Ibigay Kay Cesar ang Kay Cesar at sa Dios ang sa Dios

You are Here: Home / Sermons Following Jesus the Lord of All / Sermons 31-41 / Ibigay Kay Cesar

August 7, 2011  |  By Derick Parfan  |  Scripture: Mark 12:13-17

[audio http://wpc.473a.edgecastcdn.net/80473A/nycdn/sermon_u002/pastorderick/audio/2754834_19480.mp3]

Downloads: audio

Last week, may natanggap kaming mag-asawa na isang sobre na may lamang pera. Di naman kalakihan, pero hindi iyon ang mahalaga sa amin at kinatuwa natin. Kundi yung sulat doon sa envelope at ang nakita naming puso sa pagbibigay:

Kapatid Kay Kristo,

Galak na galak ang puso [ko] sa loob ng isang linggo magmula nang marinig ko ang mensahe sa akin ng Panginoon (maaaring ang tinutukoy ay ang sermon noong July 17, “Mag-ipon ng Kayamanan sa Langit”). Malaki ang binabago niya sa buhay ko. Alam ko na malaki at pinakamataas ang [impluwensiya ng aking katungkulan]. [Dahil] malapit ako sa pinakamayaman at pinakamakapangyarihan. Kaya ‘di ako mag-aalinlangan sa pagkakaloob sa Boss nating lahat. Nabless ako at patuloy na pagpapalain sa bawat mensahe ng Diyos na ipararating sa akin.

                                                         Ang Inyong Kapatid Kay Kristo

 Nakakatuwang makita na ang isang kapatid kay Cristo ay nagpapakitang si Jesus ang Panginoon sa lahat-lahat sa kanyang buhay, pati na sa kanyang pera. Kinikilala niya na si Jesus ang may-ari ng lahat sa kanya, kaya hindi siya nag-alinlangang magbigay ng “love gift.” Merong joy sa pagbibigay sa missions at sa ministeryo ng Panginoon. Totoo yun. Pero ngayon, ang prayer ko mas maging malaki ang perspective natin kung ang pinag-uusapan ay “kingdom of God.”

Aminin natin, we feel more spiritual na magbigay ng 1,000 sa isang missionary, kaysa magbayad ng 1,000 sa corrupt na government. We feel it is more sacred to go to the church on Sundays than to report for work on Mondays. We feel more fulfilled attending Bible studies and prayer meetings than doing household chores. Bakit kaya? Totoong may mga iba’t ibang priorities sa buhay. Pero ‘wag nating isiping ang kingdom of God ay “equal” sa church or missions work. The kingdom of God is greater, much greater than you think. Ang claim nito sa buhay natin ay hindi lang isang bahagi nito, kundi lahat-lahat. It covers all the spheres of life including education, government, economy, social justice, media, and everything in all creation. Kung saan Diyos ang Diyos, kung saan Panginoon ang Panginoong Jesus, kasama iyon sa kingdom of God. At kung maiintindihan natin yun, it will revolutionize the way we live from Monday to Sunday, from work to church, from evangelism to social involvement.

Ang Sabwatan Laban kay Jesus

Medyo malabo sa maraming Cristiano ang ibig sabihin ng “kingdom of God.”
Sa pag-iisip din ng mga Pariseo, hindi ganoon kalinaw. Tandaan nating itong mga Pariseo ang pinakasikat at pinaka-influential na religious party ng mga Judio. May impluwensiya sila pati sa politics. Pero siyempre ayaw nila sa mga Romano na siyang sumasakop sa panahon ni Jesus sa kanilang bansa. Sumusunod at nagpapasakop pero napipilitan lang. Umaasa silang ang darating na Mesias na inihula ng mga propeta ang siyang magdadala ng kaharian ng Diyos at papatalsikin ang mga malulupit na Romano. Nung nangangaral si Jesus tungkol sa kaharian ng Diyos, hindi nila nakikita kay Jesus yung profile ng isang “mighty warrior” o “revolutionary hero” tulad nina Jose Rizal at Andres Bonifacio noong panahon sa atin ng mga Kastila. Kaya galit sila sa kanya, lalo pa nang magkwento siya ng isang parable sa Mark 12:1-11 na sila ang pinatatamaan dahil sa pagtrato nila nang hindi tama sa isinugong Anak ng Diyos.

