Gospel Endurance: The Message of 2 Timothy

Introduction

‌Ang buhay Kristiyano ay hindi isang 100-meter na karera na ilang segundo lang ay tapos na. Hindi rin ito isang basketball game lang na mae-enjoy mo mula first quarter hanggang fourth quarter.

‌Ang buhay Kristiyano ay isang mahabang paglalakbay at mahirap na pakikipaglaban.

‌Hindi sprint, kundi isang mahabang marathon. Hindi isang laro, kundi isang madugong digmaan. Malaki ang nakasalalay dito, hindi lang basta winning or losing, this is life and death reality. Paano kung hindi mo matapos ang takbuhin? Paano kung maging casualty ka sa giyerang ito? Hindi ko tinutukoy kung mamamatay ka ba ng mas maaga (say 35 years old) kumpara sa 85 years old. Posible na mamatay ka na maaga tulad ng mga missionaries na sina Jim Elliot (late 20s) o David Brainerd (early 30s) and still finish the race, win the war and be faithful to your calling. Pero paano if you lose your faith, or bitawan mo na ang gospel, o talikuran na si Cristo, o umayaw na sa calling na bigay sa ‘yo ni Lord? It is not about starting well, but finishing well.

‌Maganda ang simula ni Timothy sa ministry. Kahit mahirap yung assignment niya bilang pastor sa church sa Ephesus, he’s faithful in following sa footsteps ni Paul. Faithful si Paul bilang “apostle of Christ Jesus” (2 Tim. 1:1). Gusto niya na ganun din si Timothy na itinuturing niyang “my beloved child” (1:2) dahil siya ang isa sa mga nagdisciple sa kanya bilang spiritual father in the faith. Sa ikalawang sulat na ito ni Paul sa kanya, sinabi niya based on experience niya na nakakulong sa Rome at ilang araw na lang ay papatayin na: “Timothy, don’t expect life and ministry to be easy, or kung mahirap ngayon, don’t expect it to get better. In fact, it might get worse and worse. More challenging.” “Paul’s primary concerns in this letter are that the Christian faith be passed on and preserved, and that Timothy persevere in that faith and in gospel ministry” (William Barcley, A Biblical-Theological Introduction to the New Testament, “2 Timothy”). Ito rin ang nais na ituro sa atin ng salita ng Diyos ngayon—pastor ka man o hindi.

‌Enduring Faithfulness in Ministry Hardships (1:1–2:13)

‌Our ministry is gospel stewardship. Mula pa sa first letter ganito na sinasabi niya, “Guard the deposit entrusted to you” (1 Tim. 6:20). Yung deposit na yun ay yung sound gospel doctrine na dapat ingatan at bantayan. Hindi madali. Pwedeng matakot, ikahiya ito, at maging unfaithful. Lalo na if it means suffering, or possibly death. Si Paul ay nakakulong during this time: the Lord’s “prisoner” (2 Tim. 1:8). Ibig sabihin, nakulong dahil sa pangangaral tungkol kay Cristo. “Which is why I suffer as I do” (v. 12), dahil sa kanyang preaching of the gospel. “For which I am suffering” (2:9), referring to the gospel. Rejected by others (v. 15). “I endure everything” (v. 10). Hindi puro sarap ang gospel ministry. Maraming pagtitiis. Kaya bilang spiritual child at disciple ni Paul, gusto niya na tularan siya ni Timothy. Yun naman na ang ginagawa ni Timothy, pero kailangan pa ring paalalahanan hangga’t hindi pa tapos ang laban (see 3:10ff). Remember, it is not about starting well, or doing well today, but finishing well. Para mangyari yun, anu-ano ang kailangan nating gawin sa kabila ng hirap sa ministry?

‌Huwag kang matakot. Sa halip, pag-alabin mo ang iyong pananampalataya (1:3-7).

‌Posible yung pagkatakot o panghihina ng loob kay Timothy lalo na kung alam niya kung ano ang haharapin niyang hirap sa ministry. Nung matagal niyang kasama si Paul, siyempre nagbibigay yun ng lakas ng loob sa kanya. Kaya nga siguro umiyak si Timothy nung huli silang nagkita, at naalala yun ni Paul: “as I remember your tears” (1:4). Pero kahit wala na si Paul, hindi dapat panghinaan ng loob si Timothy. Bakit? “For God gave us a spirit not of fear but of power and love and self-control” (v. 7). Posible na yung “spirit” dito ay yung Holy Spirit na ipinagkaloob sa atin ng Diyos. Naturally, we are fearful. Pero yung Holy Spirit ay gift ni Lord sa atin to overcome anumang fears meron tayo para harapin ang hirap ng pakikipaglaban sa buhay Kristiyano at sa ministry.

