Always abounding in the work of the Lord
Year 2020 is coming to an end. Parang ang bilis. Maraming tinamaan ng virus, maraming casualties. Not just yung mga literally nagkasakit at namatay. Pero yung mga Christians na hindi na nagpakita sa church, hindi na nagparamdam. Sometimes we wonder, ano na nangyari sa spiritual life nila? Buhay pa kaya? Nanlamig lang? Babalik pa kaya? Meron ding mga churches na nagsara na. Yung ibang pastor sumuko na. Pero salamat sa Panginoon, nandito tayo, nagpapatuloy. Mamaya meron tayong members meeting. Dapat sana every quarter na natin gagawin this year kaso natamaan din ng pandemic. Pero hopefully tuluy-tuloy na tayo. Magkaroon ng renewal of commitment as members ng church, sumuporta sa mga ministries ng church. Merong more than 20 members siguro ang magreresign sa membership to form a new congregation sa Plaridel.
Wala tayong sapat na dahilan para huminto sa pagse-share ng gospel sa iba, sa pagdidisciple, sa pagpa-plant ng mga bagong churches, sa pagpapadala ng mga misyonero sa unreached people groups. Kahit kumakalat pa ang coronavirus, mas lalo pa nating dapat ikalat ang good news of salvation we have in Christ. Dahil sa pag-asa na meron tayo kay Cristo, sa pagbabalik niya, sa future bodily resurrection natin, kaya nasabi ni Pablo.
Therefore, my beloved brothers, be steadfast, immovable, always abounding in the work of the Lord, knowing that in the Lord your labor is not in vain (1 Cor. 15:58 ESV).
Sabi nga ni JC Ryle (Expository Thoughts on Mark, on Mark 10:28–34):
Let us not only accept Him gladly as our Redeemer and Advocate, but gladly give ourselves, and all we have, to His service. Surely if Jesus cheerfully died for us, it is a small thing to require Christians to live for Him.
Gospel-Driven Service
Magpatuloy, magpatuloy, magpatuloy. Ito ang huling exhortation niya sa main body ng letter niya sa mga taga-Corinto. Mula pa sa simula ang dami na nating mga natalakay na mga issues, conflicts, disagreements, at messiness sa Corinthian church. Pero hindi sapat na dahilan yun para hadlangan ang pagpapatuloy ng gawain ng Panginoon. Nagpapatuloy, dapat magpatuloy. Pareho din naman ‘yan sa church natin ngayon. May mga issues din, may mga messiness din, may mga problems din. So ano ang solusyon? Mula pa sa simula ipinapaalala na ni Pablo na gospel ang solution.
- “The word of the cross…is the power of God” (1 Cor 1:18).
- “We preach Christ crucified…Christ the power of God and the wisdom of God…who became to us wisdom from God, righteousness and sanctiication and redemption” (1 Cor 1:23, 24, 30).
- “Jesus Christ and him crucified” (1 Cor 2:2).
- “No one can lay a foundation other than that which is laid, which is Christ Jesus” (1 Cor 3:11).
- “Christ, our Passover lamb, has been sacrificed” (1 Cor 5:7).
- “You were washed, you were sanctified, you were justified in the name of the Lord Jesus Christ and by the Spirit of our God” (1 Cor 6:11).
- “God raised the Lord and will also raise us up by his power” (1 Cor 6:14). Yan din ang topic sa chap. 15.
- “You are not your own, for you were bought with a price” (1 Cor 6:19-20; also 7:23).
- “Woe to me if I do not preach the gospel!…I do it all for the sake of the gospel” (1 Cor 9:16, 23).
- “Now I would remind you, brothers, of the gospel I preached to you…I delivered to you as of first importance what I also received: that Christ died for our sins…that he was buried…that he was raised on the third day” (1 Cor 15:1, 3).
So anumang usapin, anumang isyu, anumang problema sa buhay nating mga Christians, sa mga ministries natin sa church, mapatutunayan natin na yung gospel ay talagang “the power of God.” Hindi lang para solusyunan ang problema natin, hindi lang para tulungan tayo how to respond rightly sa anumang sitwasyon, but to transform us so that we will no longer make excuses, but go all out in serving God.
