Astonishing Vision of God
Hindi natin makikita ang Diyos kung hindi natin papakinggan ang mga salita ng Diyos. At kung papakinggan natin ang mga salita ng Diyos, makikita natin kung ano ang gusto niyang ipakita sa atin, mas makikilala natin kung sino siya. God reveals himself to us through his Word. Hindi tayo maliligtas, hindi tayo mapapanumbalik sa tamang relasyon sa Diyos, hindi tayo magkakaroon ng buhay na walang hanggan kung hindi natin siya makikita. At kung Christian ka na, unti-unti kang binabago para maging katulad niya habang mas lumiliwanag ang pagkakakita mo sa Diyos. At dito sa church, as God’s family, meron tayong ipinangakong commitment sa isa’t isa na magtutulungan sa paglagong espirituwal. Kaya tutulungan natin ang bawat isa na mag-focus sa pagtingin sa Diyos. Kaya sobrang crucial ang theology (“study of God”) sa discipleship. At mahalaga na pakamithiin nating mas makilala ang Diyos, dahil paano natin siya ipapakilala sa iba, at sasabihing, “Behold our God! Heto ang Diyos namin! Tingnan n’yo!”, kung hindi mo naman siya lubos na nakikilala?At kung lalo mo siyang nakikilala, hindi ba’t mas mamamangha ka sa kanya?
You will be astonished kapag nagkaroon ka ng ganitong vision of the glory of God katulad ng nangyari kay Isaiah at yung nasaksihan niyang worshipful response ng mga seraphim, ayon sa napag-usapan natin last week sa Isaiah 6:1-4. Nakita natin, and I pray na nakita nga ninyo, na ang Diyos ang Panginoon, na ang utos ay dapat sundin, ang namamahalang Hari, makapangyarihan sa lahat, dakila sa kanyang karangyaan, lubos na kagalang-galang, banal, banal, banal, walang katulad sa kaluwalhatian o kaningningan ng kanyang kabanalan, tapat sa kanyang mga pangako sa mga anak, ang mga salita’y makapangyarihang makagagawa ng lahat ng kanyang naisin.
Ilan pa lang ‘yan sa mga kahanga-hangang katangian ng Diyos na meron tayo. We have our whole lifetime to grow in the knowledge of who he is. And we have all eternity para mas makita siya, at hindi pa natin maaarok ang kalubusan ng pagka-Diyos ng Diyos. Heto pa ang sabi ng Westminster Confession of Faith “Tungkol sa Diyos”:
Mayroon lamang isa, at tanging isang, buháy at tunay na Diyos. Siya ay walang hangganan sa Kanyang pagka-Diyos at kasakdalan. Siya lamang ang dalisay na Espiritu, di-nakikita, walang katawan, mga bahagi, at mga silakbo ng damdamin. Siya ay hindi nagbabago, walang hangganan, walang hanggan, at hindi malilirip. Siya ay makapangyarihan sa lahat, marunong sa lahat, kabanal-banalan, ganap na malaya, at lubos ang kaganapan. Ginagawa Niya ang lahat ayon sa Kanyang di-nababago at pinaka-matuwid na kalooban tungo sa Kanyang sariling kaluwalhatian. Siya ay puspos ng pagmamahal, biyaya, awa, pasensya, kabutihan at katotohanan. Siya ay nagpapatawad ng kasamaan, pagsuway at kasalanan, at nagpapala sa mga masikap na huma-hanap sa Kanya. Nguni’t Siya ay makatarungan at nakakatakot sa mga kahatulan Niya, at napopoot sa lahat ng kasalanan. Hindi Niya maaaring pawalang-sala ang mga may kasalanan. (WCF 2.1)
