March 27, 2011 | By Derick Parfan | Scripture: Mark 10:13-16
[audio http://cdn.sermonplayer.com/k/pastorderick/audio/2651190_19480.mp3]
[vimeo http://vimeo.com/22642678]
And they were bringing children to him that he might touch them, and the disciples rebuked them. 14But when Jesus saw it, he was indignant and said to them, “Let the children come to me; do not hinder them, for to such belongs the kingdom of God. 15Truly, I say to you, whoever does not receive the kingdom of God like a child shall not enter it.” 16And he took them in his arms and blessed them, laying his hands on them.
The Most Important Human Relationships: The Family
Sabi sa isang survey na ang pangunahing source ng kasiyahan ng mga Pilipino ay ang pamilya. Obvious naman iyan, di ba? Hindi na natin kelangan ng survey para mapatunayan yan. Nararamdaman naman natin yan. Minsan nakita ko ang isang pamilya na maagang dumating isang Sunday. Magkakatabi tatay, nanay, tatlong anak. Nakakatuwa. Sarap picturan. Masaya siyempre kapag magkakasama ang buong pamilyang sumasamba at naglilingkod sa Diyos. Kung ang pamilya ang pangunahing dahilan ng kasiyahan natin, totoo ring ang pamilya ang maaaring maging pangunahing dahilan ng kalungkutan at kapighatiang mararanasan natin. Kahit ako ay naiiyak kapag may nakakausap akong hiniwalayan ng asawa o lumayas ang anak at nagrerebelde. The family is a source of great joy (and also a source of great misery) because it is the most important human relationship that God has created.
Kaya nga kung mapapansin ninyo na ipinagpapasalamat natin na ginagawa ng Diyos nitong nakaraang mga linggo ay may kinalaman sa pamilya at ministeryo natin sa pamilya. Ganoon din ang mga ipinapanalangin nating gagawin pa ng Diyos. Pagkatapos ng tatlong linggong pag-aaral natin sa Mateo 19:3-12 (“Let Not Man Separate”) tungkol sa pag-aasawa, paghihiwalay, at pagiging single, at pagkatapos ng sermon ni Ptr. Eric Agustin last week para sa ating Children’s Sunday (“Building a Godly Heritage,” Deut. 6:1-19), titingnan naman natin ang utos niya na may kinalaman sa ating mga anak. Hindi maaaring paghiwalayin ang marriage at parenting. Kaya nga pagkatapos ng 19:3-12 ay makikita sa vv. 13-15 ang utos ng Panginoon, “Let the children come to me.” Pero titingnan natin ang version dito ni Mark sa 10:13-16. Makikita natin ngayon na Jesus is not just Lord of how we relate to our spouse but also on how we relate to children.
Ayon kay Mark, nang tanungin ng mga disciples si Jesus tungkol sa pag-aasawa ay nasa isang bahay na sila (v. 12). Hindi natin alam kung gaano katagal ang lumipas bago ang verse 13 (“And…”). Pero maaaring kasunod lang din dahil natural na ang usap ay mapupunta sa mga bata pagkatapos ng sa pag-aasawa. May pangyayari ring nagbunsod bakit ito ang nabanggit ni Jesus. Hindi na ang maling pananaw ng mga Pharisees kundi ang maling ugali ng mga disciples ni Jesus tungkol sa mga bata.
The Problem: Neglect of Children
“And they were bringing children to him that he might touch them, and the disciples rebuked them” (v. 13). Kung anong hangad ng mga magulang ay siya namang hinahadlangan ng mga disciples. Gusto ng mga magulang na mahawakan ni Jesus ang mga anak nila. Kay Matthew nakasaad na ito ay ang pagpatong ng kamay upang basbasan at ipanalangin. Base na rin ito sa pagsunod sa tradisyon ng mga Judio na pagbabasbas sa mga anak. Gusto rin ng mga magulang na ang kanilang mga anak ay lumaking taglay ang blessing na galing sa Diyos. At naniniwala silang si Jesus ay makapagbibigay nito at papakinggan siya ng Diyos kung siya ay manalangin. Ilang pagpapagaling at mga himala na rin ang nakita nila kay Jesus.
