By Derick Parfan | November 8, 2009
Series: Celebrating the Cross of Christ
Galatians 1:6-9 (ESV)[1]
I am astonished that you are so quickly deserting him who called you in the grace of Christ and are turning to a different gospel— not that there is another one, but there are some who trouble you and want to distort the gospel of Christ. But even if we or an angel from heaven should preach to you a gospel contrary to the one we preached to you, let him be accursed. As we have said before, so now I say again: If anyone is preaching to you a gospel contrary to the one you received, let him be accursed.
Astonished
Isipin mong mayroon kang kaibigan na baon na baon sa utang, at pinagtatangkaan na ang buhay niya kung hindi siya makakabayad. Tapos tinulungan mong makaahon. Pinayuhan mo siya kung ano ang dapat niyang gawin. Ipinakilala mo siya sa isang taong mas makakatulong sa kanya. Dahil diyan, nakabayad na siya ng utang. Hindi lang iyon, kundi nagkaroon pa siya ng puhunan sa negosyo. Ngayon maginhawa na ang buhay ng kanyang pamilya.
Tapos, ilang araw pa lang ang nakakalipas, mayroong ibang kaibigang lumapit sa kanya at tinuruan siyang magsugal upang mas kumita ng malaki. Naakit siya sa pag-aakalang mas mabibigyan niya ng mas magandang buhay ang kanyang pamilya. Noong una, nananalo siya. Hanggang nalulong na sa sugal. Natalo nang malaki. Para makabawi, nangutang siya. Hangga’t isang araw ay baon na naman siya sa utang. Kung mabalitaan mong ganito na naman ang nangyari sa kaibigan mo, anong mararamdaman mo?
Nakakainis, ‘di ba? Nasa ayos na, bumalik na naman sa pagkakautang! At kasalanan din niya. Ganito ang nararamdaman ni Pablo sa mga taga-Galacia. Verse 6, “I am astonished that you are so quickly deserting him…and are turning to a different gospel…” Nagtataka na may pagkainis at galit sa laki ng kahangalang ipinapakita nila. Maayos na ang buhay nila dahil sa pananampalataya kay Cristo. Malaya na sila. Ngunit bumabalik na naman sila sa pagkakaalipin sa pamamagitan ng pagsunod sa kautusan upang maging matuwid sa harapan ng Diyos. Hindi dahil sa hindi dapat sundin ang kautusan, kundi sa pagsunod nila ay inaakala nilang ito ang paraan upang maligtas sila, kulang ang pananampalataya lang. “O foolish Galatians!…Are you so foolish?” (3:1, 3).
Ito ay isang pagkainis tulad ng isang nanay na pagkatapos paliguan ang kanyang anak ay maya-maya lang ay naglublob ulit sa putik. “I am astonished that you are so quickly…” Maari itong may kinalaman sa bilis ng pangyayari ilang buwan pa lang marahil ang nakakaraan pagkatapos itatag ni Pablo ang mga iglesia sa lugar ng Galacia (Acts 13-14). O maaari rin namang sa mabilis na pagtanggap ng mga Cristiano rito sa mensaheng narinig nila sa mga bulaang guro, katulad ng pangyayari sa Acts 15:1, “But some men came down from Judea and were teaching the brothers, ‘Unless you are circumcised according to the custom of Moses, you cannot be saved.’” Tapos naniwala agad sila at hindi man lamang inisip na ibang-iba ito sa sinasabi ni Pablo. Parang tinatanong sila ni Pablo, “Anong nangyari sa inyo? Bakit nagkaganyan kayo?”
Malaki ang impluwensiya ng mga gurong ito sa mga Cristiano sa Galacia. It is a bad influence. Lumalayo na sila sa tunay na ebanghelyo. At dahil sa laki ng pag-ibig sa kanila ni Pablo, ibinigay niya ang sulat na ito upang ipakita sa kanyang pagkainis o pagkadismaya na nais niyang bigyan sila ng babala. Ito ay babala ukol sa laki ng panganib ng paglayo sa tunay na ebanghelyo. Nais niyang huwag silang magpatuloy sa paglayo at sa gayon ay bumalik sa tunay na ebanghelyo.