Ang lahat ng buhay, kaluwalhatian, kabutihan at pagpapala ay matatag-puan sa Diyos at sa Kanya lamang. Ang Diyos lamang ang sapat sa Kanyang sarili, at hindi Siya nangangailangan ng anuman sa Kanyang nilikha, ni hindi Siya kumukuha ng anumang bahagi ng Kanyang kaluwalhatian mula sa kanila. Sa halip ay Kanyang inihahayag ang Kanyang sariling kaluwalhatian sa kanila sa pamamagitan nila. Siya ang bukal ng lahat ng buhay, at ang simula, daluyan at patutunguhan ng lahat ng mga bagay. Siya ang nakapangyayari sa ibabaw ng lahat ng Kanyang nilikha, at ginagawa Niya ang lahat ng Kanyang loobin sa kanila, sa pamamagitan nila, at para sa kanila. Ang lahat ng mga bagay ay nakalantad sa Kanyang paningin. Ang Kanyang kaalaman ay walang hanggan at hindi maaaring magkamali, sapagka’t ito’y hindi nakasalalay sa anumang nilikha. Wala Siyang pinagsasalalayan ng kahit anong bagay, at lahat ng bagay ay may katiyakan para sa Kanya. Siya ay kabanal-banalan sa lahat ng Kanyang pasiya, mga gawain, at mga kautusan. Ang mga anghel, ang mga tao, at anu pa mang nilalang ay dapat sumamba, maglingkod, sumunod, at ibigay ang anumang Kanyang ikinalulugod na hingin sa kanila. (WCF 2.2)
Sabi ko sa dulo ng sermon last week: “Kapag nakita mo kung sino ang Diyos, you will be astonished—mamamangha ka. Kapag nakita mo naman ang sarili mo, kung sino ka talaga in light of who God is, you will be devastated—wasak. But it is a good kind of devastation.” At makikita natin ngayon—at sa mga susunod na bahagi ng series natin—kung bakit kailangan natin ng ganitong nakawawasak na karanasan. Ngayon tingnan muna natin ang nangyari kay Isaiah as a result of this astonishing vision of God, sa verse 5 lang tayo ngayon:
Then I said: Woe is me for I am ruined because I am a man of unclean lips and live among a people of unclean lips, and because my eyes have seen the King, the Lord of Armies. Isaiah 6:5 CSB
Nang magkagayo’y sinabi ko: “Kahabag-habag ako! Ako’y napahamak sapagkat ako’y lalaking may maruruming labi, at ako’y naninirahan sa gitna ng bayan na may maruruming labi; sapagkat nakita ng aking mga mata ang Hari, ang Panginoon ng mga hukbo!” (Ang Biblia 2001)
“Wow is Me!” Generation
Sinabi ni Isaiah, “Woe is me! Kahabag-habag ako!” Pero karaniwan sa mga tao ngayon—lalo na yung mga addict sa social media—ang sinasabi, “Wow is me! Kahanga-hanga ako!” We feel good about ourselves. Or, baka sasabihin nung iba, “Ang baba nga ng tingin ko sa sarili ko. Kaya lalo akong nade-depress.” But you want to feel good about yourself, right? At sobrang concern ka with how you will feel, at kung paano ka titingnan ng ibang tao, o ano ang sasabihin ng ibang tao sa ‘yo, at gusto mong maganda ang evaluation sa ‘yo ng mga tao. Me-focused pa rin. Natural lahat sa atin ‘yan.
At mas maganda ang pakiramdam natin sa sarili natin kung ikukumpara natin ang sarili natin sa iba. Kapag tatabi ka sa isang tao na hindi maayos ang itsura, feeling mo ang ganda-ganda mo, di ba? Kapag nakipag-usap ka sa isang tao na medyo mapurol ang utak, feeling mo ang tali-talino mo, di ba? Kapag nabalitaan mo ang masasamang ginagawa ng mga kriminal o mga kurakot na pulitiko, feeling mo ang buti-buti mong tao, di ba?
Si Isaiah din pwedeng maging mataas ang tingin niya sa sarili niya. Kasi sa dinami-dami ng pwedeng tawagin ng Diyos na propeta to speak his words sa Judah, si Isaiah ang isa sa mga pinili niyang mensahero. He must be good, right? He must be better than others, right? He must be qualified and worthy to be a prophet, right? No. Oo nga’t gagamitin siya ng Diyos to speak words of judgment dahil sa laki ng kasalanan ng mga taga-Judah—”bansang makasalanan, bayang punô ng kasamaan, anak ng mga gumagawa ng kasamaan, mga anak na gumagawa ng kabulukan” (Isa. 1:4); sasabihin niya sa kanila, “Kahabag-habag kayo…kahabag-habag kayo” (series of woes sa chapter 5, Isa. 5:8, 11, 18, 20, 21, 22). Pero hindi lang sila, siya rin! “Woe is me” (Isa. 6:4)!