Pero may humahadlang sa gusto nila. Hindi mga kontrabidang mga Pharisees ang nandito. Kundi mga disciples pa mismo ni Jesus. They were rebuking the parents. Kung medyo nagkakagitgitan baka naitutulak pa. Patuloy marahil ang pagdating ng tao (“they were bringing…”). Habang mas nakikiusap ang mga ito baka nasisigawan na sila ng mga disciples dahil sa inis. Bakit ganito sila? Hindi sinabi sa teksto ang dahilan. Marahil ay itinuturing nilang sagabal ang mga bata at may mas importante pang dapat pagkaabalahan si Jesus kaysa sa kanila. Tulad din ng iba sa panahon nila itinuturing na di mahalaga ang bata, na pasanin at pabigat lang, hanggat nakadepende pa sa magulang.
Problema ang hindi pagpapahalaga sa mga bata. Ang pagpapabaya sa kanila. Kahit sa mga panahon natin. Hindi lang iyong mga nababalitaan nating iniiwan ang kanilang anak sa tapat ng bahay ng ibang tao. Hindi lang iyong binubugbog ang kanilang anak. Kundi maging mga Cristiano rin na members ng church at nagsisimba linggo-linggo. Sasabihin ninyo, “Hindi ko naman pinababayaan ang aking anak. Malusog naman. Nakakapagaral.” Pero tanungin natin ang sarili natin: Lumalaki ba siyang may disiplina? Nasusubaybayan ba siya o ipinapaubaya lang sa yaya o kay nanay lang at wala kang oras sa kanya kasi busy sa trabaho o ministry o malayo ka? Iniisip mo sigurong hindi pa siya mahalaga kasi one month o 10 years old pa lang. Hindi niya kilala si Jesus hindi dahil bata pa siya kundi dahil hindi mo pinakilala. Ang pagiging Cristiano baka hindi niya rin naman nakikita sa buhay mo. Ngayon sa tingin ninyo, hindi ba’t nagiging pabaya rin tayo sa mga anak natin?
Ganoon din sa pagpapahalaga natin sa mga bata sa church. Oo nga’t may children’s ministries tayo. Pero iniisip natin na sila na bahala kasi sila naman ang mga Sunday School teachers. May pag-iisip tayong hindi sila dapat masyadong pansinin o paglaanan ng panahon. Sa pagtuturo sa kanila baka hindi masyadong pinaghandaan kasi bata pa “lang” naman sila. Bakit hindi rin tayo nakakapagbautismo ng mga bata? Sa attitude natin pag worship ang mga bata ay iniisip na distractions lang. Kung magshare tayo ng gospel, baka matatanda lang ang target natin. Child neglect is a problem in the church also. Kahit di pa natin sila saktan o sigawan, basta hindi natin ginagawa ang dapat nating gawin para sa kanila at nagiging pabaya tayo.
Jesus Loves the Little Children
Para mas makita natin ang kaseryosohan nito, tingnan natin ang naging damdamin ni Cristo sa ginagawa ng kanyang mga disciples. “But when Jesus saw it, he was indignant and said to them, “Let the children come to me; do not hinder them, for to such belongs the kingdom of God.” (v. 14). Sa Matthew at Luke hindi natin makikita ang damdamin na ito ni Jesus. Pero dito sa Mark, nais niyang makita natin ang bigat ng pananalita niya sa verse 14. Hindi lang malumanay ang pagsasalita niya rito kundi may force, “Huwag niyo silang pigilan! Hayaan niyo!” Tulad din ng isang nanay na nakita ang yaya ng bata na sinasakal ang kanyang anak, hindi naman iyan magiging malumanay sa pagsasalita.