Maraming Cristiano ang hindi alintana na sila ay naiimpluwensiyahan na na lumayo sa tunay na ebanghelyo. Maaaring dahil sa mga tagapagturong napapanood sa TV, o mga kaibigan, o kasintahan, o asawang hindi Cristiano. Sa pamumuhay nating Cristiano, baka naniniwala na tayo na ang kaligtasan ay hindi lamang sa pamamagitan ng pananampalataya kundi sa pamamagitan din ng mabuting gawa. Mag-ingat po tayo sa anumang masamang impluwensiya sa atin na hindi natin dapat pakinggan, hindi natin dapat paniwalaan. Ito ay isang panawagan sa atin na makita ang panganib ng paglayo sa tunay na ebanghelyo. Ito ay upang mas maging matindi ang pagkapit natin kay Cristo at sa ebanghelyo ng kanyang biyaya sa ating kaligtasan.
The Danger of False Gospels
Mapanganib ang paglayo sa tunay na ebanghelyo. Ito agad ang nais iparating ni Pablo sa kanila. Sa lahat ng mga sulat niya sa mga iglesia, palaging may “pasasalamat” na bahagi pagkatapos ng pagpapakilala at pagbati, kahit pa sa Corinto na napakalaki ang problema sa loob ng iglesia. Pero dito, wala! Diretso agad sa isyung nais niyang talakayin. Ganoon kaseryoso ang usaping dapat ayusin sa kanila. Bago natin sagutin ang tanong na, “Ano ang panganib ng paglayo sa tunay na ebanghelyo?” tingnan muna natin kung bakit ito mapanganib.
Mapanganib ito dahil iisa lamang ang ebanghelyo, wala nang iba! Pagkatapos niyang sabihin ang pagtataka niya kung bakit sila bumabaling sa ibang ebanghelyo, dahil baka isipin ng iba na mayroon ngang “ibang ebanghelyo,” sinabi niya sa verse 7, “…not that there is another one, but there are some who trouble you and want to distort the gospel of Christ” (v. 7). “…a gospel contrary to the one we preached to you…a gospel contrary to the one you received” (vv. 8-9). Bagamat tinatawag din nila itong ebanghelyo, o mabuting balita o daan ng kaligtasan ng tao, ito ay ibang-iba! Sinabi niyang wala nang iba! Ito ay salungat sa tunay na ebanghelyo. Any other gospel than Paul’s gospel is a false gospel, no gospel at all!
Mapanganib ito kasi ang mga taong ito na nagtuturo hindi naman sinasabing umalis sila sa pagiging Cristiano, o bumalik sa pagiging Judio, o sumapi sa ibang relihiyon, o sumpain ang pangalan ni Cristo. Bagamat sinasabi nilang naniniwala pa rin kay Cristo at sa kanyang ginawa sa krus at nagsasabing kailangan pa rin ang pananampalataya, itinuturo nila na hindi ito sapat. “Ginugulo” nila ang iglesia. Sinabi ni Pablo na sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo ang kaligtasan. Sabi naman ng mga gurong ito, “Hindi! Mali si Pablo. Kailangang tuparin din ang kautusan ni Moises para maligtas.” Naguguluhan tuloy ang mga tao. Nalilito.
They “want to distort the gospel of Christ.” Ang nais ng mga taong ito ay baluktutin (hindi lamang “baguhin” tulad ng sa MBB) ang ebanghelyo ni Cristo. Ang salitang baluktutin ay galing sa Griyegong metastrepho na dalawang beses lang ginamit sa Bagong Tipan. Ang una ay sa Acts 2:20, “the sun shall be turned (from metastrepho) to darkness.” Ang pagbabagong ginagawa sa mensahe ng ebanghelyo ay hindi lamang kaunting pagbabago kundi ang kinalabasan ay halos kabaligtaran na. Hindi mo na makikilalang ebanghelyo ni Cristo, iba na! Kaya nga sinabi niya na “hindi sa may ibang ebanghelyo,” o wala nang iba. Itong binago nilang mensahe, ang kinalabasan iba na. Hindi mo na makilala gaya ng araw na natakluban ng kadiliman, hindi mo na makita ang liwanag nito. At kung hindi ito nagbibigay liwanag, hindi ito araw. They did not just revise, edit, or modify the gospel. They altered it that it is no longer recognizable as “good news.”
At wala silang karapatang gawin ito dahil hindi sa kanila nanggaling ito. Ito ay “ebanghelyo ni Cristo.” Sa kanya ito, wala tayong karapatang galawin o baguhin ang nakasaad dito. They turned something very good into something very bad. They made the good news bad. At ipapakita ni Pablo sa susunod na mga talata na hindi ito katanggap-tanggap sa Diyos. Kaya mapanganib ang paglayo sa tunay na ebanghelyo ay dahil iisa lamang ang tunay na ebanghelyo. Iisa lamang ang paraan upang maligtas ang tao.
