The Unchanging Promise of God

Download mp3 | Download pdf

Celebrating the Cross of Christ: An Exposition of Galatians

By Derick Parfan | January 31, 2010

Galatians 3:15-18 (ESV)

To give a human example, brothers: even with a man-made covenant, no one annuls it or adds to it once it has been ratified. Now the promises were made to Abraham and to his offspring. It does not say, “And to offsprings,” referring to many, but referring to one, “And to your offspring,” who is Christ. This is what I mean: the law, which came 430 years afterward, does not annul a covenant previously ratified by God, so as to make the promise void. For if the inheritance comes by the law, it no longer comes by promise; but God gave it to Abraham by a promise.

“As Solid as I Think It is”

Tinamaan ng 7.0 magnitude na lindol ang Haiti noong January 12. Isa si Ann Klein, 71 years old, sa mga daan-daang Amerikano na naroon para sa short-term missions trips. Mula pa 1990 ay nagvovolunteer na siya para sa mga medical missions work sa Haiti. Nasa loob siya ng isang building sa kanilang mission campus noong nangyari ang lindol. Iniisip niya kung guguho ang mga kongkretong nakapaligid sa kanya. Nanalangin siya, “Lord, I pray this house is as solid as I think it is.” Pagkatapos ng 53 segundo, huminto ang lindol. Nakarinig siya ng malakas na mga sigaw sa labas. Nagkakagulo ang mga tao sa village nila. Paglabas niya, nakita niya na lahat ng mga gusali sa kanilang mission campus ay hindi grabe ang pinsala, hindi tulad ng ilan pang mga gusali sa paligid nila na gumuho lahat. Isa sa dahilan ay dahil halos lahat ng gusali doon sa campus nila ay “over-designed” ng kanyang asawang si Jeff Klein.[1]

Bilang mga Cristiano, tinatanong ba natin sa sarili natin kung tiyak tayong ang kinalalagyan natin ngayon sa buhay ay solido at hindi guguho, anumang lindol, bagyo o trahedya ang dumaan sa buhay natin? Do you believe that our “house” is “as solid as you think it is”? Makatitiyak tayo dahil ang kinatatayuan natin ay dinisenyo ng Diyos, at naaayon sa kanyang pangako. Kung ito ay gawa-gawa lang ng tao, tulad ng doktrina na nagsasabing ang kaligtasan ay sa pamamagitan ng gawa, hindi mananatiling nakatayo ang kinalalagyan natin. Ngunit kung ito ay nakabatay sa hindi nagbabago at hindi nasisirang mga pangako ng Diyos, may katiyakan tayo na anumang sigawan o kaguluhan ang maranasan ng mga tao sa paligid natin, mananatili tayong nakatayo sa isang matibay na pundasyon.

Faith based on the Sure Promises of God

Ang kaligtasan (ang pagtanggap sa atin ng Diyos sa pamamagitan ng pagturing sa atin na matuwid bagamat makasalanan, justification) ay sa pamamagitan lamang ng pananampalataya at hindi sa pagsunod sa kautusan (2:16). Sa chapters 3 at 4 ng Galatians ay nais patunayan ito ni Pablo sa mga taga-Galacia, bilang depensa na rin sa mga nagtuturo sa kanila ng “ibang ebanghelyo.” Sa 3:2 ay tinanong niya ang mga Cristiano sa Galacia, “Tinanggap ba ninyo ang Espiritu sa pamamagitan ng mga gawa ayon sa Kautusan o sa pamamagitan ng inyong pananalig sa inyong narinig tungkol kay Cristo” (MBB, 2005 ed.)? Sa mga sumunod na talata ay pinakita niya ang malaking pagkakaiba ng “pananalig kay Cristo lamang” at “pagsunod sa kautusan” bilang paraan ng kaligtasan.

