Anu-ano ang mga importanteng bagay na dapat gawin ng isang bagong pastor?

1. Ipangaral ang Salita.

Ang pinakamahalagang bagay na dapat gawin ng isang bagong pastor ay ang ipangaral ang Salita ng Diyos. Lahat ay nagsisimula rito. Ang Salita ng Diyos ang bumabago sa mga makasalanan at nagpapabanal sa mga anak ng Diyos. (1 Tes. 1:5; Jn. 17:17). Ang Salita ng Diyos din ang nagbibigay ng espirituwal na kalakasan, paglago at maka-Diyos na pagbabago (1 Tes. 2:13). Samakatuwid, ang tapat na expositional preaching ng Salita ng Diyos ang nararapat na unang priority ng isang bagong pastor.

2. Mahalin ang mga tao.

Dapat mahalin ng isang pastor ang mga taong kanyang pinagpapastoran. Dapat siyang mamuhay na kasama sila, alagaan sila, paglingkuran sila, tulungan sila sa kanilang mga pasanin, at maglaan ng panahon para sa kanila. Lubos na mahalaga para sa isang pastor na sa simula pa lang ng kanyang ministry ay ipinaparamdam na niya ang kanyang mainit na pagmamahal sa kanyang pinagpapastoran para matuto silang magtiwala sa kanya. Kung wala ang tiwalang inani sa pamamagitan ng pag-ibig, maaaring ang maging resulta ay hindi nila sundin ang pamumuno ng pastor.

3. Piliin ang bawat laban nang may katalinuhan.

Hindi lahat ng isyu ay dapat na harapin o magdulot ng pagtatalo. Ang isang bagong pastor ay dapat magsumikap na matuto at magkaroon ng malinaw na pang-unawa kung ano lang ang mas mahalaga, at dapat niyang harapin ang mga ito kung kailan lamang kinakailangan.

4. Paglaanan ang mahabang proseso.

Huwag umasang ang lahat ay magbabago agad sa loob lamang ng isang araw. Magplano para sa mga kailangang gawin at magtrabaho nang mabuti para sa mga pagbabagong inaasahan sa katagalan. Maging matiyaga ka sa pagtuturo at sa pagdi-disciple sa mga pinagpapastoran mo. Ilaan mo ang iyong sarili sa paglilingkod sa kanila sa mahabang panahon at ipanalangin na nawa’y ipagkaloob ng Diyos ang bunga sa kanyang tamang panahon.


*Original English article from 9Marks here.

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.