Dito sa chapter 16, last chapter na ng 1 Corinthians, meron pa tayong mga matutunan about specific ways of serving God. Ano ba yung “always abounding in the work of the Lord” na binanggit niya sa dulo ng chapter 15. Pero kapag babasahin natin yung mga ganitong chapters (tulad din ng dulo ng Romans, sa chapter 16), hindi natin masyadong binibigyan ng atensyon, kasi akala natin mga pahabol na lang na instructions at mga pagbati. Feeling natin importante sa kanila nun, pero sa atin hindi na ganun ka-importante kasi hindi naman natin kilala yung mga taong binanggit dito. Sa vv. 1-4, nagbigay siya ng ilang mga specific instructions tungkol sa pangongolekta ng mga pinansyal na tulong para sa church sa Jerusalem. Sa vv. 5-11, sinabi ni Pablo sa kanila yung travel plans o itinerary niya. Sa vv. 12-18, mga ilang final instructions tungkol sa pagtrato nila sa ilang mga specific people. Sa vv. 19-24, mga huling pagbati na.
So what can we learn from this? O ano ang gustong sabihin sa atin ng Diyos ngayon through this section sa letter ni Paul? To answer that, instead of going from v. 1 to v. 24, tulad ng usual na ginagawa natin sa series na ‘to, I will talk about, first, general statements of serving; second, specific ways of serving; and last, some final words as we end our series.
General statements of service
Unahin natin si Pablo. Siyempre siya yung sumulat nito para sa mga taga-Corinto. Nasa Ephesus siya nung sinulat niya ‘to. Bahagi yun ng kanyang third missionary journey (AD 53-57). Two years din ang inilagi niya church planting sa Ephesus. Sinabi niya sa kanila sa vv. 5-8 yung travel plans niya. Ang plano daw niya ay bisitahin sila pagkatapos niyang dumaan sa Macedonia (v. 5). At pagdating niya sa Corinth, ayaw niyang dadaan lang at mangungumusta. Gusto niya ring magtagal “kung loloobin ng Panginoon” (v. 7). Sa masipag, matiyagang pagmimisyon ni Pablo, hindi kalooban niya ang nasusunod. Lahat ay ipinapailalim niya sa kalooban ng Panginoon.
Kaya kahit gusto na niyang dumalaw sa kanila, mag-iistay pa rin siya muna sa Ephesus (v. 7). Bakit? Staycation? No! Ministry siyempre. Sabi niya, “dahil may magandang pagkakataong (ESV, a wide door) nabuksan doon para sa gawain, kahit na maraming kumakalaban” (v. 9). Maaaring ito yung iniulat ni Luke sa Acts 19:9-10. Na yung ibang mga nakinig sa preaching ni Paul ay matigas ang ulo at patuloy sa kanilang “unbelief,” at kung anu-ano pang negatibong salita ang sinasabi tungkol sa kanila. Pero nagpatuloy pa rin siya nang pangangaral nang dalawang taon sa Ephesus, “kaya’t ang lahat ng naninirahan sa Asia (ito yung region na kinabibilangan ng Ephesus), maging Judio o Griego ay nakarinig ng salita ng Panginoon.” Dahil si Pablo ay “always abounding in the work of the Lord” kahit na maraming oposisyon, kumalat pa lalo ang salita ng Diyos even sa places na nasa labas na ng Ephesus. Ibig sabihin, hindi lang siya ang ang gumawa. Maraming nakapakinig na nangaral din sa iba’t ibang lugar.
Tulad ngayon, I’m preaching the Word para ma-disciple kayo, para masanay rin kayo at tularan ako na ipangaral din ang salita ng Diyos sa ibang tao. Tulad ng pagdidisciple ni Pablo kay Timoteo (2 Tim 2:2). Ibinilin ni Pablo sa mga taga-Corinto na kapag dumating na si Timoteo ay tanggapin siya nang maayos. Bakit daw? “Sapagkat siya’y tulad kong naglilingkod sa Panginoon” (1 Cor 16:10). Binanggit na rin niya sa earlier part ng letter kung bakit nauna niyang ipinadala si Timoteo, “Kaya’t isinasamo ko sa inyo, tularan ninyo ako. Dahil dito, pinapunta ko riyan si Timoteo, ang aking minamahal at tapat na anak sa Panginoon. Ipapaalala niya sa inyo ang mga patakaran ko sa buhay sa pagsunod kay Cristo Jesus” (1 Cor 4:16-17). Nais ni Pablo na tularan nila ang halimbawa niya sa pagsunod at paglilingkod kay Cristo (1 Cor 11:1), tulad ni Timoteo na sumunod sa halimbawa ni Pablo (2 Tim 3:10-11), na siya namang sumunod sa halimbawa ni Cristo, “Sapagkat ang Anak ng Tao ay naparito hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod at upang mag-alay ng kanyang buhay para sa ikatutubos ng marami” (Mark 10:45). Kahit maraming kumakalaban. Kahit maraming humahadlang. Kahit buhay pa ang maging kapalit.
