The Path of True Happiness

January 2, 2010 | By Derick Parfan | Scripture: Psalm 119:1-8

Downloads: audio | sermon notes

All Want to be Happy

Happy New Year! Blessed New Year! Naging customary na sa atin ang pagbating ito kapag Bagong Taon. Pero ano nga ba ang ibig sabihin natin ng “happy” o “blessed”? Kapag binati natin ang iba nito, ano ang gusto nating maranasan nila? Sa isang araw lang ba (January 1) o sa buong taon (2011)? Na mas maging maginhawa ang buhay nila financially? Na mas mabawasan ang problema nila sa family? Na mas maging active ang kanilang spiritual life? Na magkaroon na ng katuparan ang kanilang mga pangarap sa buhay? It is true that most people may not be thinking of these questions. Gusto lang nating bumati at nagiging masaya tayo doon.

Ano man ang pakahulugan ng mga tao sa “happy” o “blessed,” hindi maikakaila na lahat ng tao gusto maging masaya. There is nothing wrong about desiring to be happy. Katunayan nga, ito rin ang gusto ng Diyos para sa atin. Ang problema, limitado o mali ang nagiging definition natin ng happiness. Karamihan sa atin, ang kasiyahan ay nakadependa sa mga circumstances. Halimbawa, siyempre napakasaya naming mag-asawa (kasama mga family at mga kaibigan) dahil noong Friday (Dec. 31; 12:30pm) ay isinilang ang aming unang anak na si Marcus Daniel. Ang daming bumati sa text at Facebook, na masaya talaga ang New Year namin. Totoong masaya kami. Pero paano iyong isang pamilya na pagkatapos lang ng dalawang araw ay namatay ang kanilang bagong silang na anak? Malungkot siyempre. Pero mayroon ba tayong makikita doon na dahilan para maging “happy” o “blessed” sila? How do we really define true happiness? Paano tayo magkakaroon noon?

Ang iba nagpapanggap na masaya. Kung tumawa at makipagbiruan, masayang-masaya. Pero deep inside hindi pala. Ang iba naman masaya na kapag may bagong laruan, may bagong gadget, kapag nakakasama ang isang babae o lalaki na gustung-gusto. Pero akala nila ito na ang totoong kaligayahan, at hindi iniisip na may nais pa ang Diyos na kaligayahan sa atin nang higit sa mga ito. Minsan akala natin ay masaya na tayo, pero kung hindi natin alam ang nais ng Diyos para sa atin, ang totoo ay hindi pa talaga tayo masaya. Akala lang natin.

God wants as to be happy. I, your pastor, want all of you to be happy. Tulad ni Paul, “We work with you for your joy” (2 Cor. 1:24). Ang daming bagay sa buhay at paligid natin na mga “joy-killers” na sumisira sa kaligayahang nais ng Diyos na maranasan natin. Pansinin ninyo ang unang mga salita sa pinakamahabang awit sa Bibliya, ang Psalm 119: “Blessed are those…Blessed are those…” (vv. 1-2). Ang “blessed” o “mapalad” ay nagsasalarawan sa isang taong nasa antas ng tunay at mataas na antas ng kaligayahan. [Tulad din ng mga tinatawag na Beatitudes na itinuro ni Cristo sa Matthew 5 (“Blessed…” 9x).] Sino itong binabanggit ng mang-aawit (maaaring si Haring David) na mapalad o mga taong napakaligaya? Paano tayong magiging kagaya rin nila? Ano ang koneksiyon nito sa Diyos at sa kanyang Salita, ang Bibliya? Para masagot ang mga katanungang ito, tingnan natin kung ano ang itinuturo ng unang bahagi, 119:1-8, tungkol sa Salita ng Diyos. (May 22 sections ang awit na ito na may 8 verses bawat section, bawat section ay kumakatawan sa bawat letra ng Hebrew alphabet [aleph, beth…] na siya namang simula ng bawat verse. Ang tawag sa composition ng awit na ito ay acrostic.)

1 Blessed are those whose way is blameless,
who walk in the law of the Lord!
2 Blessed are those who keep his testimonies,
who seek him with their whole heart,
3 who also do no wrong,
but walk in his ways!