‌Sapat ang mga ipinagkaloob sa atin ng Diyos to overcome anumang fears meron tayo. Nakay Timothy yung “sincere faith” na naipasa sa kanya ng lola Lois at mommy Eunice niya (v. 5). Kasama sa Holy Spirit ay yung spiritual gift na bigay sa kanya ng Diyos. Kapag merong takot, pwedeng maging dahilan yung para maging passive sa ministry at hindi magamit nang maayos yung spiritual gifts. Posible na nanlalamig. O yung parang baga na nawawalan ng apoy. So, ano ang dapat gawin ni Timothy? “Dahil dito, ipinapaalala ko sa iyo na pag-alabin mong muli (ESV, “fan into flame”) ang kaloob na ibinigay sa iyo ng Diyos nang ipatong ko sa iyo ang aking mga kamay” (v. 6 MBB).

‌Paano sisindihan ulit? Paano pag-aapuyin ulit? By using your spiritual gift. Hindi mo na kailangang mag-spiritual gift inventory test para malaman yun. Magtanong ka lang sa iba, o sa mga elders, kung paano ka makakatulong, tapos gawin mo ang magagawa mo para makatulong. Sa pagdidisciple, sa pagbibigay, sa pagpray para sa iba, sa pag-eencourage, sa pagtuturo, sa kahit anong paraan! Wag mong idahilan ang kaabalahan mo, o ang sitwasyon mo sa pamilya mo, o ang problema mo sa pera, o yung pagiging bata mo pa o matanda na. Paypayan mo ang baga ng mga spiritual gifts mo hanggang sa magliyab ka sa paglilingkod sa Panginoon. Huwag mong hayaang manlamig ang puso mo para sa paglilingkod sa Panginoon.

‌Pero siyempre, ang ministry ay hindi lang basta pagtulong. It is a gospel ministry. Meron tayong gagawin to preach the gospel to others. So…

‌Huwag mong ikahiya ang gospel. Sa halip, makibahagi ka sa paghihirap para sa gospel (1:8-12, 15-18).

‌Nung makulong kasi si Pablo, yung mga dati niyang kasama in preaching the gospel ay iniwanan na siya at ikinahiya na ang gospel na dala-dala ni Pablo. Kasama rito yung mga taga Asia (modern day Turkey) tulad nina Phygelus at Hermogenes (v. 15). Kaya sabi ni Paul kay Timothy, Huwag mo silang gayahin! Dapat niyang gayahin yung pamilya ni Onesiphorus na nagpatuloy sa paglilingkod at hindi ikinahiya yung sufferings ni Paul (vv. 16-17). Yung gospel, o yung “testimony about our Lord” ay hindi niya dapat ikahiya (v. 8), kahit ang maging kapalit pa nito ay “suffering for the gospel” tulad ng pagkakulong na nakakahiya naman talaga. Pero dapat niyang gayahin si Paul na tapat sa ipinagkatiwala sa kanya ng Diyos bilang “preacher and apostle and teacher” (v. 11). Yes, nagsa-suffer siya dahil dun, pero hindi niya yun “ikinakahiya” (v. 12 ASD). He is not ashamed of the gospel (Rom. 1:16). Kasi kilala niya kung sino yung object of faith niya (v. 12). Bakit siya mahihiya sa subject ng preaching niya kung kilala niya kung sino yun? So kung kilala rin ni Timothy at pinaniniwalaan si Cristo at ang kanyang mabuting balita, hindi niya ito ikahihiya, “but share in suffering for the gospel” (2 Tim. 1:8). Ang gospel ay hindi lang power of God for salvation (Rom. 1:16), ito rin yung power of God na kailangan natin to help us endure suffering for the gospel.