At kung iisa lang ang tunay na ebanghelyo ng kaligtasan, ano ngayong panganib ang naghihintay sa mga taong lalayo dito – sa paniniwala (vv. 6-7) at sa pangangaral (vv. 8-9)? Dahil lahat ng ibang mensahe na salungat sa tunay na ebanghelyo ay tungo sa kapahamakan, lahat ng lalayo dito ay tungo din sa kapahamakan. Ito ang napakalaking panganib na gusto ni Pablong iwasan ng mga taga-Galacia.
Leaving God’s Gracious Hand
Sa verses 6-7, binigyang diin ni Pablo na ang mga naniniwala sa hindi tunay na ebanghelyo ay lumalayo sa Diyos at sa kanyang biyaya. Ito ang panganib ng paglayo sa tunay na ebanghelyo – paglayo sa Diyos at sa kanyang biyaya. Hindi lamang tungkol sa paniniwala ang pinag-uusapan dito, hindi lamang ito isyu ng pagkakaiba-iba ng opinyon. Ang isyu dito ay ang kaugnayan natin sa Diyos at sa kanyang biyaya sa atin.
Pansinin ninyo sa sinabi ni Pablo sa verse 6 na ang pagbaling sa ibang ebanghelyo ay paglayo sa Diyos. “I am astonished that you are so quickly deserting him who called you…and are turning to a different gospel” (v. 6). Ang salitang ginamit dito (“deserting…turning”) ay galing sa salitang Griyego na metatithesthe na ginagamit sa isang sundalong iniwan ang kanyang kampo at nagbago ng “allegiance.” Samakatuwid, ang ginagawa nila ay hindi lamang kaunting pagbabago ng pananaw, ito ay pagbaling – a 180-degree turn, a “change of attitude.” It is a complete turnaround. Naimpluwensiyahan nga sila ng iba, ngunit ito ay sariling desisyon pa rin nila at may responsibilidad sila o pananagutan dito. Hindi sila inilalayo, sila ay lumalayo. They are responsible for leaving God. Akala nila lumalapit sila sa Diyos sa pamamagitan ng mabuting gawa. Nagkakamali sila. Inilalayo lalo nila ang kanilang mga sarili.
At kung ang paglayo sa tunay na ebanghelyo ay paglayo sa Diyos, ito rin ay paglayo sa biyaya ng Diyos. “I am astonished that you are so quickly deserting him who called you in the grace of Christ…” (v. 6). Ang Diyos ang tumawag sa kanila palapit sa kanya sa pamamagitan ng biyayang nanggagaling sa ginawa ni Cristo sa krus. Kung sila ay lumalayo sa tunay na ebanghelyo, sinasabi rin nilang tinatanggihan nila ang biyaya o regalong alok ng Diyos. At dahil diyan, kapahamakan ang naghihintay sa kanila, galit ng Diyos at hindi biyaya ng Diyos. Inilalabas nila ang kanilang sarili sa loob ng biyaya ng Diyos. Pinalaya na sila mula sa kulungan ng kasalanan, ngayon ibinabalik na naman nila ang sarili nila sa kulungan.
This turning away from God and from his grace is repeated by Paul in 5:4, “You are severed from Christ, you who would be justified by the law; you have fallen away from grace.” Ito ay isang babala upang hindi sila magpatuloy sa pagtalikod, upang bumalik sila sa una nilang pinanghawakan.
What does it mean for us? I believe that this warning is a call for us to ponder the implications of not having the true gospel. Tiyaking hawak mo ang tunay na ebanghelyo. Kung hindi? At the Lord’s coming, he will “[inflict] vengeance on those who do not know God and on those who do not obey the gospel of our Lord Jesus. They will suffer the punishment of eternal destruction, away from the presence of the Lord and from the glory of his might” (2 Thess. 1:8-9). Isipin mo ngang mabuti kung ano ang ibig sabihin kapag ang isang tao ay nahiwalay sa Diyos hindi lamang pansamantala kung pangwalang-hanggan.
At marahil ay nakikita mo ngayong palayo ka sa Diyos at sa kanyang kaligtasan dahil hindi ka naman talaga sumasampalataya kay Cristo. Ganyan din ang mga taga-Galacia. Hindi pa sila tuluyang tumalikod kundi nasa proseso pa lang ng pagtalikod. Kaya nananawagan si Pablong bumalik sila. Kung nararamdaman mong palayo ka sa Diyos at sa kanyang kabutihan sa iyo, binibigyan ka niya ng babala ng laki ng hirap na daranasin mo kung hindi ka lalapit sa krus ni Cristo. Binibigyan ka ng babala dahil nais niyang lumapit ka sa kanya.
