Part 1 – Following Jesus the Lord of All

July 4, 2010 |  By Derick Parfan |  Scripture: Matthew 28:16-20

Listen Now

Downloads

Now the eleven disciples went to Galilee, to the mountain to which Jesus had directed them. And when they saw him they worshiped him, but some doubted. And Jesus came and said to them, “All authority in heaven and on earth has been given to me. Go therefore and make disciples of all nations, baptizing them in the name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit, teaching them to observe all that I have commanded you. And behold, I am with you always, to the end of the age.”[1]

Who’s the Boss?

Bago na ang Presidente ng Pilipinas simula alas-12 ng tanghali noong June 30. Sa harap ng kalahating milyong tao at milyun-milyon pa na nanonood sa TV, sinabi ng ating bagong Presidente Noynoy Aquino, “Kayo ang boss ko, kaya’t hindi maaaring hindi ako makinig sa mga utos ninyo.” Ito ang pangakong binitiwan niya. Sa isang banda magandang marinig sa Presidente na kinikilala niya ang demokrasya, na ang kanyang kapangyarihang mamuno ay galing din sa mga taong naghalal sa kanya. Kaya naman palakpakan at laking tuwa ng mga tao nang marinig ito.

Ngunit ano ang mali dito? Sabi nga ng asawa ko, “Pag nakita ko nga siya, utusan ko kaya.” Totoong ang Presidente ay magsisilbi sa bayan. Ngunit maraming Filipino ang may maling pananaw na dapat naghihintay lang sila ng tulong sa gobyerno, na hindi sumusunod sa mga batas nito o hindi ginagawa ang kanilang mga responsibilidad. Hindi tayo ang dapat nag-uutos, tayo dapat ang nagpapasakop sa pamahalaan.

Hindi ba’t parang ganyan ang relasyon kay Cristo ng maraming taong nagsasabing Cristiano sila. Sasabihin sa kanyang ibigay sa kanila kung ano ang gusto nila – kagalingan, kaligtasan, kayamanan, kalusugan. Na para bang tinatanong sila ni Jesus, “Ano ang gusto mo? Sige, ibibigay ko sa iyo.” “Lord, puwede mo ba akong bigyan ng trabaho?” Tapos nagkatrabaho, parang naging panginoon na ay ang pera. Alam naman nila kung ano ang mga utos ni Cristo kung paano gamitin ang oras, pera, o lakas, ngunit para namang walang naririnig. Ang iba tatanggapin si Cristo na Tagapagligtas, ngunit hindi Panginoong mamamahala sa kanyang buhay! What’s wrong with this picture?

Makikita natin sa Mateo 28 ang isang Big Event sa kasaysayan. Kamamatay lang ni Cristo sa krus. Inilibing siya Biyernes nang hapon. Pagdating ng Linggo nang umaga, walang nakitang bangkay sa loob ng libingan ang mga babaeng bumisita roon. Sinabi ng anghel sa kanila, “Si Jesus ay buhay!” Pagkaraan ng ilang araw, nasa isang bundok sa Galilea ang mga alagad ni Jesus para makipagkita sa kanila bago siya bumalik paakyat sa langit. Sasabihin niya ang mga huling salitang iiwanan niya sa kanila. Ano kaya ang sasabihin niya sa kanila? Sasabihin niya kaya kung ano lang ang gusto nilang marinig?

Jesus is Lord of All

Hindi niya sinabi sa kanila, “Kayo ang boss ko. Sabihin ninyo sa akin kung ano gusto ninyo, gagawin ko.” Hindi! Sa halip sabi niya, “All authority in heaven and on earth has been given to me” (v. 18). Sinasabi niya, “Ako ang boss ninyo! Ako ang boss ng lahat ng tao!” Alam ito ng mga alagad niya. Yung dalawang babaeng initusan ni Cristo na sabihin sa mga “alagad” (v. 7) at mga “kapatid” (v. 9) niya na pumunta sa Galilea tiyak na sumunod kaya nga naroon ang mga alagad ngayon. Maaaring marami, hindi lang labing-isa. Kasi iyon nga ang ibig sabihin ng “disciple.” Pumunta sila sa bundok kung saan sinabi ni Jesus. He is the one in command here not the disciples. Tulad nga ng sabi niya sa 10:24, “A disciple is not above his teacher, nor a slave above his master” (my translation). Jesus is Teacher and Master. They are the disciples and slaves. Jesus commands. They obey. No questions asked.

