Transforming Grace

Download mp3

By Derick Parfan | November 29, 2009

Series: Celebrating the Cross of Christ

 

Galatians 1:13-24 (ESV)

For you have heard of my former life in Judaism, how I persecuted the church of God violently and tried to destroy it. And I was advancing in Judaism beyond many of my own age among my people, so extremely zealous was I for the traditions of my fathers. But when he who had set me apart before I was born, and who called me by his grace, was pleased to reveal his Son to me, in order that I might preach him among the Gentiles, I did not immediately consult with anyone; nor did I go up to Jerusalem to those who were apostles before me, but I went away into Arabia, and returned again to Damascus. Then after three years I went up to Jerusalem to visit Cephas and remained with him fifteen days. But I saw none of the other apostles except James the Lord’s brother. (In what I am writing to you, before God, I do not lie!) Then I went into the regions of Syria and Cilicia. And I was still unknown in person to the churches of Judea that are in Christ. They only were hearing it said, “He who used to persecute us is now preaching the faith he once tried to destroy.” And they glorified God because of me.

Impossible Change?

Sa ngayon, 57 na ang natagpuang patay sa Ampatuan town sa Maguindanao dahil sa away politika. Ang mayor ng Datu Unsay na si Andal Ampatuan, Jr. ang pinaghihinalaang may kagagawan ng walang kakuwenta-kuwentang krimeng ito. Natagpuang patay ang asawa ni Buluan vice-mayor na si Ismael Mangudadatu na kakandidatong gubernador, pati ang ilan sa mga kamag-anak at ilang mga miyembro ng media. Iba-ibang reaksiyon ang naririnig natin sa balitang ito. Grabe ang ginawang karahasan. Paano kung isa ka sa mga kamag-anak noong mga pinatay at sa susunod na taon mabalitaan mo na ang pasimuno sa krimeng ito ay Cristiano na at nagpapastor na sa isang church sa Mindanao? “Imposibleng mangyari ‘yan!” Maaaring maging ganito ang reaksiyon natin dahil sa tindi ng kasamaan ng isang mamamatay-tao.

Tayong mga Cristiano, dumarating ang panahong nakakalimutan na natin ang laki ng kapangyarihan ng Diyos na bumago sa buhay ng isang tao. Sa hindi natin pagpapahalaga sa mabuting balita ni Cristo, nakakalimutan nating nasa mensaheng ito ang kapangyarihan ng Diyos para sa kaligtasan at pagbabago ng puso ng isang tao. Katulad nga ng sinabi ni Pablo, “For I am not ashamed of the gospel, for it is the power of God for salvation to everyone who believes” (Rom. 1:16). The gospel of grace is the power of God for salvation. Hindi ang gawa ng tao.

The Gospel and Real Transformation

Sa Galacia 1:13-24, ito ang nais patunayan ni Pablo. Totoo ang mensaheng ipinapangaral niya dahil sa ipinakita nitong kapangyarihan ng Diyos na baguhin ang kanyang buhay at matangggap niya ang kaligtasan. Kung matatandaan ninyo, sa chapters 1-2 ng Galacia ay pinatutunayan ni apostol Pablo ang kanyang pagiging apostol dahil dito nakasalalay ang integridad ng mensaheng kanyang ipinapangaral. Nagbibigay siya dito ng depensa laban sa mga gurong kumakalaban sa kanya at nagtuturo ng paraan ng kaligtasan na salungat sa ebanghelyo ni Cristo.

Sa verses 1-5, sa pasimula pa lamang ay makikita sa kanyang pagbati ang kahalagahan ng pagkaunawa sa tunay na ebanghelyo – ito lamang ang mensaheng nakapagbibigay ng tunay na pagpapapala o biyaya sa tao at ito lamang ang nakapagbibigay luwalhati sa Diyos. Anumang salungat dito ay salungat sa Diyos. Sa verses 6-9, ipinagsigawan niya na wala nang iba pang ebanghelyo na dapat pakinggan ng mga taga-Galacia upang sila ay maligtas. Kaya’t sinumang naniniwala at nangangaral ng salungat dito ay tatanggap ng mabigat na parusa mula sa kamay ng Diyos. Sa verses 10-12, nagsimula siya na patunayan na ang mensaheng ipinangaral niya ay galing sa Diyos. Kilala niya ang sarili niya bilang alipin ni Cristo. Anumang sabihin sa kanya ni Cristo, iyon ang gagawin niya at ipapangaral niya. “Hindi ko ito tinanggap mula sa tao, o itinuro man sa akin, kundi sa pamamagitan ng pahayag ni Jesu-Cristo” (v. 12).

