Celebrating the Cross of Christ: An Exposition of Galatians
By Derick Parfan | May 30, 2010
Galatians 6:11-18 (ESV)
See with what large letters I am writing to you with my own hand. It is those who want to make a good showing in the flesh who would force you to be circumcised, and only in order that they may not be persecuted for the cross of Christ. For even those who are circumcised do not themselves keep the law, but they desire to have you circumcised that they may boast in your flesh. But far be it from me to boast except in the cross of our Lord Jesus Christ, by which the world has been crucified to me, and I to the world. For neither circumcision counts for anything, nor uncircumcision, but a new creation. And as for all who walk by this rule, peace and mercy be upon them, and upon the Israel of God. From now on let no one cause me trouble, for I bear on my body the marks of Jesus. The grace of our Lord Jesus Christ be with your spirit, brothers. Amen.
Pastoral Concern
Namamangha ako kung paano ginagamit ng Diyos ang kanyang mga salita upang ipakita sa inyo ang mga bagay na dapat ninyong makita, upang baguhin ang inyong pag-iisip, at upang gabayan kayo sa inyong pang-araw-araw na buhay hanggang bumalik ang Panginoong Jesus. Nakita ko noong nakaraang buwan kung paano ginamit ng Diyos ang sermon tungkol sa kalayaang mayroon tayo kay Cristo para tulungan ang dalawa sa kapatid nating dumanas ng mabigat na pagsubok. Naniniwala ako sa kapangyarihan ng salita ng Diyos. At dalangin ko na ganito nga ang nararanasan natin na dulot ng mahabang panahong inilaan natin sa pag-aaral ng sulat ni Pablo sa mga taga-Galacia.
This is now our 20th and last sermon on Galatians. Namamangha ako dahil nakikita ko na naririto pa rin kayo at nakikinig at naghihintay kung anong sasabihin ng Diyos sa inyo. Maaaring ang iba sa inyo ay may ibang dahilan ngunit dalangin ko na narito kayo dahil: (1) Ang naririnig ninyo linggo-linggo ay ang katotohanan ng salita ng Diyos; (2) Ang naririnig ninyo linggo-linggo ay bumabago sa buhay ninyo kung isasagawa ninyo ang kalooban ng Diyos; at (3) Nakikita ninyo na akong lingkod na ginagamit ng Diyos ay nagnanais ng para sa inyong ikabubuti at hindi sa aking pansariling interes.
Sa kabuuan ng sulat ni Pablo, kitang-kita natin ang kanyang concern sa mga taga-Galacia tulad ng isang ama na palaging tumatawag sa kanyang anak na nag-aaral sa Maynila dahil ayaw niya mapariwara ang buhay nito. Sa huling bahagi ng sulat sinabi niya, “Tingnan ninyo kung sa gaano kalalaking mga titik sumusulat ako sa inyo sa pamamagitan ng aking sariling kamay” (6:11)! Ang mga naunang bahagi ay isinusulat ng isang secretary at ngayon ay kinuha niya ang panulat at upang tapusin. Marahil gusto niyang bigyang diin ang panghuling bahagi at patunayan din na siya ang sumulat nito. Gagawin ni Pablo ang lahat matiyak lang na nakuha nila ang mensaheng nais niyang iparating.
Ang para sa ikabubuti nila ang nais ni Pablo kaya siya sumulat at ituwid ang kanilang pagkakamali at pigilang patuloy pa silang madulas dahil sa pakikinig sa mga bulaang guro. “Kapayapaan at kaawaan nawa ang sumakanilang lahat na lumalakad sa alituntuning ito, at maging sa Israel ng Diyos…Mga kapatid, ang biyaya ng ating Panginoong Jesu-Cristo ay sumainyo nawang espiritu. Amen” (6:16, 18). Nais ng bawat tao ang tunay na kapayapaan. Sa dinami-dami ng kaguluhan, awayan, at di pagkakasundo sa mundo, hindi ba’t hangad natin ang tunay na kapayapaan unang-una sa pagitan natin at ng Diyos, at natin at ibang tao. Nais nating maranasan ang habag at awa ng Diyos. Kung alam lang natin kung gaano kalaki ang kasalanan natin sa Diyos, wala ni isa man sa atin ang magsisikap na maabot ang Diyos sa pamamagitan ng sariling gawa dahil alam nating hindi natin kaya. Nais natin ang biyaya ng Diyos, na ibigay niya sa atin kung ano ang hindi nararapat sa atin. Matakot tayo kung ibibigay ng Diyos ang nararapat sa ating mga rebelde at walang utang na loob sa lumikha sa atin.