The Path to True Happiness (119:1-3)

Sa verses 1-3 ay makikita natin na: The only path of true happiness is the Word of God. Ang nag-iisang daan tungo sa tunay na kaligayahan ay sa pamamagitan ng Salita ng Diyos. Ang mamuhay nang ayon sa Salita ng Diyos ay hindi lamang tungo sa tunay na kaligayahan (path toward true happiness), ito na mismo ang kaligayahan (path of true happiness). Napakahalaga sa umawit nito ang Salita ng Diyos. Mula verse 1 hanggang verse 176, ito ang binabanggit niya. Bawat verse ay may sinasabi tungkol sa Salita ng Diyos (gamit ang iba’t ibang tawag tulad ng law, rules, ways, statutes, precepts, testimonies, etc.; sa iilang verse lang hindi nabanggit ito). Tulad ng umawit, paano natin malalamang tamang daan ng kaligayahan ang tinatahak natin? How do we know we are walking in this path of true happiness or blessedness?

By conforming to the Word of God. Kung namumuhay tayo na sang-ayon sa Salita ng Diyos, at patuloy na hinuhubog nito. “Blessed are those whose way is blameless, who walk in the law of the Lord…who also do no wrong, but walk in his ways” (vv. 1, 3). Ang mga tunay na masaya ay ang mga taong namumuhay nang matuwid, may integridad, na walang anumang maaaring ipintas ang ibang tao laban sa atin. Akala ng marami masayang gumawa ng masama. Kung ano pa ang mali, sabi nila, bakit iyon ang masaya. Totoo nga kayang masaya? Hindi! Kapag sinasabi kasing “law” o mga kautusan, akala natin nililimitahan tayo ng Diyos. Mga hangal ang tao na akala ay magtatamo sila ng tunay na kaligayahan kapag gusto nila ang nasusunod. Tulad ng mga anak na nagrereklamo at nagrerebelde sa mga magulang dahil pinagbabawalan sila. Akala nila kill-joy si daddy. Akala nila ang kaligayahan ay iyong gawin ang gusto nila tulad ng party, premarital sex, computer games, at barkada. Pero sinasabi ng awit na ito na ang pamumuhay ayon sa mga kautusan ni Yahweh ang tunay na kaligayahan. Ibinigay ng Diyos ang mga utos hindi para limitahan tayo, kundi para maging walang limitasyon ang kasiyahang mararanasan natin. “Holiness is happiness,” sabi nga ni Charles Spurgeon. Ito ang daan ng tunay na kaligayahan. Ibig sabihin, ang daang hiwalay sa mga utos ng Diyos ay siya namang daan tungo sa tiyak na kalungkutan at kapighatian. Mamimili tayo. Kung gusto talaga nating lumigaya.

Ipinangalan namin sa baby namin ay Marcus Daniel. Bakit Daniel? Gusto naming tulad ni propeta Daniel ay mamuhay din siya na may katapangan at walang kapintasan sa harapan ng tao at ng Diyos. Naghahanap ang ilang mga pinuno sa Babylon ng maibibintang o maipipintas kay Daniel dahil naiinggit sila. “But they could find no ground for complaint or any fault, because he was faithful, and no error or fault was found in him” (Dan. 6:4). Nang ipatapon siya sa yungib ng mga leon pero hindi siya nagalaw ng mga ito, sabi niya sa hari, “My God sent his angel and shut the lions’ mouths, and they have not harmed me, because I was found blameless before him; and also before you, O king, I have done no harm” (6:22). We want our child to be like Daniel, blameless because he is walking in the law of the Lord. We want our child to be truly happy that way. That is why I wrote this prayer in my journal last November 25.

Our heavenly and gracious Father, may you grant our son Marcus Daniel or our daughter Danielle Charis to have a heart that will be faithful to you until the end of his/her life. May our child walk in integrity and blamelessness before you and before all people. May no fear of man threaten him to be unfaithful to you. May he always be devoted to the honor of your name above his own comfort, above his own life. May our child be a living testament of your own faithfulness in our lives. As we look at our child, may you always remind us of your calling that we be faithful to you all the days of our lives. In Jesus’ name I pray, Amen.

How can our child and all of us be truly happy, be blameless by living according to his Word?

