
A Heart Like Christ
Dalangin ko na ang bawat isa sa atin ay maging katulad ni Jesu-Cristo sa pagsunod sa kalooban ng Diyos at pagsasagawa ng kanyang layunin sa mundong patungo sa kapahamakan o sa buhay na walang hanggan:
Ang pagkain ko ay ang gawin ang kalooban ng nagsugo sa akin at tapusin ang kanyang gawain. Hindi ba sinasabi ninyo, ‘May apat na buwan pa at darating na ang pag-aani?’ Ngunit sinasabi ko sa inyo, masdan ninyo ang inyong paligid at inyong tingnan ang mga bukid na mapuputi na upang anihin (John 4:34-35).
Marami sa atin ang nalulungkot dahil sa sinapit ng marami nating kababayan dahil sa El Niño, na tinatayang mahigit nang 8 bilyong piso ang lugi ng mga pananim. Mga pananim na handa nang anihin ngunit inabutan ng tagtuyot at nasira. Nananalangin tayong magpadala ang Diyos ng ulan. Sumasagot ang Diyos. Ngunit ano ang mararamdaman natin kapag ngayong ang mga kakilala natin na handa nang anihin ay abutan ng tagtuyot sa kanilang kamatayan o sa muling pagbabalik ni Jesus? Handa ba ka bang manalangin ngayon at ipanalanging magpadala ang Diyos hindi lamang ng ulan kundi ng mga mang-aani na katulad mo?
[1] John MacArthur, Jr., Matthew, MacArthur New Testament Commentaries (Chicago: Moody, 1989), 114.
[2] Donald A. Hagner, Matthew 1-13, Word Biblical Commentary (Dallas: Word, 2002), 260.
[3] John MacArthur, 119.