Therefore do not be ashamed of the testimony about our Lord, nor of me his prisoner, but share in suffering for the gospel by the power of God, who saved us and called us to a holy calling, not because of our works but because of his own purpose and grace, which he gave us in Christ Jesus before the ages began, and which now has been manifested through the appearing of our Savior Christ Jesus, who abolished death and brought life and immortality to light through the gospel. 2 Timothy 1:8–10 (ESV)

‌Ang gospel ay life-giving message para sa atin, at para sa lahat ng taong makakarinig nito as we preach the gospel. So what is there to be ashamed of? Oo, unworthy tayo lahat. Andun pa rin yung fears natin na baka hindi natin maingatan ‘tong ministry na ipinagkatiwala sa atin. Yes, may bahagi tayong gagawin. Pero tandaan natin na yung success ng gospel ministry na ‘to ay hindi sa atin nakasalalay ultimately. Ang Diyos ang titiyak na yung gospel commission ay maa-accomplished: “I am convinced that he is able to guard until that day (the day of Christ’s return!) what has been entrusted to me” (v. 12).

‌Dahil sa ganitong kumpiyansa na meron tayo, hindi ibig sabihing wala na tayong gagawin para ingatan o bantayan yung gospel ministry—Ah, si Lord naman pala ang bahala, hindi na ko kailangan diyan! No. Sa halip…

‌Huwag mong sarilinin ang gospel. Sa halip, ingatan mo ito at ipasa sa iba (1:13-14; 2:1-7).

‌Because of this—God is “able to guard…what has been entrusted to me”—heto yung response niya dapat, “By the Holy Spirit who dwells within us, guard the good deposit entrusted to you” (v. 14). Sabi ni Martin Luther sa kanyang 95 Theses, “The church’s true treasure is the gospel of Jesus Christ.” Dahil kayamanan ang gospel dapat ingatan, dapat bantayan. Ang kaibahan sa ginto na hindi mo basta ipamimigay sa iba, ang gospel ay iniingatan natin kung ito ay ipapasa natin sa iba. Ganito ang ginawa ni Paul kay Timothy, kaya sinabi naman niya, “Ituro mo ang tamang aral na natutunan mo sa akin” (v. 13 ASD). Kung anong narinig mo—the gospel message—ipasa mo naman sa iba. Pass the message.

‌To pass on the gospel—sa mga anak natin, sa mga members natin sa church, sa mga unbelievers, sa pag-abot sa mga unreached—hindi madali ‘yan. Pero magagawa natin “by the Holy Spirit who dwells within us” (v. 14). Sa biyaya lang talaga ng Diyos tayo aasa para magpalakas sa atin. “You then, my child, be strengthened by the grace that is in Christ Jesus, and what you have heard from me in the presence of many witnesses entrust to faithful men, who will be able to teach others also” (2:1-2). Kailangang ang gospel message ay magpasalin-salin—mula kay Paul, papunta kay Timothy, papunta sa “mga mapagkakatiwalaang tao” (ASD), papunta naman din sa iba. This is how we guard the gospel. Not by assuming na alam na ito ng iba, not by being silent about this, not by focusing on other things, but by preaching the gospel over and over again from one generation to another, from one member to another member, from one believer to non-believers, from the church to the nations.

‌This ministry is not easy. Experience ni Paul ‘yan, kaya sinabi na naman niya kay Timothy, “Share in suffering as a good soldier of Christ Jesus” (v. 3). Walang sumabak sa giyera na nag-expect na madali lang ang haharapin niya. Pero nagtitiyaga siya sa laban dahil he’s looking forward to the reward or fruit of his sufferings. Tulad ng isang magsasaka na nagtatrabahong mabuti, nakatingin sa “bunga” na mapapakinabangan niya (v. 6). Tulad ng isang atleta sa isang karera, kinasasabikan niya ang medalya na mapapanalunan niya at ang karangalang kaakibat nito kaya pinagbubuti niya (v. 5). At higit na gantimpala na inaasam natin ay makapagbigay kasiyahan sa Diyos na tumawag sa atin sa ganitong paglilingkod—we “aim…to please the one who enlisted” us (v. 4).

‌In the end, we need to realize that our greatest reward—our ultimate goal in enduring sufferings in the ministry—is none other than Christ himself. So…

‌Huwag mong kakalimutan at ikakaila si Cristo. Sa halip, manatili kang tapat sa kanya hanggang sa kamatayan (2:8-13)

‌Pansinin mo kung gaano ka-Christ-saturated yung vv. 8-13:

Alalahanin mo si Jesu-Cristo, ang muling binuhay at nagmula sa angkan ni David, ayon sa Magandang Balitang ipinapangaral ko. 9 Ito (si Cristo at ang gospel!) ang dahilan ng aking pagdurusa at pagkagapos na parang isang kriminal. Subalit hindi kailanman maigagapos ang salita ng Diyos. 10 Tinitiis ko ang lahat ng bagay alang-alang sa mga hinirang ng Diyos upang magkaroon sila ng kaligtasan at walang hanggang kaluwalhatian mula kay Cristo Jesus. 11 Totoo ang kasabihang ito:

“Kung tayo’y namatay na kasama ni Jesu-Cristo, mabubuhay din tayong kasama niya. 12 Kung tayo’y nagtitiis ng hirap sa mundong ito, maghahari din tayong kapiling niya. Kapag itinakwil natin siya, itatakwil rin niya tayo. 13 Kung tayo man ay hindi tapat, siya’y nananatiling tapat pa rin sapagkat hindi niya maaaring itakwil ang kanyang sarili.”

‌As we preach the gospel, and encounter difficulties along the way, wag nating kakalimutan yung laman ng gospel na pini-preach natin—walang iba kundi si Cristo! He is not just the object of our faith and the subject of our proclamation. He is the ultimate goal of our life and ministry. Ang makasama siya for billions of years in eternity—that is our greatest treasure and our highest joy. Bakit mo katatakutan hirap na maaari mong pagdaanan kung alam mo kung ano yung glory na naghihintay sa ‘yo? Bakit mo katatakutan ang kamatayan kung kapalit naman nun ay ang makapiling si Cristo? “To live is Christ and to die is gain” (Phil. 1:21). But, kung hindi tayo magiging tapat, at itatakwil natin si Cristo, he is still faithful. Hindi ibig sabihing makakaasa ka na makakasama mo siya. He is faithful first to the honor of his name, and faithful sa threat na itatakwil ang sinumang magtatakwil sa kanya. If you don’t want Christ now, at kung ipagpapalit mo siya sa mga kayamanan at kasiyahan sa mundong ito, then you will lose Christ forever. That is a tragedy worse than all the sufferings you will experience for the sake of the gospel of Jesus now.

‌Ito ay panawagan sa ating lahat—dahil sa hirap na haharapin natin sa gospel ministry—hindi lang para maging faithful panandalian kundi pangmatagalan. This is a call for enduring faithfulness in gospel ministry. “Isipin mong mabuti ang sinasabi ko sa iyo at ipapaunawa sa iyo ng Panginoon ang lahat ng ito” (2:7 MBB).

‌Enduring Faithfulness in the Face of False Teachings (2:14–4:5)

‌Itong susunod na bahagi ng huling sulat ni Paul kay Timothy ay may kinalaman pa rin sa enduring faithfulness. Pero hindi lang sa mga sufferings na mae-experience natin, kundi sa mga false teachings na kahaharapin natin at talaga namang talamak pa rin at masama ang nagiging epekto sa maraming mga churches. This is enduring faithfulness for the gospel, kasi marami ang mga messages na anti-gospel. Paano tayo mananatiling tapat sa ganitong mga panahon?

‌Huwag lumihis sa katotohanan. Sa halip, magsikap sa tamang paraan ng pag-aaral at pagtuturo ng Salita ng Diyos (2:14-19).

‌Dapat iwasan yung mga “salita na walang kabuluhan at walang ibinubungang mabuti,” ibig sabihin ay “nagpapahamak lamang sa mga nakikinig” (v. 14). Mapapahamak kasi ito yung mga katuruang “naglalayo ng mga tao sa Diyos” (v. 16). Kabilang dito sina Hymenaeus at Philetus na mga “lumihis…sa katotohanan” (vv. 17-18). Although maaaring yung mga false teaching nun ay hindi eksaktong kapareho ng mga issues ngayon, pero kailangan pa rin nating maging maingat. Marami kasi ang nagtuturo naman ng Bible, gumagamit ng mga Bible verses, pero binabaluktot, at sariling opinion ang isinusulong. So ano ang kailangan nating gawin? Hindi lang ‘to para sa mga pastor tulad ni Timothy. Para sa ating lahat: “Sikapin mong maging kalugud-lugod sa paningin ng Diyos, isang manggagawang walang dapat ikahiya at tama ang paggamit sa salita ng katotohanan” (v. 15). Tama ang paggamit, rightly handling, o literally, “cutting straight.” Orthodox, dapat tama ang katuruan, at tama ang paraan ng pag-aaral. Kaya mahalaga yung equipping class natin na “How to Study the Bible.” Makakatulong din if you will take advantage of the resources na meron tayo sa church library.