By treasuring the Word of God. “Blessed are those who keep his testimonies” (v. 2). Ang mga salita ng Diyos ay Bibliya ay huhubog sa buhay natin kung tulad ng isang kayamanan ay iingatan natin ito sa ating mga puso. Kung wala ito sa puso natin, at hindi man lamang natin binabasa araw-araw, huwag tayong umasang ang buhay natin ay magiging sang-ayon dito. Huwag rin tayong magtataka kung hindi natin nararanasan ang tunay na kaligayahan. Those who treasure God’s Word are those who are truly happy, not those who love to tell jokes or laugh often. Our happiness is in proportion to how we treat the Word of God. Tulad ni Daniel, na alam ng mga taong wala silang maipipintas dahil pinanghahawakan niya ang mga utos ni Yahweh. “We shall not find any ground for complaint against this Daniel unless we find it in connection with the law of his God” (Dan. 6:5). Si Daniel ay namumuhay ayon sa Salita ng Diyos dahil iniingatan niya ang mga ito sa kanyang puso at siya namang sinusunod kahit pa anong panakot ang gamitin sa kanya ng mga tao. Daniel resolved in his heart to be happy by treasuring the Word of God. Hindi mo naranasan noong 2010 ang tunay na kaligayahan dahil hindi mo pinapahalagahan ang Salita ng Diyos. Mas nagiging mahalaga pa sa iyo ang pagtatrabaho sa ibang bansa, o ang libangan mo, o ang salita ng tao, kaysa salita ng Diyos. Anong aasahan mong “happy” new year kung walang magiging pagbabago sa attitude mo sa Word of God? Psalm 1:1-2 says: “Blessed is the man who walks not in the counsel of the wicked, nor stands in the way of sinners, nor sits in the seat of scoffers; but his delight is in the law of the Lord, and on his law he meditates day and night.”

We are talking here not just about religious activities like listening to sermon or reading the Bible. I am encouraging you to open your Bible and take it to heart because we can walk the path of true happiness…

By pursuing the God of the Word. Ang hinahanap at hinahangad ng isang taong tunay na masaya ay walang iba kundi ang Diyos na nagsasalita sa Bibliya. Nagbabasa at nag-aaral tayo ng Bibliya kasi gusto nating marinig ang boses ng Diyos, gusto natin siyang maranasan. “Blessed are those…who seek him with their whole heart” (v. 2). Ito ang hinahanap-hanap, ang maranasan ang pag-ibig ng Diyos at ibigin ang Diyos nang buong puso. Ito ang tunay na masaya, ang taong nagtitiwala sa Diyos, hindi ang taong limpak-limpak ang salapi. Nanatiling masaya si Daniel kahit pa mag-Bagong Taon siya kasama ang mga leon dahil nararanasan naman niya ang presensiya ng Diyos na kasama niya at nagligtas sa kanya. “So Daniel was taken up out of the den, and no kind of harm was found on him, because he had trusted in his God” (Dan. 6:23). Mas mahalaga sa kanya ang Diyos at ang Salita ng Diyos. Alam niyang ito ang daan ng tunay na kaligayahan, hindi ang pakinggan ang tao kundi ang Diyos. Tulad ni Daniel at ng may-akda ng Awit 119, maging resolution sana natin ay ito: “Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya sa tulong ng Diyos na maging masaya palagi sa pamamagitan ng pamumuhay nang ayon sa Salita ng Diyos, pinahahalagahan ito at hinahanap-hanap ang Diyos sa pamamagitan nito.”

4 You have commanded your precepts
to be kept diligently.
5 Oh that my ways may be steadfast
in keeping your statutes!
6 Then I shall not be put to shame,
having my eyes fixed on all your commandments.

Serious for Happiness (119:4-6)

I want to point this out from verses 4-6: God is serious about our happiness and, therefore, our obedience to his Word. Alam ng Diyos kung ano ang paraan upang tayo’y tunay na maging masaya. There is an unbreakable link between our happiness and our obedience to his Word. Ang Diyos ay seryoso sa sarili nating kaligayahan kaya nga seryoso din siya sa ating pagsunod sa kanyang Salita.

