Let Not Man Separate: God’s Beautiful Design for Marriage

February 27, 2011By Derick ParfanScripture: Matthew 19:3-6

Note: To download the audio (in mp3), click the “menu” button on the bottom right corner of the sermon player.

And Pharisees came up to him and tested him by asking, “Is it lawful to divorce one’s wife for any cause?” He answered, “Have you not read that he who created them from the beginning made them male and female, and said, ‘Therefore a man shall leave his father and his mother and hold fast to his wife, and they shall become one flesh’? So they are no longer two but one flesh. What therefore God has joined together, let not man separate.”

What’s Wrong With This Picture?

What’s wrong with these pictures?

Alam nating hindi tama kasi baluktot, hindi maganda, malabo, masakit sa mata. Pero paano kung ganitong mukha ng tao ang palagi nating nakikita, ganitong bahay o riles ang karaniwang disenyo, o lahat ng computer screens ay ganito ang display? Siyempre masasanay na rin tayo. Hindi man maganda pero tanggap na.

Ganyan din sa mga nangyayari sa mga pamilyang Filipino. Karaniwan na sa isang kumpanya, halimbawa, na kapag nag-meeting ay makikita mo ang iba’t ibang istorya ng buhay mag-asawa at buhay pamilya. Mayroong kahit may asawa ay gusto pa ring may ibang babae at binibilinan pa ng asawa na basta huwag makakabuntis ng iba. Mayroong ang kinakasamang babae sa bahay ay hindi naman niya talaga asawa kasi hindi kasal. Mayroong ayaw naman mag-asawa dahil mas gustong ang oras niya ay para sa kanya lang at ayaw ng responsibilidad sa pamilya. Mayroong gustong mag-asawa pero ayaw namang magkaanak baka daw kasi pumangit ang korte ng katawan. Mayroong engaged pa lang, pero nakikipagdate pa rin sa ibang babae, sasamantalahin daw habang hindi pa kasal.

Mayroong gusto lang ng anak kaya nakisama sa isang lalaki na may asawa namang iba. Mayroong dalawa ang inuuwiang bahay, sa tunay na asawa sa isang linggo, sa susunod doon naman sa isang hindi tunay na asawa. Mayroong gustong sa US mag-asawa kasi dito daw sa Pilipinas walang divorce. Mayroong gustung-gustong magkaasawa pero parang malungkot na malungkot ang buhay kasi 45 years old na siya wala pa ring nanliligaw. Mayroong sobrang workaholic na halos wala nang oras sa mga asawa at mga anak. Mayroong may karelasyon sa opisina na sinisikreto sa asawa ngunit alam naman sa buong opisina. What’s wrong with these pictures?

Pati sa mga Cristiano nangyayari ito. Sa US pantay ang divorce rate (50%) ng mga nagsasabing Cristiano sila sa mga hindi. Bakit ganoon? Ang ganda-ganda ng disenyo ng Diyos sa pag-aasawa at pagpapamilya. Pero parang nababaluktot, nasisira, lumalabo. Pero dahil karaniwan na, parang nasasanay na rin tayo. Tanggap na natin. Ganoon naman talaga. Wala naman din tayong magagawa. Pero wala nga ba? Ganoon ba dapat talaga?

A Distorted View of Marriage

Ang ganitong mentalidad ay nasa isipan din ng mga relihiyosong Fariseo noong panahon ni Jesus. Bagamat ang tanong na ito ay isang pagsubok kay Jesus para patunayan nilang bulaang propeta si Jesus at may maipintas sa kanya, nakikita rito ang baluktot nilang mentalidad tungkol sa pag-aasawa. Tanong nila, “Naaayon ba sa Kautusan na palayasin at hiwalayan (divorce) ng lalaki ang kanyang asawa sa kahit anong dahilan” (19:3 MBB)? Ang paghihiwalay na pinag-uusapan dito ay hindi pansamantala lang kundi pagputol ng kanilang pagkakatali bilang mag-asawa (“palayasin at hiwalayan”).

