Sa panahon ng pandemic, makakatulong sa atin to reflect on the value and meaning of life. Di naman kasi natin alam kung magkakasakit din tayo dahil sa virus. Kahit sobrang ingat ka pa. Siyempre mas mainam na sumunod at mag-ingat para mas safe. Pero nasan ang guarantee natin? Lahat naman tayo pwedeng magkasakit. Lahat tayo eventually mamamatay din. “…even the wise die; the fool and the stupid alike must perish” (Psa. 49:10).
It is one thing to come face to face with the reality of death, it is another thing na magkaroon ng “bahala na” mentality tulad ng ibang mga Filipino. “Kung magkakasakit, magkakasakit. Kung mamamatay, mamamatay. Bahala na!” This is common and it seems like parang survival instinct nating mga Pinoy. But it is foolishness. We must not just think of our everyday life. Oo, dapat nating isipin ang immediate future – for our sake and for our family’s sake – pero mas higit pa rin nating dapat pagtuunan ng atensyon ang “eternity” na naghihintay sa atin.
Lahat tayo mamamatay. Lahat tayo haharap sa Diyos. “Why should I fear in times of trouble” (v. 5) – tama ngang yung mga may takot at tiwala sa Diyos ay di dapat katakutan ang araw ng sakit, paghihirap at kamatayan. Pero yung ang tiwala nila ay wala sa Diyos at nasa kayamanan at sarili nilang kakayahan, dapat lang na matakot (v. 6). Bakit? “Truly no man can ransom another, or give to God the price of his life, for the ransom of their life is costly and can never suffice, that he should live on forever and never see the pit” (vv. 7-9).
Kung mayaman ka, madiskarte ka, yes you can prolong your life, and you can afford yung malaking gastos sa ospital para mag-survive ka. Pero mamamatay ka pa rin. Haharap ka pa rin sa Diyos. Kahit gaano karami ang pera mo, o kahit gaano karami ang ginawa mong kabutihan sa pagtulong sa mga mahihirap, di mo masusuhulan ang Diyos. Hindi uubra ang bribery para matakasan mo ang parusa niya sa impiyerno at makaligtas ka’t mapunta sa piling niya sa langit. He is perfectly just and righteous. Nakakatakot yun.
At the same time, that is also comforting. Para sa atin na ang tiwala ay nasa Diyos. “But God (this is the good news of the gospel, but God!) will ransom my soul from the power of Sheol (the place of the dead, na dito ay tumutukoy sa eternal destruction), for he will receive me” (v. 15). Napakalaki ng halaga ng buhay ng isang tao, napakalaki rin ng kailangang pambayad para matubos tayo mula sa laki ng parusang naghihintay sa atin. “No man can ransom” (v. 7), “but God will ransom” (v. 15). Sa tao imposible, sa Diyos walang imposible (Mark 10:27).
Merong nagbayad, isa lang ang pwedeng magbayad. Si Jesus – tunay na Diyos, tunay na tao. “There is only one mediator between God and man, the man Jesus Christ” (1 Tim. 2:5). Naparito siya “to give his life as a ransom for many” (Mark 10:45). Sino yung “many” na yun? Those who repent of trusting in their riches, power and religiosity and put their trust in Jesus alone for salvation. Ngayon, alam nating “we are ransomed…not with perishable things such as silver or gold, but with the precious blood of Christ” (1 Pet. 1:18-19).
Oo, mag-iingat pa rin tayo at aalagaan ang kalusugan natin, at iintindihin din ang kapakanan ng iba. But we face this crisis not with fear or despair, but with hope and confidence na ang buhay natin ay nakay Cristo. At kung anuman ang mangyari, Christ is our life here and now, and for all eternity. So, sa halip na magtiwala ka sa sarili mong yaman o diskarte, o sa pamilya mo, o sa gobyerno natin, put your trust in Christ alone.
And as you trust him, “we’re supposed to give ourselves wholly to him—body and soul. And it means we trust God through thick and thin, through the good and the bad times, in life and in death” (Tim Keller). Ito ang ibig sabihin ng sagot sa unang tanong ng New City Catechism, “Ano ang tangi nating pag-asa sa buhay at kamatayan? Na hindi tayo ang may-ari sa sarili natin – katawan at kaluluwa – sa buhay man o sa kamatayan; tayo ay sa Diyos at sa ating Tagapagligtas na si Jesu-Cristo.”
