Sermon: “Not Worth Comparing” (Rom. 8:18-21)

Suffering Children of God?

Natapos na natin yung vv. 1-17, yung first major section ng Romans 8. Napakasarap alalahanin palagi ang glorious realities of the gospel sa buhay natin bilang mga Cristiano. And by remembering these truths, mas tumitibay ang kapit natin sa katiyakang meron tayo sa salita ng Diyos. Mas nadarama natin yung “blessed assurance” to those who are in Christ. Wala nang condemnation para sa atin (8:1). Ginawa na ng Diyos through his Son Jesus yung dapat gawin para iligtas tayo. Tinupad ni Jesus ang requirements ng kautusan ng Diyos, inako ang parusang nararapat para sa atin, satisfying the demands of God’s justice. Pinatawad na tayo, itinuring na matuwid, pinalaya sa parusa ng kasalanan (8:2-3). Nasa atin na ang Espiritu, naninirahan sa atin (8:9, 11). Ang Espiritu ang tumutulong sa atin na labanan ang natitira pang kasalanan sa atin (8:13), gumagabay at pumapatnubay sa atin sa araw-araw na buhay (8:14), nagbibigay katiyakan sa atin na tayo nga ay mga anak ng Diyos (8:15-16), na sa pagbabalik ni Jesus ay muling bubuhayin (8:11) at tatanggap ng mana na nakalaan sa mga anak ng Diyos (8:17).

Napakasarap pakinggan–kung ikaw ay nakay Cristo, kabilang kay Cristo. Dahil kung hindi–kung you are still in the flesh, o wala pa sa ‘yo ang Holy Spirit, you do not belong to Christ (8:8-9)–there is not hope of life for you, but the certainty of death, not just physical death, but eternal separation from God in hell (8:6). As you listen to Romans 8, hindi ito words of assurance for you, but consider this as warning and at the same time an invitation for you to repent and put your trust in Jesus. Siya lang ang kaligtasan mo at garantiya na makakatakas ka sa parusa ng Diyos at mararanasan ang ligaya ng buhay na nasa piling niya.

But it doesn’t mean na kapag Cristiano ka na, ayos na ang lahat. Giginhawa na ang buhay mo at mawawala na ang mga problema mo sa buhay. No. Don’t listen to false teachers na ganyan ang itinuturo! Kaya nga sa dulo ng v. 17–pagkatapos sabihin ang mana na tatanggapin natin bilang mga anak ng Diyos, at bilang transition sa susunod na major section ng Romans 8 (vv. 18-39)–sinabi ni Pablo na hindi optional ang sufferings sa buhay Cristiano, hindi para sa iilan lang, kundi para sa lahat. “…provided we suffer with him in order that we may also be glorified with him.”

Oo, merong manang tatanggapin, ito yung “glory” o kaluwalhatiang mararanasan natin sa muling pagbabalik ni Cristo. Pero bago natin marating yun, meron muna tayong dadaanan. Hindi pwedeng shortcut, hindi pwedeng mag-apply for exemption. Even the best Christians, the most mature, the most sacrificial in serving Christ may pagdadaanang paghihirap. Kung paanong hindi nilaktawan ni Cristo ang mga paghihirap hanggang sa kamatayan sa krus, hindi rin natin pwedeng laktawan ang mga sufferings na itinakda ng Diyos para sa atin kung gusto nating makasalo sa kaluwalhatiang nakay Cristo.

Itinakda ng Diyos ang mga sufferings sa buhay natin not to torture us but to lead us to glory. Sabi ni Charles Hodge, “The design of God in the affliction of his people is not to satisfy the demands of justice, but to prepare them to participate in his glory.”

Last Friday, while preparing this sermon sa church office, biglang tumawag ang asawa ko. Sinabi umuwi daw ako kasi si Stephen sininghot ang isang part ng Lego at na-stuck sa ilong. Hanap ako ng clinic na may EENT para ipatanggal. Walang available na doctor. Pero nung gabi nagtext yung isang clinic na nandon na si doc. Sabi nung nurse 2500 daw babayaran kasi gabi na. Saka baka makarating daw sa baga yung napasok sa ilong at pwedeng ikamatay. So ayun, kandong ko si Stephen, mahigpit na yakap-yakap. Habang yung mga nurses nakahawak naman sa paanan niya, at ako nag-aalala na baka may covid itong mga ‘to! Umiiyak si Stephen, masakit habang tinatanggal. Pero pagkatapos naman, okay na siya, masaya na. Ako naman ang malungkot, nasaktan ang bulsa! 