Sinasaway nila ang mga magulang dahil baka makaistorbo kay Jesus pero ngayon sila ang sinaway ni Jesus dahil sila mismo ang nagiging istorbo sa pagtupad ng layunin ng Diyos. Ang galit na ito ay reaksiyon niya sa isang bagay na sa tingin niya ay di tama. Ang reaksiyon natin o damdamin sa isang bagay ay nagpapakita kung gaano natin ito pinahahalagahan. Magkaiba ang reaksiyon natin kapag may nabasag na baso kumpara sa isang mamahaling vase. Ipinapakita dito kung gaano kahalaga ang bata kay Jesus. Jesus loves the little children so much. Kung pinababayaan natin ang mga bata hindi siya matutuwa. Kung hahadlangan natin sila na matupad ang layunin ng Diyos sa buhay nila, kahit pa sa tingin natin ay ginagawa natin ang mga ito dahil sa pag-ibig natin sa kanila, hindi rin siya matutuwa at pagsasabihan rin tayo.
Loving Children Like Jesus Did
Ang mas mahalaga ngayon dito ay hindi ang gusto ng mga magulang bagamat maganda ang motibo nila. Hindi rin ang nais ng mga disciples kundi ang nais ng Panginoon. Ano bang gusto niya? Makikita natin ito pareho sa positibo at negatibong paraan: “Hayaan niyong lumapit sa akin ang maliliit na bata. Huwag ninyo silang pagbabawalan o hahadlangan.” Nais ni Jesus na magkaroon rin tayo ng puso para sa mga bata nang tulad sa kanya. Jesus loves them more then us, more than even their own parents. Gusto niyang lumapit sa kanya ang mga bata kasi gusto niyang mapasakanila ang pinakamahalaga sa lahat. Ang makilala si Jesus. Ang makapiling siya at maranasan ang tunay na buhay. Kaya gawin natin lahat ng magagawa natin para mailapit sila kay Jesus. Huwag nating hayaang anumang bagay o sinumang tao ang makahadlang sa kanila. Marami na ngang balakid sa kanila para makakilala kay Jesus at tuluyang sumunod sa kanya, huwag na nating gawin ang sarili nating isa sa mga hadlang na iyon. Parehong present tense na verbs ang ginamit sa utos na ito na nagpapakita na ito dapat palagi ang ginagawa natin. Patuloy ang gawa natin para ilapit sila kay Jesus at maging mapagbantay sa mga bagay o tao o impluwensiyang makakahadlang sa kanila o makapaglalayo sa kanila kay Jesus.
The Kingdom of God is not R-18 but for All Ages
Bakit ganito ang nais niya sa mga bata at siyang gagawin din natin para sa kanila? “Let the children come to me; do not hinder them, for to such belongs the kingdom of God” (v. 14). Ang kaharian ng Diyos ay tumutukoy sa pamamahala ng Diyos bilang hari ng aging buhay at ng lahat ng kanyang nilikha. Di natin nararanasan ang tunay na buhay dahil sa pagrerebelde natin. Pero kaya nga naparito si Jesus para ialay ang kanyang buhay para sa atin at maging katubusan ng marami. Jesus Christ came not to be served but to serve and give his life as a ransom for many (10:45). Kasama sa maraming ito ang mga bata. Jesus came to serve and die for children. Huwag nating isiping R-18 lang ang kaharian ng Diyos, na kapag may batang gustong pumasok ay hahadlangan pa natin. Ang paanyaya niya sa Matthew 10:28 ay, “Come to me all of you…” Kasama rin diyan ang mga bata na dala rin ang pasanin ng kasalanan at ang parusang katumbas nito kung hindi nila makikilala ang Panginoong Jesus. Children, as well as adults, need Jesus. Siyempre hindi ibig sabihin nito na “automatic” na kapag bata at Cristiano ang magulang ay ligtas na. Kaya nga sinabi ni Jesus, “to such” o sa mga katulad o kagaya nila. Ang paraan pa rin ng kaligtasan ang paglapit kay Jesus nang may pagtitiwala na siya namang inihahalintulad sa attitude ng isang bata.