Kailangan niyang patunayan na totoo ngang nagpakita sa kanya si Cristo at ang mensaheng ipinapangaral niya. Ito ang burden niya mula verse 13. Ipapakita niya na ito ang totoong ebanghelyo – na ang kaligtasan ay hindi sa pamamagitan ng gawa ng tao na pagsunod sa Kautusan kundi sa pamamagitan lamang ng pananalig kay Cristo. Totoo dahil walang sinumang tao ang maaaring maging dahilan na ang isang dating mabangis na taga-usig ng mga mananampalataya ay isa na ngayong mangangaral ng ebanghelyo.  The transformation from Saul the Persecutor to Paul the Preacher is something that only God can do. At nangyari ito nang ipahayag sa kanya ng Diyos ang tunay na ebanghelyo, ang mensaheng ibang-iba sa ipinapangaral ng mga nagsisikap na ibalik ang mga Cristianong Hentil sa pagsunod kay Moises bilang basehan ng pagtanggap sa kanila ng Diyos.

Inaaanyayahan tayo dito ng Diyos na tingnang mabuti ang nangyari kay Pablo at sabihin nating tunay na Diyos lamang ang makagagawa nito. Only the gospel of grace can bring about this transformation. We are talking here not just of behavioral change. What happened to Paul is certainly more than that. At higit pa diyan ang dapat na mangyari sa atin upang tayo ay magkaroon ng kaligtasan. We are talking here about real transformation of the heart. Only the gospel of grace can bring about real transformation of the heart. Paano ito nangyari sa buhay ni Pablo? Anu-anong ebidensiya ang makikita natin na nagpapatunay dito?

1. Realization of the need for the gospel of grace (13-14)

Unang ebidensiya, naroon ang pagkilala sa laki ng pangangailangan sa ebanghelyo ni Cristo. Pinatunayan ni Pablo ang kapangyarihan ng tunay na ebanghelyo sa pamamagitan ng pagbibigay-diin sa klase ng buhay niya bago niya makilala si Cristo. “For you have heard of my former life in Judaism…” (v. 13a). Nagsimula ito sa salitang “for” o “because” (“sapagkat”) na nagpapakita na ito ang basehan ng nauna niyang sinabi. At ang dahilan? Narinig na nila ang dati niyang pamumuhay sa Judaismo. Siya ay lahing Judio ngunit hindi na niya niyayakap ang kanilang relihiyon. Ang kanyang iniwanan, bakit pa niya babalikan? Ang ipinagpalit niya ay hindi lamang relihiyon kundi “buhay.” Iba na ngayon.

Ano ang kanyang dating pamumuhay na iniwan niya dahil nalaman niyang hindi ito ang makapagliligtas sa kanya? Una, siya ay tagausig ng iglesia. “…I persecuted the church of God violently and tried to destroy it” (v. 13b). Dahil sa kanyang “passion” for Judaism, ang tugon niya sa mga taong naniniwala kay Cristo bilang Diyos at Tagapagligtas ay malaking insulto sa kanilang relihiyon. Kaya ang kanyang tugon ay sirain ang iglesiang ito, hindi lamang pahirapan kundi patayin. Ang salitang “violently” ay naglalarawan ng tindi ng hirap na dinanas ng mga Cristiano sa kamay niya. Ang salitang ginamit sa “persecuted” ay nasa imperfect tense na nagpapakita na ang ginagawa niya ay hindi siya titigil hangga’t hindi nauubos ang mga Cristiano. “But Saul was ravaging the church, and entering house after house, he dragged off men and women and committed them to prison” (Acts 8:3). Sabi niya mismo, “I persecuted this Way to the death” (22:4).

Ikalawa, siya ang isa sa pinakamasigasig sa relihiyon ng mga Judio. “And I was advancing in Judaism beyond many of my own age among my people, so extremely zealous was I for the traditions of my fathers” (v. 14). Aral siya sa pangunahing guro noong panahon nila na si Gamaliel. Alam niya ang sinasabi ng Kasulatan. Alam niya ang mga tradisyon ng kanyang mga ninuno, mga tradisyong naglalaman ng iba’t ibang klaseng mga ritwal at mga kautusan na dagdag na sa utos ni Moises. Ngunit dahil sa sigasig sa relihiyon at pagnanais ng magkaroon ng pansariling katuwiran, ginagawa niya lahat. Lamang na lamang (“advancing”) siya sa marami. He was “extremely zealous.” Kung kailangan niyang pumatay para sa kanyang relihiyon gagawin niya. He thought he was doing the right thing, doing what was pleasing to God. “If anyone else thinks he has reason for confidence in the flesh, I have more: circumcised on the eighth day, of the people of Israel, of the tribe of Benjamin, a Hebrew of Hebrews; as to the law, a Pharisee; as to zeal, a persecutor of the church; as to righteousness, under the law blameless” (Phil. 3:4-6).