Yung mga karanasang tulad nito, unexpected, unplanned, ayaw naman nating mangyari pero bahagi pala ng plano ng Diyos para sa atin. Maliit na kaso lang ito kumpara sa iba pang sufferings na pinagdaanan namin sa pamilya. O ng maraming Pilipino na nawalan ng trabaho o nalugi ang negosyo dahil sa pandemic (tulad ng ibang members natin), o dahil sa paghinto ng prangkisa ng ABS-CBN (tulad ng isang member natin), o nagkasakit ng covid (tulad ng isang dati nating member na nasa Middle East), o sa mga namatayan. Kung tayo ang papipiliin o kung tayo ang magpaplano, o kung tayo ang susulat ng script ng kwento ng buhay natin, gusto nating burahin ang mga ganitong eksena. Kung tayo ang masusunod, we want our sufferings to end now. Sino ba naman ang may ayaw na matapos na itong coronavirus? Natural yun. Kaso ang problema natin, we think our sufferings now are inconsistent with our being children of God. Tagapagmana tayo ng kaharian ng Diyos, tapos ganito ang mararanasan natin? Wala bang exemption for the children of God?

Kaya mahalaga itong susunod na section, vv. 18-25, na pag-aaralan natin in two parts. Actually inisip ko yung sermon series dito magsimula sa v. 18, to give us biblical perspective sa mga sufferings ngayon. Pero maganda nga na mula sa v. 1, para mas makita natin ang sufferings natin in light of God’s plan of salvation. Actually mas maganda kung simula chapter 1! Maybe some other time gawin natin ‘yan, Lord willing. For now, tingnan natin itong vv. 18-21 at ano ang itinuturo sa atin dito tungkol sa maganda at malaking disenyo ng Diyos sa mga sufferings natin ngayon na kung paniniwalaan natin at panghahawakan natin ay makakatulong sa atin na patuloy na magtiis–at magtiwala at umasa at manabik sa araw na we will “be glorified with him” (8:17). 

“The glory that is to be revealed to us” (8:18)

Dito sa v. 18 ay sinasagot ni Pablo yung tanong na bakit hindi inconsistent ang mga sufferings natin ngayon sa pagiging mga anak natin ng Diyos, bakit kailangan nating tanggapin ito bilang bahagi ng plano ng Diyos–mabuting plano ng Diyos–para sa kanyang mga anak. Heto ang sagot, heto ang dahilan, “For I consider that the sufferings of this present time are not worth comparing with the glory that is to be revealed to us” (8:18). My translation: “Sapagkat itinuturing ko na ang mga paghihirap sa panahon ngayon ay hindi karapat-dapat maihambing sa kaluwalhatiang mahahayag sa atin.”

Itinuturo sa atin dito ni Pablo yung biblical perspective sa sufferings na natutunan din niya. “For I consider…” Sa Greek ay logizomai, to reckon, count or decide. Ginamit ito nang paulit-ulit kung paanong “itinuring” tayo ng Diyos na matuwid–bagamat di tayo matuwid (3:28; 4:3-28). Sa 6:11 naman ay yung duty natin na ituring ang sarili natin na patay na sa kasalanan. Dito naman sa 8:18 ay kung paano natin dapat tingnan ang mga sufferings natin. Hindi ito dapat batay sa personal na opinion lang, o wishful thinking, o kung ano ang popular view. Dapat merong careful deliberation, merong ebidensiya. Hindi yung paghusga na hindi iniintindi kung ano ang facts and reality. Sinasabi dito ni Pablo na patungkol dito merong siyang strong assurance, walang duda. At ito rin ang gusto niya na maging response natin.

