April 10, 2011 || By Derick Parfan || Scripture: Luke 6:27-36
But I say to you who hear, Love your enemies, do good to those who hate you, [28] bless those who curse you, pray for those who abuse you. [29] To one who strikes you on the cheek, offer the other also, and from one who takes away your cloak do not withhold your tunic either. [30] Give to everyone who begs from you, and from one who takes away your goods do not demand them back. [31] And as you wish that others would do to you, do so to them. [32] “If you love those who love you, what benefit is that to you? For even sinners love those who love them. [33] And if you do good to those who do good to you, what benefit is that to you? For even sinners do the same. [34] And if you lend to those from whom you expect to receive, what credit is that to you? Even sinners lend to sinners, to get back the same amount. [35] But love your enemies, and do good, and lend, expecting nothing in return, and your reward will be great, and you will be sons of the Most High, for he is kind to the ungrateful and the evil. [36] Be merciful, even as your Father is merciful.
“I AM AN ENEMY TO MY ENEMIES!”
Sometimes, loving someone can be easier. Mas madaling mahalin ang asawa mo kapag nakikita mong masipag at nakikita mong inirerespeto ka. Mas madaling pagsabihan ang anak mo kapag nakikita mong nakikinig sa iyo. Mas madaling sumunod sa utos ng nanay mo kapag nangakong papayagan kang sumama sa lakad ng barkada mo bukas. Mas madaling ngitian at kumustahin ang isang kasama sa church kapag masarap siyang pakisamahan. Mas madaling bigyan ng ulam ang kapitbahay mo kapag kahapon lang ay binigyan ka rin ng ulam. Kung may tatanawin tayong utang na loob sa kanila, mas madali sa ating magbigay ng tulong kung sila naman ang nangangailangan.
Pero kung ang magtutulak sa atin para mahalin o maging mabuti sa ibang tao ay kung dahil lang kapamilya sila o madali silang pakisamahan, mahihirapan na tayo kapag ibang tao na at lalo na kapag salbahe pa ang ugali sa atin. Mas madaling pakisamahan ang kaibigan; pero paano kung ang kaibigan mo dati ang nakagalit mo at nakasamaan ng loob? Paano kung ang asawa mo pa ang naging kaaway mo? Paano kung ang boyfriend mo hindi naging faithful sa iyo? Paano kung kasama mo pa sa Kaagapay Group ang nagtsismis sa iyo na madaldal ka? Paano kung ang tinutulungan mong i-disciple ang nagsinungaling sa iyo at siniraan ka sa ibang tao?
At kung utang na loob ang magiging basehan natin ng pagtulong din sa iba, paano kung wala na tayong makukuhang pakinabang sa kanila? Paano kung palagi na lang tayo ang nagbibigay? Paano kung sampalin ka? Paano kung may hiniram sa iyo tapos hindi na binalik? Paano kung ang “pahiram” na narinig mo sa kanya, ay naging “pahingi” pala? In those cases, loving someone can be tougher, much more difficult. Imbes na utang na loob, magiging utang na sama ng loob na!
“YOU ARE ASKING ME TO LOVE THEM? ARE YOU SERIOUS?”
Pero ito ba ang nais ng Panginoong Jesus na tugon natin sa tuwing inaagrabiyado, inaapi, o inaabuso tayo ng ibang tao? Ano ang nais niya?
Subalit sinasabi ko sa inyong mga nakikinig sa akin: Mahalin ninyo ang inyong mga kaaway at gawan ng mabuti ang mga napopoot sa inyo. Pagpalain ninyo ang sumusumpa sa inyo at ipanalangin ang mga nang-aapi sa inyo. Kapag sinampal ka sa isang pisngi, iharap mo rin ang kabila. Kapag inagaw ang iyong balabal, huwag mong ipagkait ang iyong damit. Bigyan mo ang bawat humihingi sa iyo; at kung may kumuha ng iyong ari-arian, huwag mo nang bawiin pa ang mga iyon (vv. 27-30).
Maliwanag ang sinasabi dito ng Panginoong Jesus. Love your enemies! Tapos nagbigay pa siya ng karagdagang paliwanag at ilustrasyon kung paano gagawin ito. Direkta ang utos niya. Walang nakalagay na mga kundisyon. Hindi, “Love your enemies if or when…” But, “Love your enemies. Period.” Direct and specific ang mga instructions niya sa atin dito. Pero siyempre tatanungin din natin o kaya ay magpoprotesta tayo, “Seryoso ka ba diyan, Panginoon? Seryoso ka bang gusto mong ipagtimpla ko pa ng kape ang asawa kong tamad? Buhusan ko pa siguro ng kapeng mainit puwede pa.” O, “Gusto mo ba talaga, Lord, na kapag may bumato sa akin ng bato at tinamaan ako sa mukha, hindi ako dapat gumanti, sa halip ay batuhin ko pa ng tinapay para may makain siya?”