Ang punto ni Pablo? Ito na ang iniwan niyang buhay. Alam niyang kahit siya’y relihiyoso hindi siya katanggap-tanggap sa Diyos. Ayaw niyang ang mga taga-Galaciang nakarinig na ng biyaya ng Diyos ay tumalikod dito at yakapin ang relihiyon dati ni Pablo. Umalis na nga siya dito at alam niyang kailangan niya ang biyaya ng Diyos hindi ang kanyang sariling katuwiran. His primary goal now in life is this: to “be found in him, not having fa righteousness of my own that comes from the law, but that which comes through faith in Christ, the righteousness from God that depends on faith” (Phil. 3:9). Dahil diyan kahit pa ang napakalaki niyang kasalanan sa iglesia ng Diyos ay pinatawad na.

Ikaw, nakikita mo ba ang malaki mong pangangailangan sa biyaya ng Diyos? Ang biyayang ito ay hindi lamang para sa mga mamamatay-taong katulad ni Pablo dati kundi para sa inyo na itinuturing ninyong relihiyoso kayo. Nakikita mo ba na kailangan mo ang biyaya ng Diyos o nagtitiwala ka sa sarili mong kabutihan? Kung nakikita mo ito, ito ay ebidensiya ng kapangyarihan ng ebanghelyo ni Cristo.

2. Revelation of the light of the gospel of grace (15-16)

Ikalawa ebidensiya ng kapangyarihan ng ebanghelyo ni Cristo na bumago sa buhay at puso ng tao: naroon ang kapahayagan ng liwanag ng ebanghelyo ni Cristo. Ang dating bulag ay ngayon nakita kung sino si Cristo at ano’ng laki ng habag ng Diyos at layunin niya para sa atin. Alam na ng mga taga-Galacia ang klase ng buhay na mayroon noon si Pablo. Ngayon isasalaysay niya kung ano ang ginawa ng Diyos upang baguhin iyon.

But when he who had set me apart before I was born, and who called me by his grace, was pleased to reveal his Son to me” (v. 16). Salvation is wholly the work of God. It is God’s initiative. Verses 13-14 is all about Paul’s former life, life not pleasing to God. Dito sa verses 15-16 ay tungkol naman sa lahat ng ginawa ng Diyos para kay Pablo. This is God’s work, not Paul’s. Ano ang ginawa ng Diyos?

First, God “set me apart before I was born (literally, “from my mother’s womb”). Tulad ng pagkakatawag sa mga propeta tulad ni Jeremiah, Paul was “set apart for the gospel of God” (Rom. 1:1). Hindi pa siya ipinapanganak ay ibinukod na siya ng Diyos na tumanggap ng kanyang habag at sa isang dakilang layunin. Biyaya ng Diyos na siya ay piliin bago pa man likhain ang sanlibutan. Hindi aksidente ang pagkakatawag kay Pablo. Ayon ito sa plano ng Diyos. Hindi ba’t ganoon din sa ating mga naligtas na tayo’y pinili at ibinukod ng Diyos. “He chose us in him before the foundation of the world” (Eph. 1:4).

Second, God “called me by his grace.” Ang Diyos ang tumawag. Narinig niya ang boses ng Diyos na tinatawag siyang isuko ang kanyang sarili at sumunod kay Jesus. Dahil ba matalino si Pablo? Dahil ba kapag nagbago siya ay siguradong dadalhin niya ang kanyang sigasig mula sa kanyang dating relihiyon? Dahil ba sa sariling katangian ni Pablo? Hindi! Dahil lamang sa kagandahang-loob ng Diyos! This is grace! God’s undeserved favor. Sino sa kanila ang makapagsasabing karapat-dapat si Pablong maging apostol? Wala. Ngunit iyan ang ibig sabihin ng biyaya ng Diyos. “But when the goodness and loving kindness of God our Savior appeared, he saved us, not because of works done by us in righteousness, but according to his own mercy” (Tit. 3:4-5). Huwag na huwag mong iisipin na dahil may nakita sa iyo ang Diyos na mabuti kaya ka niya iniligtas, dahil wala. Ang makikita lang niya sa puso mo ay karumihan. It is by grace.