Natanong nila ito dahil may nakasaad sa Deuteronomy 24:1-2 na tungkol sa probisyon para sa paghihiwalay ng mag-asawa. Hindi sila magkasundo sa interpretasyon ng “isang kahiyahiyang bagay” na siyang dahilan na puwedeng hiwalayan ng lalaki ang asawang babae (sa kanila siyempre walang karapatang makipaghiwalay ang babae). Sabi ni Rabbi (tagapagturo ng Kautusan) Shammai tumutukoy ito sa hindi pagiging tapat ng babae o pangangalunya. Ito lang ang puwedeng dahilan ng divorce. Sabi naman ni Rabbi Hillel, puwede ring hiwalayan ang babaeng nakasunog ng nilulutong tinapay! Ang sumunod naman sa kanya ay itinurong puwede rin basta may nakitang mas maganda sa asawa! (Craig S. Keener, The IVP Bible Background Commentary: New Testament).

Alam ng Panginoong Jesus na isa itong pagsubok sa kanya. Wise ang naging pagsagot ni Jesus. Ang problema rin ng mga tao ngayon ay naghahanap sila ng dahilan na puwedeng hiwalayan ang asawa. Oo nga’t may nakasaad na ganyang probisyon sa Salita ng Diyos (na tatalakayin natin sa susunod na linggo), pero ang pangunahing tanong na dapat nating sagutin ay, “Ano ang dahilan kung bakit dapat magsama habang-buhay ang mag-asawa? Hindi na ito ang karaniwang tinatanong natin. Nagiging tanggap na sa atin ang mga nangyayari sa mag-asawa at sinasabi nating ganoon talaga at wala naman tayong magagawa.

Tulad ng mga Fariseong nagtanong kay Jesus, mayroon din tayong baluktot na pananaw sa pag-aasawa na dapat ituwid ng Diyos. Ngayon, bilang pagpapatuloy ng ating series na Following Jesus the Lord of All ay maglalaan tayo ng tatlong linggo para pag-usapan ang tungkol sa pag-aasawa (verses 3-6 ngayon, sa susunod ay verses 7-9 at 10-12) at pagkatapos ay tungkol naman sa responsibilidad ng mga magulang sa kanilang mga anak. Ano ba ang nais ng Panginoon sa ating pamilya? May asawa man kayo o wala, mahalaga ito dahil lahat tayo ay apektado ng mga relasyon ng pag-aasawa – sa mga may-asawa, sa mga may problema sa kanilang relasyon, sa gustong mag-asawa, sa mga anak na dapat matuto kung ano ang kakaharapin nila sa pag-aasawa, at sa mga anak na may mga magulang. Wala nang ibang relasyon sa mundo na mas mahalagang pag-usapan kaysa rito.

God is the Designer of Marriage

Tingnan natin ngayon kung paano sinagot ng Panginoon ang tanong sa kanya. Sa halip na sagutin niya nang direkta, nagbigay siya ng dahilan kung bakit hindi dapat paghiwalayin ang mag-asawa. At ang dahilan ay may kinalaman sa disenyo ng Diyos sa kanyang nilikha. “Hindi pa ba ninyo nababasa sa kasulatan (isang insulto sa mga Fariseong nagmamalaking bihasa sa kasulatan) na sa pasimula’y nilalang ng Diyos ang tao na lalaki at babae” (19:4 MBB)?

Ang pundasyon ng lahat ng relasyon ng mag-asawa ay ang disenyo ng Diyos sa kanyang paglikha sa atin. Siya rin ang lumikha sa pag-aasawa. It is God’s idea that there would be marriage in his creation. Ang pag-aasawa, kung gayon, ay dapat nakaayon hindi lang sa batas ng isang bansa (“Kung puwede ang divorce sa US, okay lang mag-divorce.”); hindi lang sa nakita nating halimbawa ng ating mga magulang (“Ganito si nanay at tatay, ganito rin kaming mag-asawa.”); hindi rin ayon sa nakagisnang kultura (“Sa kultura namin, hindi dapat lalaki ang naglalaba. Si misis dapat!); hindi rin ayon sa kung ano ang personal na kagustuhan o kung ano ang kumportable; at hindi rin ayon sa feelings (“Hindi na ako in-love sa kanya. Ayoko na.”)

