Let Not Man Separate: Singles in Christ, Singles for Christ

March 13, 2011By Derick ParfanScripture: Matthew 19:10-12

Download   sermon audio    sermon notes    discussion guide
Listen now…

The disciples said to him, “If such is the case of a man with his wife, it is better not to marry.” But he said to them, “Not everyone can receive this saying, but only those to whom it is given. For there are eunuchs who have been so from birth, and there are eunuchs who have been made eunuchs by men, and there are eunuchs who have made themselves eunuchs for the sake of the kingdom of heaven. Let the one who is able to receive this receive it.”

“Better Not to Marry”

May napakinggan kaming isang seminar sa aming marriage counseling class at naibahagi ng speaker kung ano ang isang verse sa Bible na kung susundin ng lahat sa atin ay hindi tayo magkakaproblema sa marriage natin. Alam ninyo kung ano ang “secret to having a trouble-free marriage”? Ito ang ipinakitang verse ng speaker para sa mga mag-aasawang naghihintay ng sikreto para walang maging problema sa pag-aasawa: “It is good for a man not to marry” (1 Cor. 7:1 NIV); “Mabuti sa isang lalaki ang huwag mag-asawa” (MBB).

Pagkatapos ng dalawang sermon ko tungkol sa pag-aasawa at sa bigat ng commitment na dapat ipakita ng mga may-asawa kahit sa kabila pa ng maraming problema o unfaithfulness ng kapartner, tinanong ko ang ilang mga singles kung gusto pa nilang mag-asawa. Sabi ng iba na nakangiti pa dahil pabiro, “Ayoko na. Mahirap pala.” May isang gusto nang magpropose sa girlfriend niya pero postponed muna raw ang proposal dahil medyo mag-iisip-isip pa. Medyo nagkakabiruan tayo rito pero kung seseryosohin natin ang mga sinasabi ng Panginoong Jesus tungkol sa pag-aasawa, maaaring magcomment rin tayo tulad ng mga disciples sa Matthew 19:10, “If such is the case of a man with his wife [if marriage is that difficult and risky], it is better not to marry [or to stay single]” (v. 10).

Bakit nila nasabi iyon? Kasi nga, narealize nila ang sinasabi ng Panginoon sa taas ng standard ng Diyos sa mag-asawa. Maganda ang disenyo ng Diyos rito (“Iniiwan ang ama’t ina, nagsasama sila ng asawa at nagiging isa,” Gen. 2:24; Matt. 19:5): Leave-Cleave-Weave. Pero alam nating dahil sa tigas ng puso ng tao, nababaluktot natin ang magandang disenyo ng Diyos. Nakita natin last week ang tungkol sa adultery, divorce, at remarriage after divorce. Nakita nating pagbaluktot ito sa disenyo ng Diyos. Nakita nating seryoso ang Panginoon ng sabihin niyang “ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao.”

Pero dahil sa likas na pagkamakasarili ng tao at sa tigas ng puso natin (kahit mga Cristiano na ay nakikipagbaka pa rin sa kasalanan), ang hirap sa ating maranasan ang magandang disenyo ng Diyos. Kahit pa mayroon tayong tiningnan na exception last week (“except for sexual immorality”) nakita nating hindi sapat na dahilan ang infidelity ng asawa para hiwalayan at makapag-asawa ulit. Only death can separate a husband and wife. Ang pag-aasawa ay parang pagpasok sa isang bahay na iisa lang ang pintuan na puwede lamang buksan galing sa labas. Walang backdoor o fire exit. Sa mga singles na nagbabalak mag-asawa, para itong bahay na kitang-kita mong maganda sa labas, pero hindi mo alam ano ang itsura sa loob pagpasok mo. Ito ang narealize ng mga disciples at makikita rin natin kung seseryosohin natin ang mga salita ng Panginoon.

