Children of Promise

mp3 not available | Download pdf

Celebrating the Cross of Christ: An Exposition of Galatians

By Derick Parfan | March 14, 2010

Galatians 4:21-31 (ESV)

Tell me, you who desire to be under the law, do you not listen to the law? For it is written that Abraham had two sons, one by a slave woman and one by a free woman. But the son of the slave was born according to the flesh, while the son of the free woman was born through promise. Now this may be interpreted allegorically: these women are two covenants. One is from Mount Sinai, bearing children for slavery; she is Hagar. Now Hagar is Mount Sinai in Arabia; she corresponds to the present Jerusalem, for she is in slavery with her children. But the Jerusalem above is free, and she is our mother. For it is written, “Rejoice, O barren one who does not bear; break forth and cry aloud, you who are not in labor! For the children of the desolate one will be more than those of the one who has a husband.” Now you, brothers, like Isaac, are children of promise. But just as at that time he who was born according to the flesh persecuted him who was born according to the Spirit, so also it is now. But what does the Scripture say? “Cast out the slave woman and her son, for the son of the slave woman shall not inherit with the son of the free woman.” So, brothers, we are not children of the slave but of the free woman.

Galatians, Small Group Life, and Evangelism

Nasa huling bahagi na tayo ng doktrinal na bahagi (Galatians 3-4) ng sulat ni Pablo. Dito ay pinatutunayan niya na ang taong makasalanan ay maibibilang lamang na matuwid sa harapan ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo at hindi sa pagsunod sa kautusan. Simula chapter 5 ay titingnan natin ang mga praktikal na implikasyon nito sa buhay Cristiano, kung paano natin maipamumuhay ang kalayaan na tinanggap na natin kay Cristo. Bago iyon ay nais kong hikayatin ang bawat isa sa inyo na nagcommit na ng kanilang buhay sa Panginoong Jesus na magcommit din sa dalawang mahalagang aspeto ng ating buhay bilang mga miyembro ng iglesia.

Ang una ay ang Kaagapay Groups. Sa pamamagitan ng mga small groups na ito ay magtutulung-tulong tayong maisabuhay ang pinag-aaralan natin sa Galatians. Sama-samang mananalangin. Sama-samang sasamba sa Diyos. Sama-samang ipapamalas ang pag-ibig sa mga kapatid at ipapamuhay ang mga “one another” commands sa Bibliya. Sama-samang maglilingkod ayon sa pagkakatawag ng Diyos. Sama-samang lalago sa pananampalataya. Kung wala pa kayong Kaagapay ay ipanalangin ninyong mabuti at bubuo tayo ng mga bagong Kaagapay. Kailangan din po natin ng mga bagong tagapanguna sa mga ito. Ang mga leaders ay magkakaroon din ng sariling Kaagapay.

Ang ikalawa ay ang The Harvest. Ito ang sama-sama nating pag-abot sa mga kaibigan at kapamilya nating hindi pa Cristiano. Gagawin din natin ito sa pakikipagtulungan sa ating mga Kaagapay Groups. Kung nais din ninyong makibahagi sa pag-abot sa mga wala pang kalayaan kay Cristo, tiyakin din ninyong mayroon kayong Kaagapay. Kaya din natin pinag-aaralan ang Galatians ay upang makita natin ang laki ng pagpapala na mayroon tayo bilang mga anak ng Diyos at magnais din na maibahagi ito sa iba, na kapag hindi natin naakay kay Cristo ay walang hanggang kapahamakan ang sasapitin.