“Sa pasimula’y nilalang ng Diyos ang tao na lalaki at babae.” Galing ito sa Genesis 1:27, “So God created man in his own image, in the image of God he created him; male and female he created them.” Kung paanong ang isang lalaki at isang babae ay nilikha sa larawan ng Diyos gayundin naman ang pagsasama ng mag-asawa ay sumasalamin sa karakter ng ating Diyos. Kung ang pagsasama nating mga mag-asawa ay ayon sa nais ng Diyos, nagbibigay ito ng karangalan sa kanya. Kasi nga siya ang may disenyo nito!

Kapag binabaluktot natin ang disenyo ng Diyos, isang sampal ito sa ganda ng kanyang ginawa. Kaya’t ang pag-aasawa ay tapat na pagsasama “isang lalaki at isang babae” (MBB), suporta sa monogamous marriage, hindi isang lalaki at isang pang lalaki (homosexuality), hindi isang babae at isa pang babae (lesbianism), hindi isang lalaki at isang babae at isa pang babae (adultery, polygamy), at hindi rin maraming lalaki at isang babae (prostitution).

Kung binabaluktot natin ang disenyo ng Diyos, binabalewala natin ang awtoridad ng kanyang salita. Ito ang gustong bigyang diin ng Panginoon nang sabihin niya, “At siya (ang Diyos na lumikha) rin ang nagsabi…” (19:5 MBB), pagkatapos ay binanggit ang sinasaad sa Genesis 2:24-25. Kung papansinin ninyo, kumento ito ni Moses (ang kinikilalang may-akda ng Genesis) para ituro na ang unang kasalan sa Eden ay siyang magiging pattern ng pag-aasawa sa lahat ng panahon, sa lahat ng kultura. Pero sabi ni Jesus na hindi lang ito salita ni Moses, salita ito ng Diyos mismo.

Kaya kung hindi natin papakinggan at dudumihan natin ang magandang disenyo ng Diyos, kaguluhan at kalungkutan ang dulot. Ngunit kung makikinig tayo at susunod sa nais ng Diyos sa pag-aasawa, mararanasan natin ang ganda at saya ng disenyo ng Diyos. Ang problema, tulad ng mga Fariseo, sinasabi rin sa atin ni Jesus, “Hindi pa ba ninyo nababasa sa kasulatan…”? Pakinggan nating mabuti. Because God is the author of marriage. He knows it best, better than all of us.

God’s Design for Marriage

So what is God’s design for marriage? Matthew 19:5, “Dahil dito’y iiwan ng lalaki ang kanyang ama’t ina, at magsasama sila ng kanyang asawa at sila’y magiging isa” (MBB). Hango ito sa Genesis 2 kung saan naganap ang unang kasalan. Nakita ng Diyos na hindi mainam sa isang lalaki ang nag-iisa, at kailangang may isang katuwang sa buhay. Hindi ito kayang gampanan ng anumang hayop sa kanyang mga nilikha. Kaya’t isang gabi habang natutulog si Adan, kinuha ng Diyos ang kanyang tadyang at mula doon ay ginawa ang babae. Nang makita ni Adan ang isang katulad din niya ngunit iba rin sa kanya (hindi lalaki kundi babae), napaawit siya sa tuwa: “Sa wakas, narito ang isang tulad ko, laman ng aking laman, buto ng aking buto; babae ang itatawag sa kanya, sapagkat sa lalaki siya’y kinuha” (2:23).

Ang tinukoy ni Jesus sa Matthew 19:5 ay galing sa Genesis 2:24, “Ito ang dahilan kaya iniiwan ng lalaki ang kanyang ama’t ina, nagsasama sila ng kanyang asawa, at sila’y nagiging isa” (MBB). Sa isang talatang ito makikita ang napakagandang disenyo ng Diyos.

Leave

Sa pag-aasawa “iniiwan ng lalaki ang kanyang ama’t ina.” Totoo ito sa kaso rin ng babae, hindi lang ng lalaki. Hindi ba’t sa mga kasalan ay karaniwang may bahagi ng “giving away of the bride by the parents”? Pero ang totoo, sa kasal, hindi ibinibigay ng mga magulang ang anak sa papakasalan, kundi ang magpapakasal ay iniiwan ang kanyang mga magulang. Ano ang ibig sabihin dito ng “iniiwan”? Mabigat ang kahulugan nito sa literal na salin. Leaving has connotations of forsaking and abandoning. Itinatakwil. Hindi ibig sabihing kakamuhian na ang mga magulang, kundi ipinapakitang sa oras ng kasal iba na ang primary loyalty o allegiance ng mag-asawa, hindi na sa magulang kundi sa isa’t isa.