Listen, Believe, Live
Peace, mercy, and grace. Ito ang nais ni Pablong maranasan ng mga taga-Galacia. Ito ang nais ng Diyos na maranasan natin. Kaya naman nais niyang tiyakin na sila’y “lumalakad sa alituntuning ito” – na marahil ay alituntunin ng tunay na ebanghelyo ang binabanggit niya. Kung lumalakad sila sa ibang daan, tiyak na mapapahamak sila. Nais niyang ang ebanghelyo ay pinapakinggan nila, pinaniniwalaan, at ipinapamuhay. All of life is about listening to what is true, believing what is true, and living according to that belief.
Kung mayroon kang kapitbahay na lasenggo at sinasabi sa iyo na okay na okay uminom at nakinig ka, magiging katulad ka din ng lasenggo mong kapitbahay. Kung nakikinig ka naman sa tatay mong nagtuturo na hindi makakabuti sa iyo ang paglalasing at sinasabihan kang mag-aral na mabuti, hindi ka mapapahamak tulad ng lasenggo. Ang buhay ay umiikot sa pakikinig natin ng mga tinuturo ng iba, paniniwala sa napapakinggan, at pagsasabuhay ng mga pinaniniwalaan. Kaya nga burden ni Pablo sa Galacia na bigyang diin na sa dinami-dami ng nagtuturo, isa lamang ang dapat nating pakinggan, paniwalaan at isabuhay. Isa lamang ang tunay na ebanghelyo na makapagliligtas sa tao (1:6-9). There are only two religions in the world – biblical Christianity and all other religions including many forms of Christianity in disguise.
Listen: The One and Only True Gospel
Kaya nga piliin nating mabuti kung sino at ano ang papakinggan natin. Nakikinig na ang mga taga-Galacia sa mga Judaizers na nagtuturo sa kanila na dapat sumunod sa kautusan tulad ng pagtutuli upang maging ganap ang kaligtasan. Si Pablo ang dati nilang pinakinggan, iba na ngayon. Paul exposed the true identity, character and motives of these false teachers. “Ang mga nais gumawa ng magandang palabas sa laman ang siyang pumipilit sa inyo na magpatuli, upang hindi sila usigin dahil sa krus ni Cristo. Sapagkat maging ang mga nagpatuli ay hindi rin naman tumutupad ng kautusan; ngunit ibig nila kayong magpatuli upang sila’y makapagmalaki sa inyong laman” (6:12-13).
Pansinin ninyong ang ginagawa nila ay para sa “magandang palabas” lamang. Hindi ito totoo. Gusto lang nilang mapansin sila at maging mabango ang pangalan nila sa ibang tao. Bakit mo papakinggan ang nagpapanggap lang? Pansinin din ninyong sila’y mga duwag. Kaya nila sila pinipilit magpatuli ay “upang hindi sila usigin dahil sa krus ni Cristo” (v. 12). Ang sinumang tunay na nagtitiwala kay Cristo ay daranas ng pag-uusig. Ito ang gusto nilang iwasan mula sa mga kapwa nila Judio na maaaring usigin sila kung tatalikod sila sa dati nilang relihiyon. Kaya pinaghalo nila upang makaiwas sila. Bakit mo papakinggan ang gusto lang ay ang sarili nilang comfort?
Pansinin ding hindi naman talaga nila concern ang pagsunod sa kautusan. Sinasabi nilang patuli ang mga taga-Galacia bilang pagsunod sa Diyos ngunit hindi naman talaga iyon ang layunin nila. Ano’ng layunin nila? “Upang sila’y makapagmalaki sa inyong laman” (v. 13). Gusto nilang dumami ang “converts” nila para maging trophy o medalya nila na ibabandera sa mga tao para maging sikat o tanyag sila. Bakit mo papakinggan ang mga taong gagamitin ka lang para sa kanilang sariling kapakanan? Maraming ganyan sa telebisyon ngayon. Mula sa mga evangelists na nanghihingi lang ng pera hanggang sa mga nagbebenta ng sabong pampaputi. Lolokohin ka pa na maganda ang maputi samantalang ang ganda ng kulay na ibinigay sa atin ng Diyos. Pera lang naman ang habol nila, they are not concerned really about how you look. Huwag tayong makikinig sa mga nagtuturo nang kasinungalingan at nanggagamit lang ng tao. Maging mapili tayo sa papakinggan natin.