Ang laki ng kaibahan nito sa mga bantay sa libingan ni Jesus na ang sinusunod ay ang mga pinuno ng relihiyon o gobyerno. Sumunod sila dahil sa suhol, at ipinagkalat ang balitang ninakaw ang bangkay ni Jesus. Ang mga alagad ni Jesus sumusunod dahil kilala nila kung sino talaga ang Panginoon. Sumusunod sila hindi lang dahil si Jesus ay magaling na guro o gumagawa ng himala o nagpapalayas ng demonyo o nagpaparami ng tinapay o nagpapagaling ng sakit. Sumusunod sila dahil alam nila kung anong klaseng authority meron siya. Napatunayan ito at nakita nang malinaw sa pamamagitan ng kanyang muling pagkabuhay.

Nang makita nila si Jesus – si Jesus na bumangon mula sa mga patay – nagpatirapa sila sa harapan niya. Sumamba sila bilang pagkilala na siya ay Diyos, tunay na Diyos. “They worshiped him” (v. 17). Siya ay Diyos na dapat sambahin. Siya ay Panginoon na bago pa man likhain ang sanlibutan (Heb. 1:1-3). Siya ay Panginoon, kaya nga nang dumalaw ang mga Mago ay sinamba siya (Matt 2:2, 11). Siya ay Panginoon nang siya’y nabuhay na muli kaya nga sinabi ni Tomas, “My Lord and my God!” (John 20:28). Jesus is Lord. Jesus is the Son of God.

Para sa maraming tao, ang hirap tanggapin na si Jesus ay Panginoong dapat sundin, Diyos na dapat sambahin. Ang iba rin sa mga alagad ay nag-alinlangan (v. 17). Pero malamang ay panandalian lang ito. Probably to dispel some doubts, Jesus talked about his authority before speaking his last command. Sinabi niya sa verse 18 na ang awtoridad niya bilang Panginoon ay ibinigay sa kanya, isang bagay na nais niyang bigyang diin. Sino ang nagbigay? Walang iba kundi ang Diyos Ama na siyang nalugod sa kanyang natapos na sakripisyo sa krus para sa ating mga kasalanan. Jesus himself said, “The Father loves the Son and has given all things into his hand” (John 3:35; cf. 13:3); He prayed about himself, “You have given him [referring to himself] authority over all flesh” (17:2). Jesus’ authority is the authority of God himself! When we disobey Jesus, we disobey God. Kung hindi natin kikilalanin si Jesus, itinatanggi natin na ang Diyos ay may karapatan sa buhay natin. Anong pakinabang ang sabihin mong ikaw ay Cristiano ngunit ikaw naman ang naghahari sa buhay mo?

Jesus is Lord of all. He has “all authority in heaven and on earth…” (v. 18). The New Testament is replete with statements declaring Jesus absolute authority over all and for all time. Si Jesus ay “umakyat sa langit at nasa kanan ng Diyos, na ipinasakop sa kanya ang mga anghel, ang mga kapamahalaan at ang mga kapangyarihan” (1 Pet. 3:22). Ang kanyang pamamahala ay:

higit na mataas kaysa lahat ng pamunuan, kapamahalaan, kapangyarihan, at paghahari, at sa bawat pangalan na pinangalanan, hindi lamang sa panahong ito, kundi maging sa darating na panahon. At kanyang inilagay ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kanyang mga paa, at ginawa siyang ulo ng lahat ng mga bagay sa iglesya (Eph. 1:21-22).

Kaya siya naman ay itinaas ng Diyos, at siya’y binigyan ng pangalang higit sa lahat ng pangalan; upang sa pangalan ni Jesus ay lumuhod ang bawat tuhod, sa langit at sa lupa, at sa ilalim ng lupa, at ipahayag ng bawat dila na si Jesu-Cristo ay Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Diyos Ama (Phil. 2:9-11).