Ang lalaki hindi na sa mga magulang umaasa. Sila na ngayon ang may dala ng responsibilidad para sa kanilang bagong pamilya. Kung magboyfriend pa lang, dapat pangunahing relasyon ng mga anak ay sa kanilang mga magulang. Pero ngayong may asawa na, mas higit ang pag-ibig sa kanyang asawa kaysa sa kanyang magulang. Mas prayoridad na ang matugunan ang mga pangangailangan ng asawa kaysa pangangailangan ng mga magulang.

Mabigat ito sa kultura nating mayroong malalapit na relasyon sa magulang kahit may asawa na. Pero kailangang gawin. Hindi lang pisikal na paghihiwalay ang pinag-uusapan dito, pero kung ang pagsasama ng mag-asawa sa iisang bahay kasama ang kanilang magulang ay sobrang challenging. Kaya naman ang sitwasyon namin ngayon na nakatira sa biyenan ko  ay pansamantala lang. Dahil din ito sa adjustments namin sa pagkakaroon ng bagong anak. Kung pagtatagalin namin ito mahihirapan din kami na lumago bilang mag-asawa. Sa akin, tungkol sa leadership ko sa family namin. Sa asawa ko, tungkol sa submission niya sa leadership ko. Sa anak namin, tungkol sa pagdidisiplina sa kanya. Maging sa pagiging responsable namin sa mga pinansiyal na aspeto apektado rin.

Kaya nga sinabing “iniiwan” dahil araw-araw ay magiging challenge ang relasyon natin sa mga biyenan kung hindi natin ilalagay sa puso natin na disenyo ng Diyos sa mag-asawa na “iwan” ang kanilang mga magulang para sa kanilang asawa at bagong pamilya.

Cleave

Pagkatapos ng pag-iiwan, “nagsasama sila ng kanyang asawa.” Sa ESV, “hold fast”; sa KJV “cleave.” Hindi lang “nagsama” o nagpakasal kundi “nagsasama.” Ang pagsasamang ito ay nakakapit, nakadikit, malapit na malapit. Ang mag-asawa, sa kanilang pagsasama, ay nagsisikap na mapalapit sa isa’t isa. Sa kabila ng pagkakaiba ng personalidad, ng family background, at spiritual maturity, nagkakaroon pa rin ng bonding. The word used here  for cleaving “refers to a strong bonding together of objects and often was used to represent gluing or cementing” (MacArthur, Matthew 16-23, 165). Ganoon kadikit, parang pinagdikit ng Mighty Bond superglue. Habang tumatagal, mas lumalago ang pag-ibig, hindi nagsasawa.

Nais ng Diyos na gawin ninyo ang lahat ng magagawa ninyo para mapalapit kayo sa isa’t isa. Kaya mahalaga ang regular na communication ng mag-asawa. May sapat na oras sa isa’t isa. Isa ito sa pinag-uusapan naming challenge na mag-asawa dahil sa pagdating ni Daniel sa buhay namin. Hindi dapat maging hindrance ang anak sa paglago ng relasyon ng mag-asawa. Huwag ninyong gagawing dahilan ang mga bata at sasabihing wala na kayong oras sa isa’t isa.

Sa hirap din ng buhay, marami ang nagsasakripisyo para makapagtrabaho sa ibang bansa. Pero ang tanong na dapat ninyong pag-usapang mag-asawa, “Gaano kahalaga sa atin ang paglago ng ating relasyong mag-asawa? Handa ba nating isakripisyo ito at magtrabaho ang isa sa atin sa ibang bansa nang mahabang panahon? Kung pansamantala tayong maghihiwalay, sapat ba ang Facebook at video chat para mas maging malapit tayo sa isa’t isa? Kung isasakripisyo natin ito, makakabuti ba ito talaga sa ating pamilya?” Higit sa lahat, “Ito ba ang nais ng Diyos para sa ating mag-asawa?” Pag-isipan ninyong mabuti.