Childlike Faith as a Ticket to the Kingdom
Kaya ginawa niyang illustration ang mga bata kung anong klaseng pananampalataya ang nais ng Diyos na taglayin natin, “Truly, I say to you, whoever does not receive the kingdom of God like a child shall not enter it” (v. 15). Ang kaharian ng Diyos ay isang regalo, isang kayamanang dapat nating tanggapin tulad ng isang bata. Bakit? Ano ang kaibahan ng bata sa matanda na nais ni Jesus na matutunan natin kung paano tayo dapat mamuhay bilang mga Cristiano? Dahil ang isang sanggol ay walang magagawa sa sarili niya, kaya lubos siyang umaasa sa kanyang mga magulang. Ito ang nais ng Diyos sa lahat sa atin. Lubos na pagtitiwala kay Cristo.
Kaya tuwing makikita ko si Daniel, aalalahanin kong siya ang paraan ng Diyos na sinasabi niya sa akin araw-araw, “Be like him in your total dependence to me.” Pag may kailangan siya at nagugutom iiyak siya, hindi naman iyan babangon at magtatrabaho at bibili ng pagkain. Kapag pinakain siya, hindi naman niya ito babayaran at hindi niya kayang palitan. Kapag kinarga mo at niyakap, tuwang-tuwa, hindi nagpupumiglas at gustong makawala. Ganito ang panawagan sa lahat sa atin, “Hindi ninyo kayang pagtrabahuhan ang kaligtasan at relasyon niyo sa akin. Ginawa ko na ito para sa inyo. Ang kailangan niyo lang gawin ay magtiwala at hayaan akong kumilos sa buhay niyo.”
Hindi edad ang pinag-uusapan kung makakapasok ka sa kaharian ng Diyos. Natural sa tao ang ayaw pinaghaharian ng iba. Gusto natin tayo ang hari. Gusto natin tayo ang masusunod. Kaya ang pagtanggap sa kaharian ng Diyos ay dapat tulad ng isang bata. Pananampalataya, pagtitiwala at pagpapasakop sa Diyos ang pinag-uusapan dito. Hindi ang edad. Ang isang 10-years old na bata na nagtitiwala kay Jesus ay mararanasan ang buhay na walang hanggan. Pero ang isang lalaking mayaman na 6o years old na at successful na sa buhay pero ang tiwala ay sa sarili at patuloy na gustong sarili niya ang nasusunod, ay hindi sila magkikita ng 10-years old na bata sa langit.
Jesus Invites All to Come to Him
This text then is not just for parenting mainly but for inviting all of us, including children, to follow Jesus. Walang makahahadlang kung nanaisin ng Panginoon. Gusto ng mga magulang, pero ayaw ng mga disciples. Pero dahil gusto ni Jesus, kaya siya ang masusunod. “And he took them in his arms and blessed them, laying his hands on them” (v. 16). Hindi ito “mass” blessing, kundi individual. He takes time para kargahin sila isa-isa, ipadama ang pag-ibig sa kanila, at ipanalangin sila sa Ama. Habang ginagawa niya ito, malinaw na malinaw ang ilustrasyong nais niyang makita ng mga disciples, “Tumulad kayo sa mga bata sa inyong pananampalataya sa akin.”
Five Steps to Letting Children Come to Jesus
Ngayong nakita natin kung ano ang puso ng Panginoong Jesus para sa mga bata at ano ang nais niya para sa ating mga magulang at sa ministeryo natin sa mga bata, tingnan naman natin ang ilang mga praktikal na hakbang na makatutulong sa atin para masunod ang utos ng Panginoong Jesus na “Let the children come to me.” Magmungkahi ako ng limang hakbang ayon sa napag-aralan natin: Decide–Dream–Direct–Defend–Depend. Isa-isahin natin.