Problem: Desiring to be Under the Law (21)

Sa usaping tungkol sa kaligtasan, dalawa lamang ang pamimilian – pagtitiwala kay Cristo at pagtitiwala sa sarili o sa iba liban kay Cristo. Hindi maaaring pareho. Hindi maaaring pagsamahin. Mula chapter 3 ay pinatutunayan ni Pablo na ang pagtitiwala sa sariling kakayahan upang sumunod sa kautusan ay walang patutunguhang mabuti. Kaya naman, hindi na nila dapat itong balikan dahil sila ay malaya na kay Cristo. Katulad din ng mga nauna niyang paghahambing sa dalawang magkasalungat na kalagayan (works of the law vs faith; grace vs law; curse vs blessing; slavery vs adoption), sa 4:21-31 ay ihahambing niya ang kalayaan sa pagkaalipin.

Pagkatapos ng pagpapahayag niya ng kanyang loving concern sa mga taga-Galacia (4:8-20), sabi niya, “Tell me, you who desire to be under the law, do you not listen to the law?” (v. 21). Nakikita ni Pablo na may pag-asa pang matugunan ang problema sa kanila. Wala pa sila sa ilalim ng kautusan, ngunit malapit na. Ninanais na nilang sundin ang mga sinasabi sa kanila ng mga Judaizers. Nasa puso na nila na dagdagan sa pamamagitan ng sariling gawa ang natapos nang ginawa ni Cristo. Ang problema nila ay hindi dahil nais nilang tumalikod na kay Cristo kundi nais nilang bilang karagdagan sa ginawa ni Cristo ay gagawin din nila ang mga tradisyon ng relihiyong Judaismo tulad ng pagtupad sa mga pistang Judio (na ginagawa na nila, 4:10) at pagpapatuli (na malapit na silang makumbinsing gawin. It is either you are under law or you are under grace (Rom. 6:14). You cannot be under grace and under law at the same time.

Look: I, Paul, say to you that if you accept circumcision, Christ will be of no advantage to you. I testify again to every man who accepts circumcision that he is obligated to keep the whole law. You are severed from Christ, you who would be justified by the law; you have fallen away from grace (5:2-4).

Puso ng tao ang problema na tulad ng isang awit, “Sana dalawa ang puso ko…” Kung sakaling may asawa ka na at kaya mo naman napangasawa ay talagang gustung-gusto mo at naranasan mo nang mahal ka niya. Isang araw ay may nakita kang isang kaakit-akit na babae at na-inlove ka. Puwede bang isang araw ay iuwi mo sa bahay ninyo ang babae at sabihin sa asawa mo, “Puwede bang dito na rin siya tumira?” Kalokohan! Mamili ka, sasama ka sa babae at iiwan ka ng asawa mo o mananatili ka sa asawa mo at palalayasin ang babae? Ang problema natin ay nasa atin na si Cristo dahil sa ginawa niya para sa atin. Ngunit bakit may mga araw na gusto nating idagdag kay Cristo ang mga “achievements” o “accomplishments” natin, kahit gaano pa ito kabuti o ka-espirituwal sa paningin ng ibang tao? Ano ba ang kulang sa ibinigay na sa iyo ni Cristo? Ano pa ba ang gagawin mo para madagdagan ang kulang sa ginawa ni Cristo, kung mayroon man?

Sa problema ng mga taga-Galacia, umapela si Pablo sa kanila sa pamamagitan din ng problemang kinakaharap nila. Kung nais nilang pasailalim sa kautusan, bakit hindi nila pakinggan kung ano talaga ang sinasabi ng kautusan? Ang kautusang tinutukoy niya ngayon ay ang mga sinulat ni Moises, dahil nga hango sa Genesis ang mga susunod niyang sasabihin.

History: Abraham’s Two Sons from Two Mothers (22-23)

“For it is written that Abraham had two sons, one by a slave woman and one by a free woman” (v. 22). Sinimulan niya ang argumento niya sa pamamagitan ni Abraham sa 3:5-8. Sa pamamagitan din ng ilustrasyon ni Abraham (kasama ang kanyang dalawang anak sa dalawang ina) tatapusin niya ang kanyang pagpapaliwanag. Mas maiintindihan natin ito kung pamilyar tayo sa kasaysayan ni Abraham.

