Ang mga titles na ‘elder’ at ‘deacon’ ay hindi naman talaga ang pangunahing isyu sa ministry ng church, ngunit maraming magagandang dahilan kung bakit kailangan at dapat gamitin ng mga churches ang mga biblical titles na ‘to:
- Ipinapakita nito na ang Salita ng Diyos ang ating authority, hindi ang karunungan ng tao. Ang paggamit ng mga biblical titles na ito ay pagpapakita na sinusunod natin ang direksyon ng Diyos at hindi natin inaako ang pagpapasya kung ano ang dapat na leadership structure ng church. Nagbigay na ang Diyos sa church ng isang pangunahing balangkas na dapat nating ipatupad nang maigi. Ang paglayo sa ganitong structure, o ang pagpapasya na hindi na natin kailangang tawagin ang ating mga leaders ayon sa sinasabi sa Salita ng Diyos ay pagpapakita na pinangungunahan natin ang Diyos.
- Tinutulungan nito ang kongregasyon na malaman kung ano ang aasahan mula sa leadership. Kapag ginamit ng church ang mga titles na “elder” at “deacon” tulad sa Bibliya, madaling malalaman ng isang church member ang kanilang “job descriptions” sa pamamagitan lamang ng pagbasa sa Salita ng Diyos. Maaari nilang mabasa agad sa Salita ng Diyos at malaman nang saktong-sakto kung ano ang aasahan mula sa kanilang mga leaders.
- Pinapanagot nito ang mga leaders sa mga biblical qualifications. Walang biblical qualifications para sa mga “trustees,” “council members,” “leadership teams” o iba pang mga titles na karaniwang ginagamit ngayon. Pero merong biblical qualifications para sa mga “elders” at mga “deacons.” Ang paggamit ng mga biblical terms para sa mga offices na ito ay kailangan upang masigurado ng church na ang mga biblical standards para sa leadership ay nasusunod. Ito ay higit na mahalaga lalo na sa mga “elders,” na dapat may kakayahan na magturo ng Salita ng Diyos (1 Tim. 3:2). Malaking kapakinabangan sa church kapag ang mga nangangasiwa sa mga gawain nito ay may matibay na pagkaunawa sa Salita ng Diyos at may kakayahan na magturo ng Salita ng Diyos. Sa ganitong paraan, ang church ay makikitang patuloy na nahuhubog ng Salita ng Diyos, hindi ng karunungan ng tao.
(Ang pinagbasehan ng karamihan sa article na ito ay galing sa article na isinulat ni Benjamin Merkle, “Do We Need To Use the Titles ‘Elder’ and ‘Deacon’?“)
*Translated from the original English article, “Is it important to use the titles ‘elder’ and ‘deacon’?”
Photo by Dylan Gillis on Unsplash