Third, God “was pleased to reveal his Son to me.” Ang emphasis ng verse na ito ay sa salitang “pleased” o ito ay dahil ginusto o nakalulugod na gawin ng Diyos. Hindi ito dahil sa desisyon ni Pablo. Ito ay desisyon ng Diyos. Makikita natin sa Acts 9 kung paanong ang isang liwanag ang sumalubong kay Pablo nang siya’y papunta sa Damasco upang pagpapapatayin ang mga tagasunod ni Cristo. Nagpakita sa kanya si Jesus at sinabing, “Ako si Jesus na iyong pinag-uusig” (9:5; cf. 22:8; 26:15). Hindi ba’t tayo’y dati ring mga bulag at hindi nakakakilala kay Cristo? Ngunit ano ang ginawa ng Diyos? “For God, who said, ‘Let light shine out of darkness,’ has shone in our hearts to give the light of the knowledge of the glory of God in the face of Jesus Christ” (2 Cor. 4:6). Oh, I pray that all of you may see this light! No real transformation will happen in our hearts if the light of Jesus has not yet penetrated it.

Totoo ngang dahil ang kaligtasan ay biyaya ng Diyos, ito ay gawa ng Diyos at hindi dahil sa gawa ng tao. Ngunit may layunin ang Diyos kung bakit tayo iniligtas – upang gumawa para sa kanyang karangalan sa ibang tao. Ano ang layunin kung bakit tinawag si Pablo? Sabi niya na ang layunin ay: “in order that I might preach him (literally, “evangelize” or “proclaim the good news”) among the Gentiles” (v. 16). Ang ipangaral si Cristo sa mga Hentil ang pagkakatawag sa kanya. He recounted that time when Jesus said to him:

I have appeared to you for this purpose, to appoint you as a servant and witness to the things in which you have seen me and to those in which I will appear to you, delivering you from your people and from the Gentiles— to whom I am sending you to open their eyes, so that they may turn from darkness to light and from the power of Satan to God, that they may receive forgiveness of sins and a place among those who are sanctified by faith in me.’ (26:16-18)

Si Cristo at ang kanyang ebanghelyo na nahayag sa atin at nakilala natin ay siya ring ipapangaral natin sa ibang tao. The light revealed to us will be the light that we will shine to others (Mt. 5:16).  Do you now realized that God called you not just in order that you may be saved, but also in order that you may serve. We are saved to served.

3. Recognition of the power of the gospel of grace (17-24)

Ikatlong ebidensiya: naroon ang pagkilala ng ibang tao sa kapangyarihan ng Diyos na bumago ng buhay sa pamamagitan ng kanyang ebanghelyo. Maraming tao ang makapagpapatunay sa nangyari kay Pablo. Hindi ito kayang ipaliwanang ng gawa ng tao. Nagpapatotoo sila na ito ay tunay na galing sa Diyos.

Pagkatapos na magpakita sa kanya si Jesus sa daan patungo sa Damasco, “I did not immediately consult with anyone (literally, “flesh and blood”; emphasizing that what he received was truly divine); nor did I go up to Jerusalem to those who were apostles before me, but I went away into Arabia, and returned again to Damascus” (vv. 16b-17). Ang mensahe niya ay hindi niya nilinaw sa ibang tao kahit sa mga apostol sa Jerusalem. Pumunta siya sa Arabia upang maglaan ng oras sa ilan pang mga ipapahayag ni Cristo sa kanya. Tatlong taon siya dito.

Then after three years I went up to Jerusalem to visit Cephas and remained with him fifteen days. But I saw none of the other apostles except James the Lord’s brother” (vv. 18-19). At noong pumunta na siya sa Jerusalem para bisitahin si Pedro hindi ito upang magtatanung-tanong tungkol sa ebanghelyo at mag-usap tungkol sa doktrina. Ang salitang ginamit sa “visit” (historeo) ay nangangahulugang pagdalaw sa layuning makilala ang isang tao. This was for acquaintance or fellowship with another apostle. Malamang pinag-usapan nila ang tungkol sa misyon nila – si Pedro sa mga Judio, si Pablo sa mga Hentil – at ang mga karanasan ni Pedro kasama si Jesus at karanasan ni Pablo nang makilala niya si Cristo. 15 araw lang ito at si James lang ang nakita niya maliban kay Peter. Imposibleng galing sa kanila ang mensahe ni Pablo, bagamat pareho ang laman nito.

Dahil sa mahalagang malaman ng mga taga-Galacia ang totoo sinabi niya, “In what I am writing to you, before God, I do not lie” (v. 20)! Ito ay isang panunumpa na tumatawag sa Diyos na sumaksi sa sinasabi niya. Pananagutan niya sa Diyos kung nagsisinungaling siya. Kahit pa ipagtanung-tanong nila sa iba ang nangyari kay Pablo, marami ang makapagpapatunay nito.