Pinili ng Diyos si Abram upang tumanggap ng kanyang pangako na gagawing isang dakilang lahi at magiging pagpapala sa buong daigdig. Ang pangakong ito ay ilang ulit niyang binigyang diin upang ipakita na seryoso ang Diyos na gagawin niya ito (Gen. 12:1-3; 13:14-16). Kaso siya ay 75 years old na at ang kanyang asawang si Sarai ay 65. Nagtanong siya noon sa Diyos kung puwedeng ang lingkod niyang si Eliezer ang maging tagapagmana niya dahil hindi na sila magkaanak. Sinabi ng Diyos na isang anak galing sa kanya ang magiging tagapagmana at pinaniwalaan ni Abram ang imposible sa tao kaya ibinilang siyang matuwid sa harapan ng Diyos (Gen. 15:2-6).

Nang hindi pa rin sila magkaanak, ibinigay ni Sarai kay Abram (86 years old) ang kanilang Ehipsiyong alipin na si Hagar upang magkaanak sa pamamagitan niya. Pansinin ninyo kung paanong ipinakita nilang nais nilang tulungan o dagdagan ang pangako ng Diyos. Sariling diskarte, hindi plano ng Diyos. Nabuntis si Hagar, nanganak at pinangalanang Ishmael. Ganito ang sinabi ni Pablo sa verse 23, “But the son of the slave was born according to the flesh…” Ibig sabihin, ang nangyari ay ayon sa gawa ng tao. Hindi ito ayon sa ipinangako ng Diyos. Hindi ba’t karaniwan din sa atin na nais nating gawin ang mga bagay-bagay ayon sa sarili nating diskarte? Ngunit ano ang kinahihitnan kapag ganoon?

Ninety-nine years old si Abram nang magpakita ulit sa kanyang ang Diyos at ulitin ang kanyang pangako na gagawin siyang ama ng maraming bansa. Pinalitan ang kanyang pangalan at ginawang Abraham. Si Sarai ay ginawang Sarah (17:1-16). Tinawanan ni Abraham ang sinabi ng Diyos dahil parang napaka-imposible yata at nagsuggest na si Ishmael na lang ang pagpalain ng Diyos. Ngunit sinabi ng Diyos na magkakaanak si Sarah pagkalipas ng isang taon (17:17-22; 18:10). True to his promise, Sarah became pregnant and gave birth to Isaac (21:1-7).  “The Lord visited Sarah as he had said, and the Lord did to Sarah as he had promised. And Sarah conceived and bore Abraham a son in his old age at the time of which God had spoken to him” (21:1-2).

Ganito ang sinabi ni Pablo, “But the son of the slave was born according to the flesh, while the son of the free woman was born through promise(v. 23). Ito palagi ang nais ng Diyos, ang siya ang mabigyan ng karangalan. Mabibigyan siya ng karangalan kung ang pangako niya ay tinupad niya at kung ipapakita niya ang magagawa niya na hindi kayang gawin ng tao. Totoo siya sa kanyang pangako, ginawa niya ang imposible! Kaya nga sinabi ni Pablo sa verse 29 na si Isaac ay ipinanganak “through the Spirit.” Hindi ito gawa ng tao. Gawa ito ng Diyos. Hindi ba malinaw na ipinapakita sa mga pangyayaring ito na nalulugod ang Diyos na gumawa para sa atin sa halip na tayo ang gumawa para sa kanya?

Nakita natin ang konsepto ng pagiging alipin (Hagar) at malaya (Sarah), ng gawa ng tao (Ishmael) at gawa ng Diyos (Isaac). Makikita natin sa susunod ang paghahambing na gagawin ni Pablo sa mga bagay na may kinalaman sa kaligtasan natin sa pamamagitan ng pangako ng Diyos at hindi sa pamamagitan ng gawa ng tao na nagiging dahilan ng kanilang pagkakaalipin sa kasalanan.