“pananalig sa inyong narinig tungkol kay Cristo” “mga gawa ayon sa Kautusan”
Tunay na ebanghelyo Ibang ebanghelyo
3:6-9      Pananampalataya (“Abraham”) 3:10-14    Kautusan (ang “sumpa”)
3:15-18  Pananampalataya (“pangako/tipan”) 3:19-24    Kautusan (mga “paglabag”)
3:25-4:7 Pananampalataya (“mga anak at tagapagmana”)

Sa 3:6-9, pinatunayan niyang ang pagtanggap sa atin ng Diyos ay sa pamamagitan lamang ng pananampalataya dahil sa ganitong paraan itinuring na matuwid (counted righteous) si Abraham. Ang lahat lamang ng nagtitiwala kay Cristo at hindi sa sarili ang maituturing na mga anak ni Abraham at sa gayon ay tatanggap ng pagpapalang ibinigay sa kanya ng Diyos. Sa 3:10-14, pinatunayan naman niya ito sa pamamagitan ng pagbibigay-diin na ang pagtitiwala sa kautusan ang siyang nagdulot ng sumpa ng Diyos, ngunit si Cristo ang nagpapalaya sa ating mga nananalig sa kanya mula sa sumpa tungo sa pagpapala ng Diyos. Dito naman sa 3:15-18 ay sinasabi niyang ito ay sa pananalig lamang kay Cristo dahil hindi maaaring masira ang pangako ng Diyos. Ang pangako ng Diyos ay mananatili at hindi magbabago, kaya naman lahat lamang ng nagtitiwala sa pangako ng Diyos na nakay Cristo ang magtatamo ng kaligtasan.

Ang pagtanggap sa atin ng Diyos ay sa pamamagitan lamang ng pananalig kay Cristo dahil ang pangakong binitiwan ng Diyos ay nananatili at hindi magbabago. Maaaring isagot ng mga tinatawag na “Judaizers” sa sinabi ni Pablo tungkol kay Abraham, “Totoo ngang nanalig si Abraham sa pangako ng Diyos at ito ang naging paraan ng Diyos upang maligtas siya. Ngunit dumating si Moises pagkaraan ng mahigit 400 taon at ibinigay sa kanya ngayon ng Diyos ang utos na dapat sundin upang magkaroon ang tao ng kaligtasan.” Isasagot dito ni Pablo na, “Hindi maaaring magbago ang pangako ng Diyos. Kung ano ang ipinangako niya kay Abraham tutuparin niya. Hindi ang Kautusan, na galing din sa kanya, ang maaaring sumira nito. Nananatili ang pangako ng Diyos. Kaya naman, sa pamamagitan lamang ng pananalig sa kanyang pangako tayo maibibilang na matuwid sa harapan ng Diyos.” Ngayon, paano nasabi ni Pablong hindi maaaring magbago ang pangako ng Diyos? Magbibigay ako tatlong dahilan at dalangin ko na ito rin ang magbigay sa atin ng kumpiyansa sa plano ng Diyos at maging panatag sa pagtitiwala natin kay Cristo.

Promise Confirmed by God

Una, mula noon hanggang ngayon ay pinagtibay ng Diyos ang kanyang pangako sa isang Tipan. Kaya naman hindi niya ito babaguhin, at hindi rin ito mababago ng sinumang tao. Malinaw itong makikita sa tipan o covenant na pinagtibay niya kay Abraham. Nangako ang Diyos kay Abraham na siya’y pagpapalain at magiging pagpapala siya sa maraming bansa (Gen. 12:1-3), na sa kanyang anak ipagkakaloob at magmumula ang pagpapalang galing sa Diyos para sa mga bansa (13:14-16; 15:3-6; 22:15-18). Ito ay tinatawag na “covenant.”