Oo, ikinumpara rin niya ang sarili niya sa mga kababayan niya sa Judah, “…ako’y naninirahan sa gitna ng bayan na may maruruming labi.” Pero hindi niya nakita na he’s better than them, na sila’y marumi at siya’y malinis, o kung marumi man ay medyo lang at hindi kasing-rumi ng ibang tao. Mas una nga niyang sinabi, “ako’y lalaking may maruruming labi.” Makasalanan sila, marumi sila, oo. Pero makasalanan at marumi rin ako.
Seeing Ourselves and Seeing God
Dapat magkaroon tayo ng tamang pagtingin sa sarili natin na tulad ni Isaiah. Paano mangyayari yun? Bakit ganun ang baba ng evaluation ni Isaiah sa sarili niya? Sasabihin ng ibang psychology experts (and sadly, yung ibang preachers ganito rin sinasabi), “Naku, ang baba ng tingin mo sa sarili mo, may problema ka sa low self-esteem. You have to believe in yourself.” Hindi biblical advice ‘yan, kasi kung makikita lang natin kung ano ang nakita ni Isaiah, ganun din ang magiging evaluation natin sa sarili natin.
Sabi niya, bakit daw ganun, “sapagkat nakita ng aking mga mata ang Hari, ang Panginoon ng mga hukbo!” Makikita mo lang nang malinaw ang sarili mo kung malinaw mong makikita kung sino ang Diyos. Ang liit kasi ng tingin natin sa Diyos, kaya ang laki ng tingin natin sa sarili natin, at ang liit ng tingin natin sa kasalanan natin.
When we are aware of the presence of God, we become most aware of ourselves as creatures. When we meet the Absolute, we know immediately that we are not absolute. When we meet the Infinite, we become acutely conscious that we are finite. When we meet the Eternal, we know are temporal. — RC Sproul, Holiness of God, 54.
Sa simula ng Institutes of the Christian Religion ni John Calvin:
Nearly all the wisdom we possess, that is to say, true and sound wisdom, consists of two parts: the knowledge of God and of ourselves. (I.i.2)
It is certain that man never achieves a clear knowledge of himself unless he has first looked upon God’s face, and then descends from contemplating him to scrutinize himself. For we always seem to ourselves righteous and upright and wise and holy—this pride is innate in all of us—unless by clear proofs we stand convinced of our own unrighteousness, foulness, folly, and impurity. Moreover, we are not thus convinced if we look merely to ourselves and not also to the Lord, who is the sole standard by which this judgment must be measured. (I.i.2)
As long as we do not look beyond the earth, being quite content with our own righteousness, wisdom, and virtue, we flatter ourselves most sweetly, and fancy ourselves all but demigods. Suppose we but once begin to raise our thoughts to God, and to ponder his nature, and how completely perfect are his righteousness, wisdom, and power—the straightedge to which we must be shaped. Then, what masquerading earlier as righteousness was pleasing in us will soon grow filthy in its consummate wickedness. What wonderfully impressed us under the name of wisdom will stink in its very foolishness. What wore the face of power will prove itself the most miserable weakness. That is, what in us seems perfection itself corresponds ill to the purity of God. (I.i.2)
Man is never sufficiently touched and affected by the awareness of his lowly state until he has compared himself with God’s majesty. (I.i.3)
Habang mas nakikilala mo ang Diyos, mas nakikilala mo ang sarili mo. Habang mas nakikilala mo ang sarili mo, mas nakikilala mo ang Diyos. Hindi low self-esteem ang pinakamalaking problema natin, at ang solusyon daw ay mas mataas na pagtingin sa sarili. Ang problema natin ay mababang pagtingin sa Diyos, at kung magiging mataas ang pagtingin natin sa Diyos, kung makikita natin kung sino siya talaga, noon lang natin lubos na makikilala ang sarili natin.
Devastating Sight of Human Depravity
Kung makikita natin ang kabanalan ng Diyos, makikita natin, no, mararamdaman natin—nang may panginginig, with fear and trembling—ang tiyak na kapahamakang sasapitin natin. Nang makita ni Isaiah ang kaningningan ng Diyos, at marinig ang dumadagundong niyang boses, sinabi niya—and try to imagine na baka hindi nga niya ito masabi nang maayos, uutal-utal, nanginginig sa takot, yung tinatawag ni RC Sproul na “The Trauma of Holiness” (The Holiness of God)— “Kahabag-habag ako! Ako’y napahamak” (Isa. 6:4). Sa MBB, “Mapapahamak ako.” Sa ASD, “Tiyak na mapapahamak ako.” Tama naman. Pero yung force ng literal na translation, parang nangyari na, hindi yung may possibility pa lang, but as good as done, “napahamak,” “ruined” (CSB), “undone” (KJV); “destroyed” (NET). Sure na mangyayari, “It’s all over! I am doomed…” (NLT).
