Magpakatotoo, ‘Wag Magkunwari 1

June 6, 2011  |  By Derick Parfan  |  Scripture: Matthew 23:13-36

[audio http://cdn.sermonplayer.com/sermonplayers/pastorderick/audio/2706169_19480.mp3]

Downloads: audio

The world is attracted to beautiful and talented actors and actresses. Noong teenager pa lang ako, may hinahangaan akong isang American actress. Kasi maganda at magaling umarte. Minsan nagpunta siya sa Pilipinas para mag-shooting ng kanyang bagong pelikula. Tapos nagbigay siya ng maraming negatibong kumento tungkol sa Maynila at mga Pilipino. Maraming nagalit at na-offend. Banned tuloy siya na bumalik ng Pilipinas. Ako na dati ay humahanga sa kanya, ayoko na. Pangit naman pala ang ugali. Ganoon din ang hinahangaan ng marami ngayon na isang artista naman na sikat pero nabalitaang pinagmumura at sinaktan ang isang tao. Turn-off tuloy ang ibang fans. Kasi naman, hindi naman dahil maganda ang nakikita at napapanood sa kanila, ganoon na rin sila sa personal.

Maraming tao rin ang turn-off sa mga taong nagsasabing Cristiano sila, nakikitang relihiyoso, active sa ministry, pero kapag nabalitaang pangit pala ang ugali sa bahay, o nagpapakitang-tao lang, o parang artista lang na iba sa church at iba rin sa bahay. Ang tawag dito ay hypocrisy. Paulit-ulit na binanggit ang salitang hypocrites sa Matthew 23:13-36. “Woe to you, scribes and Pharisees, hypocrites” (vv. 13, 15, 23, 25, 27, 29)! Sa panahon nila ang salitang ito (hupokrites) ay literal na nangangahulugang “aktor” o “impersonator” o “pretender.” Sila yung mga lumalabas sa mga dulaan na nagpapanggap na isang karakter na hindi naman sila sa totoong buhay. Sinabihan niya ang maraming mga Pariseo na hypocrites kasi mapagkunwari, nagpapanggap lang na banal at malapit sa Diyos, nagpapakitang-tao lang, nagbubulag-bulagan sa totoo.

Anong kinalaman nito sa ating mga Cristiano? Hindi naman tayo mga hipokritong Pariseo, di ba? Ang ilan sa inyo maaaring oo, ang ilan ay maaaring kakikitaan ng pagkukunwari sa ilang bahagi ng buhay ninyo. Kaya kailangang mag-ingat. “Mag-ingat kayo at baka mahawa kayo sa ugali ng mga Pariseo na pakitang-tao. Walang natatago na hindi malalantad, at walang nalilihim na hindi mabubunyag” (Luc. 12:1-2 ASD).

GALIT ANG PANGINOON SA MGA PAKITANG-TAO

Kailangang mag-ingat sa mabigat na kasalanang ito dahil galit ang Panginoon sa mga pakitang-tao lang. God hates liars! Turn-off ang mga tao sa mga Cristianong parang artista lang. Pero mas concern tayo dito dahil turn-off din dito ang Panginoon mismo.

Kaya nga pitong beses binanggit sa teksto natin, “Woe to you…” (vv. 13, 15, 16, 23, 25, 27, 29). Sa Ang Biblia at MBB, ang salin ay “Kahabag-habag…” Sa ASD ay “Nakakaawa…” Pero ang expression dito ay hindi pagkaawa kundi expression ng “judgment” o “displeasure.” Hindi nagugustuhan ng Panginoon ang nakikita niya sa mga Pariseo. Yes, there is an element of mercy and compassion because it is a warning of judgment. Pero ang emphasis nito ay ang pagbibigay ng babala sa sasapitin nilang hindi maganda. Sa halip na kabilang sa mga mapalad, ang mga taong magpapatuloy sa ganitong klaseng buhay ay kalunus-lunos ang sasapiting kalagayan. Ginamit ito ni Jesus para ipahayag ang judgment ng Panginoong Diyos (MacArthur, Matthew, 375). Ang implication sa verse 13 at verse 15 ay hindi sila makakapasok sa kaharian ng Diyos at sila’y maituturing na mga anak ng impiyerno! Sa verse 33 naman, “Hindi n’yo matatakasan ang kaparusahan sa impiyerno” (ASD)!

Dahil din naman ang pagkukunwari o pakitang-tao ay isang form of pride na nakita natin sa pag-aaral natin sa vv. 1-12. Ang nagpapakataas sa pamamagitan ng pagpapakitang-tao ay ibababa ng Diyos. Sigurado iyon, maliban na lang kung magsisisi. Warning ito sa atin. Mabigat na kasalanan ang pagkukunwari.