Allegory: The Two Covenants (24-27)

Sabi niya, “Now this may be interpreted allegorically…” (v. 24). Ang interpretasyon ni Pablo dito ay isang paghahambing na batay din sa katotohanan ng kasaysayan ni Abraham, hanggang kay Moses, at hanggang kay Cristo. Hindi ito karaniwang ginagamit ni Pablo sa kanyang argumento, ngunit bakit niya ginawa sa pagkakataong ito? Ayon kay Boice, ginamit ito ni Pablo dahil ganito ang paraan ng pagpapaliwanag din ng mga Judaizers sa mga taga-Galacia. Maaaring ginagamit nila ang tungkol kay Sarah at Hagar upang patunayan ang doktrina nila. Dito ay nais ipaliwanag ni Pablo na mali sila at tama ang sasabihin niya.

Ayon kay MacArthur, maaari lamang gumamit ng “allegory” ng Old Testament kung ito ay sinabi mismo ng Espiritu Santo. Hindi rin dapat balewalain ang katotohanan ng kasaysayan. Sa direksiyon ng Espiritu Santo, inihambing ni Pablo ang kasaysayan ng Lumang Tipan sa sitwasyon ng mga taga-Galacia. Ano pa man ang dahilan malinaw na ginamit ito ni Pablo upang mas maunawaan ng mga taga-Galacia ang situwasyong kinakaharap nila at hikayatin silang manindigan sa tunay na ebanghelyo, “Stand firm therefore, and do not submit again to a yoke of slavery” (5:1). Ginamit niya ang kaso ni Abraham upang ihalintulad ito sa dalawang magkaibang bagay na nagtatalo sa buhay ng mga taga-Galacia – pananampalataya at gawa, biyaya at kautusan.

these women are two covenants (v. 24). Ang isa ay ang Old Covenant o ang Kautusan na nagsasabing sinuman ang tumupad sa lahat ng nakasulat doon ay maliligtas. Ang ikalawa ay ang New Covenant. Ito ay may kinalaman sa biyaya o kagandahang-loob ng Diyos para sa mga taong hindi nakasunod sa utos ng Diyos. Ito ay pinagtibay sa pamamagitan ng dugo ni Cristo. “And from his fullness we have all received, grace upon grace. For the law was given through Moses; grace and truth came through Jesus Christ” (John 1:16-17). Hagar represents the Old Covenant, Sarah the New.

One is from Mount Sinai, bearing children for slavery; she is Hagar. Now Hagar is Mount Sinai in Arabia (vv. 24-25).  Sa Mount Sinai ibinigay ng Diyos ang Lumang Tipan ng mga kautusang dapat sundin lahat ng mga Israelita. Dahil imposible sa kakayahan at makasalanang likas ng tao, ito ay nagdulot ng pagkakaalipin. Ang Mount Sinai ay nasa Arabia, nasa labas ng lupang ipinangako ng Diyos. It represents being outside of the promise of God. Sinumang magtitiwala sa sarili sa pagtupad sa kautusan ay isang alipin at hindi magmamana ng ipinangako ng Diyos. Siya ay anak ni Hagar, kahit pa siya ay Judio at pisikal na nanggaling kay Sarah.

[Hagar] corresponds to the present Jerusalem, for she is in slavery with her children. But the Jerusalem above is free, and she is our mother (vv. 25-26). Malaki itong insulto sa mga Judio na kinikilalang galing sila sa angkan ni Isaac at hindi ni Ishmael. Pero sinasabi ni Pablo na ang “present Jerusalem” ay kumakatawan sa mga taong alipin ng sarili nilang pagmamataas dahil inaakala nilang tanggap sila ng Diyos dahil sa kanilang relihiyong maka-tao. Kaiba ito sa “Jerusalem above” na ang mga mamamayan ay ang mga kay Cristo lamang nagtitiwala. Ang isang “Jerusalem” ay panlupa. Ang isa ay makalangit. Ang isa ay gawa ng tao. Ang isa ay gawa ng Diyos. Ang isa ay nagdudulot ng pagkaalipin. Ang isa ay nagdudulot ng kalayaan.