‌Pero wag nyong isipin na ang tamang paggamit ng Bibliya ay may kinalaman lang sa tamang “content” o message na itinuturo. Tama ang paggamit natin dito kung tama ang application natin. Kaya…

‌Huwag patatangay sa mga makasalanang pagnanasa. Sa halip, pakamithiin ang pamumuhay nang may kabanalan (2:20-26).

‌“Kaya nga, iwasan mo ang masasamang hilig ng kabataan, sa halip ay pagsikapan mong maging matuwid, tapat, mapagmahal at mapayapa, kasama ng mga taong may pusong malinis na tumatawag sa Panginoon” (v. 22). Ganito rin ang sinabi niya sa unang sulat niya, “Watch your life and doctrine closely” (1 Tim. 4:16 NIV). Hindi lang doctrine. Pwede kasi tama naman ang doktrinang pinaniniwalaan at itinuturo mo, pero unloving ka naman, unfaithful ka naman, mainitin naman ang ulo mo, mayabang ka naman, palaaway ka naman. Sobrang passionate ka nga to defend yung biblical and sound doctrine, pero nakikipag-away ka naman. Kaya sabi ni Paul kay Timothy na oo nga’t sasawayin ang mga maling aral pero hindi dapat “quarrelsome but kind to everyone…patiently enduring evil…with gentleness” dapat (2 Tim. 2:24-25). Yung zeal natin for gospel doctrine ay kailangang kinakabitan ng patience, gentleness, love and compassion. Hindi para mapatunayang tayo ang tama, kundi para madala sila sa “repentance leading to a knowledge of the truth” (v. 25). Yun dapat ang prayer natin para sa kanila. Kaya…

‌Huwag makisama sa mga taong tumutuligsa sa katotohanan. Sa halip, sawayin sila at hikayating magsisi (3:1-9; 2:24-26).

‌Kahit gawin natin lahat ng magagawa natin, meron talagang stubborn na paninindigan yung mali nilang paniniwala at maling pamumuhay. Things will get worse and worse (3:1, 13). “For people will be lovers of self, lovers of money, proud, arrogant, abusive, disobedient to their parents, ungrateful, unholy, heartless, unappeasable, slanderous, without self-control, brutal, not loving good, treacherous, reckless, swollen with conceit, lovers of pleasure rather than lovers of God, having the appearance of godliness, but denying its power. Avoid such people” (vv. 2-5). Hindi tayo dapat makisama sa kanila. Yes, we reach them with the gospel and pray for their repentance. Pero hindi natin ikukumpromiso ang faith natin para lang ma-please sila o mapagbigyan sila. You want to endure in faithfulness? Piliin mo ang mga taong sasamahan mo—yung mga tunay na kaibigan na magtuturo sa ‘yo at magpapaalala kung ano ang gospel, sasaway sa ‘yo kapag nagkakamali ka, at pagtitiyagaan ka para magpatuloy sa pananampalataya. Tulad ng ginawa ni Paul kay Timothy. Mahalaga na piliin nating mabuti hindi lang kung sino ang palagi nating sasamahan, kundi kung sino ang palagi nating papakinggan.

‌Huwag hihinto sa pagsunod sa tamang aral. Sa halip, magpatuloy sa tapat na pangangaral ng Salita ng Diyos (3:10-4:5).

‌Tama ang sinundan ni Timothy. Sinundan niya ang turo ng kanyang lola Lois at mommy Eunice mula pa sa pagkatabata (1:5). Kaya sabi ni Paul na magpatuloy lang siya, “…magpatuloy ka sa mga aral na natutunan mo at matibay mong pinaniwalaan, sapagkat kilala mo ang mga nagturo nito sa iyo. Mula pa sa pagkabata alam mo na ang Banal na Kasulatan” (3:14-15). Make sure you follow the right people. Hindi yung puro BTS sinusundan mo. O yung mga kung sinu-sino lang sa YouTube. Sinundan din ni Timothy hindi lang ang turo ni Pablo, pati yung buhay niya, pati nga yung mga sufferings niya!—“my teaching, my conduct, my aim in life, my faith, my patience, my love, my steadfastness, my persecutions and sufferings” (vv. 10-11).