Ano kaya ang isasagot ng Panginoon? Siyempre, “Oo, hindi ako nagbibiro.” Treat your enemies as family. Treat strangers as friends. Treat your angry brother or sister like they you belong to the same family of God. This is difficult! Kaya ang tanong na sasagutin ko ngayon ay, “Why is enemy-love difficult, so difficult?”
ENEMY-LOVE IS REVOLUTIONARY
Enemy-love is difficult because it is revolutionary. To say that it is revolutionary means it is “bringing about a major or fundamental change” (Merriam-Webster’s). We are mounting a revolution against our own sinful, and selfish tendencies to love only those who love us, to do good to only those who are beneficial to us, and to hate and be angry against those who hate or harm us or not beneficial, or a stranger to us. Mahirap ibigin ang kaaway dahil nangangailangan ito ng matinding pagbabago sa puso natin.
Ngayon tingnan natin isa-isa ang walong utos sa verses 27-30 kung bakit ito matatawag na “revolutionary.” Una, “Mahalin ninyo ang inyong mga kaaway.” Ito ang pinaka-general na command na sumasakop sa mga sumusunod. Natural sa atin na kapag may umaaway sa atin aawayin din. Pag may nagalit sa iyo, magagalit ka rin. Pero sabi ng Panginoong Jesus, “Love your enemies.” Sinundan pa niya, pangalawa, ng “Gawan ng mabuti ang mga napopoot sa inyo.” You don’t just say you love them. You show your love for them. You don’t just say you already forgave them. You show that they are really forgiven.
Pangatlo, “Pagpalain ninyo ang sumusumpa sa inyo.” Siyempre ‘pag may nagsabi ng masakit laban sa atin o may isang tao na gusto o natutuwa kung nagkakamalas-malas ang buhay mo, likas sa ating gusto nating gumanti. Pag sinabihan kang “Pangit,” sasabihin mo, “Pangit ka rin! Mas pangit ka pa nga!” Sa halip na ganito ang isagot, sabi ng Panginoon na ang igaganti nating salita ay maganda.
Kaya nga sinabi rin niya, pang-apat, “Ipanalangin ang mga nang-aapi sa inyo.” Siyempre pag may nang-aapi o nang-aabuso sa kabutihan mo, parang gusto mo na ring sabihin, “Madapa ka sana” o “Ang bait-bait mo talaga (sarcasm). Kunin ka na sana ni Lord.” Sa halip sabi ng Panginoon, “Pray for them.” Maaaring isa sila sa nais ni Cristo na ilagay ninyo sa inyong prayer card na ipapanalanging makakilala kay Cristo. Pray the Lord’s Prayer for them, “Maluwalhati ka nawa sa buhay nila, bigyan mo sila ng kanilang pagkain sa araw-araw, patawarin mo sila, at ilayo sa masama. Tulad din ng ginawa ng Panginoong Jesus sa kanyang panalangin sa kanyang kaaway (23:34), at ni Stephen (Acts 7:60).
Iyong sumunod na apat ay mga specific illustrations kung paano natin ipapakita ang pag-ibig sa kaaway. Panglima, sabi ni Cristo, “Kapag sinampal ka sa isang pisngi, iharap mo rin ang kabila.” Naalala ko tuloy ang asawa ng isang kaibigan ko na pagkatapos mabago ang kotse ng isang tricycle, bumaba siya at hinarap ang driver. Dahil wala naman daw maibabayad sa kanya, sinampal niya na lang. Mas gusto nating gumanti, pero sabi ng Panginoon, “Hayaan niyo nang kayo ang sinasaktan, kaysa kayo ang nananakit.”
Ganoon din sa pang-anim, “Kapag inagaw ang iyong balabal, huwag mong ipagkait ang iyong damit”; pampito, “Bigyan mo ang bawat humihingi sa iyo”; at pangwalo, “Kung may kumuha ng iyong ari-arian, huwag mo nang bawiin pa ang mga iyon.” Ayaw nating may mawawala sa atin (pera man ito o oras) at mapupunta sa iba. Pag may nawala sa atin gusto natin maibalik agad. Pero sabi ng Panginoon, “Hayaan ninyong may mawala sa inyo, kaysa naman kayo ang mang-aagaw sa ibang tao.” This is revolutionary.