This is not to deny, or minimize, or trivialize our sufferings. Haharapin natin ang mga paghihirap na dinaranas natin, di natin tatakasan pero dapat matutunan din nating ikumpara ito sa buhay na nakalaan sa atin in the future. Dapat magkaroon tayo ng tamang “time perspective” – dapat alam natin kung anong oras na ngayon, ano yung panahon ngayon. Yes, maraming sufferings, plural ‘yan. Samo’t sari. Buti kung maliliit at simple lang. Pero paano kung napakabigat na? Paano kung patong-patong na? Paano kung pakiramdam mo hindi mo na kaya? Remember na yung sufferings na ‘to ay “of this present time.” Ibig sabihin, darating ang arar na these will be over. Yehey! Sasabihin natin. Tapos yung iba sasabihan ka, “Wag kang mag-alala, matatapos din ‘yan. Baka mas okay na yung 2021. Ganyan talaga ang buhay, parang gulong, minsan sa ibaba, minsan sa ibabaw. Things will get better soon.” Sarap pakinggan! Pero unhelpful. Bakit? How do you know na mas okay ang 2021? How do you know na yung sakit ng kapatid mo ay gagaling? How do you know na bukas ay magiging okay din ang lahat? You don’t know that! Sa halip na makatulong ka, maybe panandaliang comfort ang maialok mo, but eventually pag magsink in ang reality, mas lalo lang ‘yang madidiscourage. 

Ang tinutukoy dito ni Pablo na “present time” ay hind yung “at the moment.” Ito yung kasalukuyang panahon natin ngayon na matatapos lang sa pagbabalik ni Cristo. Yes, everything will be all right for God’s children in the future. Pero yung future na yun ay maaaring hindi pa bukas o sa 2021. Pero garantisado na mangyayari sa pagbabalik ni Cristo. Eto yung “the glory that is to be revealed to us.” Eto yung tinutukoy niyang we will be glorified with Christ sa v. 17. Ngayon sanctification pa, kasama diyan yung sufferings as means of sanctification ni Lord sa atin. Wala pa yung glorification ngayon. Yes, in a way nararanasan at natitikman na natin yung preview and foretaste of that glory now. Pero meron pa ring kasalanan, meron pa ring struggles sa relationship natin wtih God, hindi pa buo ang kagalakang meron tayo. But one day, in glory, we will experience sinless perfection, unhindered intimacy with God, perfect righteousness, unending joy in the presence of God. 

This glory will be “revealed to us.” Ipapakita, ipapahayag. Yan ang ibig sabihin ng apokalupto. Yung nakatago, tatanggalin ang takip. Makikita nang malinaw. Pero hindi ito parang nanonood lang tayo, spectators lang. No. Pwede ring translation nito, “will be revealed in us.” Mararanasan natin, matitikman kung ano itong glory na ‘to. Hindi ito baka sakali lang. Tulad ng mga fake news ngayon. Ise-share sa Facebook sasabihin di ko alam kung totoo ‘to, pero mainam nang mag-ingat. Pero ito, alam nating totoo. Di nga lang ganoon ka-obvious ngayon ang glorious reality ng pagiging children of God. Magiging obvious ‘yan pagdating ni Cristo. “Beloved, we are God’s children now, and what we will be has not yet appeared; but we know that when he appears we shall be like him, because we shall see him as he is”  (1 John 3:2).

Ang sinasabi dito ni Pablo, tinimbang niya, ikinumpara niya ang sinasapit natin ngayon sa makakamtan natin balang araw. Ang conclusion niya? “Not worth comparing” daw. Di karapat-dapat ihambing. Parang merong timbangan, on one side of the scale yung sufferings natin, mabigat, marami. On the other side of the scale ay yung “weight of glory”, hindi lang mas mabigat, nagmistulang balahibo ng manok ang gaan kung ikukumpara sa bigat at laki at ganda ng mararanasan natin sa pagbabalik ni Cristo. Mabigat na gumastos ako sa doktor ng 2,500 pesos, pero medyo gumaan nang makatanggap ako kinabukasan ng 5,000 pesos na love gift. Pero dito sa sabi ni Pablo, ang tatanggapin natin ay hindi lang doble nang nawala sa atin, but a billion times more. But we’re not talking here about monetary gain. Much more than that! “For this light momentary affliction is preparing for us an eternal weight of glory beyond all comparison”  (2 Cor. 4:17).