Sabi sa verse 12 na alam nilang (“they perceived”) sinabi ni Jesus ang kwentong iyon laban sa kanila. Lalong tumitindi ang galit nila sa kanya. Kaya nga naghahangad na silang maaresto siya sa oras ding iyon (“at that very hour,” Luke 20:19) at maparusahan dahil sa tingin nilang hindi paggalang sa kanila. Noon pa ma’y binabalak na nila ito (11:18), pagkatapos na pagtataubin ni Jesus ang mga tinda sa templo at pagsabihan silang dinudumihan nila ang bahay ng Panginoon. Hindi lang nila magawa dahil sobrang popular na si Jesus, takot sila sa tao (“feared the people”). Naghahanap lang sila ng sapat na ebidensiya. Nagpaplano sila kung paanong makakakuha ng maiaakusa kay Jesus galing mismo sa kanyang salita.

Verse 13, “And they sent to him some of the Pharisees and some of the Herodians, to trap him in his talk.” Nakahanap pa ng kasabwat itong mga Pariseo, yung mga Herodians. Sa bansang Israel noong panahong iyon, tandaan nating nahahati ito sa ilang probinsiya at ang itinalaga ng mga Romano na Hari sa Judea ay ang galing sa pamilya Herodes. Ang mga Herodians iyong mga kakampi ng pamilyang ito at gagawin ang lahat para mapanatili sila sa kapangyarihan. Kaya ayos sa kanila ang patuloy na pamamalakad ng mga Romano. Magkaiba ang political viewpoints nila ng mga Pariseo. Pero ang mga magkaaway at mga taong magkaiba ng pananaw ay nagkakasundo kapag may isang dapat labanan. Nakikita nilang “threat” sa kanilang status si Jesus.

Ano ang layunin nila bakit nagsabwatan sila’t pupunta kay Jesus? “To trap him in his talk.” Naghahanap sila ng butas at maikakaso kay Jesus. Ayon kay Luke, sila ay mga “spies” (Luke 20:20), “who pretended to be sincere, that they might catch him in something he said, so as to deliver him up to the authority and jurisdiction of the governor.” Ito ang plano nila. Para tuluyang mawala na sa eksena si Jesus.

Ang Subok na Tanong kay Jesus

May nakahanda silang tanong para subukin siya o magsilbing patibong sa kanya. Pero ‘di muna dapat pahalata. Dapat bola-bolahin muna. Kaya sabi nila, “Teacher, we know that you are true and do not care about anyone’s opinion. For you are not swayed by appearances, but truly teach the way of God” (v. 14a). Kung anu-ano pa ang paligoy nila sa simula para mapaniwala si Jesus na sincere sila na nagtatanong. “Teacher.” Sign of respect para sa isang kinikilalang rabbi ng mga tao. “You are true.” Sabihin man nilang alam nilang totoo si Jesus at ang mga sinasabi niya (katuruan at kapahayagan tungkol sa sarili niya) obvious namang hindi sila naniniwala dun. Sa tanong nila mamaya, parang pinaparating nilang ineexpect nilang tama ang sasabihin niyang sagot. “You…do not care about anyone’s opinion.” May sariling authority si Jesus. Hindi niya hinahayaang maimpluwensiyahan siya ng iba. Ang iniisip at nais lang ng Dios Ama ang kanyang susundin. Anuman ang sabihin o isipin ng iba, hindi iyon ang mahalaga sa kanya. Kaya sa itatanong nila maya-maya, wala siyang pakialam ano man ang opinyon ng mga Judio o mga Romano. “You are not swayed by appearances.” Hindi siya patatangay sa pinapakitang panlabas lang ng tao. Kahit ano pa ang status sa buhay, wala siyang pinapanigan. Totoo namang ganyan si Jesus, nakikita pati puso ng tao, kung ano ang iniisip, kung ano ang motibo. “You…truly teach the way of God.” Ang pamamaraan ng Dios ang ineexpect nilang sagot kay Jesus. Dahil siya ay guro na mapagkakatiwalaan, alam niya kung ano ang kalooban ng Dios patungkol sa pagbabayad ng buwis sa Roman Government.

Kaya tanong nila, “Is it lawful to pay taxes to Caesar, or not? Should we pay them, or should we not?” (v. 14b). Matapos bola-bolahin, heto na ang totoong plano nila. Kuhanin ang sagot ni Jesus para makahanap ng butas sa kanya. Pinapayagan ba sa batas, ok lang ba na ang Judio (lalo na silang mga relihiyosong Judio) ay magbayad ng buwis sa mga di-makatarungang Romano? Sa batas Romano, oo siyempre. Pero yun di ba ang sa batas ng Dios? Yun din ba ang para sa kaharian ng Dios? Sakop sila noon ng Roman Empire, at ang Hari ay may title na Caesar. Ang emperador noon ay si Tiberius (14-37 AD) na siyang pumalit sa tatay niyang si Augustus (27 BC – AD 14).