In the Hands of an Angry God
Kung hindi tama ang pagkakaunawa natin sa ebanghelyo, imposible na magkaroon tayo ng kaugnayan sa Diyos. Ang pagbaluktot sa ebanghelyo ay seryosong usapan, hindi ito maaaring palampasin ni Pablo. Kaya nga sinabi niya sa verses 8-9 na ang mga nangangaral ng hindi tunay na ebanghelyo ay tatanggap ng pinakamabigat na parusa ng Diyos. “But even if we or an angel from heaven should preach to you a gospel contrary to the one we preached to you, let him be accursed. As we have said before, so now I say again: If anyone is preaching to you a gospel contrary to the one you received, let him be accursed” (1:8-9).
Hindi dahil ang isang tao ay nagsasabing galing siya sa mga apostol sa Jerusalem, ay nararapat siyang pakinggan o paniwalaan. Hindi dahil ang isang tao ay nagsasabing ang kanyang mensahe ay tinanggap niya mula sa isang anghel (tulad ni Joseph Smith ng Mormons na sinabing ang kanyang mensahe ay galing sa anghel na si Moroni), ay siya na ang tama. Hindi dahil ang isang tao ay kinakikitaan ng himala ay tama ang sinasabi niya. Ang basehan ay ang mensahe ng tunay na ebanghelyo na itinuro ni Cristo. At anumang salungat dito ay may nakalaang parusa ang Diyos.
“Let him be accursed.” Ang salitang ginamit dito ay anathema. Ito ay limang beses ginamit sa mga sulat ni Pablo (Rom. 9:3; 1 Cor. 12:3; 16:22; cf. Acts 23:14). Dalawang beses dito sa 1:8-9! Ito rin ay ginagamit sa Lumang Tipan sa isang bagay (siyudad o mga tao) na iniaalay o ibinibigay sa Diyos upang wasakin (“devoted to the Lord for destruction”; Jos. 6:18; 7:12-13; Deut. 13:16; 20:17). Sinasabi ni Pablo, “Mapabilang nawa sila sa mga taong sinumpa!” Ipinapaubaya at ipinagkakatiwala niya sa Diyos ang hatol na nararapat sa kanila sa huling araw, sa araw ng kanyang paghuhukom. Hindi lamang ito isang pagdidisiplina upang maituwid ang isang taong nagkakasala, hindi lamang “excommunication” sa iglesia ang parusa dito, ito ay isang sumpa! “May he be condemned to hell!” (Good News Bible). “Let him be eternally condemned!” (NIV). Paul is so serious about this. He is so angry. Kaya inulit pa niya sa verse 9 ang sinabi niya.
Peter and Jude issued the same warning:
But false prophets also arose among the people, just as there will be false teachers among you, who will secretly bring in destructive heresies, even denying the Master who bought them, bringing upon themselves swift destruction. And many will follow their sensuality, and because of them the way of truth will be blasphemed. And in their greed they will exploit you with false words. Their condemnation from long ago is not idle, and their destruction is not asleep. (2 Pet. 2:1-3)
For certain people have crept in unnoticed who long ago were designated for this condemnation, ungodly people, who pervert the grace of our God into sensuality and deny our only Master and Lord, Jesus Christ. (Jude 4)
Bakit ganoon kaseryoso ang bagay na ito at nagbanggit si Pablo ng sumpa para sa kanila? Hindi ito dahil sa gustong maghiganti ni Pablo sa mga kumokontra sa kanya o umaaway sa kanya. Hindi ito dahil naiinggit siya sa mga taong iyon na pinakikinggan na ng mga taga-Galacia at hindi na siya. Hindi dahil sa integridad at popularidad niya ang nakasalalay. Kaya nga sinali niya ang sarili niya sa posibleng masumpa kung hindi siya magiging tapat sa ebanghelyo, “But even if we…”
Kung hindi ito ang dahilan, ano? Una, dahil dito nakasalalay ang karangalan ng pangalan ng Diyos. Anumang katuruang salungat dito ay paglapastangan sa Diyos. Ito ay makapagbibigay karangalan sa gawa ng tao hindi sa gawa ng Diyos. The only gospel that brings glory to God is the gospel of his grace. Any other gospel insults him.