Yung salitang “paglilingkod” (Gk. diakoneo) sa Mark 10:45 ay siya ring salitang ginamit tungkol sa pamilya ni Stephanas sa 1 Cor 16:15, Mga kapatid, alam ninyong ang sambahayan ni Estefanas ang unang nakakilala sa Panginoon sa Acaya (ito yung Roman province na ang capital ay ang city of Corinth), at itinalaga nila ang kanilang sarili sa paglilingkod (diakonia) para sa mga hinirang ng Diyos. Nakikiusap ako sa inyo na kayo’y pasakop sa mga tulad nila at sa sinumang kasama nilang nagpapakahirap sa paglilingkod.” Si Pablo din ang nagbautismo kina Stephanas (1 Cor 1:16). Hindi lang sila ang mga unang converts sa church sa Corinth, sila rin ang ilan sa mga pinaka-devoted sa ministry. Itinalaga nila ang sarili nila, inilaan na nila ang buhay nila para sa ministry. Para sa kanila, ministry is life. Hindi lang sila, meron din silang mga kasamang nagpapakapagod sa paglilingkod sa mga members ng church, “every fellow worker and laborer.”
Bawat isang Cristiano ay tinawag ng Panginoon, hindi man maging misyonero o pastor tulad nina Pablo o Timoteo, kundi para maglingkod sa ministry sa church tulad nina Stephanas at mga kasama niya. Iniligtas ka ng Diyos hindi lang para mapunta sa langit, hindi lang para maging member ng church, kundi para maging committed member ng church na ginagampanan ang bahagi mo sa ministry for the body of Christ. Tapos na ang panahon to make excuses para maging absent, para maging inactive sa ministry. Walang sapat na dahilan para hindi ka makibahagi. Ito pa nga ang panahon para mas ilaan natin ang buhay natin sa paglilingkod sa Panginoon.
Specific ways of serving
Anong klaseng paglilingkod? Maraming paraan. Hindi tayo mauubusan ng opportunity to serve. Dito sa last chapter maraming ring specific ways of serving ang binanggit ni Pablo.
Yung una ay paglilingkod na may kinalaman sa financial or material resources. “Tungkol naman sa ambagan para sa mga kapatid, gawin ninyo ang tulad sa ipinagbilin ko sa mga iglesya sa Galacia. Tuwing unang araw ng sanlinggo, ang bawat isa ay maglaan ng bahagi ng kanyang kinikita at ipunin iyon upang hindi na kailangang mag-ambagan pa pagpunta ko riyan” (1 Cor 16:1-2). May instructions si Paul dito tungkol sa sistema sa pagbibigay. Specific ito sa collection ng tulong para mga kapatid nilang Judio sa Jerusalem na nangangailangan ng tulong. Mas mahabang pagtalakay ang ginawa dito ni Pablo sa 2 Cor 8-9. Pero dito sinabi niya na maglaan sila ng bahagi ng kinikita nila, may porsyento, may plano, may sistema, hindi yung kung ano lang mabunot sa bulsa. Wala namang sinabing ikapu o ten percent, pero we recommend that as a good start sa pagbibigay sa ministry ng church. Pero “as he may prosper” (ESV). Kung mas malaki ang kinikita mo, mas malaking porsyento dapat. At gawin din daw ito “first day of the week,” Sunday ‘yan, na siyang naging araw na ng kanilang weekly worship (Acts 20:7). Kaya nga bahagi ng pagsamba natin ang pagbibigay ng mga offerings to support the ministry of the church, para sa pagtulong sa mga nangangailangan, at para makarating ang gospel sa mga unreached.