What is freedom? Ang kalayaan ay hindi lang ang oportunidad at kakayahang gawin kung ano ang gusto mo. Ito ay ang oportunidad at kakayahang gawin ang nais mong gawin na pagkatapos mong gawin ay hindi mo pagsisisihan ang resulta (John Piper). Makikita natin sa chapters 5-6 ang implikasyon ng kalayaang ito. It is a freedom not to live for ourselves. It is a freedom to love God and others. It is a freedom to serve God and others. It is a freedom not to gratify our sinful nature but to walk by the Spirit. It is a freedom to bear other’s burdens. It is a freedom to live everyday celebrating what Christ has done on the cross for us.

Boice explained Paul’s argument, “…it is not enough merely to claim Abraham as one’s father. Both Christians and Jews did that. The question is: Who is our mother and in what way were we born? If Hagar is our mother, then we were born of purely human means and are still slaves. If our mother is Sarah, then the birth was by promise, and we are free men.” Ang tanong ngayon sa atin, “Paano kayo ipinanganak?; Are you born again by the Spirit? Kanino ka na kabilang ngayon? Kanino ka nagtitiwala?” Ngayon, may pangyayari ba sa buhay mo na nais mong magtiwala sa sarili mong magagawa sa halip na sa Diyos?

Maaaring ngayon ay hindi mo nakikita ang katuparan ng mga pangako ng Diyos, ngunit may dahilan upang tayo’y magalak sa araw-araw kahit pa kailangan nating maghintay na katulad ng paghihintay nina Abraham at Sarah. For it is written, “Rejoice, O barren one who does not bear; break forth and cry aloud, you who are not in labor! For the children of the desolate one will be more than those of the one who has a husband” (v. 27). Ang talatang ito ay propesiya sa panahong ang Jerusalem ay nawasak at naroon ang pag-asang muli itong itatayo. Sa kabila ng pighati, naroon ang kagalakan dahil sa mga pangako ng Diyos. Mahirap mang manindigan sa tunay na ebanghelyo, ang kagalakan ay matatagpuan sa pag-asa sa mga pangako ng Diyos.

Application: The Children of Promise (28-31)

Pagkatapos ng paghahalintulad ni Pablo kay Sarah sa kalayaan at kay Hagar sa pagkaalipin, inilapat naman niya ito sa sitwasyon ng mga taga-Galacia. The Galatian Christians as Sarah’s children, children of promise and freedom. The Judaizers as Hagar’s children, children of slavery. Titingnan din natin kung paano natin maisasabuhay ang mga babalang ito ni Pablo. Araw-araw ay haharap tayo sa tukso na magtiwala sa sarili natin, kahit pa sa mga “espirituwal” na bagay. Dalawa lang ang pamimilian natin – babalik ba tayo sa pagtitiwala sa sarili natin o patuloy tayong magtitiwala sa Diyos, sa ginawa ni Cristo sa krus para sa atin, at sa kapangyarihan ng Espiritu Santo sa buhay natin? Anu-ano ang mga kailangan nating tandaan sa mga panahong ito?

1) Remember who you really are. Sa laban ni Pacquiao kay Clottey mahalaga na lumaban siya bilang Pacquiao. Hindi siya puwedeng lumaban bilang Clottey. Nais ipaalala dito ni Pablo kung sino sila, “Now you, brothers, like Isaac, are children of promise (v. 28). Hindi sila dapat mamuhay tulad ng mga Judaizers. Hindi sila magkatulad. Sila ay mga anak na malaya, hindi ng alipin. Kaya nga tinapos ni Pablo ang bahaging ito (chapters 3-4) sa ganitong paalala,  “So, brothers, we (shifting the pronoun from “you” in verse 28) are not children of the slave but of the free woman” (v. 31). Mga Cristiano tayo, mga iniligtas ayon sa biyaya ng Diyos kay Cristo. Hindi tayo mga Muslim o Romano Katoliko o miyembro ng Iglesia ni Cristo. Malaya tayo, hindi tayo alipin ng anumang tradisyon ng tao o relihiyong nagpapanggap na galing sa tunay na Diyos. Namumuhay ba tayo tulad ng isang taong malaya na at nagtitiwala kay Cristo o tulad din tayo ng ibang tao na sa sarili nagtitiwala? Dahil tayo ay hinango na ng Diyos mula sa pagkaalipin…