Sabi ni Tozer, “Ang mga relihiyosong gawain na ginawa na may pangit na motibo ay dobleng kasalanan, kasalanan na nga at kasalanan pa dahil ginawa ang mga ito sa pangalan ng Diyos. Katulad ito sa pagkakasala sa pangalan ng siyang hindi naman nagkakasala, pagsisinungaling sa pangalan ng siyang hindi kailanman nagsinungaling at kawalan ng pag-ibig sa pangalan ng siyang likas ang pag-ibig” (Root of the Righteous, p. 90). Dagdag pa niya, “Sa paningin ng Diyos hinahatulan tayo hindi lang sa kung ano ang ating ginawa kundi lalo na sa mga dahilan natin kung bakit natin iyon ginawa. Hindi ano kundi bakit ang pinakaimportanteng tanong sa oras na tayong mga Cristiano ay humarap na sa paghatol ng Diyos” (p. 91).

Kung ayaw ng Panginoon sa mga taong nagkukunwari, maliwanag na ibig sabihin nito’y panawagan niyang lahat tayong mga Cristiano ay magpakatotoo, ‘wag magpakitang-tao lang. What Jesus does Jesus demand? Honesty and integrity not hypocrisy! Bakit galit ang Panginoon sa mga pakitang-tao? Tingnan ulit natin ang negatibong halimbawa ng mga Pariseo.

PERWISYO SA IBANG TAO, HINDI LANG SA SARILI (23:13-15)

Una, dahil ang pakitang-tao ay nagdudulot ng matinding perwisyo hindi lang sa sarili, kundi pati rin sa ibang tao. Tingnan ninyo sa verse 13, “Hinahadlangan ninyo ang mga tao na mapabilang (o makapasok) sa kaharian ng Dios. Kayo mismo ay ayaw mapabilang at pinipigilan pa ninyo ang mga gustong mapabilang” (ASD)! Isa ito kung bakit kaawa-awa ang kalagayan at sasapitin ng mga mapagkunwari. Walang taong panlabas lang ang pagiging matuwid ang makakapasok sa kaharian ng Dios. Ang requirement ng Panginoon ay internal righteousness. Kaya itong mga Pariseo ay hindi kabilang sa kaharian ng Dios. At hindi lang iyon, nandamay pa sila. Kung mangaral sila, gusto nila siyempre tulad din nila ang ginagawa. Kaya kung tutulad din sa kanilang mga hipokrito, e di katulad din nilang napagsaraduhan ng pinto sa kaharian ng langit. Mukhaan pang parang kumakatok ang mga tao tapos pagsasaraduhan nila. Akala din nila nasa loob sila, pero wala naman.

Verse 15, “Nilalakbay ninyo ang dagat at lupa, mahikayat lang ang isang tao sa inyong pananampalataya. At kapag may nahikayat na kayo, ginagawa n’yo siyang mas masahol pa sa inyo at mas karapat-dapat pang parusahan sa impiyerno” (ASD)! Sa literal nito ay “dobleng anak ng impiyerno na tulad ninyo.” Masama ang naghihintay sa mga pakitang-tao. Hindi lang sila, kundi pati iba ay madaramay sa kanilang pagkukunwari. To be outside the kingdom of God is to suffer eternal punishment in hell. Nasa labas sila ng kaharian ng Diyos kasi hindi nila kinikilala si Jesus (22:41-46). Hindi nila inaaming kailangan nila ang isang Savior. Kasi nga hindi naman nila nakikita ang malaking pagkukulang nila sa Diyos. Ganun din tuloy ang itinuturo nila sa ibang tao. Kaya nga ilang ulit ding tinawag sila ng Panginoon na “blind guides.” Kung ang bulag mahulog sa bangin, kasama din nito ang isang bulag na inaakay niya.

Gusto ng Panginoong siya ang kilalanin ng mga tao na Tagapagligtas (cf. 23:37). Pero paano mangyayari iyon kung ang nakikita nilang tipo ng relihiyon sa atin ay pakitang-tao lang. Turn-off sila. Kung turn-off sila ibig sabihin mapapahamak sila. Kawawa ang mga taong hindi nakapasok sa kaharian ng Diyos kasi hindi nila nakita sa buhay natin ang totoong pagka-Cristiano. Sa halip na akayin natin sila sa kaligtasan, dahil nagpapaka-hipokrito tayo, dinadala pa natin sila sa hukay.