Weave

Ang layunin ng pagpapalago ng relasyong mag-asawa ay upang maranasan ang pagiging isa ng mag-asawa. “At sila ay nagiging isa.” “…and they shall become one flesh.” Jesus adds this comment, “So they are no longer two but one flesh” (19:6). Sa pag-aasawa, 1+1 = 1. Tulad ng Diyos na nais maranasan natin ang mainit na relasyon sa kanya, gayon ding nais niya sa mag-asawa na magkaroon ng marital intimacy. Our goal in our relationship in marriage is oneness.

Naipapahayag ito sa pagtatalik ng mag-asawa (sexual union). In sex, they really become one body. There is weaving of two bodies together, beautifully expressing the pleasure God wants us to experience in marital intimacy. Kaya nga “weave” ang tawag dito, tulad ng paghahabi ng tela, na mga hibla na pinagsasama-sama ay nagiging isang magandang tela. Metaphorically, to “weave” means “to unite in a coherent whole” (Merriam-Webster’s Collegiate Dictionary, 11th ed). Nabubuo ang pagsasamang mag-asawa kapag ang kanilang puso ay nagiging isa.

If we really understand God’s design in “weaving,” in marital oneness, we will understand why premarital sex, adultery, and prostitution are unacceptable with God. “Weave” comes after “cleave,” not before. Sex can only be good and satisfying in marriage. It is also enjoyable and godly with your spouse, not with another man or woman or a prostitute. Ganito ang sabi ni Pablo, “Dapat ibigay ng lalaki sa asawa ang karapatan nito, gayundin naman ang babae sa kanyang asawa. Sapagkat ang babae ay walang karapatan sa kanyang katawan, kundi ang asawa, at gayundin ang lalaki ay walang karapatan sa kanyang sariling katawan, kundi ang asawa” (1 Cor. 7:3-4 Ang Biblia).

Nilikha ng Diyos ang pagtatalik para kapakanan ng mag-asawa. Kaya napakalaking problema at tukso ang kakaharapin ng mag-asawang ang isa ay nagtatrabaho sa ibang bansa. How can you grow true intimacy (including sexual pleasures) in a long distance relationship? Imposible! At tandaan ninyo, hindi lang ito pang-honeymoon; ang mag-asawa hindi lang “naging isa” kundi “nagiging isa.”

A Call for Covenant Faithfulness

Dahil ito ang disenyo ng Diyos (leave-cleave-weave), seryosong bagay ito na dapat nating seryosohin. Sabi ng Panginoong Jesus, “Hindi na sila dalawa kundi iisa, kaya’t ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng sinuman” (Matt. 19:6 MBB). Ang mag-asawa ngayon ay iisa hindi lang dahil sa “marriage contract” o dahil sila ay nagkaanak bago pa man ikasal, o dahil sa kasalang naganap sa harap ng maraming tao. Sila ay “iisa” dahil sila ay pinag-isa ng Diyos. Ang pag-aasawa ay pinagtibay hindi lang sa ating gobyerno kundi sa trono mismo ng Diyos.

“Marriage is first of all God’s institution and God’s doing…Whether it is entered into wisely or foolishly, sincerely or insincerely, selfishly or unselfishly, with great or little commitment, God’s design for every marriage is that it be permanent until the death of one of the spouses” (John MacArthur, Matthew 6-13, p. 166).

Ang pag-aasawa ay hindi isang kontrata na napapawalang bisa kapag ang kabilang partido ay sumuway sa kasunduan (tulad halimbawa ng pangangalunya). Adultery hurts marriage, but it does not nullify it. Hindi ito kontrata kundi isang tipanan. This is a covenant ratified by heaven, and no one on earth can make it void. Ang Diyos lang at sa pamamagitan ito ng kamatayan ng asawa. Pero hangga’t buhay ang asawa, ang panawagan ng Diyos ay maging tapat tayo sa pagsasama. Hindi man maging tapat ang asawa natin, mananatili tayong tapat.