2) Expect a tough fight. Paalala ni Pablo sa kanila, “But just as at that time he who was born according to the flesh persecuted him who was born according to the Spirit, so also it is now” (v. 29). Ito ay tumutukoy sa Genesis 21:9 kung saan nakita ni Sarah na si Ishmael, 14 years old, ay tumatawa na parang nangungutya kay Isaac na sanggol pa lamang. Maaaring ganito ang nararanasan ng mga taga-Galacia nang una pa lamang nilang nakatagpo ang mga Judio. Those who live by grace must expect persecution from those who are under the law. Alam ni Pacquiao na pagtunog ng bell sa Round 1 simula na ng bakbakan. Hindi niya ikakagulat kung susuntukin siya ng kalaban niya. Gayundin sa ating mga Cristiano, asahan nating kung may mga kaibigan o kapamilya tayong hindi naniniwala sa ebanghelyong pinanghahawakan natin, maaaring kutyain din tayo o itakwil o siraan o awayin. Christian life is not easy. Huwag tayong makiayon sa mga tradisyon ng ibang tao o ng ibang relihiyon dahil lamang mas kumportable sa atin.

3) Knock out your opponent. But what does the Scripture say? “Cast out the slave woman and her son, for the son of the slave woman shall not inherit with the son of the free woman” (v. 30). Sa Gen. 21:10-12, ito ang sinabi ni Sarah kay Abraham nang makita nga ni Sarah ang pangungutya ni Ishmael. Noong una ay ayaw pumayag ni Abraham ngunit sinabi din sa kaniya ng Diyos na pakinggan si Sarah. Sa pamamagitan nito sinasabi ni Pablo na palayasin nila ang mga Judaizers, huwag tutularan, huwag papakinggan. May mga panahon na hindi tayo dapat makisama sa iba, ito yung panahong ang ibang tao ay nakakaimpluwensiya sa atin palayo kay Cristo. Ang goal ni Pacquiao ay mapatumba ang kanyang kalaban. Gayundin dapat tayo. Huwag nating hayaang maimpluwensiyahan tayo ng iba na lumayo kay Cristo. Isipin ninyo ngayon kung sino o anong bagay ang nakakaimpluwensiya sa iyong lumayo sa biyaya ni Cristo. Ano’ng gagawin mo? Layuan mo, gaano man ito kasakit o kahirap sa iyo.

4) Keep fighting until the last round. If we strive daily to “live by faith in the Son of God,” we must keep fighting until the end. Si Pacquiao hindi aayaw iyan sa Round 6, tatapusin niya ang laban. Dapat gawin natin ang lahat ng dapat gawin upang makapamuhay nang naaayon sa nais ng Diyos – nagtitiwala sa kanya at hindi sa sarili natin o sa ibang tao o sa anumang sistemang relihiyon. Sinimulan niya ang susunod na praktikal na bahagi ng kanyang sulat sa pamamagitan ng isang panawagang magpakatatag sa pananampalataya: “For freedom Christ has set us free; stand firm therefore, and do not submit again to a yoke of slavery” (5:1). Pray like David in Psalm 60:11-12:

Oh, grant us help against the foe,
for vain is the salvation of man!
With God we shall do valiantly;
it is he who will tread down our foes.

1 Comment

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.