Decide now to commit to be a follower of Jesus. Ito ang unang-una dapat. You cannot be a good parent if you are not yourself a child of God. How can you help your children to be born again if you yourself are not born again? Ang isang bata puwede mong samahan sa sinehan para manood ng isang Disney movie kahit hindi mo type ang movie. Pero hindi mo maaakay ang anak mo sa kaharian ng Diyos kung hindi makikita sa iyong gusto mo rin ito para sa sarili mo. Bakit mo aasahang ang anak mo ay magpapasakop sa lordship ng Panginoong Jesus kung ikaw mismo ay nagrerebelde sa nais niya at ang sariling pangarap mo ang gustong masunod. Puwedeng iba ang umakay sa kanila pero you will miss the great privilege of being used by God in the fulfillment of his dream for your child. Kung hindi ka pa baptized o hindi mo pa ipinahahayag ang iyong commitment na sumunod kay Jesus bakit hindi mo gawin agad? Napakagandang makita ang ngiti sa isang bata na makitang ang kanyang mga magulang ay tagasunod ng Panginoong Jesus. And this is not just for your child’s good, it is also for your soul.
Dream the biggest dream for your child. Ang World Vision, dahil naniniwala silang “Jesus loves the little children, all the children of the world,” may pangarap sa mga bata, “Our vision for every child: life in all its fulness. Our prayer for every heart, the will to make it so.” Kung sila nga ganito ang pangarap kahit sa mga batang hindi naman nila anak, paano pa kaya tayo sa mga anak natin. Ang babaw ng pangarap ng isang magulang na umiiyak sa TV dahil napasok ang kanyang anak sa American Idol. Ang babaw ng pangarap ng isang magulang na ang pinakamimithi sa kanilang anak ay magkapag-abroad, o maging abugado, doktor, nurse, engineer. Pero ang panawagan sa ating lahat dito, “Make Jesus and the kingdom of God your dream for your child.” Dream big. But dream the biggest dream. The kingdom of God. Aanhin ng isang bata ang makamtan lahat ng kayamanan sa mundo kung mapahamak naman ang kanyang kaluluwa (8:36).
Noong nagbubuntis pa lang si Jodi, nabasa ko ang Judges 13:12. Dito tinanong ni Manoah, tatay ni Samsom, sa anghel na nagsabing magkakaanak sila ng asawa niya, “Now when your words come true, what is to be the child’s manner of life, and what is his mission?” Napakagandang itanong natin sa Diyos bago pa tayo mangarap sa mga anak natin, “Panginoon, anong pangarap mo sa anak ko?” At kung ganito ang pangarap mo, gagawin mo lahat ng magagawa mo para matulungan sila rito.
Direct your child toward Jesus. Gagawin natin lahat ng magagawa natin para matulungan sila. Siyempre mainam kung nadadala natin sila nang regular sa Sunday School. Pero hindi lang iyon. Ano ba naman ang isang oras lang sa Sunday School kung hindi rin naman nila ito matututunan mula sa inyo kapag nasa bahay na sila. Ang pagbabahagi ng ebanghelyo sa kanila hindi isang beses lang. Dapat araw-araw. Ikinukuwento niyo, kahit bata pa siya at tinutulugan lang kayo. Pinag-uusapan ninyo ang tungkol sa Diyos at kay Cristo. May kilala akong isang bata na kapag makita ko ay ikinukuwento ang mga characters sa Happy Feet kasi araw-araw niyang pinapanood sa nakaraang halos dalawang taon. Paano pa kaya kung araw-araw nakikita nila sa atin at naririnig ang tungkol kay Jesus? Isang araw maririnig natin sa kanila, “I love Jesus!” Tulad ng sabi ng Proverbs, “Train up a child in the way he should go…” Ituro mo ang daan. Ituro mo si Cristong nag-iisang daan na dapat niyang lakaran habang buhay. Tandaan nating araw-araw ay tinuturuan natin sila, may gawin man tayo o wala at manood lang ng TV, may iniiwan pa rin tayong katuruan sa kanila.