Ang isang tagasunod ni Jesus ay siyang totoong nasa kaharian ng Dios at inaakay ang iba tungo sa kaharian ng Dios sa pamamagitan ng kanyang salita at pamumuhay. Kaya naman, isipin nating mabuti ang mabigat na consequences ng pagkukunwari. Halimbawa na lang ay iyong mga kasama natin sa bahay. Alam nilang member ka ng church at umaattend ng worship services at Bible studies. Pero anong klaseng “patotoo” ang nakikita sa iyo kapag nasa bahay na? You are praying for them na makilala si Cristo, pero ikaw nakikita ba sa iyo ang epekto ng pagkakilala mo kay Cristo? O hanggang sa church lang ang pagiging disciple mo?

ISINASAISANTABI ANG MGA BAGAY NA MAS IMPORTANTE (23:16-24)

Ikalawa, dahil ang pakitang-tao ay pagsasaisantabi ng mga bagay na mas importante sa Diyos. Sa halip na ang focus ay sa mga bagay na importante sa Diyos, ang nagiging focus ay doon sa mga bagay na di naman ganun kaimportante. Dalawang ilustrasyon ang ginamit ng Panginoon upang ipakita ang pagkabulag ng mga Pariseo sa totoong turo ng Salita ng Diyos. Ang una ay sa verses 16-22. Tungkol ito sa panunumpa, na pag-uusapan din natin sa ibang Linggo. Pero dito gusto ko lang i-point out yung binibigyang-diin ng Panginoon.

Problema kasi nila sinasabi nilang mas mainam na tuparin ang sumpa kung ito ay sa ginto sa templo. Pero kung sa templo, OK lang hindi tuparin. Mas mainam kung sa handog sa altar, pero kung sa altar OK lang hindi tuparin. Anong klaseng reasoning ito, sabi ng Panginoon? Nakabase ba ang pagtupad sa pangako sa bagay na sinumpaan? Kung ipinangako dapat tuparin. Period. Saka naman, mas importante ang templo kaysa ginto ng templo. Mas importante ang altar kaysa handog na nandito. Napapagbaligtad nila kung ano ang mas importante sa Diyos.

Sa v. 23 naman ay tungkol sa ikapu. “Ibinibigay n’yo nga kahit ang ikapu ng inyong mga pampalasa, ngunit hindi naman ninyo sinusunod ang mga mas mahalagang utos tungkol sa pagiging makatarungan, mahabagin, at pagiging tapat. Dapat ngang magbigay kayo ng inyong mga ikapu, pero huwag n’yo namang kaligtaang gawin ang mga mas mahalagang utos” (v. 23). Tama ngang nakalagay sa Kautusan ang pag-iikapu at dapat sundin. Pero they missed the point again. They missed important things by focusing on trivial details. Mas iniintindi na nila yung precision sa mga detalye, matiyak lang na nagagawa nila lahat ng dapat gawin para matawag na “matuwid.” Pero ang pagiging matuwid naman ay hindi dun sa pinipili lang natin kung ano ang susundin natin.Ang pagiging matuwid o banal ay iyong pagpapahalaga sa lahat ng bagay na mahalaga sa Diyos. Hindi ayon sa preference natin, hindi ayon sa kung ano ang kumportable sa atin, hindi ayon sa kung saan mas kikilalanin tayo ng ibang tao.

Kung nakafocus tayo sa ilang detalye lang ng mga utos at hindi iniintindi ang kalooban talaga ng Diyos, mas magiging malala pa. “Mga bulag na tagaakay! Sinasala ninyo ang maliit na insekto sa inyong inumin, pero lumululon naman kayo ng kamelyo” (v. 24)! Nakakatawa ang ilustrayong ito! Ang insekto dito at ang kamelyo parehong ceremonially unclean. Kaiintindi nila sa maliit na bagay na hindi sila marumihan, mas lalo pang napasama! Kasi nagiging hipokrito na. Majoring on minors, minoring on majors, yun ang problema nila. Pinahahalagahan ang mga hindi gaanong mahalaga, binabalewala ang mga bagay na higit na mahalaga.

Ang isang tagasunod ni Jesus ay siyang totoong nagpapahalaga sa mga bagay na higit na mahalaga. Kaya naman, sikapin nating pag-isipan at mamuhay para sa mga bagay na higit na mahalaga – pag-ibig sa Dios at pag-ibig sa kapwa. At siyempre, mas maganda kung ito ang pangunahing nakikita ng mga tao. May isa sa atin nagpray para sa kapitbahay at inayang umattend ng church. Pero ang sagot ng lalaki, “Ayaw ko sa inyo. Diyan kasi maraming bawal.” Minsan ganoon ang nakikita ng mga tao, kasi minsan doon din tayo nakafocus. Bawal manigarilyo, bawal uminom, bawal nakahikaw, bawal ganito, bawal ganoon.