Tulad ng Diyos na naging tapat sa kanyang pangako sa Israel, na maihahalintulad sa sumpaan ng pag-aasawa, “I will be your God and you shall be my people.” Tulad din ng pag-ibig ni Cristo sa atin, “‘Dahil dito’y, iiwan ng lalaki ang kanyang ama’t ina, at magsasama sila ng kanyang asawa; at sila’y magiging isa.’ Ito ay isang dakilang hiwaga na aking inihahayag tungkol sa kaugnayan ni Cristo sa iglesya” (Eph. 5:31-32 MBB).

Natatandaan ninyo ang binitawan ninyong sumpa noong kayo ay ikasal, “For richer or for poorer, in sickness and in health, ‘til death do us part.” Masasabi pa ba ninyo ngayon iyan sa asawa ninyo? Na may parehong ngiti at pasasalamat sa Diyos? Alam nating lahat na hindi madali ang pag-aasawa. Kaya ang mga walang asawa, pag-isipan ninyong mabuti at kung papasukin ninyo ito, alamin ninyo ang layunin ng pag-aasawa. It’s not just about being in love, it about commitment to a life-long covenant.

This covenant reflects God’s glory if we are faithful to it; if not it will cause us pain, so much pain. Kahit nga hindi tayo ang may kasalanan, masakit sa atin. Kasi mahalaga ang pag-aasawa. Disenyo ito ng Diyos. Kaya kung ang ilan sa inyo ay parang ayaw nang makasama ang asawa, o nagtitiis na lang, tingnan ninyong mabuti ang disenyo ng Diyos at pag-usapan at ipanalangin.

Let’s remember, our commitment to the marriage covenant is a mirror of God’s commitment to his covenant with us; it is also a magnifier of our joy in God when we are in line with his design. Pero bakit naroon ang mga sakit? Bakit may mga naghihiwalay? Ano ang gagawin ko kapag hiwalay ako? May pag-asa pa ba? Paano kung hindi ako makapag-asawa? Iyan naman ang pag-uusapan natin sa susunod.

14 Comments

  1. Hi, Pastor Derick!

    My name is Felipe Castro (SVCF 72-77). I am a Medical Doctor (UERM ’82) and my wife is a Nurese, and the Lord called us to serve Him in Cambodia as Medical Missionaries since March 1998. So we are doing medical ministry together with evangelism and Church Planting.

    I read your sermon and am surely blessed. Indeed you have a gift for Preaching and exhortation. I hope to meet you in person someday.

    Thank you for your ministry.

    Liked by 1 person

    1. Hello po, Dr. Felipe. I’m not sure if I already replied to your comment a few years ago. But in case I didn’t, just want to say thank you for the encouragement. SVCF din po ako, 2003. 🙂 Last 2013, our team from our church went to Sihanoukville, Cambodia for a short-term missions trip.

      Like

  2. Great message! Thanks for the reminder to leave, cleave, and weave. Am working on it with my wife and I think this will be a life-long lesson for me. =) Thanks again!

    Like

  3. what can i do if my husband is not believing me coz no one can perfect to him but her mother he always mad at me every time i told him that her mother did me or do this to me. he never listen to me.

    Like

  4. Hi,pastor Derick,mganda po ang mga sermon ninyo,may tanong po ako.masasabi ko po bang mag asawa kmi ng tatay ng mga anak ko,me seremonya pong ngyari mayor po any nagksàl samin,Pero hndi po rehistrado ito?babaero po masyado ang tatay ng mga anak nmin.kung hihiwalayan ko po cya at may pananagutan bako sa Dyos.

    Like

  5. Hi pastor Derrick,nakakabless naman po lahat ng mensahe nyo.me tanong lang po ako.d2 po kc sa topic nyo .biblical naman po na ang pinagsama ng DYOS ay Hindi pwedeng paghiWalayin ng tao.sa kaso ko po kc masasabi ko bang asawa ko and tatay ng mga anak ko gayong wala naman po kming marriage certificate, me sermonya pong naganap at mayor po and nagkasal samin,pero wala po making hawak na m.c.(marriage contract) babaero po sya.me pananagutan bako s DYOS Kung makipaghiwalay ako sa kanya.?

    Like

    1. Hello. Thanks for visiting this site. Can you try reading first 1 Corinthians 7 then we can discuss it through email. I also suggest that you talk to your pastor for personal counseling.

      Like

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.