Then I went into the regions of Syria and Cilicia. And I was still unknown in person to the churches of Judea that are in Christ. They only were hearing it said, ‘He who used to persecute us is now preaching the faith he once tried to destroy’” (vv. 21-23).  Hindi siya nagtagal sa Jerusalem. Nagtungo agad siya sa labas ng bansa upang ipahayag sa mga Hentil ang mabuting balita ni Cristo. Kaya naman hindi talaga siya kilala sa mga iglesia sa Judea (probinsiya ng Jerusalem). At naging bali-balita na sa kanila ang nangyari. Maaaring ang ilan ay hindi makapaniwala na ang isang dating umuusig sa kanila ay siya na ngayong nangangaral ng ebanghelyo at dumaranas ng pag-uusig ng mga taong laban dito. What was being passed around the churches is a great testimony to the power of God’s grace.

Ano ang resulta ng patotoong ito sa kapangyarihan ng Diyos? “And they glorified God because of me” (v. 24). Dahil sa nangyaring himala sa buhay ni Pablo, ito ay nagresulta ng mas malaking karangalan at luwalhati sa Diyos. Only the gospel of grace can transform the heart and life of sinners. Only this gospel can bring glory to God. Dahil dito ipinapakita sa buhay natin na wala sa atin ang dahilan kung bakit nangyaring pagbabagong ito. Ito ay himala ng Diyos.

Dahil sa patotoo ni Pablo, kinilala ng mga tao ang kapangyarihan ng Diyos sa pamamagitan ng ebanghelyo ni Cristo. Kaya nga nasasabi niya, “I am not ashamed of the gospel of God” (Rom. 1:16). Tayo rin, sabihin natin sa ibang tao kung anong laking pagbabago ang ginawa ng Diyos sa buhay ninyo. Hindi man kayo kriminal dati o drug addict, malaki ang pagbabagong nangyari sa buhay ninyo nang makilala ninyo si Cristo. Ang pusong dating marumi ngayon ay malinis na. Ang dating patay, ngayon ay buhay. Ang dating bulag ngayon ay nakakakita na. Ipakita natin sa ating buhay ang katotohanan ng ebanghelyo ni Cristo. Sabihin natin sa tuwing tayo ay magsasama-sama sa pagsamba ang ginawa ng Diyos sa inyong buhay. Hindi ang ginawa mo, kundi ang ginawa ng Diyos sa iyo at sa pamamagitan mo. At nakatitiyak tayo, ang Diyos ang tatanggap ng karangalan sa lahat ng ito. Purihin ang dakila at mahabaging Diyos!

Don’t Look Inside You, Efren

Pinatunayan ni Pablo ang katotohanan ng ebanghelyo sa pamamagitan ng pagsasalaysay niya sa mga pangyayari bago niya makilala si Cristo (vv. 13-14), nang magpakita sa kanya si Cristo (vv. 15-16), at pagkatapos na makilala niya si Cristo (vv. 17-24). Sa pamamagitan din nito mapapatunayan din sa buhay natin na totoo ang ebanghelyo kung: (1) nakikilala na natin ang laki ng pangangailangan natin sa kaligtasang nakay Cristo; (2) tinanggap na natin ang ipinahayag ng Diyos tungkol kay Cristo; at (3) nakikita ng mga tao at kinikilala nilang ang pagbabagong nangyari sa buhay natin ay hindi gawa ng tao kundi gawa ng Diyos. Only the gospel of grace can bring real transformation of the heart.

Efren Peñaflorida of Cavite City was awarded the 2009 CNN Hero of the Year for pioneering a mobile education called “pushcart classroom” to help in teaching urban poor youth as alternative to gang membership. Sa kanyang acceptance speech sinabi niya:

Serve, serve well, serve others above yourself and be happy to serve. As I always tell my co-volunteers… you are the change that you dream as I am the change that I dream and collectively we are the change that this world needs to be…Each person has a hidden hero within, you just have to look inside you and search it in your heart, and be the hero to the next one in need.

Yes, we want change. We want change in our society, we want change in ourselves. But the problem is our heart. “You just have to look inside you”? No. You have to look to Jesus, the one who was crucified on the cross to make possible the true transformation of our rebellious hearts. It will happen not by looking inside of us but looking outside of us, looking to Jesus. Don’t look anywhere else; look to Jesus’ gospel of grace. That’s the gospel of grace. That’s God’s transforming grace.

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.