Tulad ng mga rebolusyong nangyayari ngayon sa iba’t ibang bansa sa Middle East. Gusto nilang patalsikin ang namumunong presidente o prime minister, na mabago ang gobyerno. Ganoon din ang panawagan sa atin sa mga utos na ito. Hindi na ang gusto natin ang dapat masunod. Jesus is Lord of our hearts, hindi tayo ang nakaupo sa trono. The Word of God is our guide. Not our feelings. Ang presidente ng Egypt ilang araw na ayaw matinag sa kabila ng napakaraming kilos-protesta. Pero bumigay din. Ang iba sa atin, sa relasyon ninyo sa ibang tao lalo na sa mga nananakit sa inyo, parang ayaw mong matinag at pinaghaharian ka pa rin ng sama ng loob, paghihiganti, hindi pagpapatawad, at kawalan ng pagkilos para maipakita ang pag-ibig ng Diyos sa kanila. Jesus is asking you this revolutionary question, “Who is Lord of your heart? Who will be Lord of your heart?”
ENEMY-LOVE IS RADICAL
Enemy-love is also difficult because it is radical. To be radical means to be “marked by a considerable departure from the usual or traditional” (Merriam-Webster’s). Ang pag-ibig sa kaaway ay ibang-iba sa mundong hindi sumusunod kay Jesus. The Lord Jesus is calling to be radically different. Kaya nga sa version sa Matthew nakalagay, “Narinig ninyong sinabi, ‘Ibigin mo ang iyong kapwa at kamuhian mo ang iyong kaaway.’ Ngunit ito naman ang sinasabi ko, ibigin ninyo ang inyong mga kaaway at ipanalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo.” Ang problema sa atin, nakikiuso sa takbo ng panahon. Pero patungkol sa pagtrato sa ibang tao lalo na sa mga kaaway, hindi tayo dapat makiayon sa takbo ng mundo. “Do not be conformed to the pattern of this world; but be transformed by the renewing of your mind” (Rom. 12:2). Inihihiwalay tayo ng Panginoon sa takbo ng mundong ito. Unti-unti tayong binabago. Kaya nga ang simula sa Luke 6:27, “But I say to you who hear, love your enemies…” (v. 27). Sinasabi niya, “You are different.” Ang mga nauna niyang binanggit ay mga taong hindi nakikinig kay Jesus. Pero ang mga tunay na disciples ni Cristo ay iyong mga nakikinig sa kanya. At kung nakikinig sa kanya, sila ring umiibig sa kanilang kaaway.
Kung ang nagmamahal lamang sa inyo ang inyong mamahalin, ano pang gantimpala ang inyong hihintayin? Ang mga makasalanan man ay marunong ding magmahal sa mga nagmamahal sa kanila. Kung ang mga nagmamabuti lamang sa inyo ang inyong gagawan ng mabuti, ano pang gantimpala ang inyong hihintayin? Kahit ang masasamang tao ay gumagawa rin niyan! At kung ang makakabayad lamang ang inyong pauutangin, ano pang gantimpala ang inyong hihintayin? Kahit ang masasamang tao ay nagpapautang din sa kapwa nila masama, sa pag-asang sila’y mababayaran (vv. 32-34).
If our love is selective and conditional, we are just like the rest of the world who do not know Jesus. Ano pang ginagawa natin dito sa church at nag-aaral ng kanyang Salita kung pareho din naman pala ang buhay natin sa buhay nila? “At kung ang mga kapatid lamang ninyo ang inyong binabati (at wala kayong pakialam sa ibang tao at sa mga bago nating nakakasama sa church kahit pa hindi kaaway ang turing sa kanila), ano ang ginagawa ninyong higit kaysa iba” (Matt. 5:47)? Luke 6:35, “But love your enemies…” Ayun na naman, pinapakitang iba tayo. Iba dapat tayo! That’s the point rin naman ng pag-aaral natin ng series natin na “Following Jesus the Lord of All.” Si Cristo ang Panginoon natin. Pero sa tuwing ang ugali natin, ang klase ng pamumuhay natin, ang klase ng relasyon natin sa ibang tayo ay tulad din naman ng mga hindi Cristiano, we are saying that Jesus is not our Lord.