Ano ba ang isang “covenant”? Ang salitang ginamit ni Pablo dito ay diatheke na maaaring tumukoy sa “covenant” o sa isang “last will and testament.” Ang isang “covenant” ay maaaring ihalintulad sa isang kasal o isang kontrata. Ngunit sa Lumang Tipan, ito ay isang pangako na binitiwan ng isang hari sa kanyang nasasakupan. Ang hari ang magdidikta ng mga “terms” o “conditions” sa covenant. Hindi lang ito parang isang kontrata na dalawang partido ang nag-uusap at nagnenegotiate. Hindi naman tinanong ng Diyos si Abraham kung may suggestion siya para baguhin ang covenant. Ang Diyos ang masusunod, dahil siya ang Hari at Manlilikha natin.

Maaari din itong tumukoy sa isang “last will and testament.” Ito ay isang kasulatan na nagpapatunay na ililipat ang pagmamay-ari at kayamanan ng isang tao sa kanyang mga anak o sa ibang tao kapag siya ay namatay na. Wala ring sinumang maaaring bumago nito maliban sa taong lumagda sa kanyang “last will and testament” at siyang nagmamay-ari ng kayamanang ililipat. Maaari itong tumukoy sa isang “covenant” tulad ng sa panahon ng Lumang Tipan o sa isang “testament” tulad ng sa panahon ng mga Griyego sa Bagong Tipan. Maaari ding nais tukuyin ni Pablo ang dalawang gamit na ito upang bigyang diin ang hindi mababago, hindi mapapalitan, hindi madadagdagan, hindi mababawasan at hindi masisirang pangako ng Diyos.

Kaya nga ginawa niyang halimbawa ang karaniwang kasunduan ng mga tao sa verse 15, “Mga kapatid, ako ay nagsasalita ayon sa tao (o “bibigyan ko kayo ng isang karaniwang halimbawa”), kapag napagtibay na ang tipan (sa MBB ay “kasunduan”) ng isang tao, walang makapagdaragdag o makapagpapawalang-bisa nito.” Kung tayo ngang mga tao kapag may kasunduang legal o kontrata na nilagdaan na at naging binding document na ay hindi natin basta-basta ito mababago, paano pa kaya ang Diyos? Kung nagpakasal ka ba at may marriage contract na, puwede bang basta mo lang baguhin ang isip mo at iwanan ang asawa mo? Kung may kontrata ka ba sa isang tao at nagkasundo na tatapusin ang isang housing project sa loob ng tatlong buwan puwede mo bang basta itigil na lang ang project o kaya’y abutin ng isang taon bago matapos? Paano pa kaya ang Diyos na hindi naman pabagu-bago ang isip, na kapag may sinabi siya gagawin niya? “The LORD has sworn and will not change his mind” (Psa. 110:4). “God is not man, that he should lie, or a son of man, that he should change his mind. Has he said, and will he not do it? Or has he spoken, and will he not fulfill it” (Num. 23:19)?

Sasabihin naman ng mga kumokontra kay Pablo, “Oo nga’t hindi nagbabago ang isip ng Diyos ngunit tinupad na ng Diyos ang kanyang pangako kay Abraham nang ipagkaloob sa kanya ang maraming anak. Kaya ngayon ay ang Kautusan na ang dapat nating sundin upang maligtas dahil wala nang bisa ang tipan ng Diyos kay Abraham.” Kaya paliwanag ni Pablo, “Ito ang ibig kong sabihin: Ang kautusan, na dumating pagkaraan ng apat na raan at tatlumpung taon, ay hindi nagpapawalang-bisa sa tipan na dati nang pinagtibay ng Diyos, upang pawalang saysay ang pangako” (v. 17).