Maraming ganyang instances sa Scripture, tulad nitong si Manoah na tatay ni Samson, “Tiyak na tayo’y mamamatay, sapagkat ating nakita ang Diyos” (Judg. 13:22). Tiyak ang kamatayan, “you will surely die” sabi niya kay Adan kapag sumuway siya sa Diyos, unless God will choose to extend his mercy.
Hindi ang Diyos ang dapat sisihin bakit ganito ang epekto ng pagtingin at paglapit sa presensiya ng Diyos. Siya ang nagbigay ng buhay sa atin, at gusto niyang maging life-giving at hindi life-threatening itong vision of his glory para sa atin. Ang fault, ang dapat sisihin ay tayong mga tao. Kasalanan natin. Nasa atin ang problema. “The wages of sin is death” (Rom. 6:23). Ito ang mga katotohanang ipinapaalala sa atin ng pinag-aaralan natin sa Part 1 ng Heidelberg Catechism—tungkol sa kasalanan natin at kapighatiang dulot nito:
Hahayaan ba ng Diyos na ang gayong pagsuway at pagrerebelde ay hindi mapaparusahan? Hinding-hindi. Siya ay lubhang galit sa ating orihinal pati na ang mga nagawang kasalanan. Lalapatan Niya ng kaukulang parusa sa kasalukuyang buhay at sa kabilang buhay ang lahat ng mga ito ayon sa Kanyang makatarungang hatol. Ipinahayag Niya sa Kasulatan, “Sumpain ang hindi tumutupad sa lahat ng nasusulat sa aklat ng Kautusan.” (Heidelberg Catechism Question 10)
Hindi ba mahabagin din ang Diyos? Totoong mahabagin ang Diyos, ngunit makatarungan din Siya. Hinihingi ng Kanyang katarungan, na ang kasalanan na nagawa laban sa kataas-taasang Diyos, ay nararapat na mahatulan ng pinakamatinding parusa, kaparusahang walang hanggan para sa katawan at kaluluwa. (Question 11)
Ito ang kamatayang tiyak na sasapitin nating lahat dahil sa tindi ng kasalanan natin—kamatayan ng katawan, at kaparusahang walang hanggan sa impiyerno. Alam ito ni Isaiah. Pero maraming mga tao ngayon ang namumuhay araw-araw na in denial of this terrible reality tungkol sa tindi ng parusa ng Diyos. Hindi kasi nila nakikita nang malinaw kung sino ang Diyos, o pinipili lang kung ano ang gustong paniwalaan tungkol sa Diyos. At hindi rin nila nakikita na ganito katindi ang parusa ng Diyos dahil ganito kagrabe ang kasalanan natin.
The Ugliness of Human Depravity
Yan ang dahilan kung bakit nasabi ni Isaiah na “napahamak” siya, kasi marumi siya dahil sa kasalanan. Hindi siya qualified na lumapit sa isang banal na Diyos, hindi siya qualified to represent this holy God to his unholy people.
Sino ang karapat-dapat umakyat sa bundok ng Panginoon? At sino ang maaaring tumungtong sa kanyang banal na templo? Makatutungtong ang may matuwid na pamumuhay at malinis na puso, ang hindi sumasamba sa mga dios-diosan, at ang hindi sumusumpa ng kasinungalingan. (Psa. 24:3-4 ASD)
Matuwid ba ang pamumuhay ni Isaiah? Malinis ba ang puso niya? Karapat-dapat ba siya? Kung ibang tao ang huhusga, baka sabihin pang, “Oo! Kung ikukumpara naman sa iba!” Pero si Isaiah na mismo ang nagsabi, “Kahabag-habag ako! Ako’y napahamak sapagkat ako’y lalaking may maruruming labi, at ako’y naninirahan sa gitna ng bayan na may maruruming labi” (Isa. 6:5). Kung mataas ang pagtingin niya sa sarili niya, pwede niyang sabihin sa mga tao, “Tingnan n’yo ang Diyos! Banal siya! Makasalanan kayo! Lagot kayo!” Sinabi niya naman na “ako’y naninirahan sa gitna ng bayan na may maruruming labi,” at ito nga ang dahilan kaya kailangan ng propeta na katulad niya, to speak God’s words of judgment sa kanila.