Si Jesus ay Panginoon ng lahat. Siya ang may karapatang mamahala sa buhay ng lahat ng tao sa lahat ng bansa sa lahat ng panahon. Kilalanin man ito ng mga tao o hindi, siya pa rin ang Panginoon. Saan ka man magpunta, siya ang Panginoon. Ano man ang ginagawa mo, siya ang Panginoon. Anong araw man, Linggo o Lunes, siya ang Panginoon. Sa iyong isip, sa iyong trabaho, sa iyong pamilya, sa iyong ministeryo, at sa iyong pakikipagkaibigan. Don’t try to separate your life into compartments. “Ito sa Panginoon. Ito sa akin.” No! Tulad ng sabi ni Abraham Kuyper, isang journalist, isang theologian, at naging Prime Minister ng Netherlands mula 1901-1905, “There is not a square inch in the whole domain of our human existence over which Christ, who is Sovereign over all, does not cry: ‘Mine!’”

The Christian and His Lord

Dahil siya ang Panginoon ng lahat, may implikasyon ito sa buhay natin at sa ginagawa natin bilang isang iglesia. Sabi niya sa verse 19, “…therefore…” (“Kaya’t…”). Dahil sa kanyang lubos at ganap na kapangyarihan o pamamahala sa lahat, ito ngayon ang nais ipagawa ng Panginoon (hindi lamang sa mga apostol, kundi sa lahat ng mga Cristiano): “Make disciples of all nations.” Ito ang pangunahing utos dito. Sinabi niya sa bundok sa Galilea sa kanyang mga alagad noon, “Gusto kong lahat ng tao sa lahat ng bansa ay maging kagaya ninyo na nagpapasakop sa aking pagka-panginoon.” Totoo ngang namatay si Cristo at nabuhay na muli upang iligtas tayo sa ating mga kasalanan. Pero higit pa doon ang layunin ng Diyos. “For to this end Christ died and lived again, that he might be Lord both of the dead and of the living” (Rom 14:9). Ang pagliligtas na gagawin ng Diyos ay hindi upang magpatuloy tayo sa pagrerebelde sa kanya isip, sa salita at sa gawa. Ang layunin ng kaligtasan ay upang makilala natin si Cristo na siyang Panginoon ng lahat – upang tayo ay sumamba, lumuhod, sumunod, at magpasakop sa kanya.

Ano ang nais ni Cristo para sa buhay natin? Ang panawagan ni Jesus ay magpasakop tayo at sumunod sa kanya bilang Panginoon. Ito ang ibig sabihin ng pagiging disipulo ni Cristo. Ito ang ibig sabihin ng pagiging Cristiano. Nakalulungkot na ang ilang mga Cristiano ay inaakala na maaaring maligtas ang isang tao kung tatanggapin niya si Jesus bilang Tagapagligtas ngunit hindi Panginoon. Sinasabi ng ilan na ang pagiging alagad ni Cristo ay iba sa pagiging Cristiano. Para sa iba, ang concern nila ay tanggapin si Cristo at mapunta sa langit, ngunit ang buong buhay naman ay kakikitaan ng rebelyon sa mga malinaw na utos ni Cristo. We cannot divide Jesus into one part Savior, and one part Lord. We cannot be saved by a half-Christ. Ito ang concern ni John MacArthur sa kanyang aklat na The Gospel According to Jesus:

The belief that someone could be a true Christian while that person’s whole lifestyle, value system, speech, and attitude are marked by a stubborn refusal to surrender to Christ as Lord is a notion that shouldn’t even need to be refuted…When Jesus called people to follow Him, He was not seeking companions to be His sidekicks or admirers who He could entertain with miracles. He was calling people to yield completely and unreservedly to His lordship.[2]