‌Paano ba masasabi na you are following the right people? Kung yung itinuturo nila at ipinapakitang halimbawa ay ayon sa Salita ng Diyos. It is not about Paul, or yung lola at nanay ni Timothy. It is about the Word of God. Yun ang power of God for salvation: “able to make you wise for salvation through faith in Christ Jesus” (v. 15). At yun din ang kailangan natin for our sanctification: “All Scripture is breathed out by God and profitable for teaching, for reproof, for correction, and for training in righteousness, that the man of God may be complete, equipped for every good work” (vv. 16-17). Kung ang Bibliya ay daan para sa kaligtasan, at ito ay Salita mismo ng Diyos, at kapaki-pakinabang sa araw-araw na buhay, hindi natin ito pwedeng balewalain. Sabi ni Mark Dever:

If you wish to continue to the end, you cannot neglect the Scriptures. This is one of the main ways God has given us to endure to the end. As Thomas Canmer said, we should read, mark, learn, and inwardly digest God’s Word. Our Bible reading should be regular. Our study should be diligent. Our meditation should be thoughtful. Our references to the Bible should be frequent. If we are Christians, this is what we are called to do—feed upon God’s Word to us. (The Message of the New Testament, 369)

‌You cannot have enduring faithfulness kung hindi ka nagpapatuloy at kung pinapabayaan mo ang pagbubulay at pag-aaral ng Salita ng Diyos. At tandaan din natin, meron din tayong responsibility na tulungan ang iba sa kanilang enduring faithfulness by teaching to them the Word of God. Hindi mo pwedeng sabihing hindi ka nga nagtuturo ng maling aral, pero nagtuturo ka ba ng tamang aral? Eto ang tagubilin ni Paul kay Timothy, at sa lahat sa amin na mga preachers of God’s Word—and this is a solemn charge:

I charge you in the presence of God and of Christ Jesus, who is to judge the living and the dead, and by his appearing and his kingdom: preach the word; be ready in season and out of season; reprove, rebuke, and exhort, with complete patience and teaching. For the time is coming when people will not endure sound teaching, but having itching ears they will accumulate for themselves teachers to suit their own passions, and will turn away from listening to the truth and wander off into myths. As for you, always be sober-minded, endure suffering, do the work of an evangelist, fulfill your ministry. (4:1-5)

‌Kaya mahalaga yung expositional preaching—kung ano yung emphasis ng text ay yun din ang emphasis ng sermon. Kasi, “preach the Word.” Kinukumpara ni Mark Dever ang mga preachers sa isang mailman o kartero. Hindi dapat baguhin o palitan yung laman ng sulat na idedeliver. We read the text, we explain the text, we apply the text. Yun ang trabaho ng preacher. Hindi lang every Sunday for one hour. Paulit-ulit. Di ba’t ganun din sa bahay sa pangangaral sa mga bata? “With complete patience” (v. 2). “Endure suffering…fulfill your ministry” (v. 5). Eto yung enduring faithfulness in preaching. Kahit hindi faithful ang iba, we will remain faithful sa calling natin. Pastor/elder ka man, deacon, nagdidisciple sa iba, parent na nagtuturo sa mga anak, Sunday school teacher. Be faithful in preaching and teaching the Word of God.

‌God’s Faithfulness: The Bedrock of Our Enduring Faithfulness (4:6–22)

‌Ito ang gusto ni Paul kay Timothy—at ng Diyos para sa ating lahat—enduring faithfulness kahit maging pahirap nang pahirap ang ministry, kahit maging palala nang palala ang mga false teachings. Hindi natin masasabi na meron na tayong enduring faithfulness ngayon. We may be faithful today, pero masasabi lang natin na enduring o nagpapatuloy ang faithfulness natin kung yun ay mananatili hanggang katapusan. Tulad ni Paul, alam niya na malapit na siyang mamatay (v. 6). Wala naman siyang kasalanan pero hahatulan siya nang kamatayan. Ayon sa tradisyon, ilang linggo lang pagkatapos nito, pupugutan na siya ng ulo. Papatayin siya, pero hindi siya talunan, hindi siya nabigo, hindi siya tumalikod. “I have fought the good fight, I have finished the race, I have kept the faith” (v. 7). Dalangin ko para sa sarili ko, para sa inyong lahat—faithful ka man ngayon sa tingin mo o despairing ka dahil sa marami mong struggles—na masabi mo rin ito sa dulo ng buhay mo. Nasaan ang kumpiyansa natin? Wala sa sarili nating katapatan—kasi kung tayo lang, we will all fall away, and walk away from the gospel. Nasa katapatan ng Diyos.