Hindi ko sinasabing madali. Ang point ko nga ay ipakita kung bakit tayo nahihirapan dito at ano ang solusyon para masunod natin ang utos ni Cristo. Enemy-love is both revolutionary and radical. Kaya kung aawayin ka ng asawa mo, bago ka sumagot at sumigaw, tanungin mo ang sarili mo, “Ano ang kaibahan ng gagawin ko sa gagawin ng isang hindi taga-sunod ni Cristo? O magiging pareho lang?” O kung may kainggitan sa trabaho at naninira sa iyo, tanungin mo ang sarili, “Paano makikita ang kaibahan ng pagiging isang Cristiano sa hindi?”
Why would I do something so revolutionary and so radical? Kapag mahirap, may tendency tayo na sabihing, “Hindi ko naman kaya ‘yan, di ko na lang gagawin.” Pero marami naman din tayong ginagawang mahirap. Tulad ng pagtatrabaho maghapon o kaya ay pagtakbo ng 5-km sa Run for a Cause, kahit kayo pa ang magbayad. Ginagawa kasi motivated by reward kapag natapos. Mayroong kapakinabangan o satisfaction.
ENEMY-LOVE IS REWARDING
Ganoon din sa pag-ibig sa kaaway. Enemy-love is difficult. But is is also rewarding. May dulot itong gantimpala ngayon at sa hinaharap. Kung pipiliin lang natin ang mamahalin natin, o iiwasan ang ibang tao, o hindi gagawa ng mabuti para sa mga kaaway, tatlong beses itinanong ng Panginoon sa verses 32-34 ang, “Ano pang gantimpala ang inyong hihintayin?” Ang implikasyon nito ay ito: Kung ipapakita natin ang pag-ibig natin at mabuting gawa kahit na sa mga kaaway natin, mayroong naghihintay na gantimpala sa atin.
Bahagi ng gantimpalang ito ay ang maaari nating asahang kabutihan ding igaganti sa atin ng iba. This seems to be the motivation behind the command in verse 31, “Gawin ninyo sa inyong kapwa ang nais ninyong gawin nila sa inyo” (v. 31). Ito ang tinatawag na Golden Rule. Ganoon din sa verses 37-38:
Huwag kayong humatol at hindi kayo hahatulan. Huwag kayong humusga at hindi kayo huhusgahan. Magpatawad kayo at kayo’y patatawarin. Magbigay kayo at iyon ay ibibigay sa inyo—hustong takal, siniksik, niliglig, at umaapaw, ang ilalagay nila sa inyong kandungan. Sapagkat sa panukat na inyong ipanukat ay doon din kayo susukatin (Ang Biblia, 2001).
Puwedeng mayroon tayong aasahang mabuting bagay din galing sa ating mga kaaway kung nagpakita tayo ng mabuti sa kanila. Pero hindi tayo dapat na umasa. Alam naman nating hindi lahat ng tao ay tutugon nang maganda sa ginagawa natin. “Sa halip, mahalin ninyo ang inyong mga kaaway at gumawa kayo ng mabuti. Magpahiram kayo na hindi umaasa ng anumang kabayaran” (v. 35a). Bakit? “Sa gayon, malaking gantimpala ang tatamuhin ninyo.” Hindi tayo sa gagawin ng iba aasa, kundi sa gagawin at ipagkakaloob na gantimpala ng Diyos. Kahit na inaalipusta tayo, “Rejoice and leap for joy, for behold, your reward is great in heaven.” (vv. 22-23). Hindi man natin ngayon matanggap ang gantimpala natin, kahit na malaki ang mawala sa atin, makakaasa tayong tapat ang Diyos na may nakalaan nang gantimpala sa atin sa langit.
It is not wrong to be motivated by rewards. Ang dami niyan sa mga salita ng Panginoong Jesus. Ang masama ay maging motivated ng mga rewards na pansamantala lang at maliit lang. Dati may SM Advantage Card ako na nagbibigay ng reward points kapag bumibili ka sa SM. Pero nang makita kong konti lang pala at parang lugi pa ako, hindi ko na itinuloy. Kapag tanungin ako lagi, “Gusto niyo pong kumuha ng advantage card?” Sagot ko, “Ayoko.” Ganoon din sa rewards sa mga credit cards. Kala mo kumikita ka, may napapala ka, pero sila pala ang mas kumikita at ikaw ang nalulugi.
Ang nais ng Diyos na maging motivation natin ay iyong malaki, hindi nauubos at pinakamahalagang reward. At kung makikita natin kung ano ito, masasabi natin kapag tinanong tayo, “Will you love your enemies?” na “Yes, Lord.”