Marriage is Good

Kung mayroon kayong mga magulang na nakita ninyong palaging nag-aaway o hindi man lang nagkikibuan o nauwi sa hiwalayan, mararamdaman din ninyo sigurong mabuti pang huwag na lang mag-asawa. Pero sa isip lang natin iyan. Iba naman ang nararamdaman natin kasi deep inside our hearts we long to experience being married. Ang Diyos din naman ang naglagay niyan sa puso natin. Marriage is good because it is part of God’s wonderful creation and it must be received with thanksgiving (1 Tim. 4:1-4). Kaya nga nasabi niya, “It is not good that the man should be alone; I will make him a helper fit for him” (Gen. 2:18). May longing o desires ang isang tao na pinupunan ng Diyos sa pamamagitang ng pag-aasawa.

Ang mga singles ay may mas malaking temptation sa sexual immorality, ayon kay Pablo (1 Cor. 7:2). Kung hindi kayang mag-control (v. 9), mainam pang mag-asawa kaysa mag-apoy ang damdamin at mahulog sa kasalanan (v. 36). Only married people can enjoy sex in the context of marital intimacy (vv. 3-5). God created sex also in the context of marriage not just for the pleasures of husbands and wives but also for reproducing children. Sa pag-aasawa at pagpapamilya, natutupad natin ang tagubilin ng Diyos, “Be fruitful and multiply and fill the earth” (Gen. 1:28). Dahil mabuti ang pag-aasawa, kahangalang ipagbawal ang pag-aasawa.

Being Single is Good

Mabuti ang pag-aasawa, pero mabuti rin naman sa ilan ang hindi pag-aasawa. Kaya nga iminumungkahi (hindi iniuutos) ito ni Pablo sa 1 Corinto 7: “Ibig ko sana na ang lahat ng tao ay maging gaya ko…sinasabi ko sa mga walang asawa at sa mga babaing balo, mabuti sa kanila kung sila’y mananatiling gaya ko” (vv. 7-8, Ang Biblia 2001). “Sa palagay ko, dahil sa kasalukuyang kagipitan, makakabuti sa isang tao ang manatili sa kanyang kalagayan…Ikaw ba ay malaya sa asawa? Huwag kang humanap ng asawa” (vv. 26-27). “Kaya’t ang magpakasal sa kanyang nobya ay gumagawa ng mabuti at ang umiiwas mag-asawa ay gumagawa ng higit na mabuti” (v. 38).

Bakit nasabi ni Pablo na mabuti ang hindi pag-aasawa, at sa ibang pagkakataon ay higit na mabuti kaysa pag-aasawa? Dahil sa kagipitan o kahirapan ng panahon (vv. 26, 28). Siyempre, mas matipid, hindi mo kailangang bumili ng gatas o diaper, magpaaral ng anak, sa pag-upa ng bahay mas matipid din. Kung baga, kung single ka, makakaiwas ka sa kabalisahan na dulot ng pagkakaroon ng asawa at mga anak (v. 32). Paul is speaking here on practical terms. Mas kakaunti ang iintindihin mo kung wala kang asawa. At kung mayroon ka namang asawang hindi Cristiano at hiniwalayan ka, sabi ni Pablo na mainam pang hayaan mo siya. Bakit? Dahil “ang kapatid na lalaki o kapatid na babae ay hindi nagagapos sa mga ganitong kalagayan, sapagkat tayo ay tinawag ng Diyos sa kapayapaan” (v. 15). Masakit pero may pagkakataong mas mainam ito sa kapayapaan at kalayaan ng buong pamilya. Ang punto ay may sitwasyong mainam pa ang walang asawa.

Now, Which is Better?