The heart of our Christian confession of faith is, “Jesus is Lord” (1 Cor. 12:3; Rom. 10:9; Phil. 2:11). That’s true salvation. That’s true Christianity. Sa harap ng mga tao na sumusunod na kay Cristo, na ang karamihan ay sumusunod lang dahil gumagawa siya ng mga himala, nagpapakain ng libu-libo, nagpapagaling ng lahat ng klase ng sakit, sinabi niya, “Bakit tinatawag ninyo akong, ‘Panginoon, Panginoon,’ ngunit hindi ninyo ginagawa ang sinasabi ko?” (Luke 6:46). Kung ako talaga ang Panginoon ninyo, dapat ganyan ang nakikita sa buhay ninyo. Nakakaiyak na makita ang mga nagsasabing Cristiano sila at sumisigaw tuwing Linggo, “Jesus is Lord!”, pero kung Lunes naman ay katulad din ng marami sa sanlibutan na ang panginoon ay ang sarili. Parang mga batang kapag pinapauwi ng nanay ay sasabihin,  “Mommy, sandali lang.” Parang mga sundalo na pagkatapos sabihin ng general na pumunta sa Mindanao ay sasabihing, “No, Sir.” Do you say that you are a Christian? Is Jesus your Savior but you do not submit to him as Lord? O tinatawag mo nga siyang Panginoon, ngunit may sinasabi mo naman tungkol sa pera mo o sa oras mo, “Akin ‘to! Huwag mong pakialaman, Jesus!”

The Church and Her Lord

Ano naman ang implikasyon ng pagiging Panginoon ni Jesus sa ating iglesia? Ang buong mundo ay punung-puno ng mga rebelde. At kahit dito sa church natin, lahat tayo ay mayroon pa ring pagrerebelde sa iba’t ibang bahagi ng buhay natin. Kung lahat pala ng mga tunay na Cristiano ay silang nagpapasakop at sumusunod kay Cristo bilang Panginoon, tungkulin ng buong Iglesia na turuan ang mga Cristiano na sumunod sa lahat ng ipinag-uutos niya.

Hindi ko ideya ‘yan bilang pastor, ito ang sabi ni Cristo. Ito ang paraan kung paanong gagawing alagad ni Cristo ang lahat ng bansa. Sinabi niyang una ay ang paghayo. Pupuntahan natin ang mga tao at ipapakilala sa kanila kung sino ang Panginoon at Tagapagligtas na si Jesus. Pangalawa, babautismuhan sila. Naniniwala ako na isang implikasyon nito ay bawat tagasunod ni Cristo ay maging bahagi ng isang lokal na iglesia kung saan may iba pang Cristiano na tutulong sa kanya sa pagpapasakop sa Panginoon. Ngunit gusto kong pagtuunan ng pansin ang sinabi niyang pangatlo. “Turuan silang sundin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo” (v. 20).

“Lahat ng mga bagay.” Nangangahulugan ito na kailangang ituro ang buong Kasulatan, ang Salita ng Diyos. Maganda ring simula, at ito ang gagawin natin sa susunod na 12 buwan, ang pag-aralan natin ang mga utos ni Cristo na makikita sa Mateo, Marcos, Lucas, at Juan. Ang mga una ay “You must be born again”; “Repent”; “Come to me”; “Believe in me”; “Abide in me”; “Listen to me.” At pagkatapos ay ang mga utos niya na may kinalaman sa pakikipag-ugnayan natin sa Diyos, sa kapwa, sa pamilya, sa gobyerno, sa mga hindi Cristiano, sa mga kaaway, at sa sarili nating mga kasalanan. Malaking tulong ang aklat ni John Piper na pinamagatang What Jesus Demands from the World.[3] Pansinin ninyo ang bigat ng salitang ginamit niya: “demand.” Hindi lang paanyaya o suggestion o opinion o advice, kundi utos at panukala. These are words not just of a friend or a brother, but that of a King, the King of kings and Lord of lords. Jesus is saying, “I make demands because I have the right. All authority in the universe is mine.”[4]

Pansinin ninyong hindi sinabi ni Jesus na, “Ituro ninyo ang lahat ng mga utos ko.” Kundi, “Turuan silang sundin…” The goal of teaching is obedience. “Teaching obedience to all of Jesus’ commands forms the heart of disciple making.”[5] Ito ang commitment ng ating church sa inyo, gagawin natin ang lahat ng dapat gawin, pagtutulungan natin, na ang bawat isa ay matutong sumunod kay Cristo sa lahat ng aspeto ng kanilang buhay. That is why our mission is “to build local and global grace-communities of committed followers of Christ.” At ang isa sa ating mga Core Values ay “The Supremacy of Christ in All of Life.” Pagtutulungan natin ito kaya nga hindi lang ito sa sermon ninyo mapapag-aralan, kundi sa mga Kaagapay Groups kung saan ang mga kapatid kay Cristo ay magiging kaagapay ninyo sa pagsunod kay Cristo na siyang Panginoon ng lahat.