God is absolutely serious about our highest good. That he wants us to be happy is clear from the result of focusing on his commands. Ano’ng resulta? “Then I shall not be put to shame, having my eyes fixed on all your commandments” (v. 6). Ang isang taong sumusunod sa mga utos ng Diyos ay hindi mapapahiya sa harapan ng tao. Pero kahit na minsang mapahiya tayo sa tao sa pagsunod sa utos ng Diyos dahil karamihan naman ay walang pakialam sa utos ng Diyos, wala pa rin tayong dapat ikahiya. Ang pinakamahalaga ay ang sasabihin ng Diyos, bago ang tao. That is why he wants us to fix our eyes on all his commandments. If we are concerned about our own reputation (true integrity before God, not before man) and our own happiness, then we must labor with all our might, by the grace of God, to do everything God said to us in his Word – nothing more, nothing less. Ibinigay niya lahat ng utos niya upang matamo natin ang pinakamataas na kaligayahan.

That is why God is serious about our whole-hearted obedience. You have commanded your precepts to be kept diligently” (v. 4). Ang mga salita niya ay hindi mga “suggestions” na pag-iisipan pa natin kung susundin o hindi. They must be obeyed diligently. Seryoso dapat tayo sa pagsunod. Maingat dapat tayo sa mga ginagawa natin. Pinag-iisipan dapat natin ang mga desisyon natin kung ito ba ang nais ng Diyos o baka ito lang ang gusto natin. Ang pagsunod ay hindi lang sa apat o siyam sa sampung utos ng Diyos. Kundi sa lahat. At hindi sa panlabas lang at sarili nating pamamaraan, kundi mula sa puso at ayon sa paraan ng Diyos. Ang problema sa atin, hindi natin nakikita na ang mga utos ng Diyos ay para sa ating kaligayahan. Akala natin killjoy ang Diyos. He is serious about our happiness, that is why he is serious about our obedience. Tama ang obserbasyon ni C. S. Lewis sa kanyang sermon noong 1941:

Indeed, if we consider the unblushing promises of reward and the staggering nature of the rewards promised in the Gospels, it would seem that our Lord finds our desires, not too strong, but too weak. We are half-hearted creatures, fooling about with drink and sex and ambition when infinite joy is offered us, like an ignorant child who wants to go on making mud pies in a slum because he cannot imagine what is meant by the offer of a holiday at the sea. We are far too easily pleased.[1]

So, if we are concerned about our own happiness, we must be serious about obedience to the Word of God. Sasabihin ng iba, “Gusto ko ngang maging masaya kaya bibili ako ng bagong cellphone, maghahanap ako ng trabahong mas mataas ang suweldo, makikipagrelasyon ako sa isang babae kahit na may asawa na ako, iinom ako at maglalasing kasama ang barkada, at kung anu-ano pa.” Pero sasabihin ng isang taong gusto talagang maging masaya tulad ng umawit ng Psalm 119: “Oh that my ways may be steadfast in keeping your statutes” (v. 5)! This is a resolution and a prayer. “Panginoon, kung ito ang gusto mo sa buhay ko –  maging masaya, ayon sa iyong mga salita – ito rin ang nais ko. Ito nawa ang mangyari.” Ito rin ba ang nais natin sa New Year?

7 I will praise you with an upright heart,
when I learn your righteous rules.
8 I will keep your statutes;
do not utterly forsake me!

From Him, Through Him, For Him (119:7-8)

Dito naman sa verses 7-8: The Word of God is from him, through him, and for him. Ang pagkaunawa ng Salita ng Diyos ay mula sa kanya, sa pamamagitan niya, at para sa kanya. If we truly realized that, we can say as our resolution like the psalmist’s, “I will keep your statutes” (v. 8a). Dahil likas sa tao ang kasalanan, pagsuway at pagkamakasarili, mahirap ito. Pero hindi ibig sabihing hindi natin dapat maging resolution. If you resolve to be happy, you also resolved to follow God’s Word. Kung sa tingin mong mahirap ito, pero alam mo namang ang Bibliya ay Salita ng Diyos, galing sa Diyos…

Ask him to teach you while you discipline yourself in studying the Word. “…when I learn your righteous rules” (v. 7b). Gusto niyang matutunan ang mga salita ng Diyos dahil alam niyang ito ang tama, ito ang matuwid, ito ang totoo. Ang katotohanan ay galing sa Diyos. Kaya habang dinidisiplina natin ang sarili natin sa pang-araw-araw na pagbabasa ng Bibliya (tulad ng Genesis to Revelation in one year), pagmememorya ng ilang mga piling verses, pag-aaral at pagbubulay, hihilingin natin sa Diyos, “Open my eyes that I may behold wondrous things out of your law” (v. 18). The Holy Spirit will teach us his Word, pangako ito ng Panginoon.