Ngayon, ano ang mas mainam sa dalawa – mag-asawa o hindi na lang mag-asawa? The point is not to compare the two options. The decision to marry or remarry after the death of a spouse is not based on what is better between staying single or getting married; it is not primarily about weighing the pros and cons. Na parang bibili ka ng at pinipili mo kung ano ang mas maganda: Brand X o Brand Y. Sabi ni Jesus, “Not everyone can receive this saying, but only those to whom it is given” (Matt. 19:11). Hindi lahat matatanggap nang may kagalakan ang hindi pag-aasawa. Ang iba tatanggapin lang kasi wala nang choice, walang nanliligaw sa kanya. Hindi ipinagkaloob ng Diyos sa lahat ang pag-aasawa. But we must realize that singleness, like marriage, is also a gift from God. Ang desisyon na mag-asawa ay nakasalalay sa pag-unawa sa kalooban ng Diyos para sa iyo. “Each has his own gift from God, one of one kind and one of another” (1 Cor. 7:7).” “Hayaang ang bawat isa ay mamuhay ayon sa itinalaga ng Panginoon sa kanya, at ayon sa pagkatawag sa kanya ng Diyos” (v. 17).

Huwag basta-basta mag-aasawa nang hindi idinudulog sa Diyos sa panalangin. Kund hindi tayo magkakaroon ng karunungan sa bagay na ito, marriage which is good can be worse. Also, the goodness of singleness can be turned into something bad for you. Marriage is better for you if God called you to marry a person God wants for you. But it is worse if God has called you to singlehood or your choice of partner is not according to his will, like marrying an unbeliever for example, or if you are marrying for wrong reasons. Singleness is better for you if God called you to singleness, but if God is calling you to marry and fulfill the creation mandate you should do so. Singleness is worse for you if you are not getting married for wrong and selfish reasons.

There is something in marriage that reflects the glory of God. There is also something in being single that reflects the glory of God. Whether you are married or not is not the main point. The point is whether you are living according to the will of God, whether you are living for the glory of God, married or unmarried. To paraphrase 1 Corinthians 10:31, “Whether you are married or not, do it all for the glory of God.” Kaya iwasan natin sa church na palaging tatanungin ang mga wala pang asawa kung bakit wala pa silang asawa o kailan sila mag-aasawa. Kapag ganoon kasi, you are presuming that it is God’s will for everyone to get married. Na kapag single ka para bang kulang ang buhay mo, na para kang second-class citizen, na parang may problema sa iyo kaya walang gustong magpakasal sa iyo. So don’t pressure others to get married. For single people, don’t give in to the pressure from friends or parents to get married. We marry according to God’s will. We stay single according to God’s will. ‘Yan ang mas mahalaga.

The Three Kinds of Eunuchs

Para sa maraming Judio, ang pag-aasawa ay isang obligasyon, para tuparin ang tagubilin ng Diyos, “Kayo’y magkaroon ng mga anak at magpakarami” (Gen. 1:28). Para sa kanila ang hindi mag-asawa at magkaanak ay pagsuway sa malinaw na utos ng Diyos (International Standard Bible Encyclopedia, 2:201). Kabilang sa mga ito ang tinatawag nilang “eunuko” (limang beses na ginamit sa Matt. 19:12, hindi makikita sa salin ng MBB). Ang literal na kahulugan nito ay isang lalaking pinutulan para hindi makapag-asawa o magkaanak. Ang ilan sa kanila ay may mataas na posisyon sa gobyerno tulad ng nakatagpo ni Felipe na eunukong naglilingkod sa reyna ng Ethiopia (Acts 8). Marahil may mga eunuko na naninilbihan kay Haring Herodes. At para sa maraming Judio (tulad din ng ibang lahi) sila ay isa sa mga pinakamababang uri ng tao at wala silang karapatan na manguna sa kanilang bansa (Exegetical Dictionary of the New Testament, 2:81). Kaya nagamit ng Panginoon ang mga eunuko na ilustrasyon, “For there are eunuchs who have been so from birth, and there are eunuchs who have been made eunuchs by men, and there are eunuchs who have made themselves eunuchs for the sake of the kingdom of heaven” (Matt. 19:12).