Kung tayo yun, at makita natin na bagsak din ang iba, medyo gagaan ang pakiramdam natin kasi hindi lang tayo ang bagsak. Halimbawa sa klase, bagsak ka sa math, kung ikaw lang ang bagsak, grabe yan. Pero kung lahat bagsak, baka medyo gumaan ang pakiramdam mo lalo na kung maawa ang teacher at mag-grade sa curve para makapasa yung iba. Pero kung hindi, bagsak ka pa rin, bagsak ang lahat—tulad ng Diyos na hindi nababago yung kanyang standard of righteouness and holiness, hindi bumababa, nananatiling perfect righteousness ang standard niya. “The fact that others around him suffer from the same condition compounds his sin rather than alleviating it” (Reformation Study Bible). Sama-sama din silang babagsakan ng poot at galit ng parusa ng Diyos.Makasalanan din si Isaiah, aminado siya.
“Marumi” ang kanyang labi, “unclean lips.” Karaniwang ginagamit ang salitang “unclean” sa Old Testament worship ng Israel para tukuyin ang mga tao na hindi pwedeng pumasok o makalapit sa pagsamba sa Diyos. Merong mga tinatawag na “ritual uncleanness” bilang salamin ng kahalagahan na ang isang tao ay malinis, “morally clean” sa paglapit sa Diyos. Dito kay Isaiah, hindi niya sinasabing siya ay basta lang “ritually unclean,” talagang marumi siya. Hindi siya karapat-dapat lumapit sa Diyos. Pero bakit “lips” lang ang tinukoy niya na marumi? Ibig sabihin ba yung ibang parte ng pagkatao niya ay malinis? Maaaring ito lang ang tinukoy niya kasi may kinalaman ito sa calling niya bilang isang propeta, to speak in behalf of God. Expression ito na, paanong gagamitin ng Diyos na instrumento ang mga labi niya na marumi para doon dumaan ang mga salita ng Diyos na puro sa kabanalan?
At kung marumi ang labi niya—out of the overflow of the heart the mouth speaks, sabi ng Panginoon—ibig sabihin, marumi rin ang puso niya. At kung marumi ang puso niya, every fiber of his being is unclean, “contaminated by sin” (NET). Walang anumang bahagi ng pagkatao niya ang maituturing na malinis. Lahat ay may bahid ng kasalanan. Ito ang tinatawag na total depravity.
Mula ulo hanggang paa, makasalanan tayo, “lahat ng tao ay makasalanan” (Rom. 3:9):
Walang matuwid sa paningin ng Dios, wala kahit isa. Walang nakakaunawa tungkol sa Dios, walang nagsisikap na makilala siya. Ang lahat ay tumalikod sa Dios at naging walang kabuluhan. Walang gumagawa ng mabuti, wala kahit isa. Ang kanilang pananalitaʼy hindi masikmura tulad ng bukas na libingan. Ang kanilang sinasabiʼy puro pandaraya. Ang mga salita nilaʼy parang kamandag ng ahas. Ang lumalabas sa kanilang bibig ay panay pagmumura at masasakit na salita. Sa kaunting dahilan lang pumapatay agad sila ng tao. Kapahamakan at hinagpis ang dala nila kahit saan. Hindi nila alam ang mamuhay nang mapayapa, at wala silang takot sa Dios. (Rom. 3:10-18)
Kung pinakikinggan mo ‘to at naririnig mo lang ay pagsasalarawan sa ibang mga tao, at sa tingin mo ay hindi ka kasali dito, mas nakakaawa ka, kasi nananatili kang bulag sa katotohanan tungkol sa sarili mong kalagayan. Kailangang ipamukha sa ‘yo ng Salita ng Diyos ang mga ito at iharap ka sa salamin ng salita ng Diyos para makita mo ang dumi, dungis, at kapangitan ng sarili mo.
Oo magaganda ang lumalabas sa bibig mo especially when you are praying and singing songs of worship: “Ang mga taong itoʼy nagpupuri at nagpaparangal sa akin sa pamamagitan ng kanilang mga bibig, pero ang puso nilaʼy malayo sa akin” (Isa 29:13 ASD).