Ang 430 taong tinutukoy ni Pablo ay galing sa Exodus 12:40-41 kung saan tinukoy na 430 taon ang inilagi ng mga Israelita sa Ehipto bago sila iligtas ng Diyos. Kaya maaaring ang tinutukoy dito ni Pablo ay 430 pagkaraang ibigay ang pangako hindi lang kay Abraham kundi pati kay Isaac (Gen. 26:3-5) at Jacob (28:13-15) saka pa lamang ibigay ang Kautusan kay Moises. May layunin ang Diyos dito ngunit hindi nito pinalitan ang tipan ng Diyos kay Abraham dahil ang tipan nang Diyos ay “dati nang pinagtibay.” Ibig sabihin, nananatili ang bisa nito hanggang ngayon. Paano itong pinagtibay? Hindi na kailangan ng pirma o abugado para pagtibayin ito. Ang kailangan lang ay ang salita ng Diyos pagkat kung hindi niya ito tutuparin ay pangalan niya ang nakasalalay. Ito ang pinanghahawakan nating pangako ng Diyos, ang kanyang hindi masisirang mga salita.

So when God desired to show more convincingly to the heirs of the promise the unchangeable character of his purpose, he guaranteed it with an oath, so that by two unchangeable things, in which it is impossible for God to lie, we who have fled for refuge might have strong encouragement to hold fast to the hope set before us. (Heb. 6:17-18)

Totoo ang salita ng Diyos. Ang Diyos ang nagpatibay dito at hindi ito mawawalan ng bisa. Sino sa ating mga tao ang maaaring bumago nito? Kung pinagtibay ba ito ng Diyos, saan tayo ngayon magtitiwala – sa sistema ng tao o sa pangako ng Diyos? Kung pinagtibay na ng Diyos ang kanyang pangako, ano ngayon ang sinasabi mo sa kanya kapag nasusumpungan kang hindi nagtitiwala sa kanya? Na siya ay sinungaling at hindi mapagkakatiwalaan ang kanyang salita?

Promise Fulfilled in Christ

Nakita natin, una, na nananatili ang pangako ng Diyos dahil ito ay kanyang pinagtibay at walang sinuman ang maaaring bumago at sumira nito. Ikalawa, mula noon hanggang ngayon ay tinupad ng Diyos ang kanyang pangako kay Cristo. Kaya naman hindi maaaring magbago ang pangako ng Diyos dahil sa simula pa lang ay nais na ng Diyos na si Cristo ang maging katuparan ng lahat ng kanyang mga pangako. Verse 16, “Ngayon, ang mga pangako ay ginawa kay Abraham at sa kanyang binhi. Hindi sinasabi, ‘At sa mga binhi,’ na tungkol sa marami; kundi tungkol sa iisa, ‘At sa iyong binhi,’ na si Cristo.

Hindi madaling alamin ang kahulugan ng sinasabi dito ni Pablo. Tinukoy niya na ang pangako ay sa “binhi” ni Abraham, na iisa ang tinutukoy at hindi marami, “mga binhi.” Ngunit ang salitang ginamit dito (“offspring,” “seed”) ay isang collective noun na singular ang form ngunit tumutukoy sa marami (tulad ng gamit niya sa Romans 4:13ff). Para bang sinasabi niya na ang basketball team ay tumutukoy sa isang tao at hindi sa marami. Paano ngayon natin iintindihin ang sinasabi ni Pablo? Sa tingin ko ay nais ditong tukuyin ni Pablo na ang katuparan sa pangako ng Diyos ay hindi maaaring limitahan sa magiging maraming mga anak ni Abraham, kundi sa iisang pangako na darating na walang iba kundi si Cristo, ang “anak ni Abraham” (Matt. 1:1).

Nang dumating ang Kautusan sa panahon ni Moises, hindi pa talaga natutupad ang pangako ng Diyos. Sinabi nga sa Hebreo 11:39-40 na namatay si Abraham na hindi natanggap ang pangako. Dahil nga ang katuparan nito ay si Cristo. Iisa ang katuparan sa pangako ng Diyos at ito ay si Cristo. Kaya lahat lamang ng mga mananalig sa kanya ang magiging kaisa niya sa pagpapala ng Diyos. “But the Scripture imprisoned everything under sin, so that the promise by faith in Jesus Christ might be given to those who believe” (3:22).