Ang tanong nila ay ganito, dapat bang maging masunurin ang mga Judio sa gobyerno ng Romano? Pangunahin dito ang pagbibigay ng taxes. At ang taxes na ito ay “heavy burden” sa mga tao. Tinatayang halos isang buwan ang katumbas na ginagawang pagtatrabaho ng karaniwang manggagawa para sa gobyerno. Dahil karamihan sa mga Judio ay mahihirap lang, “heavy burden” talaga ito (Dictionary of Jesus and the Gospels, p. 804). Kaya nga ang mga Zealots ay tumatangging bayaran ang tax na ito dahil para sa kanila, walang karapatan ang mga Romano na mamahala sa kanila. Yung mga Herodians, ok lang sa kanila kasi suportado nila ang mga Romano. Ang mga Pariseo naman nagbabayad nga kahit sa tingin nila ay hindi dapat (Tom Constable’s Notes).

Ang Sagot ni Jesus

Verses 15-16, “But, knowing their hypocrisy, he said to them, ‘Why put me to the test? Bring me a denarius and let me look at it.’ And they brought one. And he said to them, ‘Whose likeness and inscription is this?’ They said to him, ‘Caesar’s.’” “Hypocrisy,” dahil alam ni Jesus ang totoong balak ng mga nagtanong sa kanya. Kunwari lang, balat-kayo lang. Ang sinabi nila kanina tungkol sa kanila, babalik din sa kanila. Hindi siya madadala ng pakunwari nila.

Alam ni Jesus ang nasa puso nila. Alam niyang ang tanong nila ay parang “test” na gusto nilang bumagsak si Jesus. Para sa mga Pariseo, mas gusto nilang sagot ni Jesus sa tanong nila dito ay, “Di dapat kayo magbayad.” Pero kapag sinagot ni Jesus iyon, magiging kaaway naman siya ng mga Romano, at magiging dahilan para iturnover si Jesus sa gobernador na si Pontius Pilate. Ang mga Herodians naman, mas gusto nila na ang sagot ni Jesus ay, “Sige magbayad kayo.” Pero kung iyon naman ang isagot ni Jesus, hindi siya magiging popular sa mga tao, na nagiging malaking burden ang taxes. Sa tingin nila, checkmate na nila si Jesus, wala nang lusot. Yun ang akala nila.

Nagpakuha siya ng isang “denarius,” ito ay silver coin na issued ng mga Romano. Ang halaga nito ay katumbas ng isang araw na suweldo ng karaniwang manggagawa. Sa isang panig ng baryang iyon ay nakalagay ang mukha ni Tiberius at may nakasulat na ang ibig sabihin ay “Tiberius Caesar, son of the Divine Augustus.” Sa likod ay ang kanyang nanay naman (asawa ni Augustus) na nakaupo at may nakasulat na “Pontif Maxim,” high priest of the Roman religion. Ginagamit ang mga coins na yun para ipromote ang pagsamba sa emperador (Craig S. Keener, A Commentary on Matthew, p. 525). So para sa mga Pariseo, bakit nga naman sila dapat magbayad ng tax samantalang parang “idolatrous” ang practice na iyan. Kaya namangha sila sa sagot ni Jesus at napatahimik na lang pagkatapos.

Sabi ni Jesus, “Render to Caesar the things that are Caesar’s, and to God the things that are God’s” (v. 17). Hindi niya ginawang isyu kung makatarungan ba o hindi ang Roman Government, kung matuwid ba o hindi, kung maka-Dios ba o hindi. Ang binigyang pansin niya ay ang responsibility at obligation ng sinumang nasasakupan nila. Dapat gawin ang responsibilidad sa government, kahit dayuhan man ito o hindi, kahit mahusay man ito o inefficient, kahit honest man ito o corrupt. That is not the issue. The issue is responsibility, at bahagi ng responsibility na yan ay ang pagbibigay ng tax. Pero sa sinabing ito ni Jesus, matalinong sagot dahil hindi ibig sabihin na kakampi niya ang mga Romano, dahil sinabi din niyang ibigay naman sa Dios ang para sa Dios. At ito ang pinakahigit sa lahat.

Paliwanag ni Tom Constable sa ilustrasyong ginamit ni Jesus, “God has authority over those who bear His image. Therefore the Jews should give Him His due, namely, complete personal submission. Caesar also had some authority over those who used his image on his coins. Therefore the Jews should pay their tax.” This is “an answer that penetrates deep into the meaning of how his followers should live as dual citizens of his kingdom and the kingdom of this world” (John Piper, What Jesus Demands from the World, p. 324).