Oo, gumagawa ka ng mabuti na nakikita ng maraming tao: “Lahat tayo’y naging marumi sa harapan ng Diyos; ang mabubuting gawa nati’y maruruming basahan ang katulad” (Isa. 64:6 MBB).
Matapos tukuyin sa Question 4 ng Heidelberg Catechism ang nakasaad na requirement ng Diyos sa atin na, “Love the Lord your God with all your heart” and “Love your neighbor as yourself,” heto ang kasunod na tanong: “Kaya mo bang isakatuparang ganap ang lahat ng ito? Hindi, sapagkat ako ay likas na namumuhi sa Diyos at pati na sa aking kapwa” (Question 5). Sabihin mo ulit, “Ako ay likas na namumuhi sa Diyos…” Hirap no?
Mabuti ang pagkakalikha ng Diyos sa tao, pero ipinahamak natin ang sarili natin:
Kung gayon saan galing itong kasamaan ng kalikasan ng tao? Ito ay nagmula sa pagkakasala at pagsuway ng ating unang mga magulang, sina Adan at si Eba, sa Paraiso, sapagkat doon ang ating kalikasan ay naging napakasama kaya tayong lahat ay ipinaglihi at ipinanganak sa kasalanan. (Question 7)
Napakasama? Hirap aminin no? “Subalit gayon na lang ba tayo kasama na wala na tayong kakayahang gumawa ng kahit anong kabutihan at puro na lang kasamaan? Oo, maliban na tayo ay ipanganak na muli sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos” (Question 8). Karaniwan mag-oobject tayo dyan. Hindi naman siguro ganun kasama. Tao lang, imperfect, nagkakamali. Pero may kabutihan rin naman. ‘Yan ay “vain delusion,” “a false opinion of ourselves,” sabi ni John Calvin sa commentary niya sa verse na ‘to:
Our life, therefore, until our minds earnestly draw near to God, is a vain delusion; we walk in darkness, and can with difficulty distinguish truth from falsehood; but when we come into the light it is easy to perceive the difference. So when God draws near to us, he brings light with him, that we may perceive our worthlessness, which we could not formerly see, while we entertained a false opinion of ourselves. (Commentary on the Book of the Prophet Isaiah Chapter 6)
Light of the Gospel
Dahil nasasanay tayo at nasisiyahan na mamuhay nang nasa kadiliman, biyaya at awa ng Diyos na ipadala niya ang liwanag ng kanyang salita para makita natin ang Diyos. Liwanag din ito para makita natin ang sarili natin. Liwanag din ito para makita natin kung gaano tayo ka-desperately in need of his grace. Buti na lang, hindi hinayaan ng Diyos si Isaiah sa kanyang maruming kalagayan. Makikita natin sa vv. 6-7 ang biyaya ng Diyos na naglinis sa kanya sa kanyang mga kasalanan. At lahat ng ito ay nagtuturo sa atin para makita natin kung gaano kalaki ang pangangailangan natin sa pagliligtas ni Cristo. Siya lang ang Tao na perfectly pure. Walang bahid kahit mantsa man lang ng kasalanan. Siya lang ang karapat-dapat lumapit sa presensiya ng Diyos. At hindi lang siya Tao, he himself is the Holy One, na nakita ni Isaiah (John 12:41).
At nung nakita ni Pedro ang kamangha-manghang kapangyarihan ni Jesus, “lumuhod siya sa paanan ni Jesus at sinabi [parang si Isaiah], ‘Lumayo po kayo sa akin, Panginoon, dahil makasalanan ako’” (Luke 5:8 ASD). Buti na lang hindi siya lumayo. Buti na lang hindi niya tayo ipinagtabuyan kahit na ang dumi-dumi, ang baho-baho, at nakakadiri ang kalagayan natin dahil sa kasalanan. Siya pa ang lumapit sa atin. Si Cristo lang ang may malinis na mga labi, may malinis na isip, may malinis na puso, may malinis na kamay, may malinis na paa.