For in Christ Jesus you are all sons of God, through faith. For as many of you as were baptized into Christ have put on Christ. There is neither Jew nor Greek, there is neither slave nor free, there is no male and female, for you are all one in Christ Jesus. And if you are Christ’s, then you are Abraham’s offspring, heirs according to promise (3:26-29).

Totoo ngang hindi mababago ang pangako ng Diyos at tinupad niya ito kay Cristo. At ang katuparang ito ay nananatili hanggang ngayon. Sa pamamagitan lamang niya maliligtas ang isang makasalanan, wala nang ibang paraan. Tinupad na ng Diyos ang pangako niya, ngunit baka ikaw ay hindi pa kaisa sa pagpapalang nakay Cristo dahil hindi mo pa pinanghahawakan ang kanyang ginawa sa krus para iyo. Ito ang panahon para tiyakin mong ikaw nga ay kabilang na sa mga anak ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo. Aanhin mo ang isang matibay na bahay bilang proteksiyon sa lindol kung wala ka naman sa loob at naglalaro pa sa labas?

Promise Received by Grace

Nakita natin, una, na ang pangako ng Diyos ay nananatili dahil ito ay pinagtibay ng kanyang mga salita at, ikalawa, ito ay tinupad niya kay Cristo kaya lahat lamang ng nakikiisa sa pananampalataya kay Cristo ang tatanggap ng pagpapala ng Diyos. Ikatlo, mula noon hanggang ngayon ay tinanggap natin ang pangako ng Diyos dahil lamang sa kanyang kagandahang-loob (grace). Verse 18, “Sapagkat kung ang mana ay sa pamamagitan ng kautusan, ito ay hindi na sa pamamagitan ng pangako, subalit ipinagkaloob ito ng Diyos kay Abraham sa pamamagitan ng pangako.” Dito ay sinasabi ni Pablo hindi compatible ang Kautusan at pangako, tulad ng isang lalaki at babae na pilit pinagsasama gayong hindi naman puwede. Hindi dahil walang lugar ang kautusan sa plano ng Diyos, katunayan ay tatalakayin ni Pablo simula verse 19 kung para saan ang kautusang ibinigay ng Diyos.

Unang beses niyang binanggit ang “mana” o “inheritance” na mas magiging diin niya sa 4:1-7 kung saan tinukoy niya na tayong mga mananampalataya ay mga “tagapagmana.” Ang isang mana ay kayamanan o pag-aari na tinatanggap ng isang anak mula sa kanyang magulang. Ibinibigay ito, hindi pinagtatrabahuhan. Hindi dahil sa kung ano ang ginawa mo kundi dahil sa kung ano ang katayuan mo bilang anak. Ang manang tinutukoy dito ay ang pagtanggap ng Diyos sa atin sa pamamagitan ng pananalig sa kanya. Sa pagtanggap sa atin ng Diyos ay tinanggap natin ang kanyang Espiritu (vv. 2, 14) at lahat ng biyayang nakay Cristo (Eph. 1:3). Malinaw itong makikita sa binanggit niya na “ipinagkaloob ito ng Diyos kay Abraham sa pamamagitan ng pangako.” Ang salitang “ipinagkaloob” ay perfect tense ng charizomai (“to give graciously”). It was not just given, it was given by grace. We did not work for it, he gave it to us even when we do not deserve it. Kung totoo ito kay Abraham, totoo pa rin ito hanggang ngayon.

Mula simula hanggang ngayon nais niya na ito ay ayon sa kanyang biyaya o grace. Kaya naman hindi niya babaguhin o sisirain ang kanyang ipinangako. “That is why it depends on faith, in order that the promise may rest on grace and be guaranteed to all his offspring” (Rom. 4:16).  “But if it is by grace, it is no longer on the basis of works; otherwise grace would no longer be grace” (Rom. 11:6). It is grace from beginning to end. Kaya naman may katiyakan tayong hindi mababago ang pangako ng Diyos.