“The revealing of the sons of God” (8:19)

Now, pagdating sa v. 19, nagbigay si Pablo ng dahilan or basis sa sinabi niyang di karapat-dapat ihambing ang mga mga paghihirap natin ngayon sa kaluwalhatiang ipahahayag at mararanasan natin balang araw, why this “eternal weight of glory” is “beyond all comparison.” Lumiliit kasi ang paningin natin tuwing nararanasan natin ang matinding suffering. Inaanyayahan tayo ni Pablo dito na palakihin ang abot ng tingin natin, na tingnan natin ang nararanasan natin ngayon in light of God’s redemptive purpose for his whole creation. Concern siya sa ‘yo, he care specifically for you, pero may plano siya, hindi lang sa buhay mo, kundi sa lahat ng nilikha niya. Verse 19, “For the creation waits with eager longing for the revealing of the sons of God.” My translation: “Sapagkat ang sangnilikha ay masidhing inaasam ang inaantay nitong kapahayagan ng mga anak ng Diyos.”

So yung glorification na tinutukoy niya in the future ay tinawag niya ditong “the revealing of the sons of God.” Heto na naman yung word na “revealing”, na tulad ng sa v. 18. Galing sa salitang apokalupsis, na siyang pinagbatayan din ng book of Revelation. Sa pagbabalik ni Cristo, main feature siyempre ang revelation of Jesus, ang makita siya in all his glory. Pero dahil tayo ay nakay Cristo, kasama din tayo dun: “…provided we suffer with him in order that we may be glorified with him” (v. 17). Sa panahon ngayon, di naman ganun ka-obvious kung sinu-sino ang children of God at kung bakit glorious ang privileges natin as children of God. Pero sa araw na yun, magiging malinaw ang lahat.

At hindi lang tayo ang naghihintay sa araw na yun. “For the creation waits with eager longing…” Ano ang kabilang sa “creation” na tinutukoy niya dito (na siyang subject din ng v. 20, v. 21, v. 22, at v. 23? Malamang tumutukoy ito sa physical part of God’s creation. Hindi tayong mga Cristiano ang tinutukoy dito kasi nakabukod tayo dito sa v. 23, “not only the creation, but we ourselves.” Hindi rin kasali ang mga anghel kasi wala naman sila dun sa “bondage of corruption” na tinutukoy sa v. 21, lalo naman ang fallen angels kasi di naman nila kinasasabikan ‘yang araw na ‘yan. Yung mga unbelievers hindi rin kasali. So malamang na it is God’s natural creation.

Mas magiging klaro ‘yan as we look at vv. 20-22. So kasali sa “creation” na ‘to ay ang bundok, ang dagat, ang puno, ang mga hayop, at lahat ng nasa mundong ito–pati na rin ang ibang planeta sa buong kalawakan. 
Ito ang “sangnilikha” ng Diyos na sinasabi ni Pablo dito na naghihintay at masidhing inaasam yung pagdating ng araw na mahahayag ang kaluwalhatian natin bilang mga anak ng Diyos. Personification ang tawag dito. Kasi wala namang buhay itong sangnilikha para masabik sila at maghintay. Nagpapahiwatig ito ng ganda at laki ng plano ng Diyos. Yung expression nga na ginamit ni Pablo redundant yung mga words – waiting, longing, waiting eagerly with eager expectation kung mas literal na isasalin. Hindi papasa ito sa writing workshop! Kasi kulang ang salita para i-express yung ganitong klaseng pananabik. Yung bang sabik na sabik na excited na excited pa! Hindi lang ito yun bang sandali ka lang nasabik tulad ng isang bata, tinanong mo, “Ano ang kinasasabikan mong matanggap na regalo sa birthday mo?” Isang araw ang sagot, Lego. Tinanong mo ulit, bike naman. Paiba-iba. Pero itong plano ng Diyos, regalo ng Diyos sa mga anak niya karapat-dapat kasabikan hindi lang ngayon kundi hanggang sa araw na makamit natin ito. 