Ibang-iba si Pablo sa kanila. Sila nais magmalaki sa kanilang mga religious achievements. Si Pablo ay si Cristo lang ang ipagmamalaki (v. 14). Sila ay mga duwag at umiiwas sa pag-uusip. Si Pablo ay titiisin ang hirap alang-alang sa pagsunod kay Cristo at upang maihatid ang mabuting balita sa mga taga-Galacia. Ang marka nila ay ang pagkatuli sa kanila, ang marka ni Pablo ay ang paghihirap niya para kay Cristo. “Buhat ngayon ay huwag akong guluhin ng sinuman; sapagkat taglay ko sa aking katawan ang mga bakas ng paghihirap ni Jesus” (v. 17). Kaya nga sa simula ng kanyang sulat (Galatians 1-2) pinatunayan ni Pablo na ang mensaheng dala niya ay hindi galing sa kanyang sarili kundi kay Cristo. Kung galing sa Diyos bakit hindi natin papakinggan?
Piliin nating mabuti kung ano ang papakinggan natin. Why are we not spending time with his Word, listening and meditating? Bakit noong January lang ang iba sa atin nagsimula sa daily Bible reading tapos nahinto na ngayon? Bakit? May mas mahalaga pa bang pakinggan kaysa sa salita ng Diyos? Bakit? May mas mahalaga pa bang paglaanan ng oras kaysa sa pakikinig at pagsasabuhay ng salita ng Diyos? I would rather listen to the truth and the good news rather than waste my time in lies and trivial things.
Believe: Justification by Faith Alone
Paul does not just want them to listen to him. He wants them to believe in their heart that “a person is not justified by works of the law but through faith in Jesus Christ” (2:16). Nilalabanan niya rito ang pagtatangka ng mga Judaizers na mapaniwala ang mga taga-Galacia na ang kaligtasan ay hindi lamang sa pamamagitan ng pagtitiwala kay Cristo. Para sa kanila kulang iyon. Para sa kanila dapat may iambag tayo upang maging ganap na matuwid sa harapan ng Diyos. At isang pinakamahalaga rito ay ang pagtutuli upang makabilang sila sa bayan ng Diyos, ng Israel.
Nang magtangka ang mga Judio na tuliin si Tito nang pumunta sila ni Pablo sa Jerusalem, hindi ito hinayaan ni Pablong mangyari. Hindi niya rin hahayaang puwersahin nila ang mga kapatid niya sa Galacia. No way! Sabi ni Pablo. Hindi pagtutuli ang nagpapatunay na ang isang tao ay kabilang sa bayan ng Diyos kundi ang paglakad sa tunay na ebanghelyo (6:16). Kaya nga sa chapters 3 at 4 ng Galacia pinatunayan niyang mula pa sa Genesis at kay Abraham ay ang daan ng Diyos upang ibilang na matuwid ang isang tao ay sa pamamagitan ng pananampalataya.
At the heart of Paul’s message is the cross of Christ. “May I never boast except in the cross of our Lord Jesus Christ” (v. 14). Sapat-sapat ang ginawa ni Cristo. Walang kulang. Ibinigay niya ang kanyang sarili para sa atin upang bayaran ang ating mga kasalanan upang hanguin tayo mula sa kasamaan ng mundong ito (1:4). Siya ang nag-alay ng kanyang sarili para sa atin dahil sa kanyang pag-ibig sa atin (2:20). Kitang-kita nila sa pangangaral ni Pablo na nakahandusay ang katawan ni Cristo sa krus dahil sa ating pagrerebelde sa Diyos (3:1). Pinalaya tayo sa sumpa ng kautusan nang si Cristo ay sumpain ng Diyos sa krus at dalhin ang bigat ng kanyang parusa alang-alang sa atin (3:13). Dahil kay Cristo, malaya na tayo (5:1)! Kaya nga sabi ni Pablo, “We preach Christ crucified” (1 Cor. 1:23). May iba pa bang mas mahalaga kaysa rito?
Kung hanggang ngayon ay tangan-tangan ninyo pa rin ang ibang bagay o ibang relihiyon o ibang tao dahil akala ninyo’y makapagliligtas ito sa inyo, bitiwan na ninyo! You cannot hold on to Christ and hold on to other things at the same time. You must let go of one and take hold of the other. Embrace the cross of Christ and cry out, “Save me, Lord! Wala na akong ibang panghahawakan o tatakbuhan kundi ikaw lang!”