Para kay Jesus may tatlong klase ng eunuko o mga taong hindi makapag-aasawa at hindi masama kundi maaaring mabuti sa kanila ang hindi mag-asawa. Ang una ay ang simula’t simula pa noong ipanganak ay “impotent” na at walang kakayahang magkaanak. Hindi naman nila kasalanan ito, kundi niloob ng Diyos ayon na rin sa kanyang karunungan. Ang pangalawa naman ay iyong dahil sa kagagawan ng iba ay hindi na makapag-aasawa. Ang pangatlo, at ito sa tingin ko ang nais bigyang diin ng Panginoon, ay ang piniling huwag mag-asawa kahit na puwede silang mag-asawa alang-alang sa kaharian ng Diyos.

Singleness for the Sake of God’s Kingdom

Being single is good, but not necessarily. Ganoon din sa marriage. Singleness and marriage is good only if it is lived for the right purpose. Maaaring mag-asawa ang iba sa maling dahilan – tulad ng pressure ng magulang, o dahil kailangang panagutan, o dahil para maisulong ang pansariling interes. Kung ganito, marriage can become a tragedy instead of delight. Sa pagiging single din ganoon. Kung mali ang dahilan o layunin bakit ayaw mag-asawa, instead of being good singleness can also turn out to be a tragedy. Tulad halimbawa ng homosexuality, takot na magkaloko-loko ang buhay kapag nag-asawa, at dahil sa lack of sense of responsibility kaya kahit 35 years old na ay pa-easy-easy lang ang buhay. Jesus Christ shared the purpose that will make your singleness one of the most delightful thing in the world, even better than marriage. That purpose is “for the sake of the kingdom of God.” Hindi ito nangangahulugang ang singleness ay paraan para makapasok sa kaharian ng Diyos. Sa halip, heto ang mga implications ng sabi niya:

There is something greater than getting married, namely, Jesus. Ang kaharian ng Diyos ay ang kanyang pangunguna o pamamahala sa lahat ng kanyang nilikha. At mas mahalagang makita ito ng maraming tao kaysa maraming mag-asawa. Mas mahalagang mas maraming makakilala sa Panginoong Jesus sa pamamagitan ng pagbabahagi ng “the gospel of the kingdom” (24:14) kaysa magkaanak ka ng lima. Kaya nga ng tanungin si Jesus ng mga Sadducees kung kaninong asawa sa langit ang isang babaeng napangasawa ng pitong magkakapatid sa lupa, sinabi niyang mali ang kanilang pag-iisip at hindi nauunawaan ang mga bagay na mas mahalaga dahil sa langit, “ang mga tao’y hindi na mag-aasawa” (22:30, MBB 2005). Kaya sa paghiling natin sa Diyos, hindi pangunahin ang tungkol sa pag-aasawa. “Our Father in heaven, hallowed be your name, your kingdom come, your will be done” (6:9-10). Kung ang pagkain nga na kailangan natin sa araw-araw pang-apat sa kahilingan, ang pag-aasawa pa kaya na hindi naman natin ikamamatay kung hindi makapag-asawa.

Boundless joy is possible for those who are singles in Christ. Yes, there is joy in marriage, but it does not mean that when you are not married you cannot be completely happy. Paul was happier than many of us kaya nga inirerekomenda niyang maging single tayo kaysa mag-asawa. Jesus was single, yet he was the happiest person who lived on earth. Sa mga biyuda o biyudo sa tingin ni Pablo “higit siyang magiging maligaya kung mananatili siya sa kanyang kalagayan” (1 Cor. 7:40). Bakit? Hindi ba’t sabi sa Genesis na hindi mabuti sa isang lalaki ang nag-iisa? Bakit, sino ba nagsabing kapag walang asawa ay nag-iisa? Anumang puwang na naiwan sa puso natin dahil nawala ang asawa natin o hindi kayo nakapag-asawa, nangangako si Jesus na siya ang pupuno sa nawawalang tadyang. Mas mainam na maging isang single na namumuhay para sa kaharian ng Diyos kaysa mag-asawa na hiwalay kay Cristo (Matt. 13:44). Marriage or singleness can bring joy or misery depending on how we respond to it. Hindi ito nakadepende napangasawa o sa paghahanap ng mapapangasawa.