Dual Citizenship of All Christians

Makikita natin dito ang ating dual citizenship bilang mga Cristiano. Ang isang Cristiano ay citizen ng kingdom of God. Siya rin ay citizen ng mundong ginagalawan natin. Kaya sinabi ni Jesus ang, “Ibigay ninyo kay Cesar ang kay Cesar at sa Diyos ang sa Diyos.” Para masunod natin ang sinasabi ni Jesus dito, hindi puwedeng mamangha lang tayo sa sinasabi niya tulad ng mga Pariseo, dapat maging tunay tayong follower niya, dapat isuko talaga natin ang buhay natin sa kanya. Kung hindi, hindi ka talaga citizen ng kingdom of God. Kung hindi, ikaw ay rebelde sa kaharian ng Dios at panig sa Kaaway ng Dios.

Dual citizenship. Dapat maintindihan natin ang relasyon ng dalawang ito. Isang salita ang dapat maintindihan natin ang ibig sabihin nang tama – ang salitang “at” (and). “Ibigay ninyo kay Cesar ang kay Cesar at sa Diyos ang sa Diyos.” Ibig sabihing bang may bahagi na para kay Cesar o sa mundong ito, at may bahagi para sa Dios? Ito yung tinatawag na dichotomy ng secular at spiritual, kingdom of this world at kingdom of God. Ang Sunday para sa Dios. Ang Monday-Friday sa trabaho. Ang tithes para sa Dios, ang natitira para sa makamundong bagay. Ang ibang talent natin ginagamit para sa Dios, ang iba para sa mga secular na gawain. Ang paglead ng Bible studies ay mas spiritual kaysa sa pag-aalaga ng anak. Ganun ba? Yun ba ibig sabihin nun?

Ang “at” ba dito ay parang ganito: “Heto ang isandaang piso. Yung 70 pesos ibili mo ng hotdog at yung 30 ng itlog.” Yung isandaan hinati. Ganun ba ang dual citizenship natin? May oras na para sa kaharian ng Dios, may oras na para sa mundong ito? Hindi. Ang “at” sa sabi ni Jesus ay parang ganito: “Heto ang isandaang piso. Ibili mo ‘to ng almusal at yung 30 pesos ay ibili mo ng itlog.” Ang 30 pesos ay bahagi ng isandaan. Ang itlog ay bahagi ng almusal.

Ganun din sa dual citizenship natin. Ang mundong ginagalawan natin, at lahat ng naririto ay bahagi ng paghahari ng Dios. Sinasabi ni Jesus dito, “Ibigay ninyo kay Cesar ang para kay Cesar, kasama ito sa pagbibigay ninyo sa Dios ng para sa Dios.” Sakop ng kaharian ng Dios ang kaharian ni Cesar (at ng lahat ng tao). Maging sa Haring Nebuchadnezzar ay inamin ‘to, “Ang Kataas-taasang Dios ang siyang may kapangyarihan sa kaharian ng mga tao. At maaari niyang ipasakop ang mga ito kahit kanino niya gustuhin, kahit sa pinakaabang tao” (Daniel 4:17). Sabi ni Jesus, “All authority in heaven and on earth has been given to me…” (Matthew 28:18). Kaya nga, ang ginagawa natin ay para sa kaharian ng Dios, kabilang dito ang pagiging faithful citizen natin ng bansa at mundong ginagalawan natin.

Implications of this Dual Citizenship

Merong tatlong implications ang ganitong pananaw sa ating katayuan bilang dual citizens: Una, dahil tayo ay primarily citizens of the kingdom of God, ang focus ng buong buhay natin ay ang para sa kaharian ng Dios. “Seek first the kingdom of God…” (Matt. 6:33). Ang prayer natin dapat unang-una, “Hallowed be your name, your kingdom come, your will be done.” Jesus is not just a part of our life. Jesus is not just a big part of our life. Jesus is our life. Jesus is not just Lord on Sundays, he is Lord Monday to Sunday, 24 hours a day, 7 days a week. Ang lahat ng lakas natin, lahat ng oras natin, lahat ng kayamanan natin ay para sa kaharian ng Dios. Para maipakita sa buong mundo kung sino ang tunay na Hari, kung sino ang tunay na Panginoon. Yun ang buhay natin.