Live: Freedom to Walk by the Spirit
Listen to the one and only true gospel. Believe that a person is justified by faith alone, so trust Christ and not other things. Kung ano ang pinaniniwalaan ng tao, iyon ang kanyang ipinamumuhay. If we believe the true gospel, we will live a life driven by the gospel. Iyan ang tema ng chapters 5 at 6 ng Galatians. Ang buhay Cristiano ay buhay na malaya, hindi malayang gawin ang nais ng ating makasalanang pagkatao, kundi malayang lumakad ayon sa udyok ng Espiritu Santong nasa ating mga puso.
Dahil ang mga Judaizers ay hindi mga tunay na Cristiano kaya ang kanilang buhay ay buhay na ang ipinagmamalaki ay ang kanilang sariling gawa. They are driven by their own achievements. Di ba’t maraming tao ngayon ang gustong ibandila ang kanilang sarili at ipakita ang mga nagawa nila o ang mga nabili nila. “Tingnan mo kung saan ako nagtapos ng pag-aaral. Tingnan mo kung gaano kalaki ang ibinibigay ko sa church. Tingnan mo ang tatak ng relos ko. Tingnan mo ang taas ng posisyon ko sa church.” Di man natin sabihin ng malakas, naririnig ng Diyos ang tinitibok ng puso natin.
Alam ng Diyos ang tendency nating gusto nating magmalaki, kaya nga ang kaligtasan ay hindi sa pamamagitan ng gawa “upang ang sinuman ay huwag magmalaki” (Eph. 2:9). “Huwag magmapuri ang marunong sa kanyang karunungan, at huwag magmapuri ang makapangyarihan sa kanyang kapangyarihan, huwag magmapuri ang mayaman sa kanyang kayamanan” (Jer. 9:23) sabi ni Yahweh.
“Let him who boasts, boast in the Lord” (1 Cor. 1:31). Bakit nga? “Sapagkat ang pagtutuli o ang di-pagtutuli ay walang kabuluhan, kundi ang bagong nilalang” (6:15). Hindi ang ginagawa o hindi ginagawa ng tao ang mahalaga, kundi ang ginawa ng Diyos. Siya ang nagbigay ng buhay sa atin sa pamamagitan ng Espiritu. Isa na tayong bagong nilalang dahil tayo ay nakay Cristo na (2 Cor. 5:17). Creation is a work of God. Rebellion is our work. The new creation is a work of God. May bago na tayong buhay. May bago nang kaisipan. May bago nang pagpapahalaga sa buhay. May bago nang relasyon sa Diyos at sa kapwa natin. May bago na tayong prayoridad. May bago na tayong pananaw sa buhay. Ang lahat ng iyan ay dahil sa ginawa ng Diyos.
Christ Crucified – My Only Boast
Listen-believe-live. All people live their lives in this pattern. But the Christian life is different. We live with the cross of Christ at the center and everything in life revolves around that center. Christ crucified is our only boast. There are two kinds of boasting. One is evil, and the other God-glorifying. Nais ng Diyos na maging katulad tayo ni Pablo, “Subalit huwag nawang mangyari sa akin ang magmalaki, maliban sa krus ng ating Panginoong Jesu-Cristo” (6:14). We have no other grounds for boasting except the cross and everything that flow from it. Sa panahon nila Pablo, radikal ang ideyang ito. Bakit mo ipagmamalaki o ipapagbunyi ang isang bagay na karumal-dumal tulad ng pagkapako sa krus? Hindi ba’t dapat pa ngang ikahiya ang ganoong klaseng kamatayan?
Ano’ng dahilan ni Pablo? Through the cross, “the world has been crucified to me and I to the world.” Patay na rin ang mga pagnanasa ng ating sariling makasanlibutan at tayo’y patay na rin sa paningin ng sanlibutan. Wala na tayong relasyon dito. Tulad ng isang asawa na namatay at may bago nang asawa. Hindi na maaaring balikan ang dati. Wala nang ugnayan, wala nang attraction ang mundo sa atin kasi nga bangkay na. Mabaho na. Inuuod na. Naaagnas na. Yucks! ang sasabihin natin kung nakikita nating inaakit pa rin tayo ng mundong itong gawin ang hindi ayon sa kalooban ng Diyos. We boast of Christ alone because there is no reason to boast of anything else. “I have been crucified with Christ. It is no longer I who live, but Christ who lives in me. And the life I now live in the flesh I live by faith in the Son of God, who loved me and gave himself for me” (2:20). His experience with Christ is vastly important that he can say with resolve, “I decided to know nothing among you except Jesus Christ and him crucified” (1 Cor. 2:2).