We expect all church members to give. Part yan ng members covenant natin. Lahat ay magbibigay. Merong mangongolekta. ‘Yan naman ang trabaho ng financial stewardship ministry team natin. At merong din nag-aaudit niyan, at responsible din ang congregation to hold the finance team accountable. Kaya meron tayong transparency sa financial records ng church. May sinabi rin si Pablo about that. “Pagdating ko riyan, bibigyan ko ng sulat ang mga taong pipiliin ninyo upang magdala ng inyong tulong sa Jerusalem. At kung kailangang pumunta rin ako, sasama ako sa kanila” (1 Cor 16:3-4). Meron silang pipiliin para mangasiwa sa koleksyon. Hindi kailangang si Pablo ang gumawa nun. Para din maprotektahan siya kasi maraming pera yun. At kung siya man ang magdadala nun, meron siyang mga kasama to hold him accountable for the finances.
Isa pang specific na paglilingkod na binanggit niya ay may kinalaman sa pagbisita at pagtanggap sa mga bumibisita. “Pupunta ako riyan pagkagaling ko sa Macedonia, sapagkat binabalak kong dumaan doon. Mananatili muna ako riyan at maaaring diyan na ako magpalipas ng taglamig upang ako’y matulungan ninyo sa pagpapatuloy ng aking paglalakbay, saanman ako pupunta. Ayaw kong ako’y dadaan lamang diyan; nais kong magtagal nang kaunti kung loloobin ng Panginoon. (1 Cor 16:5-7). Ang pagdalaw ay nagbibigay ng encouragement sa mga kapatid na nanghihina sa pananampalataya. Lahat tayo kailangan ng ganyan, kailangan ng may bibisita. Lahat din tayo makakabisita. Walang kailangang intensive training para sa ministry ng visitation. Basta naka-facemask lang at hindi lumalapit masyado! At yung mga bibisitahin, isang paglilingkod din ang pagtanggap sa mga pastors o leaders o fellow members na bibisita sa inyo. At kung may nakita kayong pangangailangan nila, at meron kayong maibibigay na tulong, malaking bagay din yun. Maging si Pablo kailangan niya ang tulong nila para makapagpatuloy siya sa missionary journey niya.
Ganun din sabi niya sa pagtanggap nila sa pagbisitang gagawin ni Timoteo. “Pagdating diyan ni Timoteo, ipadama ninyo ang inyong pagtanggap sa kanya upang mapanatag ang kanyang kalooban, sapagkat siya’y tulad kong naglilingkod sa Panginoon. Huwag ninyo siyang maliitin, sa halip ay tulungan ninyo upang makabalik siya sa akin nang mapayapa, sapagkat hinihintay ko siya kasama ng mga kapatid” (1 Cor 16:10-11). Sabi ng iba dahil daw ito sa medyo mahiyain na personality ni Timothy. Pero malamang sinabi ito ni Pablo kasi maaaring maging uncomfortable si Timothy pagdating niya dahil sa mga issues sa church particularly yung mga hindi panig kay Pablo. At dahil close si Timothy kay Paul, maaaring hindi siya tanggapin ng iba. Kaya sabi ni Pablo, tanggapin n’yo siya, ‘wag n’yong maliitin, tulungan n’yo din. Bakit? Kasi masipag din ‘yan sa gawain ng Panginoon. At inaasahan pa ni Pablo na bumalik sa kanya si Timothy para mas makatulong pa sa kanya. At ayaw naman niyang pagbalik ni Timothy ay nadiscourage siya sa pagbisita sa Corinth.
Mainam talaga ang nabibisita at bumibisita. Wag nating kakaligtaan ang napakahalagang ministry na ‘to. Lalo pa na mahabang panahon na may pandemic, at siyempre andun yung fears na mahawa ng virus. Understandable yun. Pero wag nating i-underestimate ang encouraging power at discipleship potential ng visitation. At okay naman na mag-expect tayo na bisitahin tayo ng mga elders or pastors lalo na. Pero ‘wag natin silang i-pressure o maging demanding. Tulad ni Pablo sa sinabi niya kay Apollos. “Tungkol naman sa ating kapatid na si Apolos, kinausap ko siyang mabuti upang dalawin kayo kasama ng ibang mga kapatid. Ngunit hindi pa siya makakapunta ngayon. Saka na siya dadalaw sa inyo kapag nagkaroon ng pagkakataon” (1 Cor 16:12). Kahit merong mga panig kay Apolos sa Corinth (1 Cor 1:12) kasi mas gusto siya siguro magpreach nang iba kaysa kay Paul. Pero hindi insecure si Pablo sa kanya at gusto pa nga niyang bumisita si Apolos dun! Pero may sariling pasya si Apolos. Igagalang yun ni Pablo. Dapat igalang din yun ng mga taga-Corinto.
Sa 1 Cor 16:15-16, nabasa na natin kanina yung tungkol sa household ni Stephanas. Pero dito merong sinabi si Pablo sa mga taga-Corinto na isang aspeto ng paglilingkod na hindi natin karaniwang iniisip. Pakinggan n’yo ‘to, “Mga kapatid, alam ninyong ang sambahayan ni Estefanas ang unang nakakilala sa Panginoon sa Acaya, at itinalaga nila ang kanilang sarili sa paglilingkod para sa mga hinirang ng Diyos. Nakikiusap ako sa inyo na kayo’y pasakop sa mga tulad nila at sa sinumang kasama nilang nagpapakahirap sa paglilingkod.” Yung pagpapasakop o submission ay karaniwang ginagamit natin sa paggalang at pagsunod sa mga nasa position of authority o leadership. Pero dito ginamit ni Pablo in terms of submission sa mga “fellow worker and laborer,” o yung mga “nagpapakahirap sa paglilingkod” na tulad nga nina Stephanas. Ibig sabihin, mapaglilingkuran n’yo rin ang iba sa pamamagitan ng pagiging bukas sa kanila o kung hahayaan n’yo sila na paglingkuran kayo. Kasi? Kung ayaw ninyo, madidiscourage sila. Pero kung hinayaan n’yo sila na pagsilbihan kayo, at masaya sila dun, hindi lang ikaw ang naeencourage, sila din.
Heto ang ilang halimbawa niyan. Kung may nangungumusta sa inyo, magreply naman kayo. Kung may nagtatanong ng prayer requests n’yo, mahirap bang magsabi ng prayer requests? Kung ii-schedule kayo for interview with the elders kasi gusto naming malaman kung paano pa mas epektibo na mapaglilingkuran kayo, iprioritize n’yo yun. Kung ayaw n’yong pasakop sa mga leaders n’yo, what does being a member of the church means to you? E kasama din yun sa members covenant natin diba?
So mahalagang ministry ang mutual encouragement. At isang paraan para magawa natin ito ay sa pamamagitan ng words of appreciation. Yun bang kinikilala mo, pinapahalagahan mo, pinupuri mo, pinasasalamatan mo ang ginagawa ng iba. Hindi lang kaming mga pastors, but all the members ng church na actively involved sa ministry kahit walang kapalit. Heto ang naging ministry ng ilan na bumisita kay Pablo, “Nagagalak ako sa pagdating nina Estefanas, Fortunato, at Acaico, sapagkat ginagawa nila ang hindi ninyo magawâ para sa akin. Sila ang nagpasigla sa akin, gayundin sa inyo. Pahalagahan ninyo ang gayong mga tao” (vv. 17-18). Naencourage nila si Pablo na dumaraan sa maraming persecutions and sufferings in preaching the gospel. So pagbalik nila sa Corinth, magandang i-appreciate naman sila. Wag tayong maging maramot sa mga salita natin kapag may nakikita tayong magandang ginagawa ng iba. Mas madali sa atin ang magsalita kung may mapupunang mali. Tingnan n’yo na lang mga posts sa social media about sa government o sa Internet connection. So sa church, learn to appreciate the ministry of others. Wag n’yong ikabahala na baka yumabang yung pupurihin n’yo. Sagutin na nila kay Lord yun. Ikaw din sagutin mo kay Lord kung pati appreciation ipinagdadamot mo pa.
O itong panghuli, napakadali na nito, pero nakakaligtaan pa rin kasi nga masyado tayong nafofocus sa sariling mundo natin, nakakalimutan natin marami pala tayong kapatid kay Cristo na dapat ay mabati o makumusta din natin. Ang pagbati at pangungumusta ay ministry din. Kasi ipinadadama mo sa iba na hindi mo pa sila nakakalimutan, na mahalaga sila, na kapamilya sila. Hindi lang si Pablo ang bumabati sa mga taga-Corinto, meron din siyang dalang mga pagbati galing sa ibang mga churches, “Kinukumusta kayo ng mga iglesya sa Asia. Kinukumusta rin kayo nina Aquila at Priscila, at ng mga kapatid na nagtitipon sa kanilang bahay sa pangalan ng Panginoon. Kinukumusta rin kayo ng lahat ng kapatid dito” (vv. 19-20). Kung yung mga taga-malayo ay ipinapaabot ang pagbati sa kanila, sila naman ay dapat na magbatian din, not just with words but with body expressions, “Magbatian kayo bilang magkakapatid na nagmamahalan” (v. 20). Literally, “Greet one another with a holy kiss.” Hindi natin alam exactly yung custom nila noon. Pero siyempre hindi ito romantic “kiss.” Kaya nga “holy” kiss, appropriate para sa mga “saints” sa Corinth, para sa mga magkakapatid kay Cristo. Sa atin katumbas niyan yung beso-beso siguro, o shake hands, o akbay sa balikat. Bagamat di muna natin ginagawa dahil sa health protocols.
At panghuli, si Pablo na mismo ang bumati, at siya pa ang sumulat, “Ako mismong si Pablo ang sumusulat ng pagbating ito” (v. 21). Meron kasi siyang secretary, na tumutulong sa kanya para isulat yung letter sa kanila. “Amenuensis” ang tawag nila dun. Mahalagang ministry din na nakakatulong ng malaki kay Pablo. So, ang daming pwedeng gawin kung gusto talaga, kung devoted talaga sa paglilingkod. Hindi lang yung mga visible sa ministry, pati yung mga behind the scenes na naka-todo-suporta sa mga frontliners sa ministry. Maraming paraan. May kasabihan nga tayo, kung ayaw, maraming dahilan. Kung gusto, maraming paraan. Ang tanong, ayaw mo bang maglingkod? O gusto mo?
Final words
May panahon na mainit tayo sa paglilingkod. Talagang kahit anong mangyari, walang makakapigil sa ‘yo. Meron namang panahon na nanlalamig. Yung bang kahit anong sabi sa ‘yo, wala pa rin. All of us, we need help. So dito sa panghuling bahagi, as we close yung series sa 1 Corinthians, pakinggan natin yung ilan sa mga huling sinabi ni Pablo, na siyang nagpapaalala sa atin na kailangang-kailangan natin ng tulong para lagi tayong magpatuloy sa paglilingkod.
We need instructions. Kailangan tayong palaging paalalahanan. Sabi ni Pablo sa vv. 13-14,
- “Maging handa kayo…”—alerto, mapagbantay, manatiling gising, hindi tutulog-tulog. Gagawin ng Kaaway ang lahat para tuksuhin tayo at ibagsak. Gawin mo rin ang lahat para maging maingat.
- “…at magpakatatag sa inyong pananampalataya.” “Stand firm in the faith.” Magpatuloy na paniwalaan, tayuan, at panghawakan ang mabuting balita ni Cristo at ang mga pangako ng Diyos para sa ‘yo (1 Cor 15:1-2).
- “Maging matapang kayo at magpakatibay…” Literally, “act like men, be strong.” O, magpaka-lalaki ka, matapang, hindi duduwag-duwag. This is an exhortation especially sa mga tatay, sa mga asawang lalaki, sa mga male leaders ng church na baka pinanghihinaan na ng loob at sumusuko na dahil sa mga temptations and sufferings ngayon. Pero ito rin ay panawagan sa mga babae na magpakatapang sa pagharap sa mga pagsubok sa buhay. Be strong in the Lord. Take courage.
- “…at ang lahat ng ginagawa ninyo’y gawin ninyo nang may pagmamahal.” Ang paglilingkod ay hindi lang sa tapang at sipag na gawin ang mga dapat gawin. Why you do it matters. Motivated ka ba ng pagmamahal sa Diyos at pagmamahal sa ibang tao? Ito ang point ni Paul sa 1 Cor 13.