“Jesus, You’re My Boss!”

Huwebes nang gabi nang pinag-aaralan ko ang mga talatang nagpapakita na si Jesus ay Panginoon ng lahat. I was overwhelmed. Huminto ako sa pag-aaral at nanalangin ako at sinabi sa kanyang siya ang mamahala sa lahat ng bahagi ng buhay ko. Alas dose na ng gabi, tulog na ang asawa ko, biglang parang may boses na nagsasabi sa akin, “Magpahinga ka muna. Ikabit mo sa laptop ang Internet at magrelax ka. May mga pictures diyan na maeenjoy mo.” I have to decide at that time whose voice to follow. Sa oras na iyon naririnig ko si Cristo, “I am Lord of your eyes. I am Lord of your thoughts. I am Lord of your body.” Pinatay ko na ang laptop. Nahiga katabi ang asawa ko. Nagpasalamat sa Diyos, “Salamat dahil si Cristo ang aking Panginoon.”

Hindi palaging ganito. May pagkakataon na parang ako pa rin ang panginoon ng aking mata, isip, at katawan. We all struggle to obey and find that oftentimes it is more comfortable or convenient to follow our own desires. Kaya’t pagtulungan nating sundin ang lahat ng utos ng ating Panginoon. Maaaring ang ilan sa inyo ay hindi pa sinusuko ang buhay kay Cristo bilang Panginoon. Kung nahihirapan kang magdesisyon, tutulungan ka naming pag-aralan ang Following Jesus. Sa loob ng anim na linggo ay makikita mo kung sino si Jesus, ano ang ginawa niya para sa iyo, at paano ka tutugon sa kanya. Kung ngayon nasasabi mong gusto mong pumunta sa langit pero hindi ka susunod sa kanya, pagkatapos ng pag-aaral ay masasabi mong, “I don’t want heaven, I want the Lord of heaven and earth.”

O ang iba ay nagsisimula pa lang at ang iba ay matagal na sa lakbaying Cristiano. Pero minsan nasasabi ninyo, “Salamat sa pagpapatawad mo pero ayokong patawarin ang asawa ko”; “Salamat sa iyong biyaya araw-araw, ngunit ayokong magbigay sa aking kapwa”; “Naglilingkod ako sa iyo kapag Sabado at Linggo, kaya okay lang naman sigurong ienjoy ko para sa sarili ko ang isa o dalawang gabi kasama ang barkada.” Please be here every Sunday morning. Sama-sama nating pag-aralan kung ano ang sinasabi ni Cristo para sa atin. Let us all commit na hindi lang tayo makikinig, kundi isasagawa sa tulong ng Diyos ang mga utos ni Cristo. Not just to say, “Jesus is Lord” but to follow Jesus the Lord of all. Dalangin ko na masabi nating lahat sa harap ni Cristo at taos sa puso, “Ikaw, O Jesus, ang Boss ko, kaya’t hindi maaaring hindi ako makinig sa mga utos mo. Sa iyo ang pera ko, sa iyo ang katawan ko, sa iyo ang pamilya ko, sa iyo ang isip ko, sa iyo ang lahat-lahat sa akin. Ikaw ang Panginoon ng lahat, kaya’t ikaw ang susundin ko sa lahat ng bahagi ng aking buhay. Amen.”


[1] Unless otherwise indicated, Scripture quotations are from the English Standard Version (Wheaton, IL: Crossway, 2001) and Ang Biblia (Philippine Bible Society, 2001).

[2] John MacArthur, The Gospel According to Jesus, rev. ed. (Grand Rapids: Zondervan, 2008), 25.

[3] John Piper, What Jesus Demands from the World (Wheaton, IL: Crossway, 2006).

[4] Ibid., 25.

[5] Craig Blomberg, Matthew, The New American Commentary, (Nashville, TN: Broadman & Holman, 2001), 432.

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.