Hindi ka magtataka kung bakit ganito ka-passionate si Pablo kay Cristo at sa kanyang krus. Nais din ito ng Diyos sa atin. Hindi lang niya sinasabi na pahalagahan natin ang krus at ang ibang bagay nang kaunti lang, tulad ng isang kotse na mas mahalaga sa cellphone na mas iiyakan mo kapag nawala ang kotse kaysa cellphone. Ang sinasabi niya’y wala nang ibang mas mahalaga sa kanya! Ang katagang “far be it from me” (Greek me genoito) ay ang strongest negative expression sa Greek na ginamit din niya sa 2:17 sa pagsagot sa tanong na kung si Cristo ba ay lingkod din ng kasalanan. Ang sagot? Certainly not! No way! Kaya kung tatanungin natin si Pablo na bukod kay Cristo may bagay pa bang mahalaga sa kanya, ang isasagot niya: walang-walang-wala.
But whatever gain I had, I counted as loss for the sake of Christ. Indeed, I count everything as loss because of the surpassing worth of knowing Christ Jesus my Lord. For his sake I have suffered the loss of all things and count them as rubbish, in order that I may gain Christ (Phil. 3:7-8).
Wala nang ibang mas mahalaga kaysa ang makamtan si Cristo. Ang pera basura. Ang edukasyon o trabaho basura. Ang itsura mo basura din. Ang mga pag-aari mo basura din. Ang talino mo basura. Lahat ng bagay basura kung ikukumpara kay Cristo. Ang pamilya, edukasyon, ministeryo sa iglesia, at kayamanan ay nagiging mahalaga lang kung ang nasa sentro ay si Cristo. Do we look at our life this way? Do we value Christ more than everything in life? Yes? Ganyan ba ang nakikita sa atin ng Diyos?
Sa talent-search ng GMA na pinamagatang Starstruck, meron silang linya na “Dream. Believe. Survive.” The message Galatians is not about a dream. Hindi ito wish mo lang na mangyari. Ito ay “Listen” dahil ang Diyos ang nagsalita ng totoo at dapat pakinggan. Hindi lang ito basta “Believe” na tulad ng sinasabi ng ilan na just believing positive things. It is about believing that a person is justified by faith alone in Christ alone. Hindi rin ito “Survive” kundi “Live.” Buhay na malaya at lumalakad ayon sa patnubay ng Espiritu. Hindi rin ito “Starstruck.” Ang daming Pilipino, sobrang nahuhumaling sa mga artista. Bakit? Ewan ko ba. Life is not about stars. It is about the Christ and him crucified. Is this your life?
Isa lang ang mabuting balita na dapat nating pakinggan. Kay Cristo lang tayo dapat magtiwala, hindi sa sariling gawa. Mamuhay tayo sa kalayaang tinanggap na natin. Ito ang mensahe ng sulat ni Pablo sa mga taga-Galacia. Ito ang salita ng Diyos.
napakaganda po ng mga mensahe nyo ptr.derick.glory to GOD.nawa po lahat po ng mga mensahe nyo ay mababasa ko po..mmme mga pagkakataon po kc nadi nag aapear ang mga message nyo tulad po LORD of all.kapag binubuksan ko po.GOD bless po.ptr.derick
LikeLiked by 1 person
Maraming salamat po sa encouragement. Paki report na lang po sa akin ang mga broken links. Nagkaproblem kasi ako sa site dati ng mga audio sermons. I’m transferring them now and fixing broken links. Thanks for your patience.
LikeLike
ptr.derick inaabangan ko po ang mga latest preaching nyo.at eto nga po inulit ko pong basahin ang i will boast gawa po ng hindi napo nag-aapear ang mga latest nyong mensahe.ganun paman po hindi po nakakasawang basahin ang mga to.sa araw2x na ginawa ng DYOS,thru your preaching ay marami po akong natutunan d2 na itinuro sakin na gawin ng DYOS.nawa po ptr.mababasa ko po nawa lagi ang mga mensahe ninyo.GOD bless you po
LikeLike
Hello po. Pasensya na po kayo at nitong mga nakaraang araw ay naging busy ako sa ministry trips sa Mindanao. So nagbreak ako from preaching for several weeks. I will upload new sermons next week. Thanks for following my site. Hope you are encouraged and enriched. Paki-recommend din po sa mga friends n’yo. Salamat po at pagpalain po kayo ng Panginoon!
LikeLike