At hindi lang tayo ang nasasabik dito (8:23, 25), buong nilikha ng Diyos! Paalala ito sa atin na oo nga’t personal ang pagliligtas sa atin ng Diyos, pero hindi ito maliit, it is cosmic in scope! God’s plan of redemption does not just include you and me – but the whole cosmos. Merong pagpapanumbalik na mangyayari, hindi lang ng relasyon mo sa Diyos, kundi ng original intention ng Panginoon sa lahat ng kanyang nilikha. Ang intensyon ni Pablo dito ay hindi lang ituro na totoo nga na meron tayong katiyakan sa end-time promises ng Diyos, “but to highlight or magnify the greatness of it” (Charles Hodge). Kasi ang liit ng pagtingin natin sa plano ng Diyos. When we are suffering now, para bang mas makukuntento na tayo kung maayos na ang lagay natin ngayon, o maiibsan na ang sakit na nararamdaman natin ngayon. But God’s plan is much bigger than you or your family or your church. Ang tanong, kinasabikan mo rin ba yun tulad ng sangnilikha ng Diyos na sabik na sabik na sabik na dumating ang araw na yun?

Ano ang dahilan kung bakit sinabi ni Pablo na ang sangnilikha ng Diyos ay sabik na sabik na sabik sa pagdating ng araw na yun? Yung dahilan ay binanggit niya sa vv. 20-21.

“The freedom of the glory of the children of God” (8:20-21) 

“For the creation was subjected to futility, not willingly, but because of him who subjected it, in hope that the creation itself will be set free from its bondage to corruption and obtain the freedom of the glory of the children of God.” Sa MBB, “Nabigo ang sangnilikha, hindi dahil sa kagustuhan nito, kundi dahil itinulot iyon ng Diyos. Gayunman, nagbigay rin siya ng pag-asa na ang lahat ng nilikha ay pinalaya ng Diyos upang hindi na ito mabulok, at upang makabahagi ito sa maluwalhating kalayaan ng mga anak ng Diyos.”

At mahahati itong dahilan na ‘to sa tatlo. Yung una, nabigo ang sangnilikha, subjected to futility. Merong nasira sa ganda ng nilikha ng Diyos. May maganda pa rin kaya nung lumabas kami ng anak ko para maghanap ng doktor, nakasakay kami sa motor, dumaan sa tulay, maya-maya ang sabi niya, “Ang ganda ng creation ni God, no?” Yes, may ganda pa rin. Pero marami ang nasira. Merong pagkabulok (“bondage to corruption”).
Paano nangyari ‘to? Yun yung ikalawa, ang Diyos nagpailalim sa buong sangnilikha sa ganitong kabiguan o pagkasira. Not willingly, sa part ng created order ng Diyos. Pero sa mga fallen angels at sa ating mga tao, willingly ang ginawa nating pagrerebelde sa Diyos. Pero sa ibang part of creation, nasira din dahil sa kasalanan ng tao. Hindi si Satanas ang maygawa nito. Ang Diyos ang nagpailalim sa creation sa isang sumpa. Sabi ng Diyos kay Adan,

Dahil nakinig ka sa iyong asawa, nang iyong kainin ang ipinagbawal kong bunga;dahil dito’y sinusumpa ko ang lupa, sa hirap ng pagbubungkal, pagkain mo’y magmumula. Mga damo at tinik ang iyong aanihin, halaman sa gubat ang iyong kakainin;sa pagod at pawis pagkain mo’y manggagalingmaghihirap ka hanggang sa malibing. Dahil sa alabok, doon ka nanggaling, sa lupang alabok ay babalik ka rin.