Ikalawa, dahil tayo rin ay secondarily citizens of this world, dapat maging tapat tayo sa pagtupad ng mga responsibilidad natin para makatulong sa ikaaangat ng mundong ginagalawan natin. Maganda ang sabi ng Dios para sa mga Israelitang ipapatapon sa bansang dayuhan (exiles in Babylon). Na kahit ang gobyerno doon ay ungodly, ang dapat nilang gawin ay ito: “But seek the welfare of the city where I have sent you into exile, and pray to the LORD on its behalf, for in its welfare you will find your welfare” (Jer. 29:7). Dito sa mundong ito, para rin tayong dayuhan. Parang Pilipino na nasa Canada, kahit dual citizenship na parang dayuhan pa rin. Kahit na dayuhan tayo dito, gagawin pa rin natin ang para sa ikabubuti nito kasi ito ang gusto ng Dios na gawin natin. Sabi din ni Paul sa Romans 13 ‘yan. Kahit corrupt o masama ang government, hindi excuse na hindi magpasakop sa bansang ginagalawan natin.

“Seek the welfare of the city.” Pano yun? Siyempre magbayad ng tamang buwis, kasama yun. Kahit na automatic deduction sa inyo, dapat andun pa rin yung pusong hindi nanghihinayang sa buwis na ibinibigay. Pano kaya kung hindi tapat lahat ng Pilipino, e di tayo rin ang kawawa. Sa pagsunod din sa mga traffic laws, hindi komo pastor ay exempted na, o dadaanin sa konting lagay para iwas abala. Kung magtapon, kung umihi, kung saan-saan lang. Reklamo tayo nang reklamo o naiinis kapag nababalitaang ang mga government officials ay sila pang hindi tapat sa serbisyo pero natanong na ba natin ang sarili natin, “Ano naman kaya ang ginagawa ko para mapabuti ang bansa ko?” Tapat ba kong magtrabaho, mag-aral, at mag-alaga sa pamilya ko? Bago mo sisihin ang presidente tingnan mo muna kung ano ang nagagawa mo para sa bansa.

“Pray to the Lord on its behalf.” Kesa maasar ka sa mga bad news na napapakinggan mo, may magagawa ka naman para mabago ang nangyayari sa bansa natin. Bakit hindi mo ipanalangin? Kelan ba yung huling pinagpray mo ang bansa natin? Ang presidente? O puro sarili mo lang ang laman ng prayer mo?

Faithful citizen of the kingdom of God. Faithful citizen of this world. Yun ang calling natin. Pero ito ang pangatlo, kung magkaroon man ng conflict ang dalawa (tiyak na magkakaroon), alam natin ang ultimate allegiance natin. Sa Dios siyempre. Kitang-kita ito sa buhay ni Daniel. Tapat siyang naglingkod bilang gobernador sa foreign land. Faithful citizen siya ng Babylon. Ginawa niya ang lahat para mapabuti ang kahariang iyon. Pero nung dumating ang panahong ipinagbawal ang pagsamba sa ibang dios, hindi na puwede yun. Ok lang maging unfaithful sa hari ‘wag lang sa Dios. Ganun din kay Peter and John. Pagbawalan silang magpreach ng gospel, sige pa rin. “We must obey God rather than men.” Si Brother Andrew, founder ng Open Doors na may ministry sa mga persecuted countries. Kahit bawal magdala ng Bible sa ibang bansa, kahit maging “smuggler” siya gagawin niya. Kasi una ang Dios. Sa North Korea, bawal may Bible, bawal sabihin ang pangalan ni Jesus, papatayin kasi. Pero ano ang gagawin mo kapag nandun ka? Susunod ka ba sa gobyerno, siyempre hindi.

Hindi nga ganyan sa Pilipinas, malaya nga tayo. Hindi tayo ikukulong pag nagbahagi ng ebanghelyo o nagbasa ng Bible. Pero sinasamantala ba natin ang kalayaang iyan? Nagiging faithful citizens ba tayo ng kaharian ng Dios pagdating sa ganyang bagay? Kung hindi, e paano na kapag pinagbawal na? Paano na kapag ang mga umaattend ng worship ay paparusahan na at ikukulong, ilan kaya ang matitira sa atin dito? Ang sagot diyan ay nakabatay kung ano ang tunay na pagkakilala natin sa kaharian ng Dios. Tandaan natin bilang mga Cristiano, meron tayong dual citizenship. Citizen of the kingdom of God. Citizen of this world. At kung magkaroon man ng conflict ang dalawang ito, alam natin kung saan tayo lalagay. Alam natin ang ultimate allegiance natin. “Ibigay kay Cesar ang para kay Cesar, at sa Dios ang para sa Dios.”

1 Comment

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.