Pero paano kung magfocus tayo dun sa mga mas importante, baka balang-araw masabi ng mga tao sa paligid natin, “Paano ba makapag-join sa church niyo? Nakita ko kasi na totoo ang concern n’yo sa amin. Nakikinig kayo sa mga problema namin, tapos kung mag-pray kayo, parang totoong-totoo ang relasyon n’yo sa Diyos. Gusto ka sa ‘kin ganoon din.” Wow, praise God kung ganoon. Nito ngang nakaraang mga araw ganyan ang naririnig ko sa mga kabataan sa paligid ng church natin, kasi nakita nila ang mga totoong tagasunod ni Cristo nang makasama nila sa fellowship ang mga youth natin.

MATUWID SA PANLABAS, MASAMA SA PANLOOB (23:25-28)

Ikatlo, dahil ang pakitang-tao ay pagpapakita ng kabanalang panlabas lang, kahit ang puso ay malayo naman sa Diyos. Mga hipokrito sila kasi panlabas lang ang nililinis nila. Ginawa niyang halimbawa dito ang paghuhugas ng tasa at pinggan para sa ritual cleanness. “Nililinis n’yo ang labas ng tasa at pinggan ayon sa inyong seremonya, ngunit ang loob ng puso ninyo’y puno naman ng kasakiman at katakawan…Linisin n’yo muna ang loob ng tasa at baso, at magiging malinis din ang labas nito” (vv. 25-26). Ang point dito ay huwag nating iisiping magiging malinis tayo sa harap ng Diyos kung babaguhin lang natin ang mga ginagawa natin. True holiness is not about reformation of behaviors but transformation of the heart. Kapag nagbago ang puso ng tao kasunod nito ay makikita sa gawa. “Ang magandang puno ay namumunga ng magandang bunga, at ang pangit na puno ay namumunga ng pangit. Ang magandang puno ay hindi namumunga ng pangit, at ang pangit na puno ay hindi namumunga ng maganda” (7:17-18).

“Katulad kayo ng mga libingang pininturahan ng puti at magandang tingnan sa labas, pero ang nasa loob ay puro kalansay at iba pang maruruming bagay” (v. 27). Ang tinutukoy dito ni Jesus ay ang custom nila sa paglilibing. Hindi naman dikit-dikit ang libingan nila noon. Sa mga panahon na maraming mga dayuhan tulad ng araw ng pista ang libingan ay pinipuntarahan ng puti. Dahil kapag ang isang tao ay dumikit doon, siya ay magiging ceremonially unclean (ayon sa Bilang 19:16) (Morris, Matthew, 585). Siyempre, magandang tingnan sa labas. Pero kung tiningnan mo sa loob ang libingan, kalansay ang laman at nabubulok na bangkay. Malinis nga sa labas, ngunit marumi sa loob. Naging malinaw ang paliwanag niya sa verse 28, “Ganyang-ganyan kayo, dahil kung masdan kayo ng mga tao’y parang tama ang ginagawa ninyo, pero sa loob ninyo’y puno kayo ng pagkukunwari at kasalanan.” Oo nga’t kung makita ng mga tao ang kanilang ginagawa, parang banal, parang masunurin sa Dios. Pero ang Dios sa puso ng tao nakatingin. Nakikita ng Dios kung ang puso natin ay hindi sumusunod sa kanya.

Ang isang tagasunod ni Jesus ay siyang totoo sa puso ang lahat ng mga ginagawa, at hindi pakitang-tao lang. Kaya naman, siyasatin nating mabuti kung ang mga sinasabi at ginagawa natin ay ayon sa totoong nasa puso natin. Sabi ni Tozer, “Walang anumang gawa na may pangit na motibo ang maaaring maging mabuti, kahit na may ilang kabutihan ang mangyari dulot nito” (Root of the Righteous, p. 89).

Kaya siyasatin nating mabuti ang sarili natin. Lalo na tayong mga Cristianong aktibo sa ministeryo. Don’t equate activity or busyness in religion with true spirituality. Tanungin ang sarili, bakit ka nangunguna sa awit sa pagsamba – palabas lang o because you love God? Bakit ka nagtuturo ng Salita ng Diyos – para mapuri ng tao o because you love God and the church? Bakit ka nagseserve sa mga ministries – para makaiwas sa problema sa bahay o because you are really concerned in helping other people?