ENEMY-LOVE IS REFLECTIVE
Binanggit ni Jesus kung ano ang isa sa mga rewards na ito kung iibigin natin ang ating mga kaaway: “Sa gayon, malaking gantimpala ang tatamuhin ninyo, at kayo’y magiging mga anak ng Kataas-taasang Diyos. Sapagkat siya’y mabuti kahit sa masasama at sa mga hindi marunong tumanaw ng utang na loob. Maging mahabagin kayo tulad ng inyong Ama (vv. 35-36). Kapag iniibig natin ang ating kaaway, nagiging katulad tayo ng Diyos. Nakikitang tunay ngang tayo’y mga anak ng Diyos. And it is a great reward to be like God. Enemy-love, then, is reflective. Ito ay salamin ng awa at habag ng Diyos sa mga makasalanang tulad natin.
Kapag humarap ka sa salamin, kung anong kilos mo iyon din ang makikita mo. Kaya nga siguro tuwang-tuwa ang anak namin pag nakita ang sarili niya sa salamin. Ako rin siyempre natutuwa kapag sinasabi ng mga taong nagiging kamukha ko na si Daniel kahit sa simula ay hindi pa. Kapag nagpapakita tayo ng pag-ibig sa ating mga kaaway, natutuwa ang Diyos, tuwang-tuwa dahil nakikita niyang “Like father, like son.” It is really rewarding to see the Father smile upon us.
Ngunit ipinadama ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Cristo para sa atin noong tayo’y makasalanan pa…Dati, tayo’y mga kaaway ng Diyos, ngunit tinanggap na niya tayo bilang mga kaibigan sa pamamagitan ng pagkamatay ng kanyang Anak (Rom. 5:8, 10).
THE GOD OF MERCY, YOU AND THE WORLD
Sa pelikulang End of the Spear, mapapanood natin ang totoong istorya ni Steve Saint. Dalawang taon pa lang siya nang patayin ng mga taga-tribo ng Waodani ang kanyang tatay na si Nate Saint, kasama ang apat pa, sa kanilang attempt na mag-reach-out sa kanila. Ang mga Waodani ay kilala sa kanilang galit, pagpatay at paghihiganti. Minsan tinanong niya ang tatay niya kung sakaling aatakihin sila ay bubunutin ba niya ang baril niya para depensahan ang sarili. Sagot ng tatay niya, “We can not kill the Waodani. We are ready for heaven, but they are not.” Masakit para sa kanya nang mamatay ang tatay niya. Pero sa kabila noon, some of the family members ng mga pinatay na missionaries ay bumalik sa tribo hindi para maghiganti kundi para ipakilala ang Diyos ng awa sa kanila. What they did was revolutionary and radical. But they did it because they know that it is rewarding and reflective of the Father’s mercy. Ngayon, naging Cristiano na si Mincayani, isa sa mga pumatay sa tatay niya, at kasama niyang ipinapakilala ang Diyos.
Mahabagin ang Diyos. Naranasan mo iyan nang mamatay si Cristo para maligtas ka. Pero maraming tao pa ang hindi nakakaranas niyan. Nais ng Diyos na sa pamamagitan natin, makita ng mga tao ang kanyang awa. Kahit mahirap, gagawin natin at ipapakita ang pag-ibig sa ating mga kaaway at sa mga taong matagal na natin ipinagwawalang-bahala, dahil dito: That they may see the Father’s mercy through our mercy. Upang kanilang makita ang habag ng ating Ama sa pamamagitan ng ating awa.
The Word of God is so clear, Love Your Enemies. Thank You kuya.
LikeLike
hi! po ptr.derick.napaganda po ng mensaheng ito.salamat po at ginagamit kayo ng DYOS sa mga magagandang kapahayagan nya.halos po lahat ng mensahe nyo ay binabasa ko,,at marami po akng natutunan.GOD bless you more.
LikeLiked by 1 person
Thankyou for this. May God give you more knowledge and wisdom! God bless you more!
LikeLiked by 1 person
Thank you po sa wonderful message…sobra po akong nakarelate,as my situation right now dito po ako nag iistruggle as a Christian alam ko pong isang pagsubok ito ng Lord upang mabuild pa ang character ko like Jesus..mahirap po pala talaga pero mas Lalo pong nabuksan ang isip at puso ko ngayon dahil sa message na to..maraming salamat po.God bless you more po.
LikeLiked by 1 person