Defend your child against rivals. Maraming bagay ang magiging hadlang sa kanyang daraanan patungo sa isang malapit na ugnayan sa Panginoong Jesu-Cristo. Bilang mga magulang, gawin natin lahat ng magagawa natin para depensahan sila laban sa mga ginagamit ng Kaaway para ilayo sila sa Diyos. Kapag nakita nating may bumubugbog sa anak natin, anong gagawin natin? Papanoorin lang ba natin? Siyempre instinct ng tatay na depensahan ang kanyang anak. Totoong responsibility natin ang pag-provide at pag-protect sa kanila. Pero minsan iniisip lang natin tungkol sa physical provision and protection. E sandamakmak na impluwensiya ng media at ng barkada ang maaaring bumubugbog sa kanila ngayon. Anong gagawin natin para ipagtanggol sila dito? Mga tatay, baka ang anak ninyo ay binubugbog na ng pornography sa Internet, hindi mo man lang ba kakausapin? Kailangan pa bang pastor ang kumausap diyan. Mahirap na ngang makapasok sa kaharian ng Diyos huwag na nating hayaang lalo pa silang mahirapan tulad ng lalaking mayaman dito sa chapter 10 na hindi sumunod kay Jesus kasi lulong sa kanyang kayamanan. Iyong numbers 4 at 5 na binanggit ko ay iyon ding responsibility ng mga parents, primarily ng tatay, na tungkol sa spiritual provision at spiritual protection sa kanila. Ito ang tanong ko sa mga OFWs na ilang buwan o ilang taon nawawala sa bahay, pati na rin sa mga nasa bahay nga pero hindi naman naglalaan ng oras sa kanilang mga anak, “How can you provide spiritually for your children and protect them spiritually?” May narinig akong isang nanay na sinabi sa kanya ng kanyang anak tungkol sa tatay niyang halos hindi niya nakikita dahil napakatagal na nasa ibang bansa, “He has neven been a father to me; he is just a provider.” Just a provider. ‘Yan ba ang tingin natin sa role natin bilang tatay at nanay? Handa ba tayong pagkatapos ng ilang taon ganyan ang maririnig natin sa kanila?
Depend on God to change your child’s heart. Hindi puwedeng mawala ito. Walang mangyayari sa numbers 1-4 kung wala ito. Mahirap maging nanay at tatay. Ang pinakamalaking kabiguan ng isang tao ay may kinalaman dito. Maaaring successful siya sa trabaho pero sa bahay hindi. Mahirap ito. Kahit pa nga ginagawa mo ang lahat ng magagawa mo, alam naman din nating hindi natin hawak ang puso ng isang tao. Sa tingin niyo ba si Daniel ay “automatic” na lalaki na may takot sa Diyos at susunod kay Cristo dahil anak siya ng pastor, dahil masigasig ang kanyang nanay, dahil lumaki siya sa Sunday School, dahil godly ang kanyang environment. Puwedeng oo, puwede ring hindi. Bakit? Si Adan at Eba nga, they have the perfect Father, perfect environment, wala pa ang kasalanan sa kanila, hindi naman nagkulang ng paalala ang Diyos sa kanila, lahat naibigay sa kanila, pero ano? Hindi ba’t nagrebelde din sila?
Tandaan nating ang success ng parenting hindi nakasalalay sa gawa at sipag natin. Oo, may gagawin tayo. At gagawin natin ang lahat ng magagawa natin para mailapit sila sa Panginoon. Pero habang ginagawa natin iyon, lagi tayong dudulog sa Panginoon. Si Jesus nga dumulog din sa Ama para sa mga bata. Tayo pa kaya na mahina at palaging sumasablay. Hihilingin natin, habang karga natin sila o kung ipapatong ang kamay sa kanila habang sila’y natutulog, “May the Lord bless you and keep you; may the Lord shine his face upon you and be gracious to you; may the Lord lift up his countenance upon you and give you peace.” Hindi lang isang beses kundi araw-araw.
1 Comment