AYAW SA TOTOO, NAMUMUHAY SA KASINUNGALINGAN (23:29-36)

Ika-apat, dahil ang pakitang-tao ay pagyakap sa kasinungalingan, at ayaw sa katotohanan. Malinaw ito sa vv. 29-36. Itong mga Pariseo sinasabi nilang sila ang bida kasi nililinya nila ang sarili nila dun sa mga propeta. Nagpupunta sila sa memorial park at pinapaganda libingan nitong mga namatay nang mga propeta. Siyempre akala ng mga tao, kamag-anak nila. Kung baga gusto nilang sabihing sila ang bida. Kung sa panahon ng mga propeta hindi daw sila tutulad sa mga ninuno nilang nagpapatay sa mga ito. Pero sabi ni Jesus, “Pare-pareho naman kayo!” Kung ano ang ginawa ng mga ninuno nila, yun din ang gagawin nitong mga Pariseo (vv. 34-36). Kaya guilty rin sila. Kaya sabi rin ni Jesus, “Mga ahas! Lahi kayo ng mga ulupong” (v. 33)! Tulad din sila ni Satanas na manloloko. Namumuhay sa kasinungalingan. Nagpapanggap. Nagmamalinis. Naghuhugas-kamay. Akala mo maganda ang sinasabi, akala mo maganda ang ginagawa, pero hindi pala. Dahil diyan, nakaabang ang parusa ng Dios sa mga taong kagaya nila, kaparusahan sa impiyerno. Hindi nila ito matatakasan. Ang mga tao puwede nilang lokohin. Ang Dios hindi kailanman maloloko ng pagkukunwari ng tao. Alam ng Dios ang nasa puso ng bawat tao.

Bakit sila galit sa mga propeta ng Diyos, lalo na sa Panginoong Jesus? Kasi ayaw nilang marinig ang totoo sa kanila. Masakit tanggaping mali sila. Masakit tanggaping masamang tao sila. Sila ang bida, si Jesus ang kontra-bida, sa tingin nila. Pero mga bulag. Pinapakita na ang totoo. Ayaw pa ring tanggapin. Hipokrito nga.

Ang isang tagasunod ni Jesus ay siyang tumatanggap ng katotohanan, kahit pa masakit itong tanggapin. Hindi niya pagtatakpan ito at ipapakita sa mga taong hindi siya nagkamali. Hindi siya magmamalinis kundi aaming nagkasala siya. Kaya naman napakahalaga sa atin ng mga Kaagapay Groups. Kasi dito meron tayong accountability. May sasaway sa atin at sasabihing nagkasala tayo. Hindi na tayo dapat magsuot ng maskara. Ipakita natin ang totoong mukha natin na kapag marumi ay hayaan ang Diyos na linisin tayo. It breaks my heart as a pastor and it breaks the heart of God kapag may nakikita ako na sobrang active sa ministry pero alam kong may itinatago siyang kasalanan, hindi maayos ang relasyon niya sa Diyos at sa ibang tao. Kaya kahit masakit, kailangang sabihan ko at ipakita ko sa kanyang nagkakasala siya.

Maliwanag sa apat na tiningnan natin kung bakit galit ang Diyos sa mga pakitang-tao lang sa kanilang pagiging Cristiano. Gusto ni Cristo, magpakatotoo tayo. Paano kaya? Heto ang ilan as mga maaari n’yong tandaan based sa nakita natin kanina:

  1. Remember that God hates hypocrites, but desires true holiness. Tayo’y mga anak ng Diyos. Like father, like son, di ba? Ang hipokrito parang si Satanas na nagpapanggap na angel of light, pero prince of darkness pala. We must love what God loves and hate what God hates.
  2. Focus on the inside, not on the outside. If you are busy sa ministry at napapabayaan mo ang relasyon mo sa Diyos at sa pamilya mo, take a break. Pray more. Meditate on his Word more. Let the outside flow from the inside. Your passion for ministry must flow from your passion for God and his people.
  3. Face the truth, even if it hurts. Kung may sinabi sa iyo ang Diyos at ipinakitang mali ka, tanggapin mo. Pag pinagsabihan ka o nasermunan, tanggapin mong mali ka. Masakit pero paraan din na maipakita ang pag-ibig ng Diyos sa atin.
  4. Deal honesty with your sin, don’t try to hide it. Nagkakamali naman talaga tayo. Makasalanan pa rin. Be real. Kung ipapakita mong you are 100% holy, sino ang niloloko mo? Kahit leader ka na o pastor, huwag mong takpan ang kasalanan mo, aminin mo at humingi ka ng tulong. Wala namang gagaling nang hindi nalalaman o itinatago ang sakit, di ba? Kung gusto mong mamatay, e di itago mo. Sinong kawawa?

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.