Let not the eunuch say, “Behold, I am a dry tree.” For thus says the Lord: “To the eunuchs who keep my Sabbaths, who choose the things that please me and hold fast my covenant, I will give in my house and within my walls a monument and a name better than sons and daughters; I will give them an everlasting name that shall not be cut off” (Isa. 56:3-5; cf. 54:4-5).

It is good to forsake the desire for marriage for Christ’s sake. Kung si Jesus pala at ang mamuhay para sa kanya ay higit sa pag-aasawa, at posibleng maging masaya (mas masaya!) ang isang walang asawa, sa gayon isang magandang option ang hindi pag-aasawa. At kung mag-aasawa man, hindi kailangang madalian o maging desperado kapag walang nanliligaw. Totoo ngang ang pag-aasawa at pagtataguyod ng pamilya ay siyang normal na kalagayan ayon sa nilikha ng Diyos. Pero ang Great Commission (“Go and make disciples of all nations…”) ay higit kaysa sa Creation Mandate (“Be fruitful and multiply…”). Kaya nga single ang Panginoong Jesus at si apostol Pablo dahil dito! Ang pagpaparami ng mga tagasunod ni Cristo ay hindi sa pamamagitan ng pag-aanak biologically, kundi pag-aanak spiritually (2 Tim. 2:2). Not through natural birth but by the new birth caused by the Spirit through the preaching of the gospel. Kung ang isang misyoneryo o manggagawa ay nagkakaroon ng maraming anak sa pamamagitan ng pagbabahagi ng ebanghelyo at pagdidisipulo, mas mabuti kaysa may-asawa at mga anak na hindi naman namumuhay para ipalaganap ang paghahari ni Cristo.

Single disciples of Jesus have a greater advantage of having an undivided devotion to the Lord. Ang hari ng Persian Empire na si Cyrus ay kumukuha ng mga eunuko para manilbihan sa kanya dahil mas mahusay silang magtrabaho dahil hindi sila distracted ng alalahanin sa pamilya at loyal at tapat sila sa serbisyo (ISBE, 2:200). Ganito rin ang sabi ni Pablo sa mga hindi nag-asawa alang-alang sa Panginoon. “Ang pinagkakaabalahan ng lalaking walang asawa ay ang mga gawaing ukol sa Panginoon—kung paano niya mabibigyan ng kaluguran ang Panginoon” (1 Cor. 7:32, MBB 2005). “Hindi ko kayo hinihigpitan; ang nais ko’y maakay kayo sa maayos na pamumuhay at nang lubusan kayong makapaglingkod sa Panginoon” (v. 35). You, singles, have an advantage but it doesn’t mean that you are necessarily devoted to the Lord. You need to make a firm decision that as singles in Christ you will live as singles for Christ. Other matters like desire for success, money and personal ambition, and sex can distract you. So use your time sharing the gospel to your friends, not on Facebook or computer games. Use your money (especially young professionals!) to support our church and missions, not on the latest gadget. Use your talent not to impress, but for the ministry. Make serving Christ your passion, and not ministry as a diversion only.

Make treasuring Christ (and helping others treasure him) your life’s ultimate goal, not marriage. Ano ang layunin ng buhay mo? Ano ang pinakahahangad mo? Pinakamahalaga sa iyo? Ang pag-aasawa ba o ang relasyon mo sa asawa? O ang relasyon mo kay Cristo? Tandaan natin, pansamantala lang ang pag-aasawa, si Jesus pangwalang-hanggan. Hindi lahat ng kailangan natin makukuha natin sa asawa natin, mabibigo pa nga tayo, pero kay Cristo matatagpuan ang lahat. Ang pag-aasawa ay hindi dapat sambahin, si Jesus lang ang karapat-dapat ng ating buong puso. Ang relasyon sa pamilya ay magwawakas din, pero ang relasyon natin kay Cristo walang katapusan. Huwag mong gawing diyos ang asawa mo o pinapangarap mong asawa.