Gen. 3:17-19 MBB

Nasumpa ang lupa at ang iba pang bahagi ng nilikha ng Diyos dahil sa kasalanan ni Adan. Hindi ito ang kalagayan ng mundo dati. At buti na lang hindi rin ganito ang magiging kalagayan ng mundo sa dulo. Ito yung pangatlo, hindi pa tapos ang Diyos. Merong pag-asa. Ginawa ito ng Diyos for a glorious purpose. Yun ang nakasulat sa v. 21. Pero bago natin tingnan yun, basahin muna natin ang isinulat ni John Piper sa Coronavirus at si Cristo (chap. 6):

———————————

SA KATUNAYAN, ANG KASALANAN ANG PINAGMULAN ng lahat ng paghihirap sa mundo. Makikita sa ikatlong kabanata ng Bibliya kung paano pumasok ang kasalanan sa mundo. Ipinapakita rito na ang kasalanan ang pinagmulan ng mga kasiraan at kahirapang nararanasan sa buong mundo (Genesis 3:1–19). Nagbigay si Pablo ng summary nito sa Romans 5:12: “Ang kasalanan ay pumasok sa sanlibutan sa pamamagitan ng isang tao, at ang kamatayan ay pumasok sa pamamagitan ng kasalanan. Dahil dito, lumaganap ang kamatayan sa lahat ng tao sapagkat ang lahat ay nagkasala.”

Naging masama na ang kalagayan ng mundo simula noon. Masisilayan pa rin natin ang kagandahan sa mundo, ngunit nahaluan na ito ng kasamaan, ng mga sakuna, ng mga sakit at ng mga kabiguan. Perpekto ang paglikha ng Diyos sa mundo. “Pinagmasdan ng Diyos ang lahat niyang ginawa, at lubos siyang nasiyahan” (Genesis 1:31). Totoong marami tayong nasaksihang mga kamangha-manghang bagay sa kasaysayan. Ngunit mula noong mahulog ang tao sa kasalanan hanggang sa mismong araw na ito, ipinapakitang larawan ng kasaysayan natin ang sunud-sunod na parada ng mga bangkay—na para bang nasa isang conveyor belt.

Hindi itinuturing ng Bibliya na natural lang ang pagkasirang ito. Sa halip, ito ang judgment o paghatol ng Diyos sa mundong punong-punô ng kasalanan. Inilarawan ni Pablo sa ganitong paraan ang idinulot ng hatol ng Dios sa mundo dahil sa kasalanan (sa Romans 8:20-22).

Pagkabigo. Pagkaalipin sa pagkabulok. Pagdaing. Ang mga ito ay larawan ng patuloy na pagkasira at kahirapan na dinaranas ng lahat ng tao sa buong mundo mula nang pumasok dito ang kasalanan. At sinasabi ni Pablo na ang kasiraang ito ay dulot ng paghatol ng Diyos: “The creation was subjected to futility…because of him who subjected it in hope” (8:20). Hindi si Satanas ang maygawa nito. Hindi si Adan ang maygawa nito. Ang Diyos. Pero, “nagbigay rin siya ng pag-asa.” Tulad ng sinabi ni Pablo sa Romans 5:16, “Sapagkat hatol na kaparusahan ang idinulot matapos na magawâ ang isang pagsuway.”

Totoong ang nakasulat dito ay full of hope—“maluwalhating kalayaan ng mga anak ng Diyos” (Romans 8:21). Merong napakagandang plano ang Diyos para sa isang new creation, kung saan ay “papahirin niya ang bawat luha sa kanilang mga mata” (Revelation 21:4). Ngunit sa ngayon, tayong lahat ay nasa ilalim ng kanyang judgment. Ipinailalim niya ang mundo sa kamatayan, sakuna at paghihirap.

Oo, maging ang kanyang sariling mga anak—tayong mga “pinili niya…upang maging anak niya” (Ephesians 1:5), tinubos sa pamamagitan ng dugo ng kanyang Anak (v. 7), at itinakda niyang tumanggap ng buhay na walang hanggan (v. 18) —maging tayo ay naghihirap at namamatay dahil sa parusang dulot ng pagpasok ng kasalanan. “At hindi lamang ang sangnilikha, kundi tayong mga tumanggap na ng Espiritu bilang unang kaloob mula sa Diyos ay dumaraing din habang hinihintay natin ang paghahayag ng ating pagiging mga anak ng Diyos at ang pagpapalaya sa ating mga katawan” (Romans 8:23). Tinatangay din ng tsunami ang mga Cristiano. Pinapatay din ng mga terorista ang mga Cristiano. Dinadapuan din coronavirus ang mga Cristiano.