Kailangan natin ng instructions from the word of God. We also need warnings. Sabi ni Pablo, “Sumpain ang sinumang walang pag-ibig sa Panginoon” (v. 22)! Sumpain, anathema. Ginamit din niya ‘yan sa mga nagtuturo ng maling ebanghelyo (Gal 1:8-9). Pero dito sa warning niya, para sa mga “walang pag-ibig sa Panginoon.” Yun naman ang test ng totoong pananampalataya. “Faith working through love” (Gal 5:6). Nagpapaalala ito sa atin na it matters eternally how you respond sa salita ng Panginoon dito sa letter ni Paul. Kaya nga sinabi niya yung, “Maranatha,” Aramaic na term na ang ibig sabihin ay, “Dumating ka nawa, Panginoon namin!” “Our Lord, come!” Good news ang pagdating ni Cristo para sa mga nagpapatuloy sa pananampalataya. Pero bad news sa mga walang pag-ibig kay Cristo. Good news kaya ‘yan sa ‘yo o bad news? Nakikinig ka ba sa pagdidisiplina ng Panginoon? May response ka ba sa panawagan niya na maging aktibo sa ministeryo? Baka yung negative responses mo ay ebidensiya na wala kang pagmamahal sa Diyos. Delikado ‘yan. Patunay na hindi ka pa ligtas, at nanganganib sa bigat ng parusa ng Diyos. Baka patunay ‘yan na “you believed in vain” (1 Cor 15:2). This is a sobering warning for all of us. Makinig kang mabuti.
Nagpapakita din ito kung gaano kalaki ang pangangailangan natin sa tulong na nanggagaling sa Diyos. We need his help. We need grace. Yun naman ang prayer ni Paul sa ating lahat. “Sumainyo nawa ang pagpapala ng Panginoong Jesus” (v. 23) “Grace be with you” sa dulo ng sulat, “Grace to you” sa simula (1 Cor 1:3). Yan naman ang buhay Cristiano, grace from beginning to end. Yan naman ang church, grace from beginning to end. “By the grace of God, I am what I am,” sabi ni Paul, at makapagpapatuloy lang tayo sa paglilingkod sa biyaya lang din ng Diyos (1 Cor 15:10).
At isang paraan ng tulong ng Diyos, his means of grace, ay ang tulong na nanggagaling sa mga kapatid natin sa Panginoon, especially your pastors and elders. Pati na rin ang ibang mga gumagawa sa ministry at tumutulong sa pagdidisciple sa ‘yo, na ginagawa ang lahat para ipakita ang pagmamahal nila sa ‘yo bilang kapatid sa Panginoon. And with this expression of love nagtapos ang sulat ni Pablo. “Sumainyong lahat ang aking pagmamahal sa pangalan ni Cristo Jesus” (v. 24). Ipinadadama ng Diyos ang pagmamahal niya sa kanila sa pamamagitan ng pagmamahal ni Pablo. Ito lang ang sulat ni Pablo na ganito ang ending. And very encouraging for them, na kahit gaano pa kalala ang problema nila sa mga conflicts and divisions, mga doctrinal disagreements, sa sexual immorality at failure to discipline, sa kaguluhan sa pag-practice ng mga spiritual gifts sa ministry, hindi nagbabago ang pagmamahal ng Diyos na ipinapadama niya sa pamamagitan ng pagmamahal ng mga leaders nila na tulad ni Pablo.
Ang ministry ay labor of love. Tinuturuan namin kayo ng salita ng Diyos dahil mahal namin kayo. At kung mahal ninyo ang mga kapatid kay Cristo, ituturo din ninyo sa kanila ang salita ng Diyos. Sinasaway namin kayo kung nagkakasala kayo, dinidisiplina, dahil mahal namin kayo. At kung mahal ninyo ang mga kapatid kay Cristo, kung alam n’yong nagkakasala sila, sasawayin rin ninyo, papaalalahanan. Ipinapanalangin namin kayo dahil mahal namin kayo. At kung mahal ninyo ang mga kapatid kay Cristo, ipapanalangin din ninyo sila. Kailangan natin ang tulong ng Diyos. Kailangan natin ang tulong ng isa’t isa.
Ang 32 sermon na inilaan natin sa pag-aaral ng 1 Corinthians ay biyaya galing sa Diyos. At umaasa ako na sa pamamagitan nito—na may pagtuturo, pagsaway, at panalangin—ay nadama ninyo ang pagmamahal sa inyo ng Diyos, ang pagmamahal sa inyo ng inyong pastor, at ang pagmamahal sa inyo ng inyong mga kapamilya dito sa church. Amen? Amen.