Pangalawa, dahil dito nakasalalay ang kaligtasan ng mga makasalanan. Anumang katuruang salungat dito, kahit pa sa pangalan ng Cristianismo o kahit pa ginagamit ang pangalan ni Cristo, ay tungo sa kapahamakan. Kahit pa hindi tayo kabilang sa mga gurong nagtuturo ng maling katuruan, dapat din nating pakinggan ang babala ni Pablo. Dahil kung maiimpluwensiyahan tayo at babalik sa pagsunod sa kautusan para sa ating kaligtasan, mapapahamak tayo. Ang anathema ay ginamit din sa 1 Corinthians 16:22 at hindi lamang mga false teachers ang tatanggap ng hatol na ito: “If anyone has no love for the Lord, let him be accursed (anathema).”
Mapanganib ang pangangaral ng ibang ebanghelyo dahil galit ng Diyos ang naghihintay sa kanila. Mapanganib ito sa sinumang matatangay sa impluwensiya nila upang lumayo sa tunay na ebanghelyo ni Cristo. It is a call for us to cut off anything or anyone that might influence us or influencing us to turn away from the gospel, from the grace of God, from the love of God. Hindi lang false teachers ang pinag-uusapan natin dito. Maaaring mayroong isang bagay, isang tao, o isang gawain ang nagiging dahilan ng iyong paglayo sa iyong kaugnayan sa Diyos. Ito ay panawagan na talikuran mo ito at magsimula ulit na pagbulay-bulayan ang ginawa ni Cristo sa krus para sa iyo upang mailapit ka sa Diyos (1 Pet. 3:18).
Are You Listening?
Malinaw sa babalang ito ni Pablo sa mga taga-Galacia na iisa lamang ang ebanghelyong galing kay Cristo. Ito ang balitang si Cristo’y namatay para sa ating mga kasalanan at sinumang sasampalataya sa kanya ay maliligtas. Ang kaligtasang ito ay biyaya ng Diyos at hindi dahil sa mabuting gawa o pagsunod sa kautusan (Eph. 2:8-9). Anumang iba dito ay salungat dito at hindi dapat tawaging ebanghelyo. Sinumang magtitiwala sa mensaheng ito ng mga bulaang guro ay katulad din nilang tatanggap ng mabigat na parusang galing sa Diyos.
Anu-ano ang nakita nating implikasyon nito sa buhay natin? Una, patuloy na ilagay mo sa isip mo ang tindi ng galit at parusa ng Diyos sa sinumang lumalayo sa biyaya ng Diyos. Ponder the implications of this! Let it sink in. Kulang ang pang-unawa natin sa laki ng panganib na dulot ng paglayo sa tunay na ebanghelyo dahil sa laki ng impluwensiya ng entertainment sa buhay natin. Hindi na tayo makapag-isip ng sapat tungkol sa mga realidad ng buhay. Pag-isipan natin itong mabuti. Seryosong usapan ito, mga kapatid dahil kaluluwa natin ang nakasalalay dito.
Pangalawa, tiyakin mong ang pinaniniwalaan mo ay ang tunay na ebanghelyo. Tiyakin mong ang pag-ibig at pagtitiwala mo ay nakay Cristo. Hindi dahil ang pamilya mo ay Cristiano ay sigurado kang may kaligtasan ka na rin. Hindi dahil ang nagsisimba ka at dumadalo sa mga gawain ng church ay ligtas ka na sa kapahamakan. Tiyakin mong nasa puso mo ngayon si Cristo at tunay ang pagtitiwala mo sa kanya, na wala na sa sarili mo ang tiwala mo kundi nasa kanya na.
Ikatlo, huwag kang makikinig sa sinumang nagtuturo ng iba o nakakaakit sa iyo na lumayo sa Diyos at sa kanyang ebanghelyo. Lumayo ka sa anumang bagay o sinumang tao na maaaring maging dahilan upang tumalikod ka sa Diyos at sa kanyang biyaya. Kahit sino pa siya. Kahit gaano pa kahalaga sa iyo ang bagay na ito. Layuan mo. Iwanan mo, kung mahalaga sa iyo ang kaluluwa mo at relasyon mo sa Diyos.
When God said that there is only one gospel, it means that there is only one gospel. Wala nang iba. When God said that it is dangerous to turn to another gospel, he’s serious. Take heed.
[1] All English Scripture quotations are from the English Standard Version, unless otherwise indicated. All Filipino Scripture quotations are from Ang Biblia (2001), unless otherwise indicated. Scripture quotations marked by MBB are from Magandang Balita Biblia (2005).