Grace for the Married and the Unmarried

Tatlong linggo ang inilaan natin sa pag-aaral kung paano natin susundin ang utos ng Panginoon tungkol sa pag-aasawa: “What God has joined together, let not man separate.” Magwakas tayo sa huling utos na sinabi niya ukol sa pag-aasawa at hindi pag-aasawa: “Let the one who is able to receive this receive it” (v. 12). Not everyone is able (Gk. dunamis) to take to heart these matters about marriage and singleness. Sa mga wala kay Cristo, sa mga hindi pinaghaharian ng Diyos, imposible na ang kanilang buhay mag-asawa ay maging ayon sa napakagandang disenyo ng Diyos. Imposible na maranasan nila ang tunay na kagalakan sa kanilang pananatiling single. Pero sa sa ating mga tagasunod ni Cristo, posible! Posible dahil nasa atin ang Diyos, ang biyaya at kapangyarihan ng Diyos.

Sinabi ng Panginoong Jesus, “With man this is impossible, but with God all things are possible” (19:26). Tungkol sa salvation ang context, pero applicable din sa pinag-uusapan natin. Bakit? Ang kaligtasan nga, na imposible sa atin na mas pinahahalagahan ang sarili natin (tulad ng kayamanan o pangarap sa pag-aasawa) kaysa mga bagay na tungkol sa Diyos, ay ginawang posible ng Diyos. Paano pa kayang hindi niya ibibigay ang biyayang kailangan natin para manatiling tapat sa asawa o manatiling banal at masigasig sa paglilingkod sa buhay binata o dalaga? At hindi lang biyaya sa ngayon, kundi biyaya sa hinaharap (future grace). Heto ang sabi niya sa mga may-asawa o single na mas pinahahalagahan ang relasyon sa kanya kaysa sa iba pa, “And everyone who has left houses or brothers or sisters or father or mother or children or lands, for my name’s sake, will receive a hundredfold and will inherit eternal life” (19:29).

Para sa mga nag-asawa, nasa loob ka man ng bahay na hindi mo na malalabasan, at kung sakaling magkasunog, makakaawit ka, “Dumaan man ako sa apoy di ako masusunog.” Lubugin man ang bahay sa bahay masasabi mong, “Dumaan man ako sa ilog, di ako malulunod.” Dahil kasama mo ang Diyos.

Para sa mga singles, nasa labas ka man ng bahay na gustung-gusto mong pasukan pero kahit anong katok mo sa pinto hindi ka mapagbuksan, makakatingin ka sa langit at makikita ang liwanag ng layunin ng Diyos sa buhay mo. Nasa labas ka man, pero ang lawak-lawak ng mundo. Napakalaki ang naghihintay sa iyo kung iaalay mo ang buong buhay mo para kay Cristo.

Staying faithful in marriage is hard work. Staying single, pure and joyful, is also hard work. For those who are not followers of Christ, they are both impossible. But the Lord Jesus promises grace, much grace, for us who commit to follow him as Lord of our marriage or our single life.

4 Comments

  1. “Single disciples of Jesus have a greater advantage of having an undivided devotion to the Lord.”
    Noong nag-iisip kami ng pangalan ng single adults fellowship, nag-suggest ako ng patawa na “SUGAR-FREE WORRY-FREE”.

    Like

    1. Singles have a greater advantage of not being worried or burdened by the responsibilities of leading a family. But nowadays, there are too many “competitors” for their “undivided devotion to the Lord.” Those of us in the ministry really need to help single adults see the joy, privilege and responsibility of family life. And even when they are still singles (or will stay singles), they must be nurtured toward a more committed and more responsible walk with Jesus.

      I will pray for your ministry among the single adults. God bless you.

      Like

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.