Ayon kay MacArthur, hindi lamang kahangalan ang subuking pagtrabahuhan ang mana na ipinangako ng Diyos sa mga sasampalataya kay Cristo. Ito rin ay pagpapawalang-kabuluhan sa biyaya ng Diyos at sa kamatayan ni Cristo (2:21).[2] Ngunit kung patuloy tayong magtitiwala sa biyaya ng Diyos, the grace of God will be magnified and God will be glorified.

“It is Well with My Soul”

Kaya naman nakatitiyak tayo na ang kinatatayuan natin, ang kinalalagyan natin ay matibay dahil nakabase ito sa hindi nagbabagong pangako ng Diyos. Hindi ito magbabago dahil pinagtibay ito mismo ng Diyos at wala ni isa man sa atin ang may karapatang baguhin ito. Hindi ito magbabago dahil ang katuparan nito ay nakay Cristo at ito ay tatanggapin ng lahat ng kaisa ni Cristo sa pamamagitan ng pananalig sa kanya. Ito ang kinatatayuan nating mga Cristiano. Kaya anumang mangyari sa buhay natin, kahit mga trahedyang hindi naman natin inaasahan, mananatili tayong nakatayo.

Ito ang naranasan ni Horatio Spafford. Ipinanganak siya noong October 20, 1828 sa New York, naging isang successful na abugado at higit sa lahat, naging tagasunod ni Cristo. Noong 1871, isang malaking sunog ang nangyari sa Chicago kung saan mayroon siyang mga investments sa real estate kaya naman nagkalugi-lugi tuloy. Bago ang sunog, namatay naman ang kanyang anak na lalaki. Dalawang taon pagkatapos ng sunog, nagplano siya na dalhin ang kanyang pamilya sa Europe para magbakasyon at upang makatulong din ni Dwight L. Moody sa kanyang evangelistic campaigns sa Great Britain. Dahil sa isang last minute business transaction pinauna niya ang kanyang asawa at apat na anak. Noong November 22, ang barkong sinasakyan ng kanyang pamilya ay bumangga sa isa pa, at maya-maya ay lumubog na. Patay ang kanyang apat na mga anak na babae, ngunit ang asawa niya ay nakaligtas.

Sa lenggwahe ng mga tao, puro “kamalasan” ang inabot niya. Ano ang nagsustain sa kanya upang manatiling nakatayo at hindi natinag nang mga kabigatan sa buhay? Walang iba kundi ang walang-hanggang pangako ng Diyos na kanyang pinagtibay, tinupad kay Cristo sa kanyang kamatayan, at ibinigay dahil lamang sa biyaya ng Diyos. Kitang-kita ito sa kanyang isinulat na imno na pinamagatang “It is Well with My Soul.”[3]

Though Satan should buffet, though trials should come,
Let this blest assurance control,
That Christ has regarded my helpless estate,
And hath shed His own blood for my soul.
My sin, oh, the bliss of this glorious thought!
My sin, not in part but the whole,
Is nailed to the cross, and I bear it no more,
Praise the Lord, praise the Lord, O my soul!

[1] Lauren Eggert, “‘Lord, I Pray this House is as Solid as I Think,’ Haiti Quake Survivor Prayed,” in Christianity Today Live Blog, available at  http://blog.christianitytoday.com/ctliveblog/archives/2010/01/ lord_i_pray_thi_1.html (accessed January 29, 2010).

[2] John MacArthur, Galatians, MacArthur New Testament Commentaries (Chicago, IL: Moody, 1996), 85.

[3] Tel Asiado, “History of It is Well with My Soul” (Oct. 4, 2007), available at http://christianmusic.suite101.com/article.cfm/hymn_it_is_well_with_my_soul (accessed January 29, 2010).

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.