‌Tapat ang Diyos na siyang magpapanatili sa atin na maging tapat hanggang sa katapusan, at siyang magkakaloob sa atin ng gantimpala (4:6-8).

‌Ito ang kinasasabikan ni Pablo, yung naghihintay sa kanya sa kabilang buhay: “Kaya naghihintay sa akin ang koronang gantimpala para sa mga namuhay ayon sa kalooban ng Diyos. Sa Araw na iyon, ang Panginoon na siyang makatarungang Hukom, ang siyang magpuputong sa akin ng korona; hindi lamang sa akin, kundi sa lahat ng nananabik sa kanyang pagbabalik” (v. 8). Nasasabik ka rin ba sa gagawin at ibibigay ng Diyos sa ‘yo? Yun ba ang kumpiyansa, kaaliwan at pag-asa mo sa kabila ng hirap na pinagdaraanan natin ngayon? Sa kabila ng mga kasalanang nananatili pa rin sa puso natin, sa kabila ng mga kasamaan sa paligid natin, makakaasa tayo na…

‌Tapat ang Diyos na magliligtas sa atin sa lahat ng masama at magdadala sa atin sa kanyang kaharian sa langit (4:9-18).

‌Sa huling bahagi ng sulat ni Paul, inamin niya na mahina siya at kailangan niya ang tulong ni Timothy. Kaya sabi niya, “Sikapin mong makapunta dito sa lalong madaling panahon” (v. 9). Nagbilin pa na dalhin yung mga writing materials niya saka mga books na babasahin (v. 13). Kailangan din ng mga pastor ang tulong, ang pagbisita, ang panalangin at encouragement ng iba. May mga discouragements kay Paul na nakapanghihina sa kanya tulad nina Demas na iniwan siya (v. 10), ni Alexander na naging salbahe sa kanya (v. 14). Nung trial nga niya, feeling niya iniwan na siya ng lahat (v. 16)! Pero encouraging naman sina Luke at Mark at sinamahan siya sa ministry (v. 11).

‌Samahan man siya o iwanan ng mga tao, wala sa tao ang confidence niya. Ang Diyos ang magpapalakas sa kanya, tulad ng sabi niya kay Timothy (2:1). Ganun ang experience niya, “But the Lord stood by me and strengthened me, so that through me the message might be fully proclaimed and all the Gentiles might hear it. So I was rescued from the lion’s mouth. The Lord will rescue me from every evil deed and bring me safely into his heavenly kingdom. To him be the glory forever and ever. Amen” (4:17-18). Paulit-ulit niyang naranasan ang pagliligtas ng Diyos (see 3:11). Kumpiyansa siya na hindi siya bibiguin ng Diyos, kahit binigo na siya ng maraming mga tao na inasahan niya noon. Walang anumang pagdurusa, walang anumang gawa ng Kaaway, walang anumang kasalanan ang magiging successful na ibagsak siya. God’s enduring faithfulness is our hope for our own enduring faithfulness. We will persevere in faith because of God’s preserving grace.

‌Conclusion

‌Makatitiyak tayo na makakatapos sa paglalakbay at magtatagumpay sa pakikipaglaban dahil nasa atin na ang ipinangakong buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Cristo (1:1, 10).

‌Ang katapatan natin sa gospel ay mauuwi sa kamatayan. But that same gospel gives us life eternal. Sa simulang-simula pa lang ng sulat niya ito na ang pinanghahawakan niya, “according to the promise of the life that is in Christ Jesus” (1:1). Ito rin ang subject ng kanyang preaching, “our Savior Jesus Christ, who abolished death and brought life and immortality to light through the gospel” (v. 10). Hindi ipinangako ng Diyos na magiging maginhawa ang buhay mo kung magiging faithful ka lang sa preaching of the gospel. Hindi ipinangako ng Diyos na yayaman ka kung magpapatuloy ka na maging faithful. Maaaring mas mahirapan ka, iwanan ka ng mga kaibigan mo, walang maniwala sa preaching mo, pagsabihan ka ng masasakit na salita, at lalong maghirap ka pa. Pero sa lahat ng ‘yan, ipinangako ng Diyos na matatapos mo ang paglalakbay at magtatagumpay ka sa pakikipaglaban dahil nasa atin na ang ipinangakong buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Cristo. Tapat ang Diyos. Dakila ang katapatan ng Diyos, kaya naman tiyak na magpapatuloy ang katapatan natin sa kanya.

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.