Mula ulo hanggang paa, sukdulan ang kabanalan niya. Si Haring Uzziah namatay dahil makasalanan siya. Pero si Cristo na ating Hari ang siyang nagbibigay-buhay sa mga makasalanang aamining si Cristo ang kailangan nilang mamahala sa kanilang buhay. Si Propeta Isaiah ay natakot na mamatay dahil siya ay makasalanan. Pero ang ating dakilang Propeta na si Jesus ay nananatiling nagsasalita ng mga salitang nagbibigay-buhay sa sinumang magtitiwala sa kanyang mga salita. Kailangan din ni Isaiah ng mediator, ng high priest para tumubos sa mga kasalanan niya. And Jesus is the Great High Priest na kailangan natin, “Banal siya, walang kapintasan, walang kasalanan, hiwalay sa mga makasalanan, at itinaas ng higit pa sa kalangitan” (Heb. 7:26 ASD).
Sa pamamagitan ng kanyang dugo ay mapapatawad tayo at malilinis para makalapit tayo sa kanya at makapaglingkod tulad ni Isaiah (1 John 1:7; Heb. 9:14). We will look more about that sa susunod na bahagi ng pag-aaral natin.
Preaching the Sinfulness of Sin
Pero ngayon, I hope na nakita n’yo kung gaano kahalaga na makita natin kung gaano tayo karumi dahil sa kasalanan, kung gaano kalaking kapahamakan ang naghihintay sa atin—apart from the grace of God in Christ.
Kaya kung ikaw ngayon ay hindi pa converted, hindi pa tunay na Cristiano, wala pang kaligtasan, hiwalay pa kay Cristo, makinig kang mabuti. Kilalanin mong makasalanan ka. Hindi ka naman maliligtas kung hindi mo aaminin na kailangan mo ng Tagapagligtas. Repent of your sin and embrace Christ as your Savior. Kung hindi, nakakatakot ang sasapitin mo sa paghatol ng Diyos.
At kung Cristiano ka na, patuloy mong i-preach kung gaano kalala ang mga kasalanan mo. Oo pinatawad ka na. Pero aminin mo pa rin na nagkakasala ka araw-araw. Ang repentance ay araw-araw sa buhay Cristiano. As you read the Word, at nakita mo yung natitira pang pride, lust, selfishness, idolatry sa heart mo, humingi ka ng tawad sa Panginoon. Patatawarin ka niya. Pangako niya ‘yan (1 John 1:9).
At kung member ka ng church, let us preach the sinfulness of sin to one another. Oo intindihin natin at maging mapagpasensya tayo sa isa’t isa dahil meron pang natitirang kasalanan sa puso ng bawat isa sa atin—hanggang kamatayan na ‘yan! Pero more than that, tulungan natin ang bawat isa sa pakikipaglaban sa kasalanan. Sawayin ang nagkakasala. At kung hindi makita ang kasalanan niya, ipamukha sa kanya, bigyan ng warning, at ituro sa katiyakan ng pagpapatawad at paglilinis na meron tayo kay Cristo. Mahalaga sa pagdidisciple natin sa bawat isa ang pagdidisiplina natin sa bawat isa.
And as we preach the gospel sa mga unbelievers—mga kapamilya, kapitbahay, kaibigan, and as we plant churches and go to the unreached—wag lang natin sabihin ang mabuting balita na hindi sinasabi sa kanila kung gaano kasama ang kalagayan ng puso nila. Natatakot kang ma-offend sila? E talaga namang offensive na ipamukha ang kasalanan. Pero kailangan. Meron akong isang pastor na narinig na nagsabi na, wag matakot na maoffend ang mga tao kung i-preach natin ang tungkol sa kasalanan, sa katunayan they were offending God sa buong buhay nila.
Hindi lang naman kasi karumihan ng kasalanan ang ipapamukha natin—sa sarili natin, sa kapatid natin kay Cristo, at sa mga unbelievers; ihaharap din natin sa sarili natin, at sa ibang tao kung gaano kaganda ang magandang balita ni Cristo at ang ginawa niyang pagliligtas sa atin. At ‘yan ang mas pagtutuunan natin ng pansin sa susunod na bahagi sa Isaiah 6:6-7—marumi at marami ang mga kasalanan natin, pero higit na malaki ang awa ng Diyos, “Our sins they are many, his mercy is more.”
Salamat po Pastor Derick… God bless you and your family and your Ministries!!!
LikeLiked by 1 person
Salamat Pastor sa mga message mo…truly the Word of God is alive sa mga mensahe mo pastor na patuloy Nyan ginagamit para ma restore ako sa presensya Nya. God Bless po
LikeLiked by 1 person