Because you are weak and failing, ask him for grace to be with you and strengthen you. Masusunod lang natin ang salita ng Diyos sa pamamagitan ng lakas na nanggagaling sa kanya. “I will keep your statutes; (and I know that I can’t on my own, so) do not utterly forsake me” (v. 8). Sa New English Translation, “Do not completely abandon me.” Sa mga utos na sinabi ni Pablo kay Timoteo, sinabi rin niya, “Be strengthened by the grace that is in Christ Jesus” (2 Tim. 2:1). Alam ng Diyos hindi natin kaya, kaya nga ipinadala niya si Cristo para sa kanya tayo magtiwala – sa kanya ng nakasunod sa lahat ng mga utos ng Diyos. Kaya sa oras man na madapa tayo at malihis ng landas alam nating pinatawad tayo ng Diyos, ibabalik tayo sa tuwid na daan, at ipaparanas sa atin ang tunay na kaligayahan. At kung matunton man natin ang tamang daang dapat nating lakaran, at magpatuloy tayo rito, masasabi nating hindi ito dahil sa ginawa natin, kundi dahil sa gawa ng Diyos sa pamamagitan ng kapangyarihan ng kanyang mga salita. Dahil ito ay para sa kanya (for him)…

When you are learning to live according to his Word, praise him. “I will praise you with an upright heart when I learn your righteous rules” (v. 7). Sinabi ni Matthew Henry sa kanyang komentaryo na ang pag-aaral natin ng Bibliya ay hindi para siksikin ng mga impormasyon ang ulo natin at maging kilala tayo at purihin ng iba, kundi upang tayo at marami pang tao ang magpuri sa Diyos. Hindi natin babasahin ang “Genesis to Revelation” o kakabisaduhin ang Psalm 103 para masabi ng ibang tao, “Ang galing mo naman!” Gagawin natin ito at ipapamuhay ang kanyang salita para masabi natin sa Diyos at masabi ng ibang tao sa Diyos, “Ang galing ng Diyos! Karapat-dapat siyang purihin dahil sa kanyang salitang ibinigay sa atin.” Ito ang konklusyon ni Pablo pagkatapos ipahayag ang kadakilaan ng awa ng Diyos para sa ating mga makasalanan, “Oh, the depth of the riches and wisdom and knowledge of God! How unsearchable are his judgments and how inscrutable his ways!…For from him and through him and to him are all things. To him be glory forever. Amen” (Rom. 11:33, 36).

Not For a Day, But Forever

God wants to be praised, honored, and glorified forever. God also wants us to be happy forever. All people wants to be happy forever. If we are God’s people, we are concerned not just for our happiness, but to glorify God forever. Kung gusto talaga nating maging masaya, dadaan tayo sa daan na itinakda ng Diyos para sa atin. Ilalagay sa puso natin ang kanyang mga salita sa araw-araw at sisikapin sa tulong ng biyaya ng Diyos na sundin ang lahat ng nais niya.  This is not just our New Year’s Resolution. A resolution from January 1 to December 31. From now till death. It is a life resolution. Then, we will not only have a Happy New Year; but a truly happy life – now and forever.


[1] C. S. Lewis, “The Weight of Glory,” in The Weight of Glory and other Essays (Grand Rapids: Eerdmans, 1965), 1–2.

8 Comments

  1. I love all the topics here and i am using this website as my means in deepening my faith, know God more and to enlighten myself in all the things about the Father Son and the Holy Spirit. Aleluia

    Like

      1. Its already 7-8 years from now since i read this..Thank u Pas.i will used this on my exhortation to Glorify the Lord!!! Credits to the Lord and to u Pastor!!! God Bless us all!!!

        Liked by 1 person

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.