DIYOS AY DAKILA
VERSE 1:
Ika’y isang hari
Aming tinatangi
Lahat ay magbunyi
Lahat ay magpuri
VERSE 2:
Sa taglay mong ning-ning
At kaliwanagan
Dilim ay nagtago
Dilim ay naglaho
CHORUS:
Diyos ay dakila
Halina’t umawit sa kanya
At makita ng lahat
Na Diyos ay dakila
VERSE 3:
Namamalagi ka
Sa lahat ng panahon
Ikaw ang simula
At ang katapusan
VERSE 4:
Tatlo bilang isa
Espiritu, Anak at Ama
Magbabalik muli
Kordero at hari
BRIDGE:
Nagiisa ang ngalan mo
Ang papuri ko sayo
Kadakilaan mo ang awit
Ng puso