Pero iba ang kahulugan nito para sa mga Cristiano—silang mga yumakap kay Cristo bilang kayamanang higit sa lahat o supreme treasure. Nararanasan natin ang mga ganitong paghihirap at sakit hindi dahil pinaparusahan tayo ng Diyos. Hindi ito condemnation. “There is therefore now no condemnation for those who are in Christ” (Romans 8:1). 
“Hindi tayo pinili ng Diyos upang bagsakan ng kanyang poot” (1 Thessalonians 5:9). Namamatay tayo sa sakit at sakuna tulad din ng lahat ng mga tao. Ngunit para sa mga nakay Cristo, ang “kamandag” ng kamatayan ay tinanggal na (1 Corinthians 15:55). “Ang kamatayan ay pakinabang” (Philippians 1:21). Ang pagpanaw sa mundong ito ay nangangahulugang “makapiling ni Cristo” (v. 23).

—————————-

Napakalaki, napakaengrande ng future na nakalaan sa mga anak ng Diyos. Sa sobrang laki nito, pati ang buong nilikha ng Diyos ay makakabahagi dito. Kung paanong sa araw na yun ay palalayain na tayo completely sa lahat ng kasalanan, lahat ng kahirapan, at sa kamatayan–eto yung “the freedom of the glory of the children of God”–ang buong nilikha din ay makikihati at makikibahagi sa kalayaang iyon. Palalayain ang buong nilikha ng Diyos sa umaalipin at sumisira dito. Kabahagi sila sa pagliligtas na gagawin ng Diyos para sa atin na mga anak niya.

The Practical Doctrine of the Fall and Restoration of Creation

Isang paraan para magpatuloy tayo sa pagtitiis at manatiling matatag sa gitna ng mga kahirapang dinaranas natin–personal sufferings man o global sufferings–ay kung mauunawaan nating mabuti ang tungkol sa redemptive plan ng Diyos. Maganda ang pagkakalikha niya sa lahat. Pero nasira ito dahil sa kasalanan. Hindi lang si Adan at Eba ang bumagsak, pati lahat ng tao hanggang ngayon ay kasama nilang bumagsak. “All have sinned and fall short of the glory of God” (Rom. 3:23). At hindi lang mga tao, kasama din ang lahat ng bahagi ng nilikha ng Diyos sa pagbagsak at pagkasira. Ang Panginoong Jesus lang ang hindi bumagsak. He is the perfect and fullets expression of the glory of God. Pero sa mundong ito ay naranasan din niya ang kahinaan at kahirapang dulot ng sumpa sa nilikha ng Diyos. Tiniis niya ang lahat ng hirap hanggang kamatayan sa krus para palayain tayo sa pagkakaalipin sa kasalanan at ipanumbalik ang relasyon natin sa Diyos. Kasama sa bunga ng paghihirap ni Cristo ay ang pagpapanumbalik ng buong nilikha ng Diyos sa magandang intensyon niya para dito–kasama tayong mga Cristiano to reflect the glory of our Creator and Redeemer forever and ever. 

Anumang sufferings mo ngayon, tingnan mo in light of that big Story. Hindi yung kuwento lang ng buhay mo ang iintindihin mo. Yes, kailangan nating matutunan how to deal with our sufferings now. We will talk more about specific personal response next week. But for now, let this text deal with our limited perspective on suffering. Na mas maging malawak ang pagtingin natin. Hindi pamilya lang natin, hindi church lang natin, hindi lang yung ABS-CBN, not just our country, not just the world. But the whole creation. So, God’s plan of redemption is not just for us individual Christians, or for the whole church, or the global church, or universal church of all ages. But for the whole created order. Let us put our sufferings on that perspective. Not to deny it, not to minimize it, not to trivialize it, but to see it in light of God’s redemptive plan. At masabi rin natin natin tulad ni Pablo yung v. 18, “For I consider that the sufferings of this present time are not worth comparing with the glory that is to be revealed to us.” Pati yung 2 Cor 4:17, “For this light momentary affliction is preparing for us an eternal weight of glory beyond all comparison.”

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

A WordPress.com